Home / Romance / Lihim na Tikim (SSPG) / Kabanata 2 - Fiancé

Share

Kabanata 2 - Fiancé

Author: Saevris
last update publish date: 2026-08-11 08:20:23

Nerisse Villareal’s Point of View

“It’s your engagement party today, Nerisse.”

Napako ang tingin ko kay Mommy. Umigting ang aking panga sa kaniyang sinabi.

“Talagang nagawa niyo pa ‘yang ipagpatuloy, kahit hindi naman ako pumayag, Mom?” tanong ko sa kaniya.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga. Nanatili lang ang titig ko kay Mommy.

“Kailangan, Nerisse.”

“Kung kailangan, bakit hindi kayo ang magpakasal?” malamig kong sambit, at napangisi sa lamang.

Inilihis ko ang aking mga mata, at balak sanang lampasan si Mommy para kumuha ng gamit ko.

Hindi ako magpapalipas ng gabi ngayon dito. Kung sana ay matagal na akong nagdala ng mga damit ko sa condo ko, hindi ko na sana kakailanganing magpunta rito.

“Nerisse,” pigil ni Mommy.

Tumigil ako sa paglalakad, at ibinalik ang aking atensyon sa kaniya.

“Para rin naman ‘to sa pamilya natin—”

“Bakit ba paulit-ulit niyong sinasabi na para sa pamilya natin, Mom? Baka para sa inyo!” singhal ko sa kaniya.

Hindi ko na nagawang pigilan ang aking emosyon. Nanginginig ang aking labi, habang nakatingin sa kaniya. Bumigat din ang aking paghinga kaya napasigaw ako.

“Nerisse—”

“Stop calling my name!” I exclaimed and gritted my teeth. “Ano bang mapapala ko sa kasal na ‘yan? Wala naman! Kinuha niyo lang ang kalayaan ko, at gustong kontrolin ang buhay ko sa pamamagitan ng kasal na ‘yan!”

“This is for you…for your future. Mahirap din naman sa amin ‘to, pero kung hindi namin gagawin, baka hindi magtagal ay bumagsak ang business natin.”

Doon ako natauhan. Para sa akin naman pala ang lahat ‘to, pero bakit hindi nila maisip na ang kalayaan ko ang mas maganda?

Kailangan ba talagang umabot sa pagpapakasal? Wala bang ibang paraan para sa gulong ‘to?

“Alam kong ayaw mo rin ‘to, Nerisse. Pero wala na kaming ibang naiisip na paraan kung hindi ay ang ipakasal ka.”

Binuksan ko ang p***o ng aking kuwarto, at napakurap na lamang.

Paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang sinabi ni Mommy, pero hindi naman nawala ang bigat. Sadyang nadagdagan lang.

Tumunog ang aking cellphone nang maisara ko ang p***o. Inabot ko ‘yon, at tiningnan ang mensaheng natanggap.

I pursed my lips. Nawala sa isip ko na kinuha nga pala niya ang number ko, kahit na saglit lang naman kaming nagkausap.

Naalala ko, matapos no’n tahimik na lamang siyang pinagmamasdan ako, habang umiinom.

From: Lucien

Good morning, Nerisse.

Inihagis ko ‘yong cellphone ko sa kama. Dumiretso ako sa walk-in closet ko para kumuha ng aking mga gamit.

Mamayang gabi gaganapin ‘yong engagement party. Pupunta ako, pero hindi ako didiretso rito sa bahay.

Aayusin ko na ‘tong mga gamit ko, at ilalagay na sa kotse. Para kapag tapos na ang party, pupunta na ako sa bar, at uuwi sa condo nang lasing.

Tumunog ulit ang cellphone ko paglabas ko ng walk-in closet. Napapikit ako, at huminga nang malalim.

“Bakit ba ‘to text nang text?” bulong ko, hindi mapigilan ang pagkaubos ng pasensya.

Mabibigat ang aking paglakad papunta sa aking kama. Padabog kong kinuha ang aking cellphone, at binasa ang kaniyang text.

From: Lucien

You drank too much last night. Do you want to join me? Planning to eat some ramen.

Nagtipa kaagad ako ng mensahe ko sa kaniya.

To: Lucien

Busy. Next time na lang.

Nagpunta ako sa salon nang makabili ako ng dress ko. Nagpa-hair treatment ako. Nagpa-nail extension. Nagpa-massage, at doon na rin nagpa-make up.

Kailangang maganda ako sa engagement party namin ng lalaking pakakasalan ko. Mabigat man sa aking dibdib ang pagdalo, nilunok ko pa rin.

“Kung para sa akin ‘to, at ito lang talaga ang naiisip nilang paraan, bahala na,” sambit ko, habang nakatitig sa aking repleksiyon sa salamin. “Sisiguraduhin ko na lang na hindi ako ang matatalo rito.”

Pagdating ko sa venue, halos malula ako sa dami ng tao. May mga media rin ngayon, at mukha maging ang mga businessman ay nagawang imbitahan ng pamilya namin, o ng mga Vieri.

Kinuyom ko ang aking kamay nang makita ko mula sa aking kinatatayuan na palinga-linga ang mga magulang ko. Hindi sila mapakali, at parang may hinahanap.

“Natatakot ba silang hindi ako dadalo?” angil ko. Natawa pa ako nang bahagya.

“Nerisse!” masaya, at parang nakahinga nang maluwag na wika ni Mommy nang magtama ang aming mga mata.

Hindi ako nagsalita lalo na nang daluhan niya ako. Nanatili lamang akong seryoso, at hindi nagpapakita ng kung anong emosyon.

Mariin ang titig na iginawad sa akin ni Daddy, pero ngumisi lamang ako sa kaniya, bago inilihis ang aking mga mata.

“Nandito na ang mga Vieri,” pahayag ni Mommy.

Para namang may pakialam ako kung dumating man sila, o hindi.

“Naghihintay sila sa likod ng stage.”

Nagsimula silang maglakad. Nakasunod lang ako sa kanila. Hindi lumilingon sa kung saan.

‘Yong mga pinsan ko ay puwedeng kasama rin ng mga Vieri ngayon. Possible na naghihintay sila sa akin, dahil medyo nagpa-late nga naman ako.

Sino sila para magpunta ako nang maaga? After all, labag naman sa aking kalooban ang engagement na ‘to.

“Is that your daughter?” bungad na tanong nang isang ginang sa amin.

Pumasok kami sa isang malaking silid sa likod ng stage. Maraming tao rito, at lahat sila ay mabigat ang kanilang presensiya.

Pasimple kong sinuri ang mga taong nandito, at ilan sa kanila ay hindi pamilyar sa akin. Ako man ang nagma-manage ng mga business namin, hindi ko naman kilala lahat ng mga kaaway namin sa business.

Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang pagma-manage ng mga business namin, kaysa ang mga kaaway namin.

“Yes.”

“She’s gorgeous. Akala ko ay hindi na siya pupunta ngayon.”

Napantig ang aking tainga sa sinabi nang isang ginang. Napagawi ang aking mga mata sa kaniya, at tiningnan siya.

Mukhang napansin yata nito ang talim ng aking titig, dahil sumulyap kaagad siya sa akin, at ngumiti. Mapang-asar nga lang.

“Ano naman ho ang dahilan para hindi ako pumunta? I’m honestly excited to meet my fiancé, ma’am.”

Katahimikan ang namayani sa buong paligid. Natulala lamang sila sa akin, at walang nagtangkang magsalita.

Alam kong hindi rin ‘to inaasahan nina Mommy, at Daddy. Pero hindi ko naman gustong makarinig ng insulto galing sa kanila.

Someone cleared his throat as he entered the room. Nang sulyapan ko kung sino ‘yon, bigla akong napako sa aking kinatatayuan.

“This is Lucien Alessio Vieri, Ms. Villareal,” the old man introduced the man that I met last night in the bar, “your fiancé.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
BITUING GRACIA'S
exciting to ah!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 74 - Priority

    Nerisse Villareal’s Point of View Inayos ko ang aking makeup, at hindi maiwasang makaramdam ng pag-iinit ng aking mukha, habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. Kitang-kita ang pamumula ng aking mukha—hindi dahil sa hiya, o kilig. Medyo namamaga rin ang labi ko, dahil sa marahas na paghalik kanina sa akin ni Lucien. Kaya mahahalata kaagad kung ano ang nangyari.“Damn!” malutong kong sambit, at napailing.Humugot nang malalim na hininga. Pinadasahan ko ang aking mga daliri sa aking buhok, at hindi maiwasang maisip kung paano ako titigan kanina ni Lucien.“Are you done?” tanong ni Lucien sa labas ng comfort room.Hindi pa man ako nakasasagot, bigla nang bumukas ang pinto. Kaagad siyang pumasok, at hinanap ang aking mga mata sa repleksyon ko.Sinuri niya ang aking mukha, at nakita ko kung paano niya titigan ang aking sarili. Bahagya rin kasing tumigil ang kaniyang mga mata sa aking puwet, at kahit hindi niya sabihin kung ano ang iniisip niya, alam ko kung ano ‘yon.Mabuti na lang

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 73 - Answer

    Nerisse Villareal’s Point of ViewNagpatuloy ang kaniyang ritmo, habang sinusubukan kong manahimik, at huwag maglikha ng kung anong ingay. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig, ngunit impit na ungol lamang ang lumalabas doon, kahit ano ang aking gawin.Nanatili ang kaniyang mariing titig sa akin, pinapanood kung paano ko pinipigilan ang mga ungol na balak lumabas sa aking bibig. Sa tuwing ibinabaon niya ang kaniyang sarili sa akin, tanging pagliyad ang aking ginagawa, at wala sa sariling ipinipikit ang aking mga mata.“Tumingin ka sa akin, Nerisse. Huwag na huwag mong ipipikit ang mga mata mo, habang nasasarapan ka,” mariing bulong niya.Sinubukan kong magmulat, at salubungin ang kaniyang mga mata. Ngunit hindi rin nagtatagal, dahil kusang bumabagsak ang talukap ng aking mga mata.“Lucien,” nagmamakaawa kong sambit, habang patuloy siya sa paggalaw. “Please.”“Please, what? Ano ang gusto mo, Nerisse?” tanong niya sa akin, at inilapit ang kaniyang mukha sa akin, hanggang sa dumikit ang

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 72 - Admit

    Nerisse Villareal’s Point of View“Let it go,” daing niya, at kinagat ang aking ibabang labi.Patuloy pa rin sa pagnginig ang aking katawan. Hindi siya tumigil sa paggalaw ng kaniyang daliri sa aking loob, at pilit pinapatagal ang pag-abot ko sa rurok ng sarap.Napadaing ako, at napaawang ang aking labi. Ngunit ipinasok lang niya ang kaniyang dila sa aking bibig para palalimin ang aming paghahalikan. Napaliyad ako, at hindi napigilan ang sariling hilahin ang kuwelyo ng kaniyang damit.Wala na akong naging pakialam kung magusot man ang kaniyang damit. Ang mahalaga sa akin, magawa kong ilabas ang gigil ko kagaya ng ginagawa niya sa akin.“Hmm,” ungol ko sa pagitan ng aming paghahalikan nang hugutin niya ang kaniyang daliri sa aking loob.Hinila ko ang kaniyang buhok, ngunit mas lalo lang niya akong idiniin sa pader. Narinig ko ang tunog ng pagbaba ng kaniyang zipper. Kinagat ko ang kaniyang dila na siyang nagpamura sa kaniya.Ilang saglit pa ng paghihintay, kaagad kong naramdaman ang pam

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 71 - Whisper

    Nerisse Villareal’s Point of View“At bakit?” tanong ko sa kaniya sa kabila ng malakas na kabog ng puso ko.Hindi pa siya lumalayo sa akin. Nanatili lang ang kaniyang labi sa aking tainga, at marahan akong hinahalikan doon.Napapikit ako nang mariin, at hindi ko mapigilan ang pagdaing. Hindi ko alam kung para saan ang pagdaing—kung sa paghalik ba niya sa tainga ko, o sa sinabi niya?Kasi nasa tamang katinuan ba ‘tong lalaking ‘to? Kung ibang lalaki na ‘to, at hindi ako kilala, malamang ay makakatikim na ako ng sampal. Pero si Lucien? ‘Yong sobrang lamig sa lahat, at parang nakatatakot? Gustong-gusto pang nakaririnig ng mura. Ang malala pa ay dapat siya lang daw ang nakaririnig.“Kasi ako lang ang nakatitiis ng ugali mo,” bulong niya, at sinapo ang pisngi ng puwet ko. “At akin ka lang.”Naramdaman ko ang pag-angat ng skirt ng dress ko na siyang ikinasinghap ko. “Lucien—”“Shh,” bulong niya, at isinubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg.Pinaltakan niya ng halik ang aking leeg. Mababaw,

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 70 - Hidden

    Nerisse Villareal’s Point of ViewTumawa ako sa kaniyang sinabi, habang ang kaniyang kamay naman sa aking leeg ay bahagyang bumibigat. Pero kahit papaano ay hindi naman niya ako sinasakal. Nakahihinga pa rin naman ako kahit papaano.“Dito?” tanong ko sa kaniya, at bahagyang ipinilig ang aking ulo sa kanan. “Kung saan nakikita tayo ng mga pinsan mo?”“Hindi nila tayo makikita,” mariing sagot niya, at sinamaan ako ng tingin.“Kasi? Doon tayo sa pinakasulok?”Umigting ang kaniyang panga, at mas lalong hinila ang leeg ko palapit sa kaniyang mukha.“Inuubos mo ang pasensya ko.”Umangat lang ang sulok ng aking labi. Unti-unti kong ipinagapang ang kamay ko sa likod ng kaniyang ulo, at hinila rin ang kaniyang buhok.Nakita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata, habang nakatitig sa akin. Biglang bumigat ang kaniyang presensya, habang ako ay natutuwa sa kaniyang naging reaksyon.“Wala sana akong balak na angkinin ka rito, pero talagang sinusubok mo ang pasensya ko, Nerisse.”“Tingin mo ba ay mat

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 69 - Dare

    Nerisse Villareal’s Point of ViewMatapos naming kumain, umalis muna kami sa gazebo. Bukod sa ayaw niya ring uminom muli pagkatapos niyang ubusin ang pagkain ko, gusto rin niya munang masolo raw ako.Umismid ako nang tumigil kami ni Lucien sa bandang swimming pool area nila.Humarap siya sa akin, at tinaasan ako ng kilay. Tumatama ang liwanag ng buwan sa kanang parte ng kaniyang mukha. Kaya kitang-kita ko kung paano umigting ang kaniyang panga nang hindi ako magsalita.“What? Bakit ka umismid?”“Naalala ko lang ang sinabi mong gusto mo akong masolo,” paliwanag ko sa kaniya, at pinagkrus ang aking mga bisig sa aking dibdib. “Bakit?”Hindi siya kaagad nagsalita. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin, madilim, at tila binabasa ang emosyon sa aking mga mata.Ganoon naman siya madalas tumitig sa akin, at hindi naman ako naninibago. Ngunit ngayong gabi, sa harap ng mga bituin, buwan, at ng mga punong isinasayaw ng hangin, biglang kumalabog ang puso ko nang malakas. Ibang-iba ang kabog nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status