Home / Romance / Lihim na Pagnanasa (SSPG) / Kabanata 6 - Session

Share

Kabanata 6 - Session

Author: Saevris
last update publish date: 2026-08-20 18:29:45

Elysia Mireille Severino’s Point of View

Pagdating namin kaagad sa kaniyang condo, ibinaba niya sa countertop ang mga pinamili namin. Tinulungan ko na rin siya sa pagbubuhat lalo na ‘yong mga gamit ko, dahil ‘yon lang ang kaya kong buhatin, at inilapag ‘yon sa sofa.

Napasulyap ako sa air conditioner. Magmula nang pumasok kami rito sa kaniyang condo, malamig na rito. Medyo napaisip tuloy ako kung pinapatay niya ba ‘to sa tuwing lalabas siya, o kung ano.

Bigla kong naramdaman ang kaniyang presens
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 6 - Session

    Elysia Mireille Severino’s Point of ViewPagdating namin kaagad sa kaniyang condo, ibinaba niya sa countertop ang mga pinamili namin. Tinulungan ko na rin siya sa pagbubuhat lalo na ‘yong mga gamit ko, dahil ‘yon lang ang kaya kong buhatin, at inilapag ‘yon sa sofa.Napasulyap ako sa air conditioner. Magmula nang pumasok kami rito sa kaniyang condo, malamig na rito. Medyo napaisip tuloy ako kung pinapatay niya ba ‘to sa tuwing lalabas siya, o kung ano.Bigla kong naramdaman ang kaniyang presensya na papalapit sa akin. Kaya humarap ako sa kaniya.“‘Yong session,” paalala niya na siyang nagpakurap naman sa akin.“Huh?”Tumigil siya sa aking harapan, at madilim ang kaniyang mga matang nakatuon sa akin. Napaatras naman ako.“A-anong session?” nauutal kong wika, at napalunok na lamang.Inilihis ko rin ang aking mga mata, at nagtangkang lampasan sana siya para magpunta sa kusina, ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng kaniyang bisig. Iniharang nito ang kaniyang bisig sa aking harapan,

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 5 - First Kiss

    Elysia Mireille Severino’s Point of View“Kumusta naman ang performance ko?” tanong ko kay Aeron, habang may nakaaasar na ngisi sa aking labi.Nasa isang restaurant na kami ngayon. Marami na rin naman kaming nabiling gamit ko. Hindi ko lang alam kung kasya ba ang mga ‘yon sa sasakyan niya.Nag-angat siya ng tingin, habang ngumunguya. Walang emosyon ang kaniyang mga mata, at mukha, ngunit nanatili lamang akong nakangisi sa kaniya.“Hindi ka ba sasagot? Ang daming tao rito,” sambit ko sa kaniya.Napaiisip kasi talaga ako kung naaalala niya pa ang usapan namin. ‘Yong kasunduan namin. Kasi ‘yon naman ang rason kung bakit ganito, hindi ba?“Good,” sagot niya lamang, at ibinalik na ang kaniyang atensyon ngayon sa kaniyang kinakain.Natawa naman ako nang mahina, at kumain na rin. May mga napatitingin din sa amin ngayon lalo na sa kaniya. Ngunit hindi nama ibig sabihin no’n ay kailangan ko ng maging cold sa kaniya.Hindi ko man alam ang rason kung bakit kailangan niya akong pakasalan, at kail

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 4 - Lucky

    Elysia Mireille Severino’s Point of View“‘Yong usapan natin,” paalala nito sa akin na siya namang ikinalingon ko sa kaniya.Tumigil ang kaniyang sasakyan. Nasa parking lot na kami ng mall ngayon. Hindi pa man kami nakabababa ng kaniyang sasakyan, halata na kaagad sa presensiya namin ang bigat.Umangat ang sulok ng aking labi. Lumingon siya, at saktong ipinilig ko naman ang aking ulo sa kanan.“Nakapirma naman na ako, Aeron. Huwag mong sabihing iniisip mong hindi ko ‘yon susundin?”Tinaasan niya lamang ako ng kilay, at tinanggal ang kaniyang suot na seat belt.“Stay here,” utos niya, at basta na lamang lumabas ng kaniyang sasakyan.Nang maisara niya ang pinto ng driver’s seat, saka naman ako natawa nang pagak. Nanginginig ang aking mga kamay, habang sinusundan siya ng tingin. Tinanggal ko na rin ang suot kong seat belt nang buksan niya ang pinto.“Thank you, honey!” maligaya kong sambit nang alalayan niya akong bumaba.Nakita ko sa kaniyang mukha ang pagtataka. Nagtama rin kaagad ang

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 3 - Contract and Condition

    Elysia Mireille Severino’s Point of ViewPagdating namin sa kaniyang condo, wala pa rin akong imik. Nananatiling inililibot ang aking mga mata sa buong paligid.Nang isara niya ang pinto ng kaniyang condo, saka lang nagtagpo ang aming mga mata.“Spill,” utos ko sa kaniya, at pinagkrus ang akong mga bisig sa aking dibdib.Nag-angat siya ng kilay sa akin, at nilampasan ako. Sinundan ko siya ng tingin, habang papunta siya ngayon sa kaniyang kitchen area.Hindi ako nagsalita. Hindi rin ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Nanatili akong nakatayo, at pinapanood siya.“Hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ang lahat?” nauubusan na pasensya kong tanong.Binuksan niya ang kaniyang fridge, at may kinuha na kung ano roon. Nang tumayo siya nang maayos, saka ko lang nakita ang kaniyang hawak.Avocado?“Nasabi ko naman na sa ‘yo kanina. You need to marry me. I need a wife. Hindi ka naman lugi rito, dahil wala ka namang gagawin kung hindi ay umakto na mahal mo ako.”Nalaglag ang aking panga. Kailangang um

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 2 - Wife

    Elysia Mireille Severino’s Point of ViewDoon na nalaglag ang aking panga. Hindi inaasahan na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ang sinasabi nina Mommy, at Daddy na Vieri.Inilihis niya ang kaniyang mga mata, habang ako ay naiwan na lamang na tulala.Nagsimula lang siyang maglakad papunta sa study room. Kaya sinundan ko lamang siya ng tingin, hanggang sa pumasok siya roon.“Ma’am, sasama po kayo sa kaniya. Ipinapatawag po ka po nila.”Marahas akong napalingon sa mayordoma ngayon na nakatingin sa akin. Walang makikitang emosyon sa kaniyang mga mata. Pormal pa rin, at alam kong ginagawa lamang niya ang kaniyang trabaho.“Ayaw ko!” sambit ko na tila natauhan na. “Bakit naman ako pupunta roon? Malinaw naman ang naging usapan namin!”Nang akma akong tatalikod sa kaniya, at lalabas na sana ng bahay, bigla na lamang na may humarang. Mga lalaki na hindi naman pamilyar sa akin. Kaya napasinghap ako.“Sino ba kayo?” tanong ko sa kaniya nang ako ay nakabawi. “Get out of my way!”Hindi sila uma

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 1 - Vieri

    Elysia Mireille Severino’s Point of View“Umutang kayo, tapos gusto niyo akong ipakasal sa kaniya para makapagbayad kayo?!” hindi makapaniwala kong tanong sa aking mga magulang. “Bakit ako ang magbabayad niyan?”“Ely, look. Sinubukan naming palaguin ‘yon, pero nalulong ang Daddy mo sa sugal.”Mariin akong napapikit. Nanginginig ang aking kalamnan sa kanilang mga paliwanag. Parang hindi ko kayang pakinggan ang rason nila.“We did our best. Hindi naman namin alam—”“Kasi nagpasilaw kayo sa pera!” singhal ko sa kanilang dalawa, at iminulat ang aking mga mata. “Tingin niyo ba ay mapapalago niyo ang perang hiniram niyo sa pamamagitan ng pagsusugal?!”Ano bang klaseng pag-iisip ‘yon?Inilihis ko ang aking mga mata. Humugot ako nang malalim na hininga.Napahawak ako sa aking noo, dahil parang sasabog na ‘yon.Wala ni isa ang nagsalita. Tanging mabibigat na paghinga lamang ang maririnig sa loob ng study room.“Kaya ba bumagsak ang mga business natin kasi pareho kayong nalulong sa sugal?” tano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status