Se connecterJuliana
—
If there's anyone I hated more in this world besides my own mother, iyon ay walang iba kundi ang taong pinili niyang kailangang makasama ko sa iisang bubong bago ko makuha ang mana ko—ang matayog at mapagmataas na si Raegan Ybarro Monteverde. The only son of my mother's husband from his first wife, and my stepbrother.
Ni walang isang patak ng dugong Monteverde ang nananalaytay sa akin. We were only introduced when I was ten and he was already seventeen, noong magpasyang magpakasal ang magulang naming dalawa.
With that age gap, it was never easy to deal with him. But he made sure it would be impossible, dahil paulit-ulit niya ring ipinapaalala sa akin kung ano lang ang lugar ko sa buhay at pamamahay nila.
I was sent away to an all-girls boarding school because of him, wala pang isang taon nang ikasal si Mommy at ang kanyang ama.
But my hatred for him is more than that. It is deeply rooted in all of the evil things he has done to me, and I still remember every single one of them.
And now, he's my legal guardian? For two years? What a load of crap.
Nakaupo pa rin ako sa sasakyan pero nakabukas na ang pintuan.
Tinitigan ko ang pamilyar na mansyon na nasa aking harapan.
It's been four years since I last saw this place. Dahil noong huli akong pumunta rito, ipinangako kong hindi na babalik pa.
But now, here I am, staring at the ancient house with its wide grounds.
Luma na ang mansyon, ngunit matibay pa rin ang pundasyon nito. May mga baging na gumagapang sa mga pader, iilan doon ay may maliliit na bulaklak.
The pillars are still tall and elegant, just the way I remember them. May mga pinong detalye ang nakaukit sa mga 'yon, at kahit ilang dekada na ang lumipas mula nang maitayo ito ay hindi pa rin nabubura.
Ang malalaking arko ng bintana na nakapaligid sa buong harapan ng mansyon ay sumasalamin sa malinaw at madilim na kalangitan.
It's still quarter to three in the morning kaya wala pang kahit anong bakas ng araw.
The bastard sent several men to my dorm room just to drag me here. Ni wala akong nagawa nang sila na mismo ang nag-empake ng mga gamit ko, at sila rin ang nagpasok sa akin sa sasakyan.
Lumandas ang tingin ko papunta sa aking kamay at paang nakagapos. Even my mouth was gagged with a white cloth. Kinagat ko kasi ang unang sumubok na gapusan ako. I actually felt bad about it, dahil alam ko namang utos lang ito sa kanila. But still, my anger at what's happening and my instinct for survival got the best of me.
"Miss Liana!" si Cairo habang nagmamadaling bumaba mula sa hagdan sa harapan ng main door.
His eyes widened the moment he saw the state I was currently in. Binalingan niya ang isang lalaki roon na nagbababa ng mga gamit nang tuluyan siyang makalapit.
"What are you doing? Pakawalan niyo siya!"
The man in black suit who has huge built and was taller than him about two inches just shook his head. "Protocol po ni Sir Raegan na saka lang po pakawalan kapag nasa loob na ng mansyon."
Tang... ina. I'm really going to punch him!
My eyes watered again. Ramdam na ramdam ko na ang ngalay ng parehong kamay at paa, maging ang bibig ko.
Huwag lang talaga silang magkamali na ilapit sa akin ang lalaking 'yon!
Ang malamlam na ihip ng hangin ay nagdala ng ginaw sa akin. I was only in my pink silky sleepwear, na spaghetti strap at shorts lang, when those men stormed into my room. Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magpalit ng mas maayos at disenteng kasuotan.
Hindi inintindi ni Cairo ang sinabi ng lalaki. Lumapit siya sa akin para sana tanggalin ang busal sa aking bibig, ngunit agad siyang hinarangan.
"She's already here! Sa tingin niyo ba makakatakas pa 'yan?" iritado niyang sambit.
"Pasensya na, Sir. Protocol lang po," tunog-robot na sagot ng lalaki.
"Wala na 'yang mapupuntahang ibang lugar dito. Mamamatay muna siya bago makalaot sa kabilang isla!" si Cairo habang tinitingnan ako roon sa malayo, kausap niya ang isa habang may dalawa pang lalaki ang pumipigil sa kanya.
His jaw tightened and his hands curled into fists. Inilingan ko siya para awatin.
He might be the only person I can trust in this fucking shithole. Hindi puwede na siya rin ay mawala rito.
I held my tears in. That fucking bastard would enjoy every drop of it, kaya sisiguraduhin kong hindi ako iiyak kailanman sa kasuklam-suklam na lugar na 'to.
Cairo threw me a pitiful glance. Pero nalingat ako nang maramdamang nagtayuan ang balahibo sa aking batok at may napansin na anino sa kanang itaas na bintana ng mansyon. Ngunit nang nilingon ko, wala na iyon do'n maliban sa gumagalaw na kulay puting kurtina.
"Ako na ang magpapasok sa kanya sa mansyon!" ani Cairo muli at pilit na nilalapitan ako.
Napabaling ako nang may narinig na nagpaputok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko nang mabilisang ikinasa ulit iyon at itinutok sa noo ni Cairo.
I struggled to make a sound. I can't lose him in this goddamn place!
"Sir, inuulit ko, protocol lang. Huwag niyo po sanang personalin. Kami po ang magpapasok sa kanya kaya pakiusap po na huwag kayong makulit."
Cairo backed down and the horror in his face is evident, pero mariin pa rin ang tingin niya sa lalaki.
"T-Then m-move faster para makapasok na siya!"
The man holding the gun instructed some of the others to come toward me. Ang isa ay binuhat ulit ako ng parang sako sa kanyang balikat, gaya na lang ng pagpasok nila sa akin sa sasakyan kanina.
Hindi na ako pumiglas because I was already too tired to even move. My hands and feet were probably bruised from the tight ropes binding them, dahil ramdam ko na ang hapdi no'n sa aking balat.
Nang makapasok sa loob, agad akong isinalampak ng lalaki sa mahabang sofa sa malawak na sala. The curtains bangs I was sporting were messily spread out and sticking to my face. Agad niyang tinanggal ang telang nakabusal sa aking bibig.
Kasabay noon ang paglapit ng isang pigura sa kinaroroonan ko.
When he got closer, he stood there like a fucking menace.
His plain navy blue long-sleeved shirt clung perfectly to his toned arms and broad shoulders. Tila ba nauunat ang tela no'n sa bawat galaw niya. While his black slacks fit his long legs flawlessly, at halatang sinukat ang bawat sulok no'n para sa kanya.
Kuminang ang kulay pilak na relo sa kanyang palapulsuhan, sinasalo no'n ang liwanag na dulot ng chandelier sa itaas ng kisame.
Ang kanyang buhok ay nakaayos at walang ni isang hibla ang nakatakas. It was slicked back neatly, and the stubble along his jaw was clean and trimmed.
His cold and dark eyes were fixed on me.
"Hello, dearest sister," aniya, sabay upo sa kabilang sofa at diretsong nakaharap sa akin. "It's been... a long time."
"Fuck you," iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko matapos ang halos anim na oras na biyahe. Dalawang oras doon ay nasa himpapawid kami sakay ng chopper papunta rito, tatlumpung minuto mula sa helipad, at ang natitira ay galing pa sa siyudad.
Sa buong biyaheng iyon, gising at dilat ang mga mata ko.
Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi, ngunit walang kahit anong kagalakan do'n.
May isang kasambahay na naghain ng tsaa sa coffee table at inilapag iyon sa harapan niya, bago tahimik na umalis.
Sumimsim muna siya sa maliit na tasa bago ako muling binalingan.
"Didn't the boarding school teach you to be prim and proper?"
Pinukol ko siya ng tinging puno ng pagkamuhi. "Didn't your expensive therapists teach you not to kidnap your dearest sister?"
Isang patuya at malamig na halakhak ang kumawala mula sa kanya.
"God, you're still dramatic. I'm disappointed that the boarding school didn't fix that."
Ibinaba niya ang tasa at idinekuwatro ang kanyang mga binti, sabay humilig sa sandalan. His eyes gleamed with that familiar wicked glint habang lumalandas ang kanyang mga mata sa aking kabuuan.
"But don't worry. I will be the one to rip your horns off, bago pa lalong tumubo ang mga 'yan."
Raegan—I stared at my therapist, who continued writing down what I had just said.Sa tagal ko ng nagpapatingin sa kanya, ni hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung hinuhusgahan niya ba ako o hindi sa lahat ng ikinukuwento ko.But it's been three days now since that girl came back. At tatlong araw na rin akong walang maayos na tulog, kaya nandito na naman ako sa harapan niya."Let me get this straight. The girl you were referring to all these years is the same girl you're talking about now?"Tumango ako."And this is not your fiancée, right?"Tango ulit.Is he always going to repeat everything I say before giving me his advice?"But this girl wasn't your ex or past lover..."I'm already pissed, dahil parang mas ipinapamukha niya sa akin na sobrang mali nitong nararamdaman ko, kahit hindi pa naman niya alam ang totoong pagkatao ng babaeng tinutukoy ko.I already know that it's wrong. That's the reason why I am here again.Kaso nga lang, sa loob ng siyam na taon na pabalik-balik ako
Juliana–"I need a phone," sambit ko kay Cairo kinagabihan.Nasa basement kami ngayon. Nakatayo siya sa harapan ko, habang ako naman ay nakaupo sa dulo ng kama.The dim yellowish light above us flickered softly."For what?" He looked confused. "Nasaan ang cellphone mo?"Oo nga, Juliana. Nasaan nga ba?Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na sira na at hindi na gumagana dahil naibato ko sa sobrang galit kahapon."Naiwan sa school," simpleng sagot ko."Ba't mo iniwan? Ano ba 'yan, Liana! How will I contact you?"Napangiwi ako. Is he seriously scolding me right now?When it's just the two of us, he sometimes calls me by my nickname without the formal salutation. Madalas kasi ay 'Miss Liana' ang tawag niya kapag nasa publiko o kung may ibang tao.Ilang beses ko na sinabi sa kanya na hindi na kailangan. Kaso aniya, kapag nasa labas kami at nasa trabaho siya, kailangan pormal ang pakikitungo niya sa akin.He even uses 'po' when talking to me, even though he
Juliana—At an early age, I already knew that he didn't like me.He never saw me as a sister, let alone as a human being. All he saw was the baggage that came with the gold-digging whore he believed was trying to leech off his father's wealth."Liana, this is your Kuya Raegan," pakilala ni Mommy sa akin sa isang lalaking may katamtamang haba ng buhok. Ang ilang hibla no'n ay nakalaylay sa kanyang noo. "Raegan, this is my daughter, Liana."His skin tone was fair, at alam mong laki sa karangyaan dahil sa kinis ng kanyang balat. His black eyes looked like a polished marble, reflecting the lights around the room, framed by long and thick lashes.I tilted my head as I examined him. He looked like one of those anime boys that my friends used to crush on. Payat, matangkad, at mukhang suplado. Madalas silang bumili ng mga sticker ng gano'ng karakter at idinidikit sa kanilang notebook."Hi, Kuya Raegan," ngiting bati ko, tulad ng bilin ni Mommy na gawin ko. Nasabi niya na 'to sa akin kanina n
Juliana—The sun lounger suddenly felt too small with him beside me.I continued to stare at him in silence, but didn't give anything away.Kung mabilis man ang tibok ng puso ko o pinagpapawisan ang mga palad ko, kahit alin do'n na simbolo ng kabang nararamdaman, hindi ko ipinakita."You said you wanted to bond, right?" His body shifted until he was fully facing me.I held my breath when his gaze dropped from my face to my chest, trailing down my body, or maybe to what I was wearing—hindi ko sigurado kung alin do'n o kung pareho. But the fury in his eyes only intensified. It was dark and sharp.Kaya nang mag-angat siyang muli ng tingin sa aking mga mata, ang tanging emosyong nakita ko roon ay poot at matinding pagkasuklam.The lump forming in my throat begged to be swallowed, pero pati ang simpleng pagkislot ng lalamunan ay hindi ko hinayaang makita.Damn it. Why is my confidence crumbling? Hindi pwede 'to. I willingly came here to question his fucked-up rules, not to fall apart in f
Juliana—Iritado kong tiningnan ang buong listahan. All the things written there were absolutely ridiculous!"Seryoso ba siya rito?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Fabro, na nanatiling tikom ang bibig.I crumpled the paper in my hand, just like I did with my mother's will.So much for trying to make peace with that bastard. Hindi talaga ako magkakaroon ng kapayapaan kung titira ako rito kasama ang gagong 'yon!Damn him! I really need to find a way to get out of this house after the burial! Mababaliw lang ako kapag nagtagal pa ako rito lalo!"Where is he?" nagtitimpi kong tanong ulit.Fabro stood there like he didn't hear a thing.Kinuha ko ang remote control para patayin ang TV, bago tumayo mula sa sofa at hinarap siya. I barely reached his shoulder. At sa laki ng kanyang pangangatawan, kahit sino ata ay matatakot na harapin siya. But with Raegan nowhere in sight, hindi ko maiwasang ipukol ang galit sa mga tauhan niya."I'm asking you where he is, damn it!"Yumuko si Fabro.Even
Juliana—Agad akong nakatulog pagkatapos kong magbihis. Wala na si Raegan sa loob ng kwarto nang lumabas akong muli. Kahit si Cairo, hindi na rin bumalik, kaya nagpasya na rin akong magpahinga.It was already eleven in the morning when I woke up.Kung hindi lang kumakalam ang sikmura ko, hindi pa sana ako babangon.I still couldn't believe that this is my reality now. For nine years, nasanay akong magising sa maingay na alarm sa boarding school. The strict rules there became my normal, though it became my home when I was sent away from this house.Tapos ngayon, andito na ako ulit. Hindi pa rin iyon gaanong nag si-sink in sa akin. It's as if I am in another world and not the real one.It only took one day for my whole world to turn upside down.Huminga ako nang malalim saka tumayo mula sa kama.My suitcases and other things were neatly stacked in the farthest corner near my walk-in closet. Hindi ko alam kung aayusin ko na ba ang mga 'yon. I refuse to accept that this is my life now. K







