Share

Chapter 3: Serenity

Audrey Clare Precilla-Solomon

I spent my morning lying down on my bed, kagabi pa mataas ang lagnat ko pero tiniis ko iyon. ‘Tsaka na nalaman ng mga tagarito na inaapoy ako ng lagnat nang pumasok si Manang para gisingin daw ako for breakfast.

I want an update from my mother but the doctor told me not to worry about a thing dahil okay naman daw si dad, all I need to do is rest na ginagawa ko naman ngayon.

Buong araw lang akong pabaling-baling sa bed ko, kaya kinabukasan nakagalaw na ako ng maayos kahit na paminsan-minsan ay sumasakit pa din ang mga pasa.

Sa baba ako kumain kasabay sila Manang, habang kumakain ay nagkukwentuhan sila tungkol sa bonggang kasal nung isang pamangkin ni Manong Roy, tawang-tawa pa kami nung sinabi niyang naslide daw ang groom kakaiyak dahil hindi sinipot ng bride. Naawa naman ako pero what can we do, the bride found happiness in another’s arms.

“Manang, si CJ po ba lumabas na ng kwarto niya?” lakas-loob kong tanong kay Manang, natahimik naman silang lahat sa tanong ko. I got confused but I asked again anyways.

“Nasa hospital daw po si sir, ma’am” naghintay si Manang sa magiging reaction ko pero pinigilan ko ang sarili. I calmed myself down and shrugged as if nothing bothers me at all.

The pain caused a lot, it made me rethink of my decision but what can I do? I was all for it, kung meron mang sisisihin dito, ako ‘yon.

After we finished eating, Jiro came up to check on me. Parang tanga niya akong pinaikot-ikot habang ini-scan ang buong katawan ko. Napanguso nalang ako sa ginawa niya.

“I’m fine now, Jiro, myghod!” I exclaimed dahil hindi na siya natinag kakacheck sa katawan ko.

“Wala ka naming bali diba? Gagraduate na tayo sa March dapat wala kang bali sa katawan” he said seriously. Natawa ako sa tinuran niya.

“Yah, I’m fine, makakalakad ako ng maayos sa March, jusmiyu” I said, he squint his eyes as if he doesn’t believe me.

We fell into a long silence after that. Tiningna ko siya kaso nakatingin lang siya sa malayo, parang may iniisip.

“Jiro?” I called that made him look at me with his infamous smile.

“Ngayon ko lang narealize na magkapatid na pala-”

“AUDREY CLAAAAARE!”

We both jumped on our seats upon hearing that banshee-like voice.

“Here comes the megaphone” I muttered under my breath which surprisingly Jiro heard kaya natawa siya.

“Yiiiii! My Clareeee!” ni hindi pa man ako nakapag hi ay niyakap niya na ako ng mahigpit. I groaned in pain when she squeezed on my bruise.

“Oh my gosh, w-what happened? Are you alright? Ba’t andami mong pasa?!” Harriet exclaimed scanning my body. As if the sight made her thought na isa akong Spartan na nakipaglaban ng patayan.

“I’m alright, nahulog lang ako sa hagdan” I said calmly leaving suspicion in her eyes.

“Yeah, CJ did that,”

My eyes widened when Jiro told Harriet about that, I immediately bonk his nape.

“Ouch! What was that for?” he exclaimed as he looked at me straight in the eyes with forehead tied in a knot.

“CJ what?!” Harriet’s voice boomed in all corners of the house. The maids suddenly appeared with eyes widened in fear.

“It’s fine everyone, no need to panic,” I explained and waved my hand to dismiss them. Agad naman silang tumalima.

“Hinaan mo nga ‘yang boses mo Harriet!” Jiro said annoyed. I laughed when the lad pouted at he boyfriend.

“Sorry naman na, I was shocked baby,” she explained. Umakto akong sumusuka when she hugged him from the back and kissed his cheek.

“Makapagreact ‘to, o bakit ‘di mo ba kinikiss asawa mo ha?” she asked but I just smiled awkwardly and looked at Jiro.

“Ohh right, what happened nga ba?” she asked again in a soft tone as she let go from the hug and hugged me instead, caressing my hair.

Kinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari habang nanginginig ang kamay at labi ko. Hindi ko napigilang humikbi everytime marerecall ko ang pambubugbog ni CJ sa akin. Harriet’s hug became tighter as Jiro joined the hug too.

“I’m so sorry I wasn’t here, Ady,” Harriet said, her voice dripping with sadness and I could feel her tears falling on my shoulder.

I caressed her back, Jiro remained silent hugging us together.

“I’m sorry Ady.” Mas lumakas ang hikbi ni Harrieta at humigpit lalo ang akap niya sa akin. Hinayaan ko siyang yakapin lang ako at ‘di rin ako umimik. Hinintay kong siya ang bumitaw sa yakap niya.

When she let go, she caressed my cheek and kiss my forehead. I glanced at Jiro and he was already holding two glass of water smiling at us.

Wala siya no’ng birthday at kasal ko dahil pinadala siya ng mama niya sa Australia for the soft opening ng bagong branch nila do’n. Ngayon lang ata naka-uwi, ngayon lang nambulabog e.

Jiro offered us the glasses and we drank from it. Parehong tumutulo ‘yong uhog from our noses.

“After that magpahinga ka muna babe, ambaho mo pa,” Jiro made a sarcastic statement earning him a death glare from his girlfriend.

“Ihahatid mo ‘ko tanga,” she stated too, kicking him on the butt. I laughed at them while they bicker like little children.

“Yeah yeah whatever,” Jiro replied.

“O siya, uuwi muna kami, mahal, will visit you here again okay? May pasalubong ako for you, nasa sala mwah!” she said and kissed my cheek. I stood up and hugged her.

“Thank you Harriet, see you soon,” I said in a mild tone. She let go from the hug and Jiro hugged me, kissing me on my forehead.

“Ingat ka, babalik din ako dito,” he said, I just nodded.

They both waved goodbye and I did too. I went to the sala and found a box of chocolates wrap in a birthday gift box.

I smiled the moment I smelled the sweetest guilty pleasure I’ll ever have in my damn life.

I ate in silence smiling to myself, I leaned on the couch and thought about those people that loves me so much, napabusangot ako pag naa-alala ko na nakaka-awa pala ang buhay ko ngayon.

Looking at my wristwatch, I sighed in disbelief, konting kembot na lang pala maghahapon na naman tapos maggagabi. I don’t know what made me fvck up my life. Ah yes, the company and of course my selfish reasons.

Ugh!

Dahil sa frustration na nararamdaman, ginulo ko ang sariling buhok bago pumanhik sa library sa taas.

Naghanap ako ng pwedeng paglilibangan and I found a blank canvas. My smile instantly showed as I raise it up and put it on the stand.

Naghanap ako ng paint brushes, color pallet at acrylic paints and thankfully I found some. I thought of something to draw and without thinking thoroughly I started drawing my masterpiece.

For almost 5 hours, I finished it finely. The dark touch and silhouette made me bite my lower lip as I stare at it. His hair, face and features are so defined. I even trailed my index finger on his forehead, nose and lips.

Staring at his luscious, pinkish-plump lips I blushed.

Knowing na n*******n ko iyon sa kasal namin pero sa araw na ‘yon lang din nagtapos ang pagtrato niya ng maayos sa akin, I mean no’ng oras lang pala na ‘yon kasi pagkatapos ng party nag-iba na siya.

I sighed again, mukhang paborito ko na ang pagbuntong-hininga, yes naman ano. Nakatitig lang ako sa pagmumukha niya nang biglang may kumatok sa pinto.

“Come in,” I shouted, medyo malayo kasi ako sa door.

“Ma’am, kakain na raw po ng hapunan,” the maid informed me. I looked at her and nodded with a bright smile plastered on my face.

“Mhm, susunod ako,” I replied, tumango lang siya at umalis na. Pagka-alis niya, tinitigan ko na naman ang lalake sa canvas ko. His sharp-edged eyes and confident lips aligned in a devious smirk, just like the first time I saw him 4 years ago.

Nang nagsawa na ako kakatitig sa mukha niyang kasing gwapo ni Zeus, tumayo na ako at kumain ng hapunan. I was silent the whole time and maybe hinayaan lang din nila ako. Kitang-kita ba naman sa mukha ko ang pagod na naramdaman sa quarrel namin.

“Iha kami na dito magpahinga ka na,” sabi ni Manang sa akin nang nakita niya akong nag-ayos sa mga pagkain sa hapag.

“Sige po, salamat Manang.” Malumanay kong sambit sa kanya at niyakap siya pero imbes na pumunta sa kwarto ay sa garden ako pumunta.

Sa buong araw na wala siya sa bahay, ramdam na ramdam ko ‘yong serene feeling na nararamdaman ko for almost two decades of living. Natuwa ako sa feeling na ganito, para kasing binawi sa akin ng ilang taon ang scenariong ganito eh.

Humiga ako sa grass, kahit marumihan ako okay lang. Namimiss ko kasi ang tahimik na buhay na ganito. I mean oo ginusto ko ‘to, sobrang ginusto ko to the point na ikinapahamak ko pa pero ewan. I feel myself so much while I’m alone like this, right now. To the point na natatakot ako na baka ito ang huling araw na maramdaman ko ‘to.

It made me feel like this is my rainbow before the storm, a storm that would break me, tear me and make me lose myself. Pinilig ko ang ulo at umiling. Don’t lose hope Audy, you know God is watching from afar.

And again for the nth time, I sighed. Napatingin ako sa moon, napakabright niya, illuminating the world in its darkest times.

When I felt na nilamok na ako, tumayo na ako at dumeretso na sa kwarto ko.

4 days have passed and no signs of CJ still, umayos-ayos na ang pakiramdam ko, ‘yong mga pasa sa arm ay nawawala-wala na rin. Ang naiwan ay ang mga pasa sa leeg at tummy. Hopefully, pagdating ng birthday ni Cartel ay tuluyan na silang mawala.

So far iniisip ko lang ang magiging excuse ko kung bakit hindi makakapunta sa CJ, ang hirap ng ganito e, puro na lang ako pagsisinungaling na hindi naman dapat pero dahil tanga ako at gaga sige na lang. Hahaha p**a.

Ang ginagawa ko lang sa buhay ang magbasa, magpaint, kumain at matulog. Hindi na rin nakabisita pa si Jiro, maybe naghahanda sa birthday ni Cartel. Malapit na kasi, about 6 days na lang and 18 na si Cartel.

Mama Charmage called me yesterday tho, saying na may nakahanda na akong formal wear for the occasion. And of course kaya hindi ako nakakalabas ng bahay dahil may laging grocery delivery from Mama Charmage.

Kumpleto lahat, once there was even baby onesies included on the package na ikinapula ng mukha ko.

I wanna go out and explore the mountains pero bawal pa dahil sumasakit pa ang pasa ko sa stomach. Kaya ito ako, literal housewife.

“Ma’am, napilitan ka lang po ba sa kasal na ito?”

I stopped painting when Yanna spoke beside me, ngiti ang isinukli ko sa tanong niya at bumuntong-hininga pa.

“Saan mo naman nakuha ang ideyang ‘yan ha?” Tanong ko sa kanya.

“Eh ‘di ba po sa mga libro at teleserye ganyan na ganyan po ang nangyayari, ‘tsaka nakita ko po ‘yong babaeng kasama ni ser, akala mo sinong nagmamay-ari ng bahay na ‘to puro utos, buti nga nakunan,” she scoffed after saying those. I immediately covered her mouth and shook my head.

“Gaga, don’t wish for somebody’s misfortune or don’t get happy if may nangyaring masama sa kanila kahit gaano pa sila kasama,” I said in a soft voice.

“Oo na nga ma’am, ba’t pa kasi ‘yon ang pinili ni ser, e mas hamak na mas mabait at maganda ka naman, malandi nga lang ‘yon, daig ka,” she scoffed again, this time it made me laugh. Ako nga dapat ‘yong malandi dahil inagaw ko si CJ kay Bria.

“Hmm, kalmahan mo at ano nga ba ang ginagawa mo rito? Mababatukan ka na naman ng lola mo ‘pag nalaman no’n na andito ka sa’kin dumadaldal,” I said laughing crazily.

“Wala namang ginagawa ma’am, sabi naman niya dito muna ako sa’yo baka raw kasi mabaliw ka, wala ka kausap,” she explained as she scratch he nape.

“Mhm, sige ikaw bahala,” I said and nodded, painting again.

“So ano nga ma’am, napilitan ka lang ba?” She asked again.

“Maniniwala ka ba kung sasabihin kong siya ang napilitan?” I asked, not looking at her kaya hindi ko napansin o nakita ang reaksyon niya. I only hear her gasping loudly.

“Ano pong ibig mong sabihin?! Pinikot niyo po si ser?!” She said. Gulat na gulat ‘yong boses na akala mo nanalo ng lotto.

And again, bumunghalit na naman ako ng tawa. “No! Napilitan siyang pakasalan ako dahil ‘yon ang gusto ng parents niya, hindi ko nga alam na may girlfriend pala siya,” I said and sighed.

“Ah pero nakakatakot pala si ser no, nambubugbog,” aniya at bumungtong-hininga rin.

“Yep, kasalanan ko rin naman kasi, hindi ko muna siya kinonsulta kung gusto niya ba akong pakasalan o hindi, hindi ko rin pinansin ang mga small things na ginagawa niya para umatras ako sa wedding namin,” I said and looked back to the day of our marriage.

No’ng sa reception habang nagsasayaw kami ay hindi niya ako matingnan sa mata, walang emosyon ang mga mata niya at kitnag-kita mo na hindi siya natutuwa sa nangyayari. ‘Yong slicing ng cake namin, pilit na pilit din niya akong sinusubuan.

He didn’t look at me even when no’ng naka-upo na kami sa table, panay tipa lang siya sa phone niya, sinaway nga siya ng mama niya. And lastly, no’ng tinanong kami kung kelan daw ba magkakaroon ng panganay na apo sila Mama Charmage, he replied indifferently and told them “well, wala akong plano”.

Kaya oo kasalanan ko lahat-lahat. Hindi ko pinansin ang small delecate details na ‘yon, I neglected them for my selfish reasons. And here we are now, caged in a marriage where I can’t even stand on my own. Where I can’t stand on my principles, where I am in danger anytime.

“Sayang ma’am, baka sa huli niya pagsisihan na ganyan ang ginagawa niya sa’yo,” aniya at tinapik pa ang balikat ko.

“Kung pagsisisihan man niya, ‘yon ang magiging pinakadabest na araw sa buhay ko,” I said, giggling.

“Bakit, ma’am? Mahal mo ba si sir?” Tanong niya habang nakatingin sa akin.

“Oo, Yanna, mahal ko ang sir niyo at malas ko lang dahil may mahal siyang iba,”

Doon ako humagulgol, bigla na lang kasing sumakit ang dibdib ko at parang gusto nitong umiyak ako.

“Hala ma’am! Teka kukuha ako ng tubig!” Natataranta siya habang tumakbo palabas. Yumuko ako at umiyak ng umiyak mag-isa.

Pagbalik ni Yanna, binigay niya sa akin ang tumbler na naglalaman ng tubig ko. I sobbed while drinking silently.

“Okay na po kayo?” Tanong niya at hinimas-himas ang likod ko. Tumango ako bago pinunasan ang mga luhang tumutulo.

“Oo, salamat, pasensya na talaga, ‘di ko lang talaga nakakaya ang mga nangyayari sa akin,” Page-explain ko sa kanya.

Gumagrabe ang lagay ni Papa as time goes by, I can’t visit him na ganito ang itsura ko. Ano na lang ang sasabihin niya, baka ipa-annul pa ako agad. I won’t do that unless bumalik na sa ayos ang lahat pati ang kumpanya namin.

Okay na akong ganito muna, ‘pag umayos ang kumpanya pwede na ako magsumbong. Hindi ko na ikakasakit pa ang mangyari kay CJ after. Nasaktan niya naman na ako, edi bayad na ako hindi ba?

“Andito na man kami ma’am, willing kaming makinig sa’yo kahit gaano pa ‘yan kasakit basta nailalabas mo lang, huwag mo namang sarilinin.” Malumanay ang boses niya habang yakap ako. Sa ginagawa niya napa-iyak ulit ako.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong maganda sa mundo at nagkaroon ako ng ganitong mga tao sa buhay ko. Napakahirap man ng pinagdadaanan ko ngayon pero I know I have them and they won’t leave me all alone.

Kaso kasi, kung dedepende lang ako palagi sa kanila pati sila masasali na sa problema ko, worst isasali pa sila ni CJ dahil galit ito sa akin.

“Huwag na, kung may mangyayari man dito sa loob ng bahay huwag na huwag niyong ipapa-alam kahit kanino, kaya ko, whatever you hear or see inside this house remains in this house, huwag din kayong mangengealam kapag nag-aaway kami, understood?” Mahabang lintanya ko sa napapaos na boses.

Tumango naman siya kahit kita sa mga mata niya na labag iyon sa loob niya. She even sighed and sat down beside me with sadness in her eyes.

I smiled and hugged her tightly.

“Kaya ko okay? Wala kayong dapat ipag-alala sa akin,” I said.

“Hindi ma’am e, pinag-uusapan ka lang namin no’ng mga nakaraang araw at kita namin ang kaibahan ng katawan mo pagkatapos ng kasal niyo, bumagsak ang timbang mo ma’am.” Pag-iimporma niya sa akin na nakatingin pa sa katawan ko. Maybe scanning my body.

“Okay pa rin ako, kaya huwag niyo na akong aalalahanin, kaya ko,” sabi ko ulit, this time may confidence sa sagot ko.

“Bahala ka ma’am basta kami alam namin ang nangyayari sa loob ng bahay niyo,” sagot niya at tumayo.

“Please, huwag niyo lang sabihin lalo na sa pamilya ni CJ.” May bahid na ng pagmamaka-awa ang boses ko. Siguro wala na siyang maisagot pa kaya tumango na lang siya.

“Alis na muna ako ma’am oras na kasi ng trabaho ko,” saad niya at tiningnan ang wallclock sa side ko.

“Sige, baka mabatukan ka na talaga ni Manang Lourdes,” ani ko na tumatawa. Umiling naman siya.

“’Wag kang tumawa ma’am kung ‘di ka naman masaya,”

Nagulat ako sa tinuran niya, gano’n ba kahalatang hindi ako masaya? Na nahihirapan ako sa sitwasyon ko?

Gano’n ba kahalata na pagod ang katawan ko? Na gusto kong maggive-up pero hindi pa pwede?

Tumayo ako at umalis sa library, pumasok ako sa sariling kwarto at tiningnan ang sarili sa full-length mirror na nasa bathroom.

Oo nga, tama nga sila, I really look like a fucking mess at hindi maganda tingnan. Hindi ko na na-a-ayusan ang sarili ko.

I scratched my nape and decided to take bath for the second time around. Naglagay ako ng lavender scented bath bomb sa bathtub at hinintay na magspread iyon bago ako lumublob. Ilang beses ko sinubmerge ang sarili ko sa ilalim bago nagrelax.

I closed my eyes tightly shut, I cleared my mind and smiled. This is what I’ve missed, being alone like this. It feels so damn good.

An hour of being engulfed in the cold sensation of being under water, nagdecided akong magbihis na at may gagawin pa pala akong report.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status