Se connecter
Juliana
—
My mother hates me.
Kung may kaunti mang pagdududa sa akin noon, ngayon sigurado na ako. And at this point, the word hate is an understatement. No. She freaking loathes me.
"Is there anything else we could do, Atty. Riyal?" desperado kong tanong sa isa sa mga personal attorney ng aking ina na kasalukuyang nasa harap ko.
Halos manuyo ang aking lalamunan at maging ang mga palad ay nanlamig sa ibinalita niya kani-kanina lang.
"I'm already of legal age. I just turned nineteen years old last week, for Pete's sake!" dagdag ko.
God, I hated how I could literally hear the tremor in my own voice.
Akala ko walang magbabago. I thought everything would stay the same. That I would stay the same. Here, in boarding school, until I finished my degree. And after that, I would finally have my own life, still far away from all of them.
Bakit hindi na lang gano'n? Why did she have to make this all complicated?
The old man just sighed and adjusted his glasses bago siya umiling. "We have to honor this, hija. Besides, this is a legal document your mother prepared years ago. If you don't go through her conditions, then I'm sorry..."
I bit my lip so hard until I tasted something metallic. Nararamdaman ko ang luhang nangingilid sa aking mga mata pero hindi pa rin tuluyang pumapatak.
"She couldn't do this to me," mariing baling ko sa matanda.
Hindi ko alam kung alin ang mas matindi sa dalawa—my disbelief at what's happening, or the anger boiling inside me because of it. Either way, kanina ko pa pinagdarasal na sana panaginip lang ang lahat ng 'to at magigising din ako.
Kaso hindi, e. Andito ako, kaharap ang matanda pati na rin ang papel na ibinigay niya kanina. He explained everything written on it, but none of it matters if that one condition isn't met.
"I'm sorry, hija," mahinahong sambit niya. He sighed again. "But this is your mother's last wish. Kailangan mong sundin ito."
Yeah, right. Last wish my ass. I gritted my teeth.
Nagsimula na siyang mag-ayos ng gamit. Hinayaan ko siyang ipasok ang iba pang mga nakatuping dokumento pabalik sa kanyang leather briefcase, habang tulala pa rin ako sa kasulatan na naiwan sa aking harapan.
"If you successfully meet all the requirements she stated, then you will have no problems in the future." Atty. Riyal patted my back before showing himself out.
He probably didn't want to deal with my outburst kaya agad na siyang umalis pagkatapos sabihin ang mga kailangang sabihin. After all, marami pa siyang kailangang gawin at asikasuhin. Hindi kasama ro'n ang pag-alo sa akin.
When the door finally shut, pure silence filled the visiting hall. Walang ibang tao rito maliban sa aming dalawa kanina dahil nasa gitna ng klase nang ipinatawag niya ako rito.
At ngayong ako na lang ang naroon, sa gitna ng katahimikan, gusto kong mag-wala. I want to release my anger so bad.
I didn't burst into tears when I learned that they were gone.
My mother and stepfather got into a car accident. Dead on arrival. Kaninang umaga lang. Ito ang puno't dulo ng lahat ng nangyayari ngayon.
I thought I was too numb to feel anything. Pero hindi pa rin pala. Because my mother, even in death, still has her own surprises for her one and only daughter.
"You really outdid yourself this time, Mom," mapait na bulong ko sa aking sarili habang tinititigan ang partikular na probisyon na nakasulat sa papel. It was written in bold letters unlike the rest of it.
Ms. Juliana Alaisa A. Zaldarriaga shall reside under the guardianship and supervision of Mr. Raegan Ybarro E. Monteverde until she attains the age of twenty-one (21). Non-compliance with this condition shall result in the forfeiture of her right to the inheritance and all assets bequeathed to her under this will.
Each fucking word burned into my brain, making every inch of my skin itch.
This isn't her last wish. Hindi, dahil alam ko kung para saan 'to. If anything, this is her last act of control over me. This is her telling me to continue everything she worked hard for, in ways I could never stomach.
"Kaya mo pa rin talaga akong pahirapan kahit wala ka na," pagak na halakhak ko. Ang mga luha ay lalong nangilid pero hindi ko hinayaang tuluyang bumagsak. "You really hate to see me happy, huh?"
Kinuha ko ang papel at dahan-dahang nilukot iyon.
She's gone, and I won't waste another second walking back into the cage she built to keep me trapped.
I picked up my phone to call Cairo, my mother's ever-loyal personal assistant. Siya ang nagbalita sa akin ng nangyari kaninang umaga, and he's also the one who told me that one of my mother's attorneys have something important to discuss with me. Hindi ko alam na ang sinasabi niya palang importante ay wala palang kwenta.
Isang ring lang, agad naman itong sumagot.
"Good afternoon, Miss Liana," bungad niya sa mababang boses. "Nakahanda na po ba ang mga gamit niyo?"
Kinuyom ko ang aking kamay, hawak-hawak ko sa loob ang lukot na papel.
"I won't be at the burial," singhal ko. "Don't expect me there, and don't bother updating me with whatever. I'll stay here until the semester ends. Hindi ako uuwi ngayon at wala akong balak na pumunta!"
Pagod na bumuntong-hininga ang lalaki sa kabilang linya. "Pero Miss Liana, kailangan po kayo rito. Nakausap ko na po ang headmistress ng school niyo tungkol sa nangyari at papunta na si Manong Emil dyan para sunduin kayo—"
"Did my mother's death suddenly make you deaf, Cairo?" I cut him off. He's been good to me my entire life, almost like an older brother. But right now, I really want to lash out at everyone. Wala na akong pakialam kung sinong masagasaan ko.
"Hindi po, Miss. Malinaw naman po ang pandinig ko at naririnig ko po kayo nang mabuti, pero kailangan niyo pong pumunta—"
"I don't care! You hear me? I. Don't. Care! Hindi ako pupunta! At hinding-hindi ako kailanman babalik sa lugar na 'yan!" tunog-batang pag-aalboroto ko.
He must have remembered all the tantrums I threw over the years, all those times I begged for love and affection. In a normal situation, I would've been embarrassed by how I'm acting. Ngunit wala ng lugar ang hiya para sa akin ngayon.
"I'll never go back there, kaya 'wag niyo na 'kong guluhin!"
I was about to hang up when a much deeper voice suddenly cut through the line.
"Do that, I dare you."
My skin prickled immediately with the awareness of the familiar voice I hadn't heard in a long time. Nanlaki ang mga mata ko at mas lalo lang akong nagngitngit sa galit.
Tinanggal ko ang cellphone sa aking tenga at tinitigan iyon nang matalim, na para bang ito ang kaaway ko.
This is him, right? Siya 'to, sigurado ako! I know his voice! Kilalang-kilala ko ang boses na 'to dahil sinumpa kong hindi ko na kailanman maririnig 'to!
Huminga ako nang malalim bago ulit inilapit ang earpiece sa akin.
"And what?" hamon ko. "You can't force me to do anything... you piece of shit!"
"One of your mother's attorneys already paid you a visit. I'm sure by now you're aware of what I can do."
Lalo kong kinuyom ang aking kamao. Damn it! Damn it! Damn it!
"But you already knew it even before, didn't you?" dagdag na pang-uuyam niya.
A hot fury rushed through my veins, and all I could imagine was how good it would feel to land a punch on his smug face. Naglaban tuloy bigla sa isip ko ang kagustuhang makauwi para lang masuntok siya.
"I will get my inheritance whether you like it or not. Hindi ako uuwi ngayon—"
"Try me, Juliana," malamig na banta niya tulad ng pamilyar na banta niya lagi sa akin noon. "Do that, and say goodbye to the fancy life you have right now."
"Ididemanda kita—," nanggagalaiti kong sambit na agad niyang pinutol.
"With what money?" sarkastiko niyang tanong na ikinatahimik ko.
Nag-igting ang panga ko. Ramdam ko na rin ang panginginig ng katawan ko sa matinding galit na nararamdaman. Even my face feels so hot with all the blood rushing to my cheeks.
"Pack your bags and be here before dawn. Don't make me repeat everything I said, and stop acting like a bitch." His voice was firm, and I hated how it reminded me of all the ugly things I'd already put behind years ago.
"Tang ina mo!" sigaw ko, my voice echoing through the hall. "Hindi ako pupunta!"
"Miss Liana, ako na po ito. Huminahon po ka—" si Cairo na tila natataranta.
"Tell him to fucking rot there waiting for me, because I'm not going!" I violently throw my phone across the room. Tumama iyon sa pader nang may malakas na kalabog bago bumagsak ng walang buhay sa marmol na sahig.
My chest heaved as my heartbeat pounded in my ears like drums. Halos mabingi ako dahil sa lakas no'n.
Hinilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha.
"Why would you do this to me, Mom?" bulong ko habang pinagmamasdan ang wasak na cellphone.
Raegan—I stared at my therapist, who continued writing down what I had just said.Sa tagal ko ng nagpapatingin sa kanya, ni hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung hinuhusgahan niya ba ako o hindi sa lahat ng ikinukuwento ko.But it's been three days now since that girl came back. At tatlong araw na rin akong walang maayos na tulog, kaya nandito na naman ako sa harapan niya."Let me get this straight. The girl you were referring to all these years is the same girl you're talking about now?"Tumango ako."And this is not your fiancée, right?"Tango ulit.Is he always going to repeat everything I say before giving me his advice?"But this girl wasn't your ex or past lover..."I'm already pissed, dahil parang mas ipinapamukha niya sa akin na sobrang mali nitong nararamdaman ko, kahit hindi pa naman niya alam ang totoong pagkatao ng babaeng tinutukoy ko.I already know that it's wrong. That's the reason why I am here again.Kaso nga lang, sa loob ng siyam na taon na pabalik-balik ako
Juliana–"I need a phone," sambit ko kay Cairo kinagabihan.Nasa basement kami ngayon. Nakatayo siya sa harapan ko, habang ako naman ay nakaupo sa dulo ng kama.The dim yellowish light above us flickered softly."For what?" He looked confused. "Nasaan ang cellphone mo?"Oo nga, Juliana. Nasaan nga ba?Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na sira na at hindi na gumagana dahil naibato ko sa sobrang galit kahapon."Naiwan sa school," simpleng sagot ko."Ba't mo iniwan? Ano ba 'yan, Liana! How will I contact you?"Napangiwi ako. Is he seriously scolding me right now?When it's just the two of us, he sometimes calls me by my nickname without the formal salutation. Madalas kasi ay 'Miss Liana' ang tawag niya kapag nasa publiko o kung may ibang tao.Ilang beses ko na sinabi sa kanya na hindi na kailangan. Kaso aniya, kapag nasa labas kami at nasa trabaho siya, kailangan pormal ang pakikitungo niya sa akin.He even uses 'po' when talking to me, even though he
Juliana—At an early age, I already knew that he didn't like me.He never saw me as a sister, let alone as a human being. All he saw was the baggage that came with the gold-digging whore he believed was trying to leech off his father's wealth."Liana, this is your Kuya Raegan," pakilala ni Mommy sa akin sa isang lalaking may katamtamang haba ng buhok. Ang ilang hibla no'n ay nakalaylay sa kanyang noo. "Raegan, this is my daughter, Liana."His skin tone was fair, at alam mong laki sa karangyaan dahil sa kinis ng kanyang balat. His black eyes looked like a polished marble, reflecting the lights around the room, framed by long and thick lashes.I tilted my head as I examined him. He looked like one of those anime boys that my friends used to crush on. Payat, matangkad, at mukhang suplado. Madalas silang bumili ng mga sticker ng gano'ng karakter at idinidikit sa kanilang notebook."Hi, Kuya Raegan," ngiting bati ko, tulad ng bilin ni Mommy na gawin ko. Nasabi niya na 'to sa akin kanina n
Juliana—The sun lounger suddenly felt too small with him beside me.I continued to stare at him in silence, but didn't give anything away.Kung mabilis man ang tibok ng puso ko o pinagpapawisan ang mga palad ko, kahit alin do'n na simbolo ng kabang nararamdaman, hindi ko ipinakita."You said you wanted to bond, right?" His body shifted until he was fully facing me.I held my breath when his gaze dropped from my face to my chest, trailing down my body, or maybe to what I was wearing—hindi ko sigurado kung alin do'n o kung pareho. But the fury in his eyes only intensified. It was dark and sharp.Kaya nang mag-angat siyang muli ng tingin sa aking mga mata, ang tanging emosyong nakita ko roon ay poot at matinding pagkasuklam.The lump forming in my throat begged to be swallowed, pero pati ang simpleng pagkislot ng lalamunan ay hindi ko hinayaang makita.Damn it. Why is my confidence crumbling? Hindi pwede 'to. I willingly came here to question his fucked-up rules, not to fall apart in f
Juliana—Iritado kong tiningnan ang buong listahan. All the things written there were absolutely ridiculous!"Seryoso ba siya rito?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Fabro, na nanatiling tikom ang bibig.I crumpled the paper in my hand, just like I did with my mother's will.So much for trying to make peace with that bastard. Hindi talaga ako magkakaroon ng kapayapaan kung titira ako rito kasama ang gagong 'yon!Damn him! I really need to find a way to get out of this house after the burial! Mababaliw lang ako kapag nagtagal pa ako rito lalo!"Where is he?" nagtitimpi kong tanong ulit.Fabro stood there like he didn't hear a thing.Kinuha ko ang remote control para patayin ang TV, bago tumayo mula sa sofa at hinarap siya. I barely reached his shoulder. At sa laki ng kanyang pangangatawan, kahit sino ata ay matatakot na harapin siya. But with Raegan nowhere in sight, hindi ko maiwasang ipukol ang galit sa mga tauhan niya."I'm asking you where he is, damn it!"Yumuko si Fabro.Even
Juliana—Agad akong nakatulog pagkatapos kong magbihis. Wala na si Raegan sa loob ng kwarto nang lumabas akong muli. Kahit si Cairo, hindi na rin bumalik, kaya nagpasya na rin akong magpahinga.It was already eleven in the morning when I woke up.Kung hindi lang kumakalam ang sikmura ko, hindi pa sana ako babangon.I still couldn't believe that this is my reality now. For nine years, nasanay akong magising sa maingay na alarm sa boarding school. The strict rules there became my normal, though it became my home when I was sent away from this house.Tapos ngayon, andito na ako ulit. Hindi pa rin iyon gaanong nag si-sink in sa akin. It's as if I am in another world and not the real one.It only took one day for my whole world to turn upside down.Huminga ako nang malalim saka tumayo mula sa kama.My suitcases and other things were neatly stacked in the farthest corner near my walk-in closet. Hindi ko alam kung aayusin ko na ba ang mga 'yon. I refuse to accept that this is my life now. K







