Início / Romance / Lihim na Tikim (SSPG) / Kabanata 4 - Pretend

Compartilhar

Kabanata 4 - Pretend

Autor: Saevris
last update Data de publicação: 2026-08-11 08:24:27

Nerisse Villareal’s Point of View

“Nandiyan ka pa?” tanong ni Mommy.

Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. Para akong nabuhusan nang malamig na tubig.

Nang mapatingin ako kay Lucien, nakatingin pa rin siya sa akin….nakatingin sa mismong labi ko.

“Yes!”

Bakit ko ba nakalimutan na hindi soundproof ‘tong silid na ‘to?

Binitawan ko ang kuwelyo ni Lucien nang matanto kong nagusot ko na pala ‘yon.

Napakurap ako, at hinampas ang dibdib ni Lucien nang mahina, dahil hindi pa rin siya gumagalaw hanggang ngayon.

“Lumayo ka!” singhal ko sa kaniya, pero ipinilig lamang niya ang kaniyang ulo sa kanan.

Tinanggal niya ang pagkatutungkod ng kaniyang siko sa dingding, at inilapat ‘to sa aking balakang.

Napaigtad ako, at napakapit sa kaniyang balikat nang itayo niya ako nang maayos.

“Bitiwan mo ako!”

“Kung mag-iingay ka, mahuhuli tayo. Gusto mo ‘yon, Nerisse?” bulong ni Lucien.

Nanlisik ang aking mga mata sa kaniyang sinabi, pero binasa lamang niya ang kaniyang labi.

“‘Yang lipstick mo. Ayusin mo.”

Napasulyap ako sa kaniyang labi, at hindi naiwasang mapaangat ang sulok ng aking labi.

“Tanggalin mo rin ‘yang lipstick sa labi mo.”

Inabot niya ang kaniyang labi, at ginamit ang kaniyang hinlalaki para punasan ang labi niya.

Lumuwag ang pagkapulupot ng kaniyang bisig sa aking baywang. Kaya nagawa kong lumayo sa kaniya para lumapit sa harapan ng salamin.

Nakita ko kung paano nagkalat ang lipstick sa aking labi. Mabuti na lamang, dala ko ang make up kit ko. At least sa ganoong paraan maaayos ko ang make up ko.

“Labas na kayo kaagad. Malapit nang i-announce ang engagement niyo.”

Nahigit ko naman ang aking hininga, dahil nandiyan pa pala si Mommy. Akala ko ay umalis na siya?

Hindi ako sumagot, habang tinitingnan ang aking labi. Namamaga, dahil sa sobrang rahas ng kaniyang halik sa akin.

Sumama ang timpla ng aking mukha, habang iniisip na puwedeng narinig kami ni Mommy.

“Bilisan mo,” utos ni Lucien.

Sinulyapan ko siya mula repleksyon niya sa salamin. Nakaupo siya ngayon sa sofa, habang nakatitig sa akin. Hinihintay akong matapos.

Inayos ko ang lipstick ko, pero halata pa rin naman ang pamamaga. Mas lalo lang tumalim ang aking mga mata, at padabog na itinago ang aking lipstick sa purse ko.

Nilingon ko si Lucien na ngayon ay nakatayo na, at papalapit sa akin.

Akmang ipupulupot niya ang kaniyang bisig sa akin, pero mabilis akong umatras.

“Don’t touch me.”

Iniangat niya ang kaniyang mga kamay sa ere, at nakalolokong ngumisi sa akin.

“I thought you’re excited to meet your fiancé?”

“Sa sobrang excited ko, gusto kitang saktan.”

Nilampasan ko siya kaagad. Hindi naman niya ako pinigilan, at hinayaan akong maunang lumabas.

Sobrang bilis ng kabog ng aking puso. Napapikit pa ako nang mariin lalo na nang marinig ko ang malakas na palakpakan ng mga bisita.

Nakasunod siya sa akin hanggang sa makarating kami sa p***o papunta sa stage.

Tumabi lang siya sa akin nang ipakilala na kami. Ipinulupot naman niya ang kaniyang matigas na bisig sa aking baywang, at bahagya akong hinila palapit sa kaniya.

“Lucien Alessio Vieri and Nerisse Villareal!”

Sabay kaming umakyat ni Lucien sa entablado, habang patuloy pa rin ang palakpakan ng lahat.

Tumigil kami sa gitna ng entablado. Ibinigay naman ng host ang hawak niyang microphone kay Lucien.

“Good evening, everyone,” bati ni Lucien sa kanilang lahat. “I’d like to thank everyone for attending our engagement party. Hindi namin inaasahan na magagawa niyong pumunta ngayon lalo na’t alam naman nating busy talaga tayo, at biglaan lang din naman ‘to.”

Humaplos ang kaniyang kamay sa aking baywang papunta sa aking likuran na siyang ikinasandal naman ng aking ulo sa kaniyang balikat.

“Wala naman talaga kaming balak na magpa-engagement party,” kalmado, ngunit malalim na boses niyang sambit. Humigpit naman ngayon ang pagpulupot ng kaniyang bisig sa aking baywang. “But my fiancée deserves it.”

May pumalakpak, at sumigaw. Na kahit hindi ko na lingunin kung sino ‘yong mga ‘yon, sigurado akong mga pinsan ni Lucien ‘yon.

Pumisil ang kaniyang kamay sa aking baywang. Inilayo niya naman nang kaunti ang kaniyang microphone sa kaniyang labi.

Tumayo ako nang maayos, at nagtatakang tumingin sa kaniya. Pero yumuko lamang siya nang kaunti, at inilapat ang kaniyang labi sa aking tainga.

“Ngiti,” mariing utos nito, habang ako naman ay napakurap.

Pinisil na naman niya ang aking baywang, at biglang sumagi naman sa aking isipan ang ginawa namin kanina sa silid na ‘yon.

Nag-init ang aking mga pisngi, at naiilang na natawa nang kaunti. Tinakpan ko ang aking labi, habang tumatawa nang hilaw.

Tumayo naman siya nang maayos. Nagtama ang aming mga mata kaya kitang-kita ko kung paano umangat ang sulok ng kaniyang labi.

Humarap siya sa mga bisita namin. “Please enjoy your night, everyone.”

Ibinigay ni Lucien ang microphone sa host nang lumapit ‘to sa amin.

Inalalayan naman ako ni Lucien na maupo. Kahit masama ang loob ko, dahil nanalo siya, pinili kong maging kalmado lalo na nang magtama ang aming mga mata.

He looked satisfied. Habang ako, hindi na masiguro kung maayos ba ang aking expression ngayon.

Nagsimula kaming kumain. Minsan ay sinusubuan pa ako ni Lucien para ipakita sa media ang pagiging sweet niya.

Hindi naman ako nagpatalo. Sinusubuan ko rin siya minsan, at sinasamahan nang nang-aasar na ngiti.

“After this, we’ll be able to witness their first dance.”

First dance?

Nagtama ang mga mata namin ni Lucien. Maging siya ay napakunot ang kaniyang noo. Akala namin ay simpleng announcement lang ‘to, pero bakit kailangan pa naming sumayaw?

Naging mabilis lang ang aming dinner. Kaagad na rin kaming tumayo ni Lucien. Inalalayan niya ako, hanggang sa makarating kami sa harapan.

Humarap kami sa isa’t isa. Ipinatong ko naman ang aking mga kamay sa kaniyang balikat, habang siya ay pumulupot ang kaniyang mga bisig sa aking baywang.

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Kalahating pulgada na lamang ang layo ng kaniyang labi sa akin, pero hindi ko inilihis ang aking mukha.

Ngumisi lamang ako sa kaniya, at mas idinikit ang aking katawan.

“Akala mo ba, ikaw lang ang may kayang magpanggap?” bulong ko, sapat na para marinig niya. “Hindi ako magpapatalo, Lucien.”

“Hindi rin kita hahayaang manalo, Nerisse.”

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 6 - Baby

    Nerisse Villareal’s Point of View “Bakit ba kailangan mo akong iuwi rito? Paano ‘yong sasakyan ko?!” sigaw ko sa kaniya nang makarating kami sa kaniyang condo. Sobrang talim ng aking mga titig na ipinupukol sa kaniya. Ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Isinara niya lang ang p***o, at nilampasan ako. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa kaniyang condo. Ngayon siya pa ang may ganang lampasan na lang ako nang basta-basta? Inabot ko ang kaniyang siko para matigil siya paglalakad. Nagtagumpay naman ako nang tumigil siya, at walang emosyon na lumingon sa akin. Umigting ang aking panga. Ikinuyom ko ang aking kamay, habang nakatingala sa kaniya. “‘Yong sasakyan ko. Paano ‘yon?!” Binitawan ko ang kaniyang siko nang tuluyan siyang humarap sa akin. “Kung hindi mo ako dinala rito, sana nandoon na ako sa condo ko!” “Give me your key,” utos niya, at inilahad ang kaniyang kamay. Napayuko naman ako para tingnan ang kaniyang kamay na ngayon ay naghihintay sa susi ng sasakyan

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 5 - Home

    Nerisse Villareal’s Point of ViewNang matapos ang engagement party, hindi na ako nagpaalam pa sa kanilang lahat. Nilisan ko na nang tahimik ang venue, at dumiretso sa parking lot. Ngunit bago pa man ako makalapit sa aking sasakyan, biglang may pumulupot na bisig sa aking baywang para pigilan ako.Napasinghap ako, at natuod sa aking kinatatayuan. Niyakap niya ako mula sa likod. Kumabog ang aking puso nang humigpit ang pagkapulupot nito sa aking baywang.“Where do you think you’re going, huh?” mariing bulong niya na siyang nagpaawang ng aking labi.Napakurap ako, at dahan-dahang sumulyap sa aking tiyan upang titigan ang kaniyang bisig sa aking baywang.“Talagang naisip mong lumabas nang mag-isa?”“Bitiwan mo ako,” untag ko, at marahas na humarap sa kaniya.Nakayuko siya ngayon upang matingnan ako nang maayos, habang ako ay nakatingala.“Sino ang nagsabi sa ‘yong puwede mo akong hawakan nang ganito?”Umangat ang sulok ng kaniyang labi, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo sa kaliwa.“

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 4 - Pretend

    Nerisse Villareal’s Point of View“Nandiyan ka pa?” tanong ni Mommy.Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. Para akong nabuhusan nang malamig na tubig.Nang mapatingin ako kay Lucien, nakatingin pa rin siya sa akin….nakatingin sa mismong labi ko.“Yes!”Bakit ko ba nakalimutan na hindi soundproof ‘tong silid na ‘to?Binitawan ko ang kuwelyo ni Lucien nang matanto kong nagusot ko na pala ‘yon.Napakurap ako, at hinampas ang dibdib ni Lucien nang mahina, dahil hindi pa rin siya gumagalaw hanggang ngayon.“Lumayo ka!” singhal ko sa kaniya, pero ipinilig lamang niya ang kaniyang ulo sa kanan.Tinanggal niya ang pagkatutungkod ng kaniyang siko sa dingding, at inilapat ‘to sa aking balakang.Napaigtad ako, at napakapit sa kaniyang balikat nang itayo niya ako nang maayos.“Bitiwan mo ako!”“Kung mag-iingay ka, mahuhuli tayo. Gusto mo ‘yon, Nerisse?” bulong ni Lucien.Nanlisik ang aking mga mata sa kaniyang sinabi, pero binasa lamang niya ang kaniyang labi.“‘Yang lipstick mo. Ayusin mo.

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 3 - Kiss

    Nerisse Villareal’s Point of ViewNang lisanin nila kami rito sa loob ng silid, saka lang ako napakurap.Umatras ako nang ilang hakbang sa kaniya. Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan, at nakatingin lamang sa akin.“What the fuck?” gulantang kong sambit, at nasundan nang pagak na tawa.Naikuyom ko ang aking kamay, at ibinalik ang aking atensyon sa kaniya. Nawala na ang ngisi sa aking labi, at mariin lamang ang titig na ipinukol ko sa kaniya—sinusuklian ang paraan ng titig niya sa akin.“Busy, huh?”Kinagat ko ang aking ibabang labi, at umiling. Nag-init ang aking mga pisngi, ngunit nanatiling diretso ang aking titig sa kaniya.Sumulyap siya sa aking labi nang kagatin ko ‘yon.“At least inuuna ko ang fiancé ko,” komento ko.Nag-angat siya ng tingin, at nangunot ang kaniyang noo sa aking sinabi.“What about you? Ibang babae pa ang uunahin mo?”Hindi siya nagsalita. Gumalaw lang ang kaniyang panga, at humakbang nang mabagal papunta sa aking gawi.Tumayo ako nang maayos, pero hindi ako

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 2 - Fiancé

    Nerisse Villareal’s Point of View“It’s your engagement party today, Nerisse.”Napako ang tingin ko kay Mommy. Umigting ang aking panga sa kaniyang sinabi.“Talagang nagawa niyo pa ‘yang ipagpatuloy, kahit hindi naman ako pumayag, Mom?” tanong ko sa kaniya.Nagpakawala siya nang malalim na hininga. Nanatili lang ang titig ko kay Mommy.“Kailangan, Nerisse.”“Kung kailangan, bakit hindi kayo ang magpakasal?” malamig kong sambit, at napangisi sa lamang.Inilihis ko ang aking mga mata, at balak sanang lampasan si Mommy para kumuha ng gamit ko.Hindi ako magpapalipas ng gabi ngayon dito. Kung sana ay matagal na akong nagdala ng mga damit ko sa condo ko, hindi ko na sana kakailanganing magpunta rito.“Nerisse,” pigil ni Mommy.Tumigil ako sa paglalakad, at ibinalik ang aking atensyon sa kaniya.“Para rin naman ‘to sa pamilya natin—”“Bakit ba paulit-ulit niyong sinasabi na para sa pamilya natin, Mom? Baka para sa inyo!” singhal ko sa kaniya.Hindi ko na nagawang pigilan ang aking emosyon.

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 1 - Lucien

    Nerisse Villareal’s Point of View“Bakit niyo ba kasi akong gustong ipakasal diyan?! Akala ko ba ay kaaway natin ‘yan sa negosyo?” singhal ko sa kanilang lahat.Parang may bumaon na matalim na bagay sa aking puso na siyang nagpakurap sa akin. Ipagkasundo ba naman ako sa kaaway ng pamilya namin? Para ano?“Nerisse!” sigaw ni Daddy, pero umiling lamang ako.Mariing napapikit si Mommy. Ang ilan sa mga pinsan at tita ko ay napatitig lang sa akin, samantalang ang iba ay napailing. Nakita ko ang bilis nang paghinga ni Daddy, at mariin akong itinuro.“Para ‘to sa pamilya natin!”Umalingawngaw ang boses nito sa lahat ng sulok ng study room.“Para sa pamilya, o sadyang para lang sa kagustuhan niyo?” may pait kong tanong sa kanila, at napailing.Walang nangahas magsalita sa kanila. Nanatiling nakatikom ang bibig, at hinahayaan lang si Daddy na magsalita. “Kung gusto niyo pa lang maayos ang gusot sa pamilyang ‘to, dapat kayo ang magpakasal sa lalaking ‘yon!”Mabilis na tumayo si Daddy, at malal

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status