Share

Chapter 4: In or Out

Isang push up lang niya, nawala na siya sa itaas ko. Nanatili akong nakahiga dahil bukod sa masakit ang pang-upo at likod ko, masakit din ang dibdib ko. Pakiramdam ko napisa ang mga ito dahil sa pagkakadagan niya. 

"My glasses." aniya.

Saka ko lang napansin na hindi na niya suot ang salamin niya. Nahanap ko itong nakahandusay rin sa lapag, katabi ng ulo ko, basag.

Pumalantik siya tapos ay bumuntong hininga. Yumuko siya para kunin iyon na sa pag-angat niya, naglaglagan ang mga basag na parte nito. 

Hindi ko kasalanan 'ayan, ha!

Tinitigan niya lang iyon sa kamay niya, sinusuri kung ano pa ang nasira. Pero nang matanggap niya sa sarili na hindi na niya magagamit pa iyon, lumakad siya sa trash can at tinapon na.

"Get up now," tuwid na utos niya. Hindi man lang nag-alok ng kamay para tulungan ako. 

Tinuruan ba 'to ng GMRC noong elementary siya? May ganoong subject ba sa private school? Character Education? Mayroon 'yon, sigurado!

Ugali nga naman ng mga anak mayaman. Tangina!

Dahan-dahan akong umupo. Independent woman naman ako kaya kong itayo ang sarili ko. Magbubulag-bulagan na lang ako na nadiyan siya sa harapan ko, nakatayo at pinapanood lang ako. 

Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Can't you just leave? I'll call the security and report you for entering here!" Pananakot ko sa kaniya pero hindi ko nakuha ang gusto kong reaksyon sa kaniya. 

"Stand up. We're still not yet done talking." 

"My body hurts!" sigaw ko. 

Shit naman! Napaka-insensitive! Hindi ba niya naisip na natumba ako at natumba pa siya sa akin? Pagkatapos kong maramdaman ang paghampas ng likod ko sa sahig, hampas naman ng katawan niya ang inabot ko!  Kung kasal na siguro kami, baka tinawag na akong battered wife sa sinapit ko ngayon!

Dumaan ang guilt sa mukha niya. Kumurap-kurap siya pagkatapos ay nagbuga ng hangin. 

"I'm sorry," aniya sa kalmadong tono na hindi ko alam kung aatras na ba ang galit ko o magpapatuloy.

"I was annoyed when you said I had no balls as if you're stepping onto my ego. I saw that fall coming but I just don't want to give you a hand," dagdag pa niya. 

Kaya napagdesisyunan kong ituloy ang galit sa kaniya. 

"Asshole!" Bulyaw ko!

Padabog akong tumayo nang hindi ko na masyadong maramdaman ang sakit ng katawan. Bumalik ako sa lababo at tiningnan ang likod sa salamin. 

Patay ako kapag may dumi 'to. Hindi pa naman 'to akin. 

Buti na lang wala. Wala naman kasing dumi sa sahig.

"There's no dirt but a lot of germs on the floor transferred onto your back now." 

Pairap na tiningnan ko siya. Anong magagawa niya kung puro germs na nga ako? Lalabhan niya ba 'tong damit ko? Paliliguan ba niya ako? 

"And what can you do with it?" 

Tumaas ang dalawang kilay niya. 

"Why are you asking me that? You tripped on your own. You even pulled me and got my glasses broken. You should be the one to apologize." 

Ang sarap niyang sapakin!

Ang mukha niya, parang si Aldrio sa sobrang guwapo pero ang ugali, parang kay Hugo! 

"You suddenly appeared in front of me, kaya nabunggo kita at nawalan ako ng balanse!" 

"Pinipigilan kitang lumabas dahil balak mong gumawa ng katangahan!" 

Marunong siyang magtagalog? Marunong naman pala, nage-English pa 'ko! 

Then again, naalala ko ang mga bilin ni Lucas. English speaker nga pala si Elysia.

"You want me to do something, right? Then this is the something!" sigaw ko.

Umiwas siya saglit at pumalantik. Mabibigat ang hakbang na lumapit siya sa akin. Binagsak niya ang kamay sa lababo nang makalapit. 

"I told you to tell it to your father alone. Kung hindi siya pumayag, make him! Mas pakikinggan ka niya dahil babae ka! My parents doesn't care whether I agree with this or not because I have nothing to lose if this marriage fails... Except for the company."

Tumaas ang sulok ng labi ko. Ginaya ko ang posisyon niya. Tinukod ko rin ang isang kamay sa lababo pero ang isang kamay, nilagay sa baywang.

"You tell it to your parents. Be a man!" 

Na-offend siya sa sinabi ko kaya napapikit siya at pinasadahan na lang ng daliri ang buhok. 

Umiwas siya ng tingin. "You don't know anything," mahinang sinabi niya.

Natawa ako. Sabi niya kanina, family tradition daw nila ang paga-arrange ng kasal. Kapag ganoon ba bawal baliin iyon? Napapanood ko lang ang sitwasyon niya sa mga palabas pero hindi ko akalaing totoo pala talaga ang mga ganoon.

"That's why I am going to tell it to them now."

"Forget it!" Tumingala siya at huminga nang malalim. Binalik niya ang tingin sakin. "Just forget it. Don't tell anything to them." seryosong sinabi niya na tinaliman pa ako ng tingin bago.

Inabot niya ang alcohol spray sa gilid ng gripo at humarap ulit sa akin.

Sinenyasan niya ako tumalikod. Tumaas naman ang dalawang kilay ko. May phobia ba siya sa mga germs? Parang napahiga lang naman ako sa sahig. Gumugulong nga ako sa putikan noong bata pa ako, eh.

Siya ang humawi ng ponytail ko nang tumalikod na ako sa kaniya gaya ng gusto niyang mangyari. Sinampay niya ang buhok ko sa kanang balikat ko at saka niya ako inis-pray-han ng alcohol sa buong likuran. Buti na lang may fragrance ang alcohol na 'to. Hindi na ko mag-aalala na babalik ako roon nang amoy alcohol.

"Let's go now," banayad na sinabi niya. 

Pagkabalik namin sa lamesa, kinwestyon na agad ang pagkakasabay naming dalawa. Malisyoso pa ang tingin ni Mrs. Melgarejo sa amin.

"What took you guys so long?" 

Sinulyapan ako ni Cosimo nang makaupo na siya sa pwesto niya kaharap ko. "We just had a small talk."

Sa loob ng CR ng babae.

Nahanap niya ulit ang mga mata ko. Walang emosyon na tumitig din siya sa akin. Inabot niya ang baso ng alak at sumimsim doon habang binibigyan ako ng side eye. Sa paraan ng pagtingin niya, para bang pinapaalala niya ang huling sinabi niya sa akin kanina. 

Ngumisi ako.

"Ah, Dad." Lumingon ako kay Lucas. Nang makuha ko na ang atensyon niya, binalingan ko naman ang mga Melgarejo. "Cosimo has something to say," nakangiting sinabi ko habang pinagmamasdan ang duwag na lalaking nasa harap ko.

Sino nagsabing madali akong kausap? 

"What is it, Cosimo?" tanong ng kaniyang ama.

Nakatingin ang lahat sa kaniya. Naghihintay sa kung anong sasabihin niya. 

Tumagal ang tingin ni Cosimo sa akin. Nang ibaba niya ang wine flute, saka lang siya umiwas para tingnan ang tatlong matatandang kasama namin.

"What we've talked about earlier was about this arrangement."

Nawala ang ngiti ko. Sasabihin na niya? Akala ko ba ayaw niya? Nagbibiro lang naman ako. Ini-expect ko na iba ang sasabihin niya. Gusto ko lang siyang pakabahin.

"What about it?" pag-aabang si Mr. Melgarejo.

Bigla namang sinipa ni Lucas ang paa ko kaya napabaling ako sa kaniya. Pansin ko ang pagngangalit ng bagang niya na para bang nagtitimpi. Pinandilatan niya ako. Halatang alam na niya kung anong sasabihin ni Cosimo dahil nga sinabi ko na sa kaniya na ayaw nitong ikasal sa akin.

Pero bakit parang kasalanan ko? 

"We agreed to call off this arrangement as we feel incompatible with each other," buo ang boses na sinabi niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tiningnan ang reaksyon ng mga magulang niya. Matagal silang hindi nakapag-react sa narinig. Sinulyapan ako ni Mrs. Melgarejo pero hindi alam kung anong sasabihin. 

Hanggang sa tumawa si Lucas, sinusubukang pagaanin ang hangin dito sa loob.

"It's just normal to feel that way because both of you aren't getting along yet. There's still a month for both of you to know each other. If it still didn't work then..." Tinanguhan niya sina Mr. and Mrs. Melgarejo. "We will cancel it."

Nahanap ko ang mga mata ni Cosimo na masama ang tingin sa akin. 

Dapat ba akong mag-sorry? Maganda nga 'to, eh. At least alam na nila na ayaw namin sa isa't isa. 

"What's wrong, Cosimo? Elysia is a fine woman. I thought she's passable for you?" takha ng ginang.

"Or maybe you still hasn't move on?" tanong ng kaniyang ama na kakababa lang ng baso. Seryoso siyang tinitingnan nito.

Walang emosyon na inangat ulit ni Cosimo ang kaniyang baso. "Let's not brought that up here, Dad," seryosng saad niya. 

Move on? Kanino? Sa ex niya?

"What about you, Elysia, Dear? Don't you like Cosimo? You both were childhood friends back then," si Mrs. Melgarejo ang nakahanap na ng sasabihin sa akin. 

Sinulyapan ko si Lucas. Dapat kasi 'yong anak niya ang nandito! Nadadamay tuloy ako sa kalokohan niya!

Ngumiti ako sa ginang. Binalingan ko si Cosimo na matamlay na ang mga mata habang nakatingin sa akin. Nakasandal siya sa upuan. Nilalaro na lang niya sa kamay ang basong may kaunting champagne habang ang isang kamay naman niya ay nagpapahinga sa lamesa. 

Napalunok ako. Anong isasagot ko? 

"Honestly, Tita. I like him... only as a friend." 

Nasipa na naman ako ni Lucas. Namimihasa na siya, ah! Mamaya siya sakin. Kahit matanda na siya, masusuntok ko talaga siya!

"Well. A lot of married people started from being friends," giit niya na tiningnan pa si Lucas para humingi ng pagsang-ayon. 

"You're right! Love doesn't form in a short period of time," gatong ni Lucas. 

Hindi ko na alam kung saan patungo ang usapin na 'to. Pwede bang sabihin na lang nila na 'oh sige, cancel na natin 'to' para tapos na? Ang dami pa nilang dada!

Tumuwid ako ng upo. Napatingin sakin si Cosimo pero hinintay ko munang umalis ang tingin ng iba sa akin bago ko siya sinenyasan. Pinandilatan ko siya. Sinulyapan ko pa ang mga magulang niya para ma-gets niya kung anong gusto kong iparating. Pero nagbaba lang siya ng tingin sa kaniyang baso. 

Ano? 'Di niya ipipilit na i-cancel 'to? 

Huminga ako nang malalim. "Uh, Cosimo said that he really wants to get out of this. He doesn't like me." 

Tumikhim si Lucas. Sa sulok ng mata ko, pansin ko ang pagsilip niya sa kaniyang relo. 

"I forgot. I have a meeting today," mahinang sinabi niya na parang nagpaparinig lang. 

Diretso ang tinginan namin ni Cosimo sa isa't isa. Hindi man lang nabago ang ekspresyon ng mga mata niya nang marinig ako. Pero napansin ko ang paggalaw ng kaniyang panga. 

Suminghap si Mrs. Melgarejo kasabay ng paglingon niya sa anak. "You said that?!" gulat niya.

Umingay ang pagkakausod ng upuan ni Mr. Melgarejo nang tumayo siya. 

"Maybe we can schedule another meeting for this matter, Lucas. We need to give them time to make up their mind," aniya. 

Tumayo na rin si Lucas. 

"And if they didn't, we will cancel this, Celesterio?" seryosong tanong ng ginang. 

Nang mahanap ko ang mga mata ni Cosimo, nasugatan ako sa tingin niya. 

Sumulyap sa akin si Mr. Melgarejo. "Of course we will,"aniya. 

Naging sakit sa ulo ang mga nangyari pa pagkatapos noon. Akala ko makakapagpahinga na ang utak ko nang umalis kami sa Casa de Saros. Iyon pala, magsisimula na naman ang kalbaryo ko sa loob ng kotse ni Lucas. 

"Akala ko ba tutulungan mo 'ko? Bakit mo ako nilubog kanina?!" inis na inis siya. 

"Nag-away kami sa banyo! Isipin mo 'yon, pumasok siya sa pambabaeng banyo para lang kausapin ako!"

Kumunot ang noo niya. "Nag-usap lang kayo?" 

"Medyo nagtalo kami!" Napupuno na 'ko. "Bakit kasi pinapagawa mo sakin 'to, eh, hindi naman ako pumayag dito! Itigil na lang natin 'to! Ayaw kong madamay, Lucas!

"Nakalimutan mo na ba kung gaano kaimportante sakin 'to?

"Nakalimutan mo na rin bang wala akong sinabing tutulungan kita?" 

Tumaas ang kilay niya na parang hindi makapaniwala sa narinig. Nag-iwas siya ng tingin. 

"Alright! Ayaw mo akong tulungan? Oh sige. Mahalaga sa akin ang negotiation ko sa mga Melgarejo kaya kung hindi mo ako tutulungan, baka nga hindi talaga kita kaibigan. We should end our friendship right here, Liana." 

Natawa ako. Mukha talaga siyang pera! 

"Oh sige. No problem! Ako lang naman itong nakikinig ng talambuhay mo na halos naging parte na ng trabaho ko sa club."

Hindi naman masakit sakin na hindi na niya ako kakaibiganin dahil sa negosyo niya. Alam ko naman ang ganiyan. Kapag wala kang maitulong, hindi ka na belong. Sa 19 years kong nabubuhay, ganyan na ganyan ang ugali ng mga kaibigan ko noong high school. Nakakatawa lang kasi pambata pa rin ang ugali niya kahit kalahati na ng century ang tanda niya. Kaya siguro wala siyang ibang close friend.

Nang pumatak na ang araw ng Linggo, naghanda na ako sa pagkikita namin ni Hugo. Pinuntahan ko siya sa lagi niyang tinatambayang Derama Casino. Bitbit ang messenger bag na naglalaman ng limpak-limpak na pera, pumasok ako sa VIP room kung nasaan siya. 

Naabutan ko ang umuusok na kwarto. Nasa bilugang lamesa siya kasama ang apat na kalaro. May hawak siyang baraha habang may sigarilyo sa bibig. Agad bumaba ang tingin niya sa bag ko nang makita ako. Alam na niya kung anong sadya ko rito kaya sinenyasan niya akong maupo muna sa sofa na naroon at hintayin siyang matapos. 

Lumapit ang isang alagad niya sa akin at kinuha ang bag. Inekspeksyon nila iyon na para bang kaya kong maglagay ng pampasabog sa loob. 

Ilang saglit pa, napatayo si Hugo at sumigaw. Hindi ko maintindihan ang pagtatalo nila pero pansin kong mataas na ang pagkakapatong ng mga pamato ng kalaban habang wala nang natira sa kaniya. 

Natapos ang laro nila nang siya ang dineklarang talo. Buti nga!

Isang kumpas lang ng kamay niya, lumapit na ang kaniyang alagad bitbit ang bag ko. Nilapag iyon sa lamesa at pinakawalan ang mga bugkos na pera. 

"Bilangin mo!" iritadong utos niya sa tauhan. "Ay hindi. Alis ka diyan! Grade 1 lang tinapos mo... Bogart! Ikaw ang magbilang dito!" pagbabago ng isip niya. 

Lumapit ang isa pang alagad niya at binilang na nila iyon. Hanggang sa...

"Boss, kulang," anunsyo ni Bogart. 

Napatayo ako. "Anong kulang? Tama nga ang bilang mo, eh. 80 thousand!" 

Bumaling si Hugo sakin na hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha. Dahan-dahang binaba niya ang sigarilyo mula sa bibig at pinagpag ang upos sa ashtray. 

"Hindi ka nagbayad last week. May penalty 'yon. Sampung libo." Tinuro niya ang mga pera ko. "Kulang 'to," aniya. 

Sampung libo? 

"Ang laki namang penalty no'n!" reklamo ko. "Wala na akong pera pandagdag diyan!" 

Padabog na tumayo si Hugo at binato sa lamesa ang sigarilyo niya kahit na hindi pa naman iyon ubos. Dinuro niya ako, halatang nawawalan ng pasensya. 

"Dadagdagan mo 'to o gigibain ko ang bahay niyo?"

Gago talaga! 

"Nagbayad naman ako, ah! Hindi ko lang alam na may penalty!" 

Dinampot niya ang bag ko na wala nang laman sa lamesa at binato iyon sa akin. Tumama ito sa mukha ko. Masakit, kahit na hindi naman gawa ang bag sa matigas na material. 

Nilingon niya ang kaniyang mga tauhan. "Tawagan niyo si Gibo. Kung di kayang gibain ang bahay, sunugin niya kamo!"

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso. Nang magsitakbuhan ang ilan sa mga alagad niya palabas habang ang isa naman ay naglabas ng cell phone. Para akong hihimatayin. 

"Hugo, 'wag mo gawin 'yan. Y-Yung sampung libo ihahabol ko na lang." Lumapit ako sa kaniya. "Babayaran ko na lang bukas. O hindi kaya ay mamaya! Mamaya ko ibibigay. Ihahabol ko!" 

Nagbingi-bingihan siya. Lumabas sila dito sa kwarto dala na ang binayad ko kaya hinabol ko sila. Hinigit ko ang kamay ni Hugo pero tinulak ako ng tauhan niya. 

"Hugo! Please, maawa ka naman! Magbabayad nga ako!" sigaw ko sa kaniya habang naglalakad kami palabas nitong Casino. 

Hindi ko alintana ang mga taong nasa paligid habang nagsisisigaw ako sa pagmamakaawa sa kaniya. Hangga't maaari, pipigilan ko siya. 

"Hugo!" Kinalampag ko ang bintana ng sasakyan niya nang nakapasok na siya sa loob. "Please lang. 'Wag mong gawin 'yan. Maawa ka sa Mama ko! Sa kapatid ko! Hugo!" 

Kinalampag ko pa rin ang bintana kahit na umaandar na iyon paalis. Para akong mababaliw nang iniwan na nila ako. Sinabunutan ko ang sarili sa sobrang inis. 

Tangina namang buhay 'to! 

Agad akong umuwi para mapigilan ko pa sila pero sobrang tagal dumating ng bus sa terminal! Nang dumating naman, ang tagal pang umalis dahil naghihintay pa ng pasahero! Kaya nang makauwi na ako sa amin, hindi ko na makilala ang bahay.

Parang gumuho ang mundo ko nang makita sina Mama at Angge na nakalumpagi sa lupa. Naroon si Aldrio at sinusubukang patahanin silang dalawa. Nakasalubong ko pa ang mga gumiba nitong bahay pero hindi ko na kinumpronta dahil nag-aalala ako  sa pamilya ko. 

Ang bahay namin, bagsak na. Ilang bagyo na ang nilampasan niyan, sa tao lang pala magigiba. 

"Lian!" tawag ni Mama nang makita ako. 

Nagkukumpulan ang mga kapitbahay namin sa paligid. Wala naman kaming kasundo sa kanilang lahat maliban kina Aldrio kaya imbis na tulungan kami, pinagchichismisan pa. 

Pinalis ko ang luha at tiim-bagang na lumapit sa kanila. Napabaling ako sa isang banda kung saan naroon ang saklay ni mama, bali na. 

Tangina mo talaga, Hugo!

"Doon muna kayo sa bahay, Liana," alok ni Aldrio. 

Nilunok ko ang kahihiyan sa pagpayag na doon muna pagpahingahin sina Mama. Panay ang iyak nila sa sobrang takot at panghihinayang sa bahay. Ilang beses pa nila akong tinatanong kung bakit daw ba ginawa iyon at kung sino ang mga taong gumawa. 

Nanatiling tikom ang bibig ko habang nag-iisip sa kung anong gagawin. Hindi naman kami pwedeng manatili rito kay Aldrio kahit pa isang gabi. Sa liit ng bahay nila na walang kwarto, wala nang sahig para sa amin. 

Nagbuga ako ng hininga at tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Aldrio. 

"Diyan lang sandali."

Lumakad ako palayo sa bahay hanggang sa makarating sa eskinita. Agad kong tinawagan ang numero ni Lucas habang wala pang taong dumadaan. 

"Bakit ka napatawag?" may galit pa rin ang boses niya. 

"Pumapayag na ako sa plano mo! Tutulungan na kita! P-Papakasalan ko na si Cosimo!" naiiyak na sinabi ko dahil sobrang desperasa na.

Tulungan mo lang ako ngayon, Lucas. Mas malaking tulong ang igaganti ko sa'yo. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status