/ Romance / Lihim na Tikim (SSPG) / Kabanata 5 - Home

공유

Kabanata 5 - Home

작가: Saevris
last update 게시일: 2026-08-11 08:24:49

Nerisse Villareal’s Point of View

Nang matapos ang engagement party, hindi na ako nagpaalam pa sa kanilang lahat. Nilisan ko na nang tahimik ang venue, at dumiretso sa parking lot. Ngunit bago pa man ako makalapit sa aking sasakyan, biglang may pumulupot na bisig sa aking baywang para pigilan ako.

Napasinghap ako, at natuod sa aking kinatatayuan. Niyakap niya ako mula sa likod. Kumabog ang aking puso nang humigpit ang pagkapulupot nito sa aking baywang.

“Where do you think you’re going, huh?” mariing bulong niya na siyang nagpaawang ng aking labi.

Napakurap ako, at dahan-dahang sumulyap sa aking tiyan upang titigan ang kaniyang bisig sa aking baywang.

“Talagang naisip mong lumabas nang mag-isa?”

“Bitiwan mo ako,” untag ko, at marahas na humarap sa kaniya.

Nakayuko siya ngayon upang matingnan ako nang maayos, habang ako ay nakatingala.

“Sino ang nagsabi sa ‘yong puwede mo akong hawakan nang ganito?”

Umangat ang sulok ng kaniyang labi, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo sa kaliwa.

“I’m your fiancé, Nerisse. Hindi kailangan na may magsabi sa akin kung kailan kita puwedeng hawakan,” aniya na siyang nagpatalim naman ng aking mga mata.

Umangat ang aking kamay, at inilapat sa kaniyang matigas na dibdib. Itinulak ko siya, pero hindi siya natinag.

Umikot siya, at isinama ako. Tumama ang aking likuran sa isang malamig, at matigas na bagay. Itinukod niya ang kaniyang siko sa gilid ng aking ulo.

“Umalis ka nang walang paalam?”

“Kailangan ko pa bang magpaalam?” tanong ko sa kaniya, at napailing na lamang. “Para saan? Hindi naman ako bata.”

“Maraming nagkalat na media rito. Ilan ay nagtatago, tapos basta ka na lang umalis?” giit niya, at tumalim pa ang kaniyang mga mata. “Para saan pa ang pagpapanggap natin kanina kung aalis ka na lang bigla?”

Nawala sa isipan ko ‘yon. Gusto ko na kasi talagang umalis kanina. Pagod ako sa nangyari ngayon, pero tama siya. Hindi dapat ako umalis nang basta-basta. Kaya lang ay wala akong lakas para makipag-usap pa sa kanila.

“Pagod ako sa event,” sambit ko, at itinulak siyang muli, pero mas inilapit lamang niya ang kaniyang mukha sa akin.

Naikuyom ko naman ang aking kamay sa kaniyang dibdib, at umigting ang aking panga.

“I’ll drive you home, then.”

Doon ako natawa nang mahina, ngunit malamig ‘yon. Nailing ako, at pinagapang ang aking kamay paakyat sa kaniyang balikat.

Marahan kong hinaplos ang mga balikat niya, at hinahayaang umakyat muli ‘yon sa kaniyang leeg.

Gumalaw ang kaniyang lalamunan, pero tumalim lamang ang kaniyang mga mata.

“There’s no need. I can handle myself, honey,” matamis kong wika, at inilapit lamang siya lalo sa akin.

Hinalikan ko saglit ang kaniyang labi, at ngumiti nang matamis sa kaniya.

“Ingat ka sa pag-uwi.”

Tumayo ako nang maayos, at nagtangkang tanggalin ang kaniyang kamay na nakapulupot sa aking baywang. Ngunit mas lalo lamang humigpit ang kaniyang pagkayayakap sa aking baywang.

Dumikit ang aking katawan kay Lucien. Nag-angat ako ng tingin, at ipinilig ang aking ulo nang kaunti.

“Bitawan mo ako.”

“Iuuwi kita,” mariin niyang sambit, at sumulyap sa aking labi. “Ikaw dapat ang mag-ingat.”

“Kaya kong umuwi. Hindi ko kailangan ng tulong mo,” bulong ko naman.

Bumalik ang kaniyang mga mata sa akin. Binuhat niya ako nang walang pasabi kaya napasigaw ako.

Nagsimula siyang maglakad, at binuksan ang p***o ng kaniyang sasakyan. Ibinaba niya ako sa malambot na bagay, at basta na lang isinara ang p***o bago pa ako makapagsalita.

“Shit!”

Inabot ko door handle, at hinila ‘to, pero hindi bumubukas ang p***o. Natanto kong naka-lock na pala ‘to, at nakapasok na siya ngayon sa kaniyang sasakyan.

“Lucien! Open the door!”

Bumaling ako sa kaniya, at masama siyang tiningnan. Tumingin naman siya sa akin, at binuhay ang makina ng kaniyang sasakyan.

“Seat belt, Nerisse.”

Bumigat ang aking hininga, at naikuyom ang aking mga kamay. Nagsimula siyang magsuot ng seat belt, habang nanatili ang kaniyang atensyon sa akin.

“Buksan mo ang p***o. Ida-drive ko ang sasakyan ko,” mariin kong wika.

Umangat ang kaniyang kilay, at bumaling sa aking katawan.

“Iuuwi nga kita sa inyo—”

“Pero hindi ako uuwi sa bahay!” putol ko sa kaniyang sasabihin.

Pinadasahan ko naman ang aking daliri sa aking buhok, at inilihis ang aking mga mata. Sumandal ako sa backrest ng upuan. Mabibigat pa rin ang paghinga ko hanggang ngayon.

Natahimik siya, pero ang kaniyang atensyon ay nasa akin pa rin. Hindi niya ibinaling sa kung saan.

“Kaya nga gusto ko sanang i-drive ang sasakyan ko, dahil hindi ako uuwi roon!”

“Bakit?”

Marahas ko siyang nilingon. “Dahil sa arranged marriage na ‘to!”

Natahimik siya, ngunit gumagalaw naman ang kaniyang panga. Nanunuri ang kaniyang mga mata, pero hindi ako lumihis, at itinuro siya.

“Dapat ba akong matuwa, dahil ikaw ang ipapakasal nila sa akin?” tanong ko sa kaniya, at ibinaba ang aking kamay. “Nagawa mong alalahanin ang ibang babae kaysa sa fiancée mo!”

“Babalik na naman ba tayo sa usapang ‘yan?”

“Oo!” singhal ko sa kaniya, habang nanginginig ang aking mga kamay. “Alam ko namang kasunduan lang ‘to, pero really? Nag-alala ka sa ibang babae—”

“Eh, ikaw naman ‘yon—”

“Kahit na! Hindi mo naman alam na ako ang ipapakasal sa ‘yo!” giit ko.

Alam ko naman na umiikot na kami sa usapan, pero hindi na matatanggal ‘yon sa isipan ko.

“Ayaw ko ang ganitong set up, pero mas ayaw ko naman ‘yong nagagawang mag-cheat ng mapapangasawa ko.”

“I’m not cheating—”

“Tang ina mo!” nauubusan na pasensya kong sigaw sa kaniya.

Hindi ko naman intensyon na murahin siya, pero bakit ba ipagpipilitan niya ‘yon?

“The fact that you still had the guts to text someone you didn’t know even if you’re already engaged, it’s already cheating, Lucien.”

Ano pa ba ang rason ng pagpapaliwanag ko ‘to sa kaniya kung hindi naman niya naiintindihan?

“Matalino ka. Alam mo ang ibig kong sabihin.”

Hindi siya nagsalita. Inilihis ko ang aking mga mata.

“Buksan mo ‘tong p***o. Uuwi na ako.”

“Hindi ka uuwi.”

Bumalik ulit ang aking mga mata sa kaniya, at sinalubong ang kaniyang mariing titig sa akin.

“Pag-uusapan natin ‘to.”

“Para saan pa? Malinaw naman kung ano ang ginawa mo!”

“We’ll fix this,” mariin nitong sambit, at umigting ang kaniyang panga. “You’re going home with me whether you like it or not, Nerisse.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 6 - Baby

    Nerisse Villareal’s Point of View“Bakit ba kailangan mo akong iuwi rito? Paano ‘yong sasakyan ko?!” sigaw ko sa kaniya nang makarating kami sa kaniyang condo.Sobrang talim ng aking mga titig na ipinupukol sa kaniya. Ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Isinara niya lang ang pinto, at nilampasan ako.Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa kaniyang condo. Ngayon siya pa ang may ganang lampasan na lang ako nang basta-basta?Inabot ko ang kaniyang siko para matigil siya paglalakad. Nagtagumpay naman ako nang tumigil siya, at walang emosyon na lumingon sa akin.Umigting ang aking panga. Ikinuyom ko ang aking kamay, habang nakatingala sa kaniya.“‘Yong sasakyan ko. Paano ‘yon?!” Binitawan ko ang kaniyang siko nang tuluyan siyang humarap sa akin. “Kung hindi mo ako dinala rito, sana nandoon na ako sa condo ko!”“Give me your key,” utos niya, at inilahad ang kaniyang kamay.Napayuko naman ako para tingnan ang kaniyang kamay na ngayon ay naghihintay sa susi ng sasakyan ko.Ibi

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 5 - Home

    Nerisse Villareal’s Point of ViewNang matapos ang engagement party, hindi na ako nagpaalam pa sa kanilang lahat. Nilisan ko na nang tahimik ang venue, at dumiretso sa parking lot. Ngunit bago pa man ako makalapit sa aking sasakyan, biglang may pumulupot na bisig sa aking baywang para pigilan ako.Napasinghap ako, at natuod sa aking kinatatayuan. Niyakap niya ako mula sa likod. Kumabog ang aking puso nang humigpit ang pagkapulupot nito sa aking baywang.“Where do you think you’re going, huh?” mariing bulong niya na siyang nagpaawang ng aking labi.Napakurap ako, at dahan-dahang sumulyap sa aking tiyan upang titigan ang kaniyang bisig sa aking baywang.“Talagang naisip mong lumabas nang mag-isa?”“Bitiwan mo ako,” untag ko, at marahas na humarap sa kaniya.Nakayuko siya ngayon upang matingnan ako nang maayos, habang ako ay nakatingala.“Sino ang nagsabi sa ‘yong puwede mo akong hawakan nang ganito?”Umangat ang sulok ng kaniyang labi, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo sa kaliwa.“

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 4 - Pretend

    Nerisse Villareal’s Point of View“Nandiyan ka pa?” tanong ni Mommy.Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. Para akong nabuhusan nang malamig na tubig.Nang mapatingin ako kay Lucien, nakatingin pa rin siya sa akin….nakatingin sa mismong labi ko.“Yes!”Bakit ko ba nakalimutan na hindi soundproof ‘tong silid na ‘to?Binitawan ko ang kuwelyo ni Lucien nang matanto kong nagusot ko na pala ‘yon.Napakurap ako, at hinampas ang dibdib ni Lucien nang mahina, dahil hindi pa rin siya gumagalaw hanggang ngayon.“Lumayo ka!” singhal ko sa kaniya, pero ipinilig lamang niya ang kaniyang ulo sa kanan.Tinanggal niya ang pagkatutungkod ng kaniyang siko sa dingding, at inilapat ‘to sa aking balakang.Napaigtad ako, at napakapit sa kaniyang balikat nang itayo niya ako nang maayos.“Bitiwan mo ako!”“Kung mag-iingay ka, mahuhuli tayo. Gusto mo ‘yon, Nerisse?” bulong ni Lucien.Nanlisik ang aking mga mata sa kaniyang sinabi, pero binasa lamang niya ang kaniyang labi.“‘Yang lipstick mo. Ayusin mo.

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 3 - Kiss

    Nerisse Villareal’s Point of ViewNang lisanin nila kami rito sa loob ng silid, saka lang ako napakurap.Umatras ako nang ilang hakbang sa kaniya. Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan, at nakatingin lamang sa akin.“What the fuck?” gulantang kong sambit, at nasundan nang pagak na tawa.Naikuyom ko ang aking kamay, at ibinalik ang aking atensyon sa kaniya. Nawala na ang ngisi sa aking labi, at mariin lamang ang titig na ipinukol ko sa kaniya—sinusuklian ang paraan ng titig niya sa akin.“Busy, huh?”Kinagat ko ang aking ibabang labi, at umiling. Nag-init ang aking mga pisngi, ngunit nanatiling diretso ang aking titig sa kaniya.Sumulyap siya sa aking labi nang kagatin ko ‘yon.“At least inuuna ko ang fiancé ko,” komento ko.Nag-angat siya ng tingin, at nangunot ang kaniyang noo sa aking sinabi.“What about you? Ibang babae pa ang uunahin mo?”Hindi siya nagsalita. Gumalaw lang ang kaniyang panga, at humakbang nang mabagal papunta sa aking gawi.Tumayo ako nang maayos, pero hindi ako

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 2 - Fiancé

    Nerisse Villareal’s Point of View“It’s your engagement party today, Nerisse.”Napako ang tingin ko kay Mommy. Umigting ang aking panga sa kaniyang sinabi.“Talagang nagawa niyo pa ‘yang ipagpatuloy, kahit hindi naman ako pumayag, Mom?” tanong ko sa kaniya.Nagpakawala siya nang malalim na hininga. Nanatili lang ang titig ko kay Mommy.“Kailangan, Nerisse.”“Kung kailangan, bakit hindi kayo ang magpakasal?” malamig kong sambit, at napangisi sa lamang.Inilihis ko ang aking mga mata, at balak sanang lampasan si Mommy para kumuha ng gamit ko.Hindi ako magpapalipas ng gabi ngayon dito. Kung sana ay matagal na akong nagdala ng mga damit ko sa condo ko, hindi ko na sana kakailanganing magpunta rito.“Nerisse,” pigil ni Mommy.Tumigil ako sa paglalakad, at ibinalik ang aking atensyon sa kaniya.“Para rin naman ‘to sa pamilya natin—”“Bakit ba paulit-ulit niyong sinasabi na para sa pamilya natin, Mom? Baka para sa inyo!” singhal ko sa kaniya.Hindi ko na nagawang pigilan ang aking emosyon.

  • Lihim na Tikim (SSPG)   Kabanata 1 - Lucien

    Nerisse Villareal’s Point of View“Bakit niyo ba kasi akong gustong ipakasal diyan?! Akala ko ba ay kaaway natin ‘yan sa negosyo?” singhal ko sa kanilang lahat.Parang may bumaon na matalim na bagay sa aking puso na siyang nagpakurap sa akin. Ipagkasundo ba naman ako sa kaaway ng pamilya namin? Para ano?“Nerisse!” sigaw ni Daddy, pero umiling lamang ako.Mariing napapikit si Mommy. Ang ilan sa mga pinsan at tita ko ay napatitig lang sa akin, samantalang ang iba ay napailing. Nakita ko ang bilis nang paghinga ni Daddy, at mariin akong itinuro.“Para ‘to sa pamilya natin!”Umalingawngaw ang boses nito sa lahat ng sulok ng study room.“Para sa pamilya, o sadyang para lang sa kagustuhan niyo?” may pait kong tanong sa kanila, at napailing.Walang nangahas magsalita sa kanila. Nanatiling nakatikom ang bibig, at hinahayaan lang si Daddy na magsalita. “Kung gusto niyo pa lang maayos ang gusot sa pamilyang ‘to, dapat kayo ang magpakasal sa lalaking ‘yon!”Mabilis na tumayo si Daddy, at malal

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status