Share

Lifeless Heart
Lifeless Heart
Penulis: emeringgggg

Prologue

Penulis: emeringgggg
last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-27 15:17:12

Habang naglalakad ako pauwi sa bahay namin ay hindi nakakatakas ang mga masasamang tingin na ibinabato sa akin ng mga tao sa barangay.

"Hayan na naman yung batang salbahe. Porke mayaman kala mo kung sino kung mambastos," bulong ng isa naming kapitbahay sa kaniyang kaibigan. 

Napailing na lamang ako sa mga inaasta nila. Kada pupunta kami dito sa probinsiya ay ganiyan ang mga nangyayari. Parang may dala akong sakit na nakakahawa dahil madalas akong iwasan ng mga tao, kasali na ang mga matatanda.

"Ma, kailan ba tayo uuwi sa Manila? Napakapangit ng mga ugali ng mga kapitbahay nila lola. Parang may malala at nakakahawa akong sakit kung makatingin at makaasta sila sa akin," sumbong ko sa sandaling makarating ako sa bahay nila lola at nadatnan ko siyang naka-upo sa sofa set na gawa sa kawayang binarnisan. Malaki ang bahaynila lola pero makaluma. Yung mga bintana niyon ay sliding na gawa sa kahoy. May pito itong mga silid. Anim doon ay silid nila mama at ng mga kapatid niya samantalang ang pinakamalaking kwarto doon ay kina lolo at lola. 

"Hayaan mo na apo. Ganyan talaga ang mga iyan kada nakakakita ng mga dayo," sabat ni lola na kagagaling lamang sa kusina. May dala itong juice at mga pagkain tulad ng suman at iba pa na sila-sila rin ang gumawa.

"Lola, ilang taon na po kaming pabalik-balik dito. Magaling lang naman sila kapag hingian ng pasalubong e hindi naman sila kasali sa budget e," napailing si lola sa sinabi ko na sinabayan niya ng mumunting halakhak. 

Tiningala ko ang gawi ni mama. Humihingi ng opinyon niya. Pero umiling lamang ito. Napabuntong hininga na lamang ako doon at agad tinahak ang daan tungo sa silid namin nila mama. Ingat na ingat akong humahakbang sa hagdan dahil pakiramdam ko ay bibigay ito kapag hindi ako nagdahan-dahan. Kahit pa ilang ulit nilang sinasabi sa akin na matibay ang mga partes ng bahay dahil alagang-alaga ito.

Kung ayaw sa akin ng mga kapitbahay, edi ayaw ko rin sa kanila. Walang pilitan dito ano, nasa demokrasya tayo. 

Nakatitig ako sa kisame ng silid kung saan kami namamalagi kada uuwi kami dito. Ayon kay mama ay ito ang silid niya noong kabataan niya. Luma na ito kung iaayon sa mga kwento-kwento sapagkat kabataan pa ni lola ito itinayo pero mukha itong bagong tayo na makaluma ang disenyo . 

MABILIS kong tinakbo ang pagitan namin ni Josh at malakas ko itong sinipa. Dahil sa lakas ng pagkakasipa ko ay napadapa ito sa damuhan ng parke at napaubo.

"Tangina kanina ka pa nakikialam ah. Dayo ka lang naman dito ah!" bulyaw niya sa akin habang pinipilit ang sariling tumayo mula sa pagkakasubsob sa damuhan. 

"Gago ka eh. Ano? Porke mas malaki yang katawan mo sa kanya may karapatan ka ng i-ganyan siya? E hindi mo nga iyan pinapakain tapos sinasaktan mo pa?" balik na bulyaw ko sa kaniya. Akmang susuntukin ko sana siya nang tuluya na itong makatayo ng tuwid pero may tinig na umalingawngaw di kalayun sa amin na dahilan ng pagkatigil ko.

"Anong nangyayari jan?" galit na tanong ng isang babaeng nakasuot ng dress na pambahay na lampas sa tuhod ang haba. Ito kadalasan ang suot ng mga matatanda sa probinsiya lalo na kapag summer. "Bata ka! Dayo ka lamang dito pero kung umasta ka ay akala mo naman ay teritoryo mo na ito." dinuduro niya ako ng walis na bitbit niya.

Halata ang galit sa mukha ng matanda. Halos magsalubong na ang kilay nito. 

"Hay naku! Kaya naman pala ganyan ang ugali ng anak kasi mana sa ina." walang galang at parinig kong sagot. Mas lalong kumunot ang noo ng ina ni Josh. Mukhang mas lalo itong nagalit dahil sa paraan ko ng pananalita.

"Aba! Bastos na bata to ah. Hoy, baka gusto mong ipa-pulis kita?" Lumuhod ito upang magpantay kami. Halatang tinatakot lang niya ako dahil iyon lagi ang linyahan ng mga tita ko kada nagpapasaway ako. Wala namang dumadating kahit ipagpatuloy ko ang kakulitan ko kaya wala iyong epekto sa akin. 

"Gosh! E di gawin mo. Kahit patawagin mo lahat ng mga kaninuninunoan mo," taas-noong sumbat ko sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay nakatingin na lahat ang mga tao sa amin. Ang mga nakakita sa buong eksena ay marahil nasa side namin ng batang pinagtatanggol ko pero ang mga bagong dating lang naman ay baka sa kabilang banda sila. Ganun naman yun eh. Tao bilang tao, mga bugok!

Napuno na marahil ang matanda dahil sa pananalita ko sa kanya. Itinaas nito ang kanang kamay at akmang sasampalin ako nang may tumawag sa pangalan ko na naging dahilan upang hindi niya ito naituloy.

Napalingon kami sa gawi ng tumawag sa pangalan ko. Si Kuya Chase iyon. Nagpalabas ng malalim na hininga ang matanda na parang kanina pa niya ito pinipogilan ang paghinga. Minamaliit ba niya ang kapatid ko at iniisip na hindi niya ako maililigtas nito? Napangiti ako ng bahagya sa isiping iyon. 

Sa sandaling tumingin ulit ito sa gawi ko ay malakas kong hinawi ang pulsohan niya at gagamitin ang sarili niyang palad sa pananakit sa sarili niya pero pinatigas niya ang kamay niya, dahilan upang hindi ko matuloy ang balak ko. 

Gayunpaman ay napatingin pa rin siya sa ibang direksiyon. Hindi niya iyon nakitang paparating. Hindi niya nakita ang kabila kong kamay na palapit sa pisngi niya na naging dahilan pang mapatingin siya sa ibang direksiyon. Maliit lamang ang palad ko pero sapat na ng lakas niyon upang masaktan siya. Sinamaan niya ako ng tingin dahil doon.

Bago pa maan makabawi ang matanda ay hinila ko na ang bata na binubully ni Josh kanina na katulad ko ring dayo dito at mabilis na tumakbo palayo doon. Mabuti na lamang at nagpahila ito sa kin kahit pa hindi pa kami magkakilala. Ni ang mga pangalan namin hindi namin alam. 

NAPAUPO ako mula sa pagkakahiga nang maay maramdamang malambot na bagay na marahas at paulit-ulit na ihinahampas sa mukha ko. Nang makabalik ako mula sa pagkakabalikwas ay masama kong tinignan ang pangahas na iyon. 

"Kuya Chase naman e! Natutulog yung tao e!" Sigaw ko sa kaniya habang ginugulo ang sarili kong buhok. Mukhang nagustuhan niya ang ginawa niya sa akin dahil napakalaki ang ngisi nito sa akin.

"Tanga kakain na," bulong niya. Natatakot itong marinig nila mama ang pagtawag niya sa akin ng 'tanga'. Luminga-linga ako sa paligid upang tignan kung nagsasabi ba ito ng totoo. Hindi nga ito nagsisinungaling dahil madilim na sa labas. Tanging ang mga ilaw sa kalsada na lamang ang nagbibigay liwanag sa labas. Agad akong tumayo sa kama at hinabol siya. Nang palabas na siya sa pinto ay hinila niya ito upang magsara na naging dahilan ng pagka-untog ko doon. Medyo nahilo ako dahil doon. 

Maluha-luha kong pinilit tumayo at naglakad pababa upang kumain. 

"O, anyare sayo?" tanong sa akin ni lola habang naglalakad ako palapit sa mesa. Hinihilot ko pa ang masakit at mamula-mulang noo ko.

"Si Kuya hinampas ako ng unan, malakas tsaka bigla niyang sinara ang pintuan nang hinabol ko siya kaya masakit ang ulo ko. Nauntog doon," sumbong ko habang nakanguso. 

Tumingin si lola sa gawi ni kuya at bahagya itong umiling. "O siya, umupo ka na diyan at kumain. Pagkatapos mo ay gamutin natin yang noo mo."

Sinunod ko ang nais ni lola. Magkatapat ang upuan namin ni kuya na matalim na nakatingin sa akin dahil sa pagsusumbong ko. Kumuha ko ng pagkain na sa tingin ko ay kaya kong ubusin at inilapag ito sa platong nasa harapan ko. Ayaw na ayaw kasi ni lola ang nagtitira ng pagkain sa plato kaya kinukuha lamang namin ang kaya naming ubusin. Iba pa naman kung magalit si lola.

Akmang isusubo ko na sana ang unang kutsara ng pagkain ko nang matigilan ako dahil may matigas na bagay at malakas itong tumama sa paa ko.

"Aray!" sigaw ko. Napatingin lahat ng tao sa hapag habang ako naman ay nabitawan ang kubyertos na hawak ko. Dinaluhan ng sarili kong mga kamay ang paa kong medyo namamaga na. 

"Bakit?" tanong ni lola na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. 

"W-wala po. May kumagat lang sa paa ko." Napapikit ako sa pagsisinungaling sa kaniya at upang indahin na rin ang sakit sa paa ko.

Umiling na naman ang matanda pero pinagpatuloy rin ang pagkain kalaunan. Maging ako ay kumain na rin. 

Matapos kaming kumain ay nagligpit si mama ng mga pinagkainan, ang mga pinsan ko naman ay nagkanya-kaniyang akyat sa mga kwarto nila, ang mga tito at tita ko naman ay lumabas upang magpahangin samantalang ako naman ay hinila ni lola papasok sa silid niya kung saan naroon ang mga gagamitin niya sa paggamot ng noo ko. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama. Binuksan niya ang drawer sa bed side niya at inilabas doon ang kulay dilaw na box na naglalaman ng mga paunang lunas.

"Lola, pwede po bang dito ulit ako matulog?" nguso kong tanong. Dito ako madalas natutulog kada may nakakaaway ako sa mga pinsan ko. Gayundin kapag kami naman ni Kuya.

"Kailan ba kayo mag-aayos ng kuya mo? Lagi na lang kayo nag-aaway. Hindi ba kayo napapagod?" Napabuntong hininga si lola habang may kung anong ipinupunas sa noo ko. Nagkibit balikat ako. Maging ako ay hindi ko rin alam ang sagot. Siya rin madalas ang sumbungan ko. Sa totoo lang ay mas alam pa ni lola ang problema ko kaysa kay mama.

"Siguro kaya ayaw ng mga kapitbahay sa akin ay dahil sa nangyari noon no, lola? Mali naman po kasi yung anak niya e. Gusto ko lang tulungan yung batang inaapi noon," ang panaginip ko kanina na nakaraan ko ang tinutukoy ko. Matagal ng panahon iyon pero hindi pa rin nawawala sa isip ng mga tao iyon. Para itong mantsa sa isip nila na hindi mawala-wala.

"Nasa napakamurang edad ka pa noon, apo. Sa paningin ng mga tao, dapat sa gayong edad ay hindi dapat lumalaban sa mga matanda o nanunumbat. Totoo ngang mali ang inasta mo pero mali rin ang hindi paghukay ng katotohanan bago gumawa ng konklusiyon. Tsaka hindi mo kailangang pagsisihan ang ginawa mo kung sa tingin mo ito ang tama. Desisyon mo iyon kaya hindi iyon mali." Seryoso si lola. Malimit lang ito magseryoso sa akin kaya taimtim akong nakinig sa kaniya.

Kumunot ang noo ko sa salaysay ni lola. "Paano po naging mabuting desisyon iyon kung sarili mo lang ang nagdesisyon. Paano naman po kung may nasaktan ka sa desisyong iyon?" tapos na siya sa pagaasikaso ng noo ko. Binuhat niya ako at dinala sa kusina. Pinaupo niya ako sa kahoy na upuan kung saan siya madalas umuupo kada kakain. Kinuha niya ang toothbrush ko at nilagyan iyon ng toothpaste bago ibinigay sa akin. Tinanggap ko iyon at tiningala siya. Naghihintay ng sagot niya sa sinabi ko.

"Alam kong matalino kang bata, Heart. Pero hindi ibig-sabihin nyon ay mauunawaan mo na ang lahat. Hayaan mo at kapag lumaki ka na ay sigurado akong mauunawaan mo din ang lahat. Sa ngayon ay magsipilyo ka muna at nang makatulog na tayo ng maaga. Maaga pa tayo bukas para mag-ikot sa farm," sabi niya habang hinahaplos ang likod ng ulo ko. Malaking ngiti naman ang iginawad ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Gustung-gusto ko ang maglakad-lakad sa farm pero iba ang saya ko kapag kasama ko si lola. 

Itinigil niya ang paghaplos sa buhok ko naglakad patung sa stool na madals nilang tuntungan kapag umaabot ng mga matataas na bagay. Agad nya akong binuhat at nilagay doon. Agad kong sinunggaban ang toothbrush ko nang mailagay nya ako sa upuan at ikuskos iyon sa ngipin ko ng may ngiti sa labi. Samantalang siya naman ay nakatayo malapit sa akin at pinapanood ako. Pakiramdam ko ay safe ako kapag kasama ko siya. Kada malapit siya sa akin ay pakiramdam ko ay walang mangangahas na manakit sa akin. Siya ang safe place ko. Siya ang lahat ko. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Lifeless Heart   Calyx 6

    Ang sabi nila, blood is thicker than water. Literally, totoo ito. Kung ibabase sa malalim na ibig-sabihin nito, naniniwala pa rin ako. Napagpasyahan ko nang ituloy ang matagal ko nang plano. Ang paghihiganti sa taong dahilan ng pagkawala ng pamilya ko. Magmula nang mamatay si Caleb ay nawala sa katinuan si mama. Samantalang si papa naman ay iniwan kami ni mama dahil nga tuluyan nang nabaliw si mama. Hindi rin naman niya ako nais kunin dahil ayaw na ayaw niya sa akin simula't sapul. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang rason."Caleb! You okay?' tawa ni Lizette. Iwinawagayway pa nito ang kaniyang kamay sa harapan ko. Napabuga naman ako ng masaganang hangin bako tumango nang walang kagana-gana. "Kaninang second period ka pa wala sa sarili at tulala. May problema ba?" bakas ang pag-aalala sa mukha nito gayun na rin sa tono ng pagbitaw niya ng mga salita."W-wala naman," maikling sambit ko habang mahinang ipinagdadasal na sana ay hindi na ito magtanong."I see," anito. Para

  • Lifeless Heart   Calyx 5

    Ang araw na iyon ay lumipas na akala mo ay wala lang. Walang nangyari. Nakakapag-usap na sina Lizette at Heart pero may ilangan ang dalawa sa isa't isa. Pinapansin pa in ako ni Heart katulad ng dati at may ngiti sa labi. Hindi ko maiwasang kilabutan sa inaakto niya. Hindi ko rin kasi alam kung totoo ba ang ngiti at kabaitan na ipinapakita niya sa akin o hindi. Parang sincere kasi ang mga akto niya . Walang bahid ng panloloko rin ang mukha niya. Maging ang mga mata nito na kung saan ay doon daw makikita kung nagsasaad ba ang isang tao ng katotohanan o hindi ay walang mababakas na pag-aakinlangan sa akto niya. "Calyx, Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Lizette. Pinapagitnaan na nila ako ngayon ni Heart. Nasa kanan ko si Heart at sa kaliwa naman si Lizette. "That will be your proper sitt from now on until the end of this academic year," imporma sa amin ng adviser namin. Tumango na lang din ako kay Lizette bago tumingin sa gawi niya. Hindi

  • Lifeless Heart   Calyx 4

    "Heart!" tawag ko sa kaniya habang naglalakad ito sa hallway papasok sa silid - paaralan namin. May hawak itong makakapal na libro. Nakangiting humarap ito sa akin. She is a transferee. Binubully ito sa dating paaralan na pinapasukan niya kaya inilipat siya rito. Hindi niya sinabi sa mga magulang niya ang tungkol sa mga pambubully sa kaniya sa dati nitong paaralan pero may isa itong kakalse na nagsusumbong sa ina niya. Kinausap ng ina nito si Tiya Janice na rito na lamang ipagpatuloy ni Heart ang pag-aaral niya. Mas matino kasi ang karamihan sa mga estudyante sa probinsiya kumpara sa siyudadd ayon pa sa ina ni Heart. "Grade 12 ka na rin 'di ba?" tanong nito. Nakangiti pa rin ito sa akin. Para naman akong nahipnotismo sa ngiti nito at tumango na may ngiti. Gayunpaman, yumuko ako nang sa gayon ay hindi nito makita ang ngiting sumilay sa bibig ko.&

  • Lifeless Heart   Calyx 3

    "Grabe 'yong takot niyo sa matanda. Nagkalanat pa talaga kayo ah," kantyaw ko sa dalawa habang naglalakad kami pababa ng bundok. Matpos ang pananakot na iyon ay agad tumalima ang matandang lalaki upang kumuha ng tubig at bimpo. Kabado ito at halata ang paghingi ng pasensiya sa banayadng pagpunas. Pinakain at pina-inom niya sina Caleb at Heart ng gamot. Maging ako ay pina-inom niya rin. Ayon sa kaniya ay mas magandang unahan nag namin. Pinatuloy kami sa iisang kuwarto kasama sila. Mas magandang sa iisang silid na lang daw kami upang mabantayan niya kaming lahat. Ang matandang kasama raw kasi niya ay may mga pinapa-abot kahit pa malalim na ang gabi. Patuloy niyang sinisisi ng sarili niya sa nangyari. Kung hindi raw niya marahil kami tinakot nang todo ay hindi ito mangyayari. Ilang beses ko namang sinasai na hindi niya iyon kasalanan dail naabutan kami ng ulan kanina sa labas. Kinaumagahan ay bumaba na rin ang lagnat ng dalawa

  • Lifeless Heart   Calyx 2

    "Heart, bilisan mo!" sigaw ko sa kaniya nang tumigil ito sa pagtakbo. Hingal na hingal ito habang nakahawak sa mga tuhod niya ang parehong kamay nito. "Badtrip naman kasi e. Sabin haharapin ko pa sila e," reklamo nito. Napakat ito sa ulo niya tsaka padabog na ibinaba ang kamay niya. "Nandoon sila!" sigaw niya Josh. Nakaturo pa sa amin ang damuho. Patakbong binalikan ko si Heart nailang metro lang ang layo sa akin. Hinawakan ko ang pulsuhan nito tsaka pwersahang hinila. "Kung hindi mo sana pinatulan ay hindi tayo hahabulin." Napa-irap lang ito sa sinabi ko. Nag-agawan kasi sila ni Josh sa sandwich ice cream. Walang may gustong magpatalo sa dalawa kaya sila nagtalo. Ang masama pa ay napikon si Heart at sinuntok sa ilong si Josh. May kanting dugo na sumirit mula sa ilong nito kaya kami ngayon hinahabol dito sa kakahuyan, sa likod ng parke. Kilala ko si Josh, walang awa ka nitong bubugbugin hanggang sa mahina ka at mawalan ng malay.

  • Lifeless Heart   Calyx 1

    Sa isang puno malapit sa sapa, naroon sina Heart at Caleb. Masaya ang mga ito habang tinatanaw ang malinaw na agos ng sapa. "Kita mo 'yon?" dinig kong tanong ni Heart kay Caleb. May itinuturo ito sa sapa. Luminga-linga naman ang sakali sa direksiyon na itinuturo ng babae. "Asan?" patanong na sagot Caleb habang patuloy parin sa paglinga. "Doon o. May isda, hulihin mo dali!" Sambit ni Heart habang pumapalakpak sa pagkasabik. Umiling naman sa kaniya ang lalaki. "Badtrip naman, mahirap 'yan. Kita mo ngang wala akong panghuli jan eh. Tsaka ang liliit ngmga kamay ko," sabi naman ni Caleb habang pinapakita kay Heart ang maliit nitong kamay. Napanguso na lamang ang babae sa sinabi ni Caleb. Napa-ing ako sa kanila. Naglakad ako palapit sa dalawa. "Hayaan niyo a iyon," pag-agaw ko sa pansin ng dalawa. Napatingin naman sila sa akin at sana ngumiti. "Calyx!" sigaw ni Heart tsaka patakbong lumapit sa akin. Agad ako nitong ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status