เข้าสู่ระบบJuliana—Time literally stood still.If there was anything I least expected him to do, aside from everything he had already done so far, it was cracking a joke and laughing so hard because of it.Kaya imbes na ma-offend sa sinabi niya tungkol sa itsura ko kanina, parang may kumirot nang kaunti sa puso ko. But it was a beautiful kind of pain. It came from my amusement at seeing him do something I never imagined he could, lalo na sa mga bagay pagdating sa akin.First, it was cooking for me.Then, he introduced me to his friends.And now…Kaya rin siguro masyado akong nalulugod, dahil hindi ipinilit ang kahit na alin doon sa kanya. All of it was his own decision.He keeps surprising me with all the effort he’s putting into our brother-and-sister relationship, to the point that I couldn’t contain the happiness I was feeling.I am so excited for Mommy and Tito Garry to come back!Napansin ko ang pag-angat ng kaliwa niyang kilay nang hindi ko pinansin ang naging biro niya. Na imbes mainis a
Juliana—“Sleep some more. I’ll carry you to bed,” he said gently.Pumikit akong muli. I inhaled his clean and manly scent. Para akong lalong inantok dahil sa bango niya.How does he manage to still smell this good when he has gone out for the whole day? Ni amoy ng pawis o araw ay wala. It’s unfair how everything about him seems to be perfect.At kung hindi lang siya naging masama sa akin noong una naming pagkikita, wala na akong maipipintas sa kanya.Tumahimik sandali. Ramdam ko pa rin ang patuloy niyang paglalakad.“Kuya…” subok kong tawag para marinig ko ulit ang boses niya, pilit na nilalabanan ang antok na naghahari sa akin.“Shh… just sleep.” His soft yet deep voice soothed me. “But why are you even sleeping there anyway?”“I was waiting for you…” bulong ko, nananatiling nakapikit.“Why? It’s already late.”“For us to eat dinner together,” amin ko. Siguro dala na rin ng antok kaya direkta kong nasasabi sa kanya ang saloobin ko ngayon.Marahan siyang humalakhak. His chest vibrate
Juliana—Days flew by quickly when you’re happy. And right now, I am still on cloud nine, because I never thought that any of this was possible. Everything that happened these past few days felt surreal.Hindi ko rin alam kung bakit biglang nagbago ang isip ni Kuya Raegan tungkol sa opinyon niya na maging kapatid ako.He was so against it.He used to keep on threatening me and treating me badly whenever it was just the two of us, or whenever there was an opportunity for him to do so.But in such a short span of time, it seemed like he really changed his mind—and his perspective—about this family arrangement that we have.And I am so glad that he did. Napangiti ako sa sarili.Pangalawang linggo ko pa lang dito sa mansyon, pero tila nabura na ang mga nangyari noong una.The first week here, I already wanted to go back to our apartment. Pero ngayon, tila ba nagkaroon ako ng dahilan para lalo pang manatili rito.Maybe… it’s not that bad after all. And I already forgave him, as long as we
Juliana—Wala na akong nagawa nang paupuin ako ng lalaki.“Here. That’s all for you…”He passed me a paper plate of food. Siya na mismo ang nagsandok mula sa mga nakahaing pagkain.Ngunit habang sinusulyapan ko pa lang ang inihaw na tahong doon, bumabaliktad na agad ang sikmura ko. Yes, it looked savory with the melted cheese on top of it, pero tiyak na katakot-takot naman na pangangati ang aabutin ko kapag kinain ko iyon.“Narinig ko kay…” napahinto siya sandali pagkatapos ay tumikhim. “Narinig ko… sa mga katulong na… uh, ‘di ka pa raw nagtatanghalian kaya ka pinapatawag dito.”Hinila niya ang upuan sa tabi ko at naupo roon.Umiling akong muli. “Hindi na po. Busog pa naman po ako…”Sinubukan kong itulak ang plato papunta sa kanya, ngunit tila ba hindi nito narinig ang pagtanggi ko.Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong doon ang tag-isang piraso ng plastic spoon at fork.“Po, huh? Ouch…” makahulugang tingin nito sakin habang natatawa. “Do I look that old?”Kinagat ko ang labi ko para
Juliana —Because of the phone call earlier with my mother, lunch slipped my mind. Ni hindi na sumagi sa isip ko ang nakahaing pagkain kanina dahil sa bigat na nararamdaman.Naalala kong itinuro pa iyon sa akin ni Manang Felicia kanina, pero talagang tuluyan na itong nawala sa isip ko.Mabuti na lang at nakapag-almusal ako nang maayos kaninang umaga, kaya naman hindi ko gaanong naramdaman ang gutom buong maghapon.Huminga ako nang malalim.Right now, I’m really nervous. Hindi magkamayaw ang kabog ng puso sa aking dibdib.The anticipation of meeting him again slowly drowned out everything that happened earlier today. Ito kasi ang unang pagkakataon na magkikita kaming muli matapos niya akong ipagluto noong nakaraang gabi.After that night, we didn’t talk much. Pinabalik niya rin ako agad sa kwarto, at sinabi niyang siya na raw ang bahala sa pagliligpit ng mga tirang kalat.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na talagang nangyari iyon.In my mind, it’s as if that memory didn't
Juliana—When hope starts to grow, it is somehow unstoppable.Para iyong sinag ng liwanag na sumisilip sa siwang ng isang saradong pintuan. Sa una’y maliit lamang, ngunit imposibleng pigilan kapag nakahanap na ito ng iba pang daan na maaaring pasukan.And before you know it, the whole room isn't dark anymore. It becomes full of light and brilliance.Sinabi ko na hindi ako umaasa na magiging maayos agad ang tungo niya sa akin dahil lang ipinagluto niya ako noong gabing iyon. I even tried brushing the memory of it aside—iniisip na normal lang naman iyon, at kaya lang naging kakaiba dahil sa naging trato niya sa akin noong una.He was usually ruthless. Evil, even.Pero noong gabing iyon... he was at least kind to me. I still consider it kindness, kahit noong una'y kahindik-hindik ang galit niya nang makita akong lumabas ng sarili kong kwarto.But even though I tried so hard to resist hoping, hindi ko na maiwaglit ang pag-asang sumibol sa akin. Hindi rin nakatulong na mas gusto niya pan







