ログインElysia Mireille Severino’s Point of View
“Kumusta naman ang performance ko?” tanong ko kay Aeron, habang may nakaaasar na ngisi sa aking labi. Nasa isang restaurant na kami ngayon. Marami na rin naman kaming nabiling gamit ko. Hindi ko lang alam kung kasya ba ang mga ‘yon sa sasakyan niya. Nag-angat siya ng tingin, habang ngumunguya. Walang emosyon ang kaniyang mga mata, at mukha, ngunit nanatili lamang akong nakangisi sa kaniya. “Hindi ka ba sasagot? Ang daming tao rito,” sambit ko sa kaniya. Napaiisip kasi talaga ako kung naaalala niya pa ang usapan namin. ‘Yong kasunduan namin. Kasi ‘yon naman ang rason kung bakit ganito, hindi ba? “Good,” sagot niya lamang, at ibinalik na ang kaniyang atensyon ngayon sa kaniyang kinakain. Natawa naman ako nang mahina, at kumain na rin. May mga napatitingin din sa amin ngayon lalo na sa kaniya. Ngunit hindi nama ibig sabihin no’n ay kailangan ko ng maging cold sa kaniya. Hindi ko man alam ang rason kung bakit kailangan niya akong pakasalan, at kailangan naming magpanggap, hindi ko na ‘yon itinanong sa kaniya. “May mag bibilhin pa ba tayo, honey?” malambing kong tanong sa kaniya. “Girlfriend niya nga!” bulong nang isang babae na medyo malapit sa amin. “Ibig sabihin, totoo ‘yong kumakalat kanina?” Hindi mabura ang ngiti sa aking labi lalo na nang marinig ko ang bulungan nila. Effective pala talaga ang ginagawa namin, ‘no? “Ano pa ba ang gusto mong bilhin?” tanong niya sa akin, at nag-angat na ulit ng tingin. “Jewerly?” “Groceries!” natutuwa kong sambit sa kaniya. “Kaunti na lang yata ang stocks mo ngayon sa condo mo?” “Not really.” Humaba ang aking nguso. Bumaba ang kaniyang mga mata sa aking labi. “What do you mean? Kaunti na lang ‘yon! Tiningnan ko kanina ‘yong fridge mo, saka pantry. Baka isang linggo na lang ‘yon. Ano ba ang gusto mo? Magutom tayong pareho roon? Puro na lang food delivery ang gagawin?” Napasinghap ang mga nakarinig sa aking sinabi, ngunit hindi ko sila nilingon. Umiling lamang ako, at nahugot nang malalim na hininga. Itinuon ko na rin ang aking atensyon sa aking kinakain, ngunit hindi inilihis ni Aeron ang kaniyang mga mata. Nanatiling nakatitig sa akin. “Live-in partner sila?” “Nasa tamang edad naman na sila, pero seryoso? Ngayon ko nga lang nalaman na may girlfriend si Aeron!” Sa totoo lang ay nagugustuhan ko ‘tong ginagawa namin ngayon. Hindi ko man alam ang dahilan, hindi nabubura ang ngisi ko. Sadyang pilit ko lang talagang pinipigilan. “Alam mo naman na madalas din akong magluto ng midnight snacks natin. Kaya alam na alam ko kung hanggang kailan lang ang stocks mo.” Napailing naman si Aeron sa aking sinabi nang salubungin ko ang kaniyang mga mata. “Fine. Bibili tayo mamaya after nating kumain.” “Bakit parang napilitan ka?” He licked his lower lip. Inabot niya ang kaniyang inumin, habang ako ay pinagmamasdan lang siyang uminom. Dumako ang aking mga mata sa kaniyang Adam’s apple. Medyo nanuyo rin ang aking lalamunan, dahil doon. Kaya ibinalik ko rin kaagad ang aking atensyon sa kaniya. “I’m not.” Umirap lamang ako sa kaniya. “Honey,” paglalambing nito na para bang sinusubukan niya akong sabayan sa aking ginagawa. Akala ko ba ay gusto niyang ipakita sa kanilang lahat na may karelasyon siya? Bakit parang ang cold, at napipilitan naman ‘tong lalaking ‘to? Hindi ko siya nilingon. Nanatili lang ang aking atensyon ngayon sa aking kinakain, hanggang sa matapos kami. Palabas na kami ng restaurant nang basta na lamang niya akong hinigit sa aking baywang. Kaagad ko siyang tiningala, ngunit ang pagdampi ng kaniyang labi ang sumalubong sa akin. Nagsimula ‘yong gumalaw. Hinahalikan ako sa mabagal, ngunit nakanginginig na hita na halik. “Hayaan mo akong ayusin ‘yon ngayon.” Nalaglag ang aking panga sa kaniyang sinabi. Lumayo na siya nang kaunti, ngunit hindi ako nakagalaw, dahil nanatiling nakatitig siya sa akin ngayon. Kalahating pulgada lang din ang layo ng kaniyang mukha sa akin ngayon. Sumikip nang bahagya ang aking puso. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” mahinang boses kong tanong sa kaniya. Ngunit imbis na sumagot siya sa aking naging tanong, binuhat lamang niya ako na parang bagong kasal lang kami. Nanlaki ang aking mga mata, at napahiyaw na lamang. Wala ng naging pakialam kung maraming nakatingin sa amin ngayon. Kumakabog din ang aking puso sa sobrang lakas, at hindi ko alam kung paano ko siya kauusapin ngayon. Nang matapos kaming mamili ng mga stock niya, sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit mo naman ako hinalikan kanina?!” Wala sa usapan ‘yong ganoon—ang humalik nang basta sa labi. Maiintindihan ko pa kung sa pisngi ko, pero sa labi? First kiss ko ‘yon! Nakatitig lang siya sa akin. Nakataas ang kaniyang kilay, at may naglalarong ngisi sa kaniyang labi. Umangat naman ang aking dibdib. Para akong nauubusan ng hangin ngayong nandito kami sa loob ng elevator. Wala rin ibang tao kung hindi ay kami lamang. “Bakit? Masama?” “First kiss ko ‘yon!” “And?” natatawang tanong nito. Mas lalo lamang na kumulo ang aking dugo sa kaniya. Saan pa siya nakakuha ng lakas ng loob na tumawa kung gayon na bumabalik na naman ang inis ko kanina? Hindi ko pa nakalilimutan ang ginawa ng mga magulang ko, tapos bigla na lang niyang dadagdagan? Nasisiraan ba siya ng bait? “Tingin mo maniniwala sila na may relasyon tayo kung hindi natin ‘yon gagawin?” Hindi ako nakapagsalita. Although, masama pa rin talaga ang aking tingin sa kaniya. Hindi na yata mawawala ang inis ko sa kaniya ngayon. Para lang naman niya akong pinaglalaruan, pero alam ko naman na susundin niya ang kasunduan namin. “Dapat nga ay mas madalas natin ‘yong gawin. Paniguradong may mga nakasunod ng media sa atin ngayon.” “Bakit ba kasi kailangan mong magpanggap?” Hindi siya nagsalita, lumapit lamang siya sa akin, at itinukod ang kaniyang siko sa dingding ng elevator. Malapit siya sa akin kaya medyo umatras ako, kahit pa wala naman ng space sa likuran ko. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin, habang ako naman ay pilit pa ring isinisiksik ang aking sarili sa dingding. Inilapat ko ang aking kamay sa kaniyang dibdib, at pinilit siyang lumayo sa akin. “Lumayo ka,“ nanghihina kong sambit, ngunit hindi ko napansin na naikuyom ko na pala ang aking kamay, at kumapit doon. “Gusto mo makita nila tayo sa ganitong posisyon, Mielle? ‘Yon ba?” napapaos na tanong ni Aeron. “Ang higpit ng pagkahahawak mo sa damit ko.” Nag-init ang aking mga pisngi sa kaniyang sinabi. Ngunit natawa lamang siya, at hinapit ako palapit sa kaniya. “Magkaroroon tayo ng session mamaya,” mababang boses nitong sambit. “Session?” Umangat ang sulok ng kaniyang labi. Bumaba ang kaniyang mga mata, hanggang sa natanto kong nakatitig pala siya ngayon sa aking labi. “Yes. Para masanay ka, at hindi mailang.”Elysia Mireille Severino’s Point of ViewNagising na lamang ako nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan niya, at nang lingunin ko siya, nagtama ang aming mga mata. Mula sa ilaw na nagmumula sa labas, bahagya kong naaaninag ang mukha ni Aeron.“Did I wake you up?” tanong niya, gamit ang mababang boses.Umiling naman ako nang bahagya, at kinusot ang aking mga mata nang kaunti.“Hindi naman. Mababaw lang talaga ang tulog ko,” napapaos kong paliwanag.Sinabihan niya akong umidlip muna, habang nasa biyahe kami pabalik ng Manila. Noong una ay tinanggihan ko pa, ngunit dahil medyo marami rin akong nakain kanina, nakaramdam ako ng antok.Dahan-dahan ko naman inabot ang seat belt, at tinanggal ‘yon. Pinatay naman ni Aeron ang makina ng kaniyang sasakyan, ngunit ang kaniyang atensyon ay nasa akin pa rin.“Gutom ka?”Ibinalik ko naman ang aking atensyon sa kaniya, at ngumiti. “Busog pa ako. Ang dami nating kinain kanina.”“Bumili ako ng chocolate chip cookies,” wika niya na siyang ikinakurap k
Elysia Mireille Severino’s Point of View “Ano ba dapat?” tanong ko sa kaniya, may nakalolokong ngisi sa labi niya.Sinubukan kong maging kalmado kahit papaano, ngunit sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pasimple kong kinurot ang aking daliri, at tinitigan siya, kahit na gusto ko na talagang ilihis ang aking mga mata.Biglang tumahimik ang buong paligid, habang nakikipagtitigan ako kay Aeron. Hindi ko alam kung dahil ba sa tensyon sa pagitan namin, o kung ano.“Alangan na sabihin kong pangit ka, kahit hindi naman?”“So, guwapo nga ako sa paningin mo?”Napakurap ako, at medyo natawa nang mahina nang tuluyan kong maintindihan ang gusto niyang iparating.Sa totoo lang, hindi ko na alam kung nagpapanggap pa ba kami ngayon, dahil kumikislap ang mga mata niya.Hindi ko rin maramdaman na pagpapanggap lang ang lahat ngayon lalo pa’t ang lakas ng kabog ng puso ko.“Kahit naman sino, magaguwapuhan sa ‘yo.”Dinilaan niya ang kaniyang ibabang labi, at ipinilig nang kaunti ang kaniyang ulo. Lumapit
Elysia Mireille Severino’s Point of View Sobrang init mukha ko nang lumabas ako sa sasakyan ni Aeron. Nang magtama ang aming mga mata, umangat ang sulok ng labi niya. Inalalayan pa niya akong makatayo nang maayos, ngunit hinampas ko lamang ang kaniyang dibdib.“Si Aeron ba ‘yon?”Napakurap ako nang maisara niya ang pinto ng kaniyang sasakyan. Hindi pa man kami nakalalayo, pero may nakakikilala na kaagad sa kaniya.“Hala! Oo! Siya nga!”Hinuli naman ni Aeron ang kamay kong humampas sa kaniyang dibdib, at hinawakan ‘to nang mahigpit.Hinigit naman niya ako palapit sa kaniya, at mabilis na hinalikan ang labi ko, kahit may nakatingin sa amin ngayon.“Fiancée niya yata ‘yon.”“May fiancée ba siya? Wala akong nabalitaan. Ang alam ko, single siya.”“Seryoso ka ba? Kalat ‘yon sa social media!”Nagsimulang gumalaw ang labi ni Aeron na siyang ikinasinghap ko. Kinuha naman niya ‘yong pagkatataon para ipasok ang kaniyang dila sa bibig ko na siyang nagpapikit sa akin nang mariin.Sinubukan kong t
Elysia Mireille Severino’s Point of View “Matulog ka muna,” saad niya, ngunit nakatitig lang ako sa kaniya, habang nagmamaneho siya.“Bakit ako matutulog? Unfair ‘yon sa side mo,” saad ko, dahil ‘yon naman talaga ang totoo.Sumulyap naman siya sa akin saglit, ngunit ibinalik kaagad ang kaniyang atensyon sa harapan. Nakapatong ang isang kamay niya sa gearshift, habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela.Medyo mabilis din ang kaniyang pagmamaneho, ngunit halata naman na nag-iingat siya. Isa rin siguro sa dahilan ay sports car ang gamit niya. Eh, magkaiba pa man din ang performance ng mga normal na sasakyan kung ikukumpara sa sports car.“Paanong naging unfair? It’s fine. Pagod ka sa trabaho,” paliwanag niya, pero umiling lang ako.Kinuha ko ang cellphone ko, at kinuhanan siya ng video. Ipo-post ko mamaya sa social media account ko kapag nakarating na kami sa Tagaytay. For safety reasons na rin kasi. Maraming nakakikilala sa kaniya kung ikukumpara sa akin.“Pagod ka rin naman,” kome
Elysia Mireille Severino’s Point of View “Ma’am, nandito na po si Sir Aeron. Papasukin ko po ba?” tanong ng secretary ko nang ilapag niya ang mga document na kailangan kong pirmahan.“Yes,” sagot ko naman, at ngumiti nang tipid sa kaniya. “Thank you.”Paglabas ng secretary ko, mabilis akong napasulyap sa digital clock na nasa gilid ng table ko, at napansin na alas kuwatro na pala ng hapon. Tama pala talaga siya sa sinabi niya. Kaya bahagya kong ipinilig ang ulo ko.Nang bumukas ang pinto, iniluwa kaagad nito si Aeron. Agad niyang hinanap ang aking mga mata. Inayos niya ang pagkatupi ng kaniyang sleeves nang maisara niya ang pinto.“Uuwi pa ba tayo sa condo mo?” tanong ko sa kaniya nang tumigil siya sa harapan ng aking table. “Or didiretso na kaagad tayo sa Tagaytay?”“Ikaw? Ano ba ang gusto mo?”Napakurap naman ako, at hindi makapaniwala na ako ang tatanungin niya kung gayon na dapat sa kaniya manggagaling ang sagot.Umupo naman siya sa bakanteng upuan sa harapan ng aking table, at t
Elysia Mireille Severino’s Point of View Napatitig na lang ako sa plato ko na kung saan ay punong-puno ng pagkain. Tinitingnan ko pa lang, parang alam ko na kaagad na hindi ko ‘to mauubos.“Uubusin ko kung hindi mo kayang ubusin,” pahayag niya na siyang nagpaangat naman ng aking tingin, at sinalubong ang mga mata niya. “Pero marami kang binili.”Umangat lang ang sulok ng kaniyang labi, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo sa kanan. Dumaan ang kislap sa kaniyang mga mata. Kaya napakurap ako, at nahigit ang aking hininga.“I know. Sinadya ko talaga, dahil baka marami kang kainin,” paliwanag niya, at naglagay ng pagkain sa kaniyang plato. “Pero kung hindi mo kayang maubos, ayos lang. I can finish that. Don’t worry.”Napatango na lang ako, at hindi na nagsalita pa. Medyo nabibingi na rin kasi ako sa tibok ng puso ko, at parang hindi na ako makahinga nang maayos. Kaya pinili ko na lamang na kumain nang tahimik, kahit na lalo akong naiilang sa katahimikan.“Maaga ang out ko mamaya,” anu







