Share

Calyx 2

"Heart, bilisan mo!" sigaw ko sa kaniya nang tumigil ito sa pagtakbo. Hingal na hingal ito habang nakahawak sa mga tuhod niya ang parehong kamay nito.

"Badtrip naman kasi e. Sabin haharapin ko pa sila e," reklamo nito. Napakat ito sa ulo niya tsaka padabog na ibinaba ang kamay niya.

"Nandoon sila!" sigaw niya Josh. Nakaturo pa sa amin ang damuho.

Patakbong binalikan ko si Heart nailang metro lang ang layo sa akin. Hinawakan ko ang pulsuhan nito tsaka pwersahang hinila.

"Kung hindi mo sana pinatulan ay hindi tayo hahabulin." 

Napa-irap lang ito sa sinabi ko. Nag-agawan kasi sila ni Josh sa sandwich ice cream. Walang may gustong magpatalo sa dalawa kaya sila nagtalo. Ang masama pa ay napikon si Heart at sinuntok sa ilong si Josh. May kanting dugo na sumirit mula sa ilong nito kaya kami ngayon hinahabol dito sa kakahuyan, sa likod ng parke. Kilala ko si Josh, walang awa ka nitong bubugbugin hanggang sa mahina ka at mawalan ng malay.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status