FAZER LOGINNerisse Villareal’s Point of View
Nang lisanin nila kami rito sa loob ng silid, saka lang ako napakurap. Umatras ako nang ilang hakbang sa kaniya. Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan, at nakatingin lamang sa akin. “What the fuck?” gulantang kong sambit, at nasundan nang pagak na tawa. Naikuyom ko ang aking kamay, at ibinalik ang aking atensyon sa kaniya. Nawala na ang ngisi sa aking labi, at mariin lamang ang titig na ipinukol ko sa kaniya—sinusuklian ang paraan ng titig niya sa akin. “Busy, huh?” Kinagat ko ang aking ibabang labi, at umiling. Nag-init ang aking mga pisngi, ngunit nanatiling diretso ang aking titig sa kaniya. Sumulyap siya sa aking labi nang kagatin ko ‘yon. “At least inuuna ko ang fiancé ko,” komento ko. Nag-angat siya ng tingin, at nangunot ang kaniyang noo sa aking sinabi. “What about you? Ibang babae pa ang uunahin mo?” Hindi siya nagsalita. Gumalaw lang ang kaniyang panga, at humakbang nang mabagal papunta sa aking gawi. Tumayo ako nang maayos, pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Hinintay ko siyang tumigil sa aking harapan, hanggang sa nakatingala na ako nang bahagya ngayon. “Balak mo pang makipagkita sa ibang babae kaysa sa fiancée mo mismo?” “Hindi ko alam na ikaw ‘yon.” Umangat lamang ang sulok ng aking labi sa kaniyang sinabi. “Gagawin mo pa akong kabit—” “I’m just worried. Ang dami mong nainom!” Napailing lamang ako, at inilagay ang aking kamay sa kaniyang dibdib. Itinulak ko siya nang mahina, pero hindi siya nagpatinag. Inilapit niya lang nang kaunti ang kaniyang mukha sa akin. “That doesn’t change the fact that you’re worried to someone else rather than being worried to your fiancée, Lucien.” Nilampasan ko siya matapos kong sabihin ‘yon, pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagpulupot ng kaniyang bisig sa akin. “We’re still talking, woman.” Bigla niya akong ibinalik sa kaniyang harapan. Ang pinagkaiba lang ay isinandal na niya ako sa dingding, habang nakapulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang. Nakatukod din ang kaniyang siko sa taas ng aking ulo, at mariin akong tinititigan. “Baka tawagin na tayo,” saad ko. Pilit kong hindi ipinapahalata sa kaniya ang epekto niya sa akin. “Let them wait,” he whispered like a command. Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Nanuot ang kaniyang pabango sa aking ilong na pinaghalong mint na may sandalwood. Bahagya akong nanghina sa sobrang lapit niya sa akin, pero itinago ko ‘yon sa pamamagitan ng pagngisi. “I’m just trying to make sure you’re okay. Lasing na lasing ka kagabi.” “Tingin mo maniniwala ako sa paliwanag mo ngayon? Hindi pa kita asawa sa lagay na ‘yan, pero nagawa mo ng mag-alala sa ibang babae?” “I told you—” “Stop explaining your side, Lucien. Baliktarin mo man ang mundo, mas nag-aalala ka sa ibang babae kaysa sa pakakasalan mo,” putol ko sa kaniyang sasabihin. Inilapat ko ang aking kamay sa kaniyang dibdib, at itinulak siya. Sa pangalawang pagkatataon, hindi na naman siya natinag. Mas tumalim na naman ang titig niya sa akin, at inilapit pa ang kaniyang mukha hanggang sa kalahating dangkal na lamang ang layo niya sa akin. “Ganiyan ba ang gawain nang isang asawa? Kahit arranged marriage pa man ‘yan, hindi ka dapat ganito. You’re such an asshole!” “Alam mo ba kung sino ang lalaking pakakasalan mo?” tanong niya bigla. Mabibigat ang aking hininga ngayon. Nanginginig ang aking kamay na nasa kaniyang dibdib. Kagaya ko, mabilis din ang pagkabog ng kaniyang puso. “Hindi,” sagot ko kaagad. “Pero kahit hindi ko alam, hindi ko inuna ang ibang lalaki.” Umangat ang sulok ng aking labi. Malamig ang naging titig ko sa kaniya ngayon. Walang mababasang emosyon. “Kaya bitawan mo ako, bago pa kita masaktan.” “Do it and I’ll stop you in my own way.” Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Kaya nagkaroon siya nang pagkatataon para makapagsalita. “Hindi mo kaya?” hamon niya. Itinulak ko lamang siya ulit, pero mas lalo lamang siyang lumapit sa akin. Napapikit ako nang humagod ang kaniyang labi sa akin. “Lucien….” Nanuyo ang aking lalamunan. Pilit ko siyang inilalayo sa akin, pero ngumisi lamang siya sa naging reaksyon ko. “Marunong ka pa lang matakot?” Hindi ako nakasagot. Sa tuwing nagsasalita siya, humahagod ang kaniyang labi sa akin. Inilihis ko ang aking mukha, at tumingin sa kanan. Pero tumama ang kaniyang labi ngayon sa gilid ng aking labi. “Tumigil ka.” “I’ll punish my fiancée, Nerisse,” bulong niya gamit ang mababang boses. “I’ll shut her up.” Nanginig ang aking mga hita. Nahihilo na rin ako sa sobrang lapit niya sa akin, ngunit hindi ako nagpatinag. Tumawa lang ako, at hinarap siyang muli. “Ang kapal naman ng mukha mong gawin ‘yan, Lucien. Ikaw na ang mali, ikaw pa ang magpapatahimik?” Ngumisi siya sa aking naging turan. “Kung ano-ano kasi ang iniisip.” Bigla niya akong hinalikan. Mariin, at mapang-angkin. Sinuklian ko naman ‘yon sa paraang alam ko, dahil sa pagsisinungaling niya. Pilit pa niyang ipinaglalaban ang paliwanag niya, kahit alam naman naming pareho na mali ‘yon. Naging marahas ang paghalik niya sa aking ginawa. Bawat paggalaw ng labi namin ay naglilikha ng tunog. Kumawala ang mahinang ungol sa aking labi lalo na nang humigpit ang pagpulupot ng kaniyang bisig sa akin. Namanhid ang aking labi sa aming halikan, ngunit wala ni isa sa amin ang tumigil. Pareho kaming kinakapos sa hangin nang lumayo siya nang kaunti sa akin. Ngunit bigla na naman niya akong inatake nang halik. “Putangina,” malutong niyang mura sa pagitan ng aming halikan. Kinagat niya ang aking ibabang labi. Kaya pinagparte ko naman ‘to nang kaunti. Ipinasok niya ang kaniyang dila sa aking labi, dahilan kung bakit kumawala ulit ang ungol sa aking labi. “Hmm.” Nag-init ang aking katawan, dahil sa ginagawa namin ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit nasasarapan ako ngayon, kahit na sobrang rahas naman ng halikan namin. Gumapang ang aking mga kamay sa kaniyang kuwelyo, at kumapit doon. Nawawalan ako ng lakas, dahil sa paghahalikan namin. Kinakapos na rin ako sa hangin, pero ni isa sa amin, walang nagpatinag. Patuloy pa rin kami sa paghahalikan, kahit na hindi ko na nararamdaman ang aking labi. Biglang may kumatok, dahilan kung bakit ko inilihis ang aking mukha. Natigil kami sa paghahalikan ni Lucien, dahil doon. Narinig ko ang kaniyang pag-ungol. Hindi ko alam kung dahil sa inis, pero umayos ako nang pagkatatayo. “Nerisse?”Nerisse Vieri’s Point of ViewHindi pa man ako nakakabawi sa nangyari sa amin kanina sa harap ng salamin. Ngayon naman ay idinidiin na niya sa ako p***o, habang patuloy lamang siya sa paghalik sa akin.Sinubukan kong tumugon sa kaniyang halik, pilit sinasabayan ang paggalaw ng kaniyang labi. Ngunit sa tuwing gagawin ko ‘yon, mas nagiging marahas ang kaniyang paghalik sa akin.Halos mabingi na rin ako sa kabog ng puso ko, wala nang ibang marinig kung hindi ‘yon, at ang mabibigat naming hininga.“Lucien…”“Shut up, Nerisse,” sita niya sa akin, at kinagat ang aking ibabang labi. “Hindi mo ba naririnig ang yabag ng mga paa nila sa labas ng dressing room na ‘to? Malapit lang sila.”Bumaon ang aking mga daliri sa kaniyang balat, at hinihila siya palapit sa akin. Ipinasok niya ang kaniyang dila sa aking bibig kaya umarko ang aking likod kasabay ng paghawak niya nang mahigpit sa mga pisngi ng aking puwet.Hindi ko naman napigilan ang aking pagdaing, sinubukang huminga nang malalim. Para kasi a
Nerisse Vieri’s Point of ViewHabang isinusuot niya sa akin ang bra, at underwear na may butas sa gitna, pinagmamasdan ko lang ang repleksyon naming dalawa sa salamin.Mabibigat pa rin ang aking hininga, at pulang-pula pa rin ang pisngi ko matapos kong maabot ang climax ko.Hindi nga rin kumakalma ang puso ko. Kaya medyo hinihingal pa rin ako, hanggang ngayon.Nang salubungin ni Lucien ang aking mga mata mula sa repleksyon namin sa salamin, umangat ang sulok ng kaniyang labi.“Bagay na bagay sa ‘yo, Nerisse,” saad niya, saka marahang hinaplos ang aking baywang pataas sa aking dibdib.Nahigit ko ang aking hininga, at hindi sinasadyang idinikit ang aking likod sa kaniyang dibdib nang dahan-dahan niyang minasahe ang aking dibdib.“Na-try na ba nating gawin ‘to sa harap ng salamin?” tanong niya.Hindi ako nakasagot. Napalunok na lamang ako, at kinagat nang mariin ang aking ibabang labi.Nang maging marahas nang bahagya ang kaniyang pagmasahe sa aking dibdib, napapikit ako.Lumabas din ang
Nerisse Vieri’s Point of ViewTinitigan ko si Lucien, hindi mapigilan ang pagsinghap nang humaplos ang kaniyang mainit na palad sa aking baywang pataas sa aking dibdib. Kinulong niya sa palad niya ang isang dibdib ko, at marahan niya ‘tong minasahe.Mabilis akong humawak sa kaniyang braso para kumuha ng lakas. Bahagya ring bumigat ang mga talukap ng aking mga mata, kasabay ng paghugot ko nang malalim na hininga.Nang umuwang ang aking labi, ungol ang lumabas doon. Kaya napamura na lamang ako, at kinagat nang mariin ang aking ibabang labi.“Lower your voice, baby,” malambing niyang wika, habang nakatitig sa namumungay kong mga mata. “Maririnig nila tayo.”Bumaon ang aking mga daliri sa kaniyang braso, hanggang sa kusang umarko ang aking likod. Mabilis na pumulupot ang kaniyang isang bisig sa aking baywang, at hinila ako palapit sa kaniya.Nang muling dumampi ang kaniyang mainit na katawan sa akin, gumapang ang aking mga kamay papunta sa kaniyang dibdib. Hinawakan ko nang mahigpit ang ka
Nerisse Vieri’s Point of ViewNapasinghap ako nang hawakan niya nang mahigpit ang aking kamay, at hinila papunta sa dressing room. Pasimple kong hinila ang kamay ko mula sa kaniya, ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon.“Lucien!” singhal ko nang buksan niya kaagad ang dressing room, hindi man lang niya nagawang ilibot ang kaniyang tingin sa buong paligid.Kaya bago ako pumasok, sinuri ko muna ang boutique kung may nakatingin ba sa aming gawi. Ngunit nang matanto kong wala, sinundan ko kaagad si Lucien sa loob.Isinara naman niya kaagad ang pinto, hindi kinalimutang i-lock ‘yon. Napakurap ako, habang tinitingnan ang dressing room ng boutique. Malayong-malayo ang nakasanayan kong dressing room sa Pilipinas kung ikukumpara rito sa boutique na ‘to.Literal kasi na room siya, at wala kang ibang makikita kung hindi ay isang malaking salamin, at mga nakahilerang clothes rack na may mga wooden hanger na nakasabit. Maliwanag din ang buong paligid, at medyo malawak rin an
Nerisse Vieri’s Point of ViewHumaba ang aking nguso, habang nakatitig sa mga damit na tinitingnan ni Lucien. Kung hindi damit na para sa akin, damit naman na para sa kaniya ang tinitingnan niya.Madalas na napipili niyang damit para sa akin ay ‘yong mga gusto ko talaga. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, ngunit kung pagbabasehan din ang mga damit na inutos niya sa mga tauhan niya noon, gusto ko lahat ng ‘yon.“Mahilig ka bang ipag-shopping si Victoria noong kayo pa?” tanong ko nang hindi ko na talaga mapigilan.Nasa lingerie section kami, at wala nang nakasunod na staff sa amin. Bukod pa roon, hindi rin naman nila ako maiintindihan kung nasa paligid lang namin sila, dahil Tagalog naman ang ginagamit ko.Natigilan siya sa pagtitig sa mga lingerie nang marinig niya ang tanong ko. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, nakakunot ang noo. Bumigat din ang kaniyang presensya, ngunit hindi ako nagpakita ng takot lalo na nang magkasalubong ang mga mata namin.“Pag-uusapan na naman ba natin
Nerisse Vieri’s Point of ViewUmirap na lamang ako nang magtagpo ang aming mga mata ni Lucien. Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon, ngunit ang kinaibahan lamang ay hindi na siya ang nagmamaneho. Ang dahilan niya, gusto rin daw niyang magpahinga, dahil medyo nangangalay raw siya kapag matagal ang biyahe.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakalilimutan ang kaniyang sinabi kanina. Medyo naiilang tuloy ako sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata.“Akala ko ba, ayaw mong magpunta tayo sa Milan?” basag niya sa katahimikan na siyang nagpakagat ng aking ibabang labi.Inis ko siyang hinarap, ngunit tanging pagngisi lamang ang kaniyang isinagot.“Mapilit ka kasi! Ilang beses na kitang tinanggihan kanina!” paliwanag ko, at ibinaling na lamang muli ang aking atensyon sa bintana.Hindi ko rin maintindihan kung bakit kahit ilang beses ko siyang tinanggihan, nagawa pa rin niya akong pilitin.“Are you hungry?” tanong ni Lucien.“Katatapos lang nating kumain,” sagot ko naman.“Matagal ang biyahe,”







