Share

Living With A Gay Alpha
Living With A Gay Alpha
Author: Serene Santelle

Kabanata I.

Kabanata I. 

“Malayo pa ba tayo, Manong?”

Isa’t kalahating oras na ang aming binabiyahe mula pa kanina pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakarating sa tinatawag nilang Evergreen City. Mula sa mataong lungsod, unti-unting nawawala sa aking paningin ang kumikislap na mga ilaw at napapalitan ito ng mga nagtataasang puno. Ang kaninang mainit na panahon ay napapalitan ng malamig na simoy ng hangin.

Kakamatay lang ng aking Nana na tinuturing kong Lola simula noong nagkaisip ako. At bago siya pumanaw, ibinilin niya sa akin na magtungo sa Evergreen City at doon mamuhay nang payapa, malayo sa aking ina-inahan at suluterang kapatid. Matagal ko ng tinitikis ang pagmamaltrato nila sa akin at ngayon nga ay pinalayas na nila akong tuluyan dahil sinugod ko siya dahil sinulot niya ang aking kasintahang babae.

Yes, I am girl who likes my own kind. At hindi ko ikinakahiya ‘yon. Para sa akin, ‘yon ang pinakamagandang desisyon na nagawa ko para sa aking sarili.

Huminto ang sinasakyan namin sa isang lubak-lubak na daan. Marahil ay nakarating na kami sa Evergreen subalit nang bumaba ako, isang madilim na kagubatan ang bumungad sa akin. Kaya minabuti kong tanungin si Manong, ngunit napaigtad ako sa gulat ng makita ang isang puting pusa na may kulay berdeng laso sa leeg nito.

“Meow! Meow!” iyak nito na tila hinahanap ang ina.

“Saan ka galing, pusa?” tanging tanong ko at aakmang kukunin ito sa driver seat. Bigla itong tumalon at mabilis na tumakbo patungo sa madilim at masukal na gubat. Sinundan ko ang iyak ng pusa habang iwinawakli ang mga nagtataasang damo na humaharang sa aking mukha.

Wala na akong makita, buti na lamang at maliwanag ang buwan na nagsisilbing gabay ko. Malayo na ang aking tinakbo at nakakaramdam na rin ako ng pagod kaya tumigil ako saglit. Humihingal akong humawak sa aking magkabilang tuhod.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa tumigil ang mga mata ko sa malapalasyong estraktura na kumikinang sa harap ko.

“Woah! Anong lugar ‘to?” bulalas ko sa aking sarili habang binibigyang-pansin ang makikinang na ilaw na nagmumula sa loob.

Naririnig ko ang malamyos na tugtog sa loob na tila may mga nagsisiyahan. Dinala ako ng aking mga paa sa kahabaan ng pulang tela at gano’n na lamang ang laki ng aking mata nang mapansing nakasuot ako ng puting bestida. Napayakap ako sa aking sarili na kitang-kita ang aking balat at nakaayos sa isang messy bun ang aking buhok.

“Ano ba ang nangyayari sa ‘kin? Na-engkanto ba ako? H’wag naman sana, Lord? Marami pa akong pangarap sa buhay,” ani ko na tila may kinakausap.

Nasa tapat ako ng mataas at matuwid na double door at nang itutulak ko ito, biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang dalawang babae na kagaya ko ay nakasuot rin ng bestida. Ang kaibahan lang namin ay ang kulay; nakasuot sila ng berdeng bestida na may lace.

“Oh, God, Claudia!” sabi ng babaeng maikli ang buhok na tinawag na Claire, at mas matangkad sa aking ng konti. “Where have you been?”

“Kanina ka pa namin hinahanap. What were you thinking?” sermon naman ng isang babae na mas maliit sa akin at may mahabang buhok. Claire called her Jilliane. “Kanina ka pa hinahanap ng lahat. Naghihintay na sa ‘yo ang alpha sa loob.”

“Alpha?” naguguluhan kong tanong habang pabaling-baling ang aking titig sa kanilang dalawa.

Ginawaran ko sila ng kunot sa noo subalit gano’n din ang ginawa nila. Tinampal ako nang mahina sa braso ni Claire na tila akala nila ay nagbibiro ako.

“Gaga ka! Seremonya ng kasal mo ngayon, nakalimutan mo ba? Magagalit sa ‘yo ang Papa mo kapag hindi ka sumipot kaya halika na,” babala ni Claire.

Itinaas ko ang aking kamay at nagsabi ng totoo sa kanila.

“I’m sorry but you’re mistaken. Hindi ako ang ikakasal. I’m Claudia but not the Claudia you’re looking for. Besides, it’s hard for me to believe that I’ll be married because I don’t like men. Kaya excuse me lang, kailangan ko ng umuwi,” asik ko. Subalit tinawanan lang nila ako pareho. “Ano ang nakakatawa?”

“You’re kidding. Kaya dapat hindi na natin siya pinainom ng potion, Claire.” Patuloy pa rin silang dalawa sa kakatawa habang tinatakpan ang bibig. “Tingnan mo. Natuyo ang utak.”

“Anyways, kahit ayaw mo, you can’t change the fact that the alpha chooses you to be his bride.” Kinuha nila parehas ang aking braso at saka hinila papasok sa loob ng palasyo.

Bumungad sa aking paningin ang naglalakihang chandeliers sa taas at ang matataas na columns na humahati sa buong hall. May mga bulaklak na nakabitay sa taas na tila mga bagon sa gubat. It was enchanting! Tila ang mga tao sa loob ay mga paru-paro na nagagandahan at nagsasayang nakikipag-usap sa kanilang mga kakilala. Ngunit ako, para akong isang ligaw na uod sa mundo ng mga paru-paro.

Nakaramdam ako ng kaba sa aking paligid. Marahil ay alam kong hindi ako tagarito at nawawala lamang ako. Hindi ko nga alam na may palasyo pala sa gitna ng gubat. Kasama ko pa rin sina Claire at Jilliane subalit pakiramdam ko maging sila ay hindi ko kauri. Kanina ko pa ito nararamdaman na may kakaiba sa kanila pero hindi ko pinansin.

“Don’t worry, Claudia. Alpha Pietro is a nice guy. He won’t do anything bad and besides, everyone knew what he is. Kaya nakaka-excite kung ano ang mangyayari sa inyo,” kilig na sabi ni Claire. Ngunit biglang nagbago ang expression ng dalawa at tila nakakita ng multo. Hindi ko rin namalayan na umalis na sila sa aking gilid.

“Claudia Laurel,” tawag sa akin ng isang matandang lalake. Matikas itong tingnan at ang tindig ay tila ay may taglay itong posisyon. Hindi ko agad siya nakilala dahil sa kaniyang mustache pero pamilyar sa akin ang lalakeng ito. “Didn’t I tell you to behave in front of the Leicester’s? Bakit ka na naman tumakas?”

And I knew it. Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Na-miss ko siya.

“Papa…” bulalas ko.

Aakmang yayakapin ko siya ngunit bigla siyang tumagilid at hindi ako pinansin. Hanggang dito ba naman hindi mo pa rin ako matanggap? Hindi ko alam kung ano na ang sumunod na sinabi ko pero gusto ko makasama nang matagal ang ama ko. He died because of heart attack when I told him I’m not into men kaya sinisisi ko ang sarili sa nangyari noon. Ngunit ngayon, gusto ko siya magtagal sa piling ko… kahit hindi niya ako matanggap bilang ako.

“Will you be happy if I marry the person you choose for me? Will you stay longer with me if I do what you want?”

“I’d appreciate your effort if you will.” Umalis si Papa sa aking harapan at hindi na lumingon pa. Inilagok niya sa kaniyang bibig ang natitirang pulang likido mula sa baso.

Hinawakan ko ang hem ng aking suot na sumasayad sa marble floor at tumalikod. Hinahanap ng aking mata sina Claire at Jilliane subalit hindi ko sila makita. Naramdaman ko na lamang ang mainit na balat na dumampi sa aking pisngi at tinuyo ang aking luha. Napaigtad ako sa gulat subalit nakabawi naman ako nang makita kung sino ‘yon.

It was him. The smile, the stance, and his clean hair cut. It spoke so much confidence as if he possessed of some high ranked title. At hindi nga ako nagkakamali. Lahat ng mga mata ay nakamasid sa amin. Hindi ako mapakali.

“A girl like you shouldn’t be left alone.” His voice is soothing, like a melted honey. But despite the sweetness it brought, hindi maikakaila na may kakaiba din sa reaksyon niya. Nakita ko mismo kung paano umismid ang kaniyang labi sa kaniyang sinabi na tila hindi siya sang-ayon dito.

Nakaramdam ako ng pagkadisgusto. Kahit pa siya ang may pinakamalamyos na boses sa buong mundo, hindi magbabago ang sekswalidad ko. Kaya nang biglang umasim ang kaniyang expression, hindi maalis sa isip ko na baka gaya ko lang din siya. Parehong naipit sa sitwasyong hindi namin ginusto.

“Don’t say words to please me. I won’t fall for that,” sabi ko agad.

“Talaga ba?” Hinawi niya ang buhok ko at maingat na hinawakan ang aking balikat at inilapit niya ako sa kaniya. Isang sentimetro na lamang ang ang layo naming dalawa at naaamoy ko na ang kaniyang mabango niyang hininga. He smelt like a new born baby.

Naririnig ko ang hiyawan at palakpak sa aking paligid nang unti-unting bumaba ang titig niya mula sa aking mga mata hanggang sa may malambot na bagay ang dumapo sa aking leeg. Tila nakuryente ako at napapikit sa gulat nang lumapat ang kaniyang maninipis na labi. Goodness gracious, Claudia! Gumising ka!

Hindi ako makagalaw. Parang ang aking mga paa ay nakadikit sa makikintab na tiles na aking tinatapakan. Dumako ang aking tingin sa kaniyang mata at hindi nakaligtas sa akin ang kumikislap na kulay ginto ng mga nito. Kanina lamang ay berde ‘yon ngunit biglang may kumislap at nagbago. It was the most astounding thing I saw as of today.

“W-Who the hell are you?” tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo.

“Girl, it’s Pietro!” paglilinaw niya. He snapped his fingers as if for me to recall.

Ngunit mas nagulat ako sa sinabi niya. Is he… gay? Gusto ko matawa. Am I marrying a gay?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status