Share

Living Eferos
Living Eferos
Author: petdaymielacojedo

Prologue

Disclaimer:

Person, events, place and names are just the products of the author’s imagination. Any resemblance to real-life is purely coincidental.

“I,Carelle James, take Audrey Clare to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in health, ‘til death do us part.”

“I, Audrey Clare, take Carelle James to be my lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and in health, to cherish and honor, ‘til death do us part.”

Hindi na matanggal ang ngiti sa aking bibig habang nakatingin sa video ng kasal namin ni CJ. That was the best gift I’ve ever received on my birthday. Sabi ko no’ng 16 ako, makasal lang ako kay CJ pwede na ako kunin ni Lord, and here I am, a wife to Carelle James Solomon— the Philippine’s top bachelor.

Sa akin na ang apelyido niya, it makes me feel giddy but it saddened me too. CJ is a free man pero I stole that away from him when our parents decided to wed us. I didn’t know he disagreed with his parents about this, I knew about it too late. It was devastating, the anger in his eyes after the marriage, it really hurt my heart.

I told myself, kung alam ko lang na ayaw niya pala magpakasal, sana’y hindi na lang ako um-oo sa gusto ng parents namin. Kaso, it’s too late, too late to regret everything. Para makuha ang kompanya ng ama ay kailangan niya itong sundin kaya hindi siya kumibo sa plano nila.

It’s not his fault he’s doing this, it’s not his fault why he treats me poorly, it was my fault for my ignorance and anger. Hindi ko man lang siya tinanong kung gusto niya bang ikasal kami o hindi. I also killed his child because of my anger and that fueled his already burning rage of me.

And now I am suffering the consequences of my actions which I whole-heartedly accept. To see him coming home with different girls each night, to see him going to places just to stay away from me. It hurts so badly especially when he will treat me like I’m not a person.

Pero sabi ko sa sarili ko ‘it’s alright’, I’ll have to face this for two years and ako na mismo ang magf-file ng annulment for us. Malas lang namin at dito kami sa Pilipinas nagpakasal pero it won’t take long, the fact that parehong influencial ang family namin mas madali ang process ng annulment.

I finished watching the 1-hour video of our wedding so I turned the tv off and went upstairs. 1 year na kaming kasal pero 2 months na din siyang hindi umuuwi dito. Balita ni Corelle sa akin ay nasa Bacolod daw ito kasama ang international model na nalilink sa kanya ngayon.

I don’t want people to pity me, why should they? I mean, madaming ganito sa Pinas, wala nang nakakagulat sa ganito. This is just a platonic marriage for the benefits of both families. Kaso nga lang everytime Jiro, Cartel and I have a chance to meet I always see the pity in their eyes. Corelle is CJ’s close 2nd degree cousin while Cartel is his brother— who basically hated CJ for his ill-mannered actions toward me.

Umupo agad ako sa kama at kinuha ang laptop na naglalaman ng mga gagawin ko, unica ija ako ng pamilyang Precilla that’s why ako na ngayon ang namamahala ng company namin. My parents gave their companies to me the same date I was married to CJ kaya for me napakagandang blessing noong araw na ‘yon. My 18th birthday, damn mas malala pa sa debut, char!

“Miss, andito na po si sir.”

Agad na napantig ang tenga ko sa anunsyo ng kasambahay, tumayo ako from my seat at nagmadaling bumaba. My excitement died down when I saw my husband with somebody and they are kissing. Ang sakit na nagmumula sa puso ko ay napunta sa lalamunan hanggang sa tumulo na nga ang kanina ko pang pinipigilang luha pero pinalis ko agad ito at bumaba para salubungin sila.

“CJ, kumain na muna kayo nagpahanda na ako ng hapunan,” sambit ko sa masiglang boses, I even thanked the heavens when I did not choke on my words. Sa tindi nang tingin na ibinigay ni CJ sa akin ay nawari kong nainis siya sa pagkaputol ng halikan nila. Ngiti ang isinukli ko sa masasama niyang tingin bago ako tumingin sa babaeng mahigpit ang hawak sa kanyang braso.

“Hi! Thank you for letting me borrow your husband! I would like to borrow him for a while again, if that’s okay?” sabi ng babae sa akin at niyakap ako. I smiled and gathered my courage to hug her back with quivering hands.

“Hindi naman bagay ang asawa ko para ipahiram ko pero salamat at sumama ka sa kanya pabalik dito, relieved ako,” sambit ko pa din sa masiglang boses kahit ang totoo’y gustong-gusto ko na manapak, manabunot at mamaril ng mga higad. Masakit, masakit na masakit pero tatanggapin ko, parusa dahil naging pabaya ako sa desisyon ko.

“Kakain na muna kami ha, we had a long flight kasi e.” Maarte niyang sabi at hinila ang asawa ko na panay ang tingin sa akin. Pangiti-ngiti lang akong kumaway sa kanya at umakyat na ulit sa kwarto, todo pigil sa luhang gustong kumawala. Nakasalubong ko pa si Manang Lourdes sa hagdan, tumango lang ako pero hinila niya ako’t h******n.

“Anak, ilabas mo, huwag mong pigilan, anak, Diyos ko kang bata ka,” pagkasabing-pagkasabi niya no’n my coiled-up emotions bursted, yumakap ako nang mahigpit sa kanya habang umiiyak. Iginiya niya ako sa kwarto at doon pinatahan.

Alam nilang lahat ang mga napagdaanan ko sa isang taon kong pagtira dito. Sinabi ko sa kanila na hindi ipagsabi kahit sa mga magulang ko, ako ang natatanging susi nila para bumalik ang investors namin sa paraang pagpapakasal kay CJ at ‘yon nga ang nangyari, lumagong muli ang aming negosyo kaya kakayanin ko para na rin sa mga magulang ko.

“Anak nagtitiis ka, pwede ka naming umalis,” bakas ang lungkot sa boses ni Manang Lourdes habang hinahaplos ang aking pisngi. Umiling ako nang umiling, hindi mahanap ang sariling tinig dahil napapaos kakahikbi.

“Hindi pwede, madidisappoint sila mama.”Hagulgol ko at muli siyang niyakap ng mahigpit. Tanging sila lamang ang sandalan ko sa panahong ganito, wala akong ibang naging sandalan dahil malayo din sila Cartel at Corelle.

“Tahan na, naiintindihan ko, tahan na, magpahinga ka muna’t kukuha ako ng tubig,” sabi niya at umalis. I couldn’t stop sobbing while I lay myself down on the bed. Pumikit ako at ipinagpahinga ang masakit kong puso kung kaya’t tuluyan akong nakatulog.

Naalimpungatan ako sa boses ng dalawang hampaslupang nag-uungulan sa kabilang kwarto. Umupo ako ng tuwid at sinandal ang sarili sa headboard. Tiningnan ko ang bedside table, may gamot at baso ng tubig doon, I immediately drinked the medicine while closing my eyes.

“A-ahh! Masarap ohh shit hmm.”

Napapikit ako ng mariin, bakit ganito? Pwede namang hindi dito sa bahay, pwede namang sa ibang lugar! Dito talaga? Sa bahay ko talaga? Sige lang Audy, itulog mo nalang muna ha? Sige lang. Dumausdos ako pahiga, pilit pinipikit ang mga mata hanggang sa nawalan na ako ng malay sa mundo.

I woke up and looked at the sky, the white clouds and the orange-y color of the rising sun greeted me a good morning. Pumunta ako sa veranda ng nakaroba, sinisimot ang malamig na simoy ng hangin. Napakanta ka no? Chos. Dito kasi sa Baguio natural lang ang ganito kalamig na klima kapag malapit na ang pasko. Nakangiti akong tumingin sa matatayog na bundok kaharap kung saan ako nakatayo nang narinig ko ang pagbukas din ng sliding door ng kabilang kwarto.

Tumingin ako doon at nakitang si CJ ‘yon, dala-dala ang baso ng kape habang nakasuot din ng robe niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, ito ‘yong lalakeng pinangarap ko noon hanggang ngayon. Ang kaso, nakuha ko nga ang apelyido niya pero hindi naman ang puso’t isipan niya, kahit nga ang presensya niya hindi ko makuha-kuha e. Bilat.

Napalayo ako ng tingin when he looked at me or glance at me to say the least. Pumasok ako sa kwarto at ipinagsawalang bahala ang ginawang pagsulyap niya sa akin, tsk, ‘wag marupok iha ha. Agad akong naligo at nagbihis ng corporate attire ko. May meeting ang staffs ngayon para sa kabuwanang report ng mga head officers.

Nagmake-up ako, pinusod ang mahabang buhok bago tiningnan ang sarili sa full-length mirror ng walk-in closet ng kwarto. Gandang-ganda sheyt, ba’t ganito? Noong nagpaulan ban g kagandahan si Lord panay salo ka lang siguro Audy no? Humagalpak ako ng tawa dahil sa mga iniisip. Baliw na nga siguro ako.

Umalis ako sa walk-in closet at sinuot ang stilettos. It is a 3-inches bloody red stilettos na bumagay naman sa white corporate attire ko. Ang tanging suot na alahas ay ang pinamana ni Abuelita na kwintas at ang wedding ring.

Pagkababa sa hagdan ay nakatunganga lang ang mga kasambahay sa akin, ngumisi ako sa kanila at binati sila ng magandang umaga.

“Wow, miss! Papicture! Pa-authograph na din! Tagal mo ng ‘di nagbihis ng ganyan ah!” Yanna said that left me laughing like a crazy woman.

“Ngayon lang ulit to, may meeting kasi, bawal tayo magpahuli alams na.”

Eto lagi naming kulitan ng mga kasambahay dito. I don’t think highly of myself whenever I’m around them. They’re too precious to me. Loyal din sila sa amin ni CJ kaya hindi talaga ako nag-aalinlangang magtiwala sa kanila.

“Handa na ang pagkain, Kamahalan,” sambit ni Yanna ulit at nagbow pa siya na ikinatawa ko ulit.

“Salamat sa iyong pagseserbisyo, Alalay,” I replied then we laughed together.

Ikinawit ko ang braso sa kanyang braso dahil aaminin ko, mas matangkad siya ng ilang inches sa akin kahit nakastilletos na ako. Bwisit na babaeng ‘to, nilaklak niya ata isang bote ng cherifer e. She’s 5’9 while I am just 5’5. Oo na ako na pandak bwisit.

“Witwew miss, pa-autograph naman diyan.” Rinig kong sabi ni Flora habang sinasalinan ng tubig ang mga baso sa hapagkainan. Tawang-tawa naman kami ni Yanna.

“Ay kay ganda naman ng anak ko ngayon, me date ba?” Manang Lourdes said wiggling her eyebrows at me. Nagmano ako sa kanya habang tumatawa bago hinalikan ang kanyang pisngi.

“Manang, alam mo namang katapusan na ng buwan, may meeting ngareng anak mo,” I said laughing.

Natawa rin siya sa akin at inalalayan akong umupo. Dito, hindi uso sa akin ang bawal sumabay ng kain ang kasambahay sa amo. Sabay-sabay kami lagi kumain kaya pagkaupong-pagkaupo ko, naupo na rin sila, kahit si Chef Dylan ay naupo na rin.

“Si Manong Roy asan? Naku naman, late na naman ang isang ‘yon no?” tanong ko kay Manang while we started eating after a short prayer. Masaya silang nag-uusap-usap and sometimes sinasali din nila ako.

“Ay alam mo naman ‘yon, kung hindi ‘yon tulog sa sasakyan ay baka kakuwentuhan ang guard do’n sa guard house, kanina pa andito ‘yon iha,” ani ni Manang.

Ngunit sabay-sabay kaming natigilan sa pag-uusap ng biglang nagpakita sa kusina si CJ, nanahimik kami habang tinitingnan ang kilos niya. Asan kaya ang babae niya kagabi? Baka hindi pa gising. Care ko. Charot!

“Sumabay ka na sa amin, CJ,” sambit ko, takhang-taka kung bakit lumalapit siya sa akin.

“Good morning.”

His usual grumpy voice in the morning vanished, napalitan ito ng maamong boses na naging sanhi ba’t ako kinakabahan. At masa lalo akong kinabahan ng bigla siyang umupo sa tabi ko at hinalikan ako sa pisngi. Anyare?

Tumikhim si Erah kaya napatingin ako sa kanya, ngising-ngisi naman ang babaita na akala mo’y kinikilig. Ampotchi.

“Why did you guys stop talking? Come on let’s eat and laugh together, I’m not a ghost I assure you.”

Hindi ko naman ugaling ngumanga nang nakatingin sa kanya pero noong sambitin niya iyon ay biglang nahulog ang panga ko. Wtf? Anong nangyari? Ba’t ganito? Ano meron?

Agad nanumbalik ang ingay sa hapagkainan, pinisil ni Manang ang kamay ko kaya napabalik ang ulirat ko sa nangyayari. Tiningnan ko si Manang at sinenyas niyang kumain na ulit ako.

“Si miss Kaia po ba nakaalis na?” Mahinhing tanong ni Manang Lourdes sa amo niyang kumakain nang tahimik at pasulyap-sulyap sa’kin. Okay? This is getting weirder and weirder every second.

“Yeah, may photoshoot pa sila, umuwi siya an hour before 12,” he explained, I just bat my eyelashes like wtf? Waves and waves of questions stressed my mind but I shrugged them off.

So mga alas dose ’yong ungulan nila sa kwarto? Or pang-ilang round na iyon?

Hanep kung wala sigurong photoshoot ay baka magdamagan, ‘di na makakalakad ‘yon for sure. Agad akong nabilaukan sa sariling iniisip.

Ampota ka talaga Audy! Umubo-ubo ako habang tinapik-tapik ang dibdib ko.Kinuha ko ang tubig at inisang lagok ‘yon. Wooooh, akala ko mamamatay na ako ah.

I resumed eating without caring about the person on my left, panay sulyap lang ako kay Manang Lourdes at Yanna habang kinakausap sila na parang normal lang hanggang sa natapos ako sa pag-eat.

Ang iba’y nauna na sa akin kaya kaunti nalang kami nung natapos ako. Kinuha ko ang plato at baso bago nilagay sa lababo. Naghugas ako ng kamay bago bumalik sa lamesa para magpaalam kay Manang Lourdes.

“Manang, aalis na po ako ha.” Maikling saad ko at umalis na nga sa kusina bitbit ang shoulder bag. Nang nakalabas sa bahay ay agad akong tumingin ulit sa loob nang nakakunot ang noo.

Anyare’t biglang bumait ‘yong loko-loko? I shrugged it off and immediately went to the garage, pinindot ko ang open button ng sasakyan at sumakay agad dito.

I started the engine, wore my sunglass and drove my way out from my mansion. Sabay na sumaludo sila Manong Roy at kuya Dodong sa akin kaya bumusina ako at kumaway bago nakalabas ng gate.

Tinatahak ko na ang daan papunta sa kompanya ng biglang nagring ang phone ko. Nagulat ako nang nakitang si CJ iyon, kaya sinagot ko agad baka may emergency.

“Where the fuck are you going?!” Napaigtad ako sa lakas ng boses niya. Uhh, okay? Lumunok muna ako bago sumagot.

“AK Airways, monthly meeting, bakit?”

After 1 year ngayon niya lang chineck kung saan ako pupunta. Sa 1 year na ‘yon, lahat ng masalimuot na pwedeng mangyari sa iyo’y nangyari na sa akin. Sa isang taon na ‘yon ay puro hinanakit lamang ang binigay ng mundo sa akin. The physical and mental torture is still haunting me pero what changed? Anong nangyari at biglang nagkaganito?

“Make sure to go home before 11am, sabay na tayong kumain,”

My jaw dropped the 2nd time around. Holy mother of pearls?! Okay, shit’s been happening. Wtf?

“I always go home before 10, alam na ni Manang Lourdes ang schedule ko,” I mananged to say even if gulat na gulat pa din ako sa inaakto niya.

“Tsk, just be here before 11, I won’t go anywhere else,” he remarked before turning the call off.

What the freak? Omayghad was that real? Sinapak ko ang sarili ko para siguraduhing totoo ‘yon and yes totoo siya dahil masakit ang panga ko hanggang ngayon.

Nakarating ako ng kompanya na tulala, malakas ang kabog ng puso. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa conference room.

Alam ko na nasa loob na silang lahat, ako nalang ang hinihintay kaya dumeretso na ako doon. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang pagmamadali nila pagkapasok ko.

“So, let’s start?” I asked looking at them.

Nagsimula nang magpresent ang mga officers sa akin, so far wala pa akong kinukwestyon sa mga sinasabi nila. Maganda ang sales ngayong buwang ‘to. Peak season na din kasi, uuwi at uuwi din sa kani-kanilang kinagisnang lugar ang mga pasahero namin.

Napangiti ako nang tiningnan ko ang financial position ng kompanya. So far, so good, and it feels so damn amazing.

Tinignan ko ang orasan at mag dadalawang oras na kaming nagmemeeting, konti nalang at matatapos na kami ng biglang nagring ang phone ko.

“Excuse me,” saad ko at tumayo. Tumango naman sila bago ako umalis. Agad kong sinagot ang tawag, hindi na tiningnan kung sino.

“It’s 10 am, you said you’ll be home before 10.”

For the 3rd time around, my jaw dropped. Tiningnan ko kung sino ang caller at ‘di ako binibiro ng mata ko. Maloloka na ako.

“Fuck, say something, iniiwasan mo ba ako? You won’t have the chance of avoiding me. We’re in the same house, Audrey Clare,” saad niya ulit sa mababang boses dahil hindi ako nakasagot agad.

“We-we’re almost done,” kailangan ko pang lakasan ng kaonti ang boses ko dahil mapipiyok ako kung hindi. Hala!

“Siguraduhin mo lang, Mrs. Solomon,” he said with conviction. Oh freak?! Ano ba dapat ang isagot?!

“You know what? I’m going to fetch you up,”

Bakas ang inis sa boses niya. Wala na ako sa tamang katinuan, hindi ko alam, nakakapanibago.

Tuyot ang utak ko nang pumasok ako ulit sa conference room. I motioned everyone to continue, kaya nagsimula na ang Head ng Human Resources Manangement. She will be the last person and the meeting will be adjourned.

“Now that the airline is expanding, we are short in manpower to accommodate our development and the escalating numbers of passengers/clients,” she concluded that left me nodding.

Sa nakikita ko, maayos ang takbo ng negosyo at afford namin ang mass hiring, ‘yon nga lang baka magkakaroon ng problema ang agency na pagkukunan namin ng mga employees. The expansion needs atleast 4,000 employees since we built another airport in Camiguin and Batanes. Nagpaplano na nga din kaming gawing international ang AK but baby steps muna, nagsisimula pa kami ulit.

“That concludes my presentation,” Abbey said while looking at us, talagang todo palakpak ang mga kasamahan niya habang ngiti at tango lang ang naibigay ko sa kanya. Tinanong ako kung may tanong ba ako pero umiling lamang ako. Sandaling nakaligtaan ang sinabi ng asawa.

“The meeting is adjourned, thank you all for that wonderful presentation, you can now go back to your offices,” I dismissed everyone, they left after saying their thank yous. Pinauna nila akong lumabas kaya ang nagawa ko lang ay tanguan sila bago umalis. Nagstretch ako sa pasilyo at muntikan ng umakyat sa 33rd floor ng biglang naalala ko ang sinabi ni CJ. Is it real? Omo, kukunin niya talaga ako?

Tiningnan ko ang cellphone ko pero ni tawag ay wala akong natanggap galing sa kanya kaya imbes na maniwalang kukunin niya ako ay dumeretso na lang ako sa 33rd floor. Titingnan ko muna ang opisina at baka may hindi pa ako natapos gawin.

Sakay sa elevator papuntang 33rd floor my mind is wandering off, whatever happened kaninang umaga stressed me so much. May sakit ata sa utak si CJ ngayong araw na ‘to at mukhang nakalimutan niyang hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin.

Tsk! Mas lumalim pa ang pag-iisip ko habang nakatingin sa labas, kitang-kita ko ang runway galing dito, sobrang ganda nga naman ng lugar na ito.

Panay tingin lang ako ng tumigil ang elevator indicating na andito na ako sa floor ko. When the door opened, my eyes widened in shock. Wtf?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status