Sandra's POV
TULUYANG lumalim ang gabi. Alam kong sa mga oras na ito, labis na ang pag-iisip nila nanay at tatay kung ano ang nangyari. Alam kong maiintindihan naman nila ang aking desisyon at ipaliliwanag ko naman ito sa tamang panahon, sa ngayon, kailangan kong gawin kung ano ang alam kong tama.Habang ako ay kasalukuyang nakasakay sa loob ng kotse, lihim akong sumulyap sa lalaking katabi ko ngayon, si Lucas.Matalas ang kanyang mga mata, makapal ang kilay at may mataas na balingusan ng ilong. Ang kanyang labi ay 'sing pula ng mansanas at ang kanyang kutis ay tila hindi man lang dinapuan ng lamok mula pagkabata. Napakaperpekto ng lalaking ito.Sino ang mag-aakalang ang lalaking nakita ko lang noon sa tv ay makakasama ko ngayon sa iisang sasakyan at makakasama ko pa sa iisang bubong. Hindi pa rin ako makapaniwala na titira ako sa isang mansion kasama ang isang bilyonaryo."Are you done scanning me?"Naputol ang aking iniisip nang mapagtanto kong nakatingin din pala siya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin nang magtama ang aming mga mata, saka ako tumingin sa bintana."One more thing..." wika niya.Muli akong tumingin sa kanya na may kunot na noo."Sa loob ng siyam na buwan, hindi ka pwedeng umibig sa 'kin, naiintidihan mo?"Halos malaglag ako sa aking kinauupuan dahil sa kapreskohan ng lalaking ito."Bakit naman ako magkakagusto sa 'yo? Ang sama kaya ng ugali mo," iritable kong wika saka humalikipkip."Mabuti nang malinaw," aniya."Isa pa, isa lang ang taong mahal ko at 'yon ay si Mico–" naputol ang aking sasabihin nang maalala kong muli ang lalaking iyon, ang lalaking hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.Yumuko ako nang makaramdam ng lungkot at bigat ng balikat."So, where is he now? Aren't you supposed to get married?" pang-aasar pa niya.Mariin ko na lang na kinagat ang aking labi saka tumahimik. Ayoko nang makipagdebate sa lalaking ito dahil kahit anong sabihin ko, alam kong hindi naman siya magpapatalo.Narinig ko pa ang pagngisi niya nang tuluyan akong tumahimik. Makalipas ang ilang oras, napansin kong malayo na kami sa syudad at tanging malalaking bahay na lang ang nakikita ko sa isang malawak na executive village hanggang sa maya-maya lang, tuluyan nang huminto ang sinasakyan naming limousine."We're here," anunsyo nya.Tumingin ako sa labas ng bintana. Nanlaki ang aking mga mata nang mamasdan ang isang malaki at puting bahay. Animoy palasyo ang lawak nito na kung saan may mga rebulto ng lion na may ilaw sa loob bibig, animoy nagsisilbing liwanag sa labas ng double-door.'Ligtas pa ba ko sa lugar na to?' saad ko sa sarili.Maya-maya lang, nagsimulang bumaba ang mga bodyguard ni Lucas at pinagbuksan kami ng pinto. Sa aking paglabas, bumungad sa akin ang mga kasambahay na nakahilera. Nakikita ko lang ito sa mga telenovela, hindi ko akalaing may ganito pala sa totoong buhay?"Let's go," pag-aya ni Lucas saka diretsong naglakad.Sinimulan kong ihakbang ang aking paa kahit naguguluhan pa rin ang isip. Tinitingnan ko ang mga babaeng kasambahay na nakahilera ngayon sa aming nilalakaran. Nakayuko ang kanilang ulo ngunit ang iba ay hindi mapigilang hindi sumulyap sa akin, marahil ay nagtataka sila kung sino ako.Nang tuluyan kaming makapasok sa loob, halos mabali ang aking leeg sa paglibot ng aking paningin sa paligid. Napakataas ng kanilang ceiling at may malaking diamond chandelier. May malawak na hagdan sa aming harapan at napakagandang veranda."Punasan mo 'yang laway mo," pagtawag ni Lucas sa aking atensyon, saka siya ngumisi.Tiningnan ko ang aking labi, wala naman iyong laway."Dumating na ba si Trina?" tanong niya sa lalaking mayordomo saka binigay ang itim niyang coat."Ilang buwan daw siyang mawawala, Sir Lucas. Hindi pa rin po siya makapaniwala sa nabalitaan."Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Lucas."Let her be," maiksi niyang tugon. "Cathy, samahan mo ang babaeng ito sa kanyang kwarto. Magpapahinga na ko.""Yes, sir."Lumapit sa akin ang isang babae na nakasuot ng maid-outfit na animoy Japanese."Ma'am, sumunod po kayo sa 'kin," aniya habang nakayuko ang ulo.Tumango lang ako at nagsimulang maglakad. Isang huling sulyap naman ang ginawa ko sa direksyong kinaroroonan ni Lucas. Dirediretso lang siya sa paglalakad hanggang sa hindi ko na siya matanaw.***"Ito po ang magiging silid nyo, ma'am," saad ng aking kasama.Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kanyang balikad."Miss, hindi mo naman kailangan maging pormal. Pwede bang kausapin mo na lang ako na parang kaibigan lang? Naiilang kasi ako," wika ko sa kanya habang may malaking ngiti sa labi.Natulala naman ang babaeng nasa aking harapan, animoy ngayon lang siya nakakita ng taong ngumingiti."May problema ba?" tanong ko sa kanya."W-Wala naman po, ma'am–""Sandy, tawagin mo kong Sandy," pagputol ko sa kanyang sasabihin."Sige po. Ako po si Cathy," aniya na may ngiti sa labi."Grabe pala ang laki ng bahay na 'to, ano?" namamangha kong wika habang nililibot ang aking paningin sa loob ng silid na magiging kwarto ko.Napakalaki nito at tila dalawang bahay na rin kung susukatin."Opo, ma'am. Isa lang po ito sa limang mansion ng mga Montenegro.""Lima?" gulat kong wika.Tumango naman siya.Literal na mayaman pala talaga ang lalaking iyon. No wonder ganoon siya kayabang."Ms. Sandy, tawagin nyo lang po ako kung may kailangan kayo," aniya."Sandy na lang," muli kong pagtama sa kanyang sinabi. Nahiya naman si Cathy sa akin."S-Sige po, S-Sandy."Ngumiti ako nang marinig ang aking pangalan. Hindi ko alam kung paano tratuhin ni Lucas ang mga katulong dito, ngunit sa mga inaakto ng babaeng ito, sigurado akong strikto siya sa pamamalakad ng mansion na ito.Matapos ang usapan na iyon ay lumabas na siya ng aking silid. Lumakad naman ako patungo sa aking kama habang nakapako pa rin ang pamamangha sa mukha.Hindi pa rin ako makapaniwala na mararanasan kong tumira sa ganitong klaseng lugar. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Tinawagan ko sila nanay na alam kong sa mga oras na ito ay nag-aalala na."Anak, nasaan ka? Sabihin mo sa 'kin ang totoo!"Sunod-sunod na wika ni nanay nang sagutin niya ang telepono. Tumaas ang magkabilang gilid ng aking labi nang marinig ko ang nag-aalala niyang tinig."Nay, okay naman po ako. Nandito ako sa bahay nila Lucas.""Bakit? Anong ginagawa mo diyan?" pagsingit ni tatay."Huminga ako nang malalim at sinandal ang likod sa headboard ng kama, saka muling nagsalita, "tinanggap na po kasi niya ang bata at nagkaroon kami ng kasunduan.""Kasunduan? Anong kasunduan?""Basta po, tatay. Ipapaliwanag ko na lang pagbalik ko."Mariin kong kinuyom ang aking kamay. Hindi ko magawang ipaliwanag sa kanila na ipinagbili ko ang batang hindi pa nailalabas. Marahil ay halohalong emosyon ang mararamdaman ng aking mga magulang sa oras na malaman nila ito, kaya sa ngayon, hindi ko pa ito maamin.Pilit kong binago ang usapan namin, pinaramdam ko sa kanila na nasa maayos akong kalagayan at wala silang dapat ipag-alala. Matapos kumalma ang aking mga magulang, nagpaalam na rin kami sa isa't isa.Sa pagbaba ng aking kamay, tinanaw ko ang malayong kisame at hindi mapigilang hindi mag-isip sa mga bagay na nararanasan ko. Napapabuntonghininga na lang ako dahil sa bilis ng mga pangyayari.Muli akong napatingin sa aking cellphone nang maramdaman ang pag-vibrate nito, saka ko nakita ang pangalan ng katrabaho kong si Jennie."Hello, Jen?""Girl? Nasaan ka ba? Ilang linggo ka nang absent, ha? Awol ka na niyan," sunod-sunod niyang bulyaw sa akin.Napangiti ako nang maalalang napabayaan ko na nga ang aking trabaho."Sorry, Jen. Marami kasing nangyari, saka alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon, 'di ba?""Oo nga. Kaso panay ang hanap sa 'yo ni Sir Mico."Nanlaki ang aking mata at agad na napabalikwas ng upo nang marinig ko iyon."Hinahanap niya ko?" tanong ko.Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi naman kaila sa akin na hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Mico. Marahil ay naisip na niyang hindi niya ako kayang iwan."Oo, girl. Hinahanap ka niya. May nakita yata siyang article sa isang magazine, hindi ako sure."Nanlaki ang aking mga mata at bumagsak ang aking balikat. Ang mga ngiti sa aking labi kanina ay unti-unting nawala.'Mukhang nalaman na niyang buntis ako,' wika ko sa isip."Hello? Hello? Nakikinig ka pa ba, Sandy?"Tuluyang nanlambot ang aking katawan. Hindi ko na rin namalayan na naibaba ko na pala ang telepono at hindi na napakinggan ang bagay na nais pang sabihin ni Jennie sa kabilang linya.Sa tingin ko, sa mga oras na ito. Alam na rin ni Mico na anak ng isang Lucas Montenegro ang batang ito.Maya-maya lang, muli kong narinig ang pagtunog ng aking telepono. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang pangalan ni Mico na naka-flash sa screen.Sa dami ng araw na nakalipas, ngayon ko lang ulit nakita ang pangalan ni Mico sa aking cellphone, dahilan upang bumilis ang tibok ng aking puso.Sandra's POVLUMIPAS ang ilang araw matapos ang kasal namin ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kami. Pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang mga nangyayari. Pakiramdam ko ay nasa alapaap pa rin ang aking paa.Marahan kong pinikit ang talukap ng aking mga mata, saka dinama ang halik ng hangin sa aking pisngi. Napakasarap sa pakiramdam ang paghampas ng alon ng dagat sa sinasakyan naming yate..Maya-maya lang, isang mainit na kamay ang yumakap sa aking baywang. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko si Lucas. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at mahigpit akong niyakap mula sa likuran."Sa wakas, atin na rin ang araw na ito," aniya.Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at ganoon din naman ang aking ginawa. Naramdaman ko ang kamay ko Lucas na hinawak sa aking balikat, saka niya ako pinaharap sa kanya."I love you, my wife," aniya na labi na nagbigay tuwa sa aking puso."I love you more, my husband," tugon ko.Tumama ang tingin ni Lucas
Gab's POVNAGSIMULANG magpalakpakan ang mga tao. Naririnig ko ang kasiyahan na nagmumula sa venue ng kasal. Kahit nasa loob ako ng kotse, alam ko kung gaano kasaya ang mga tao na nasa paligid niya.Huminga ako nang malalim saka mapait na ngumiti. Sa wakas, kahit paano ay may nagawa naman akong tama. Akala ko ay lalamunin na ako ng kasamaan at galit sa aking puso.Hinawakan ko ang manibela at saka sinimulang i-start ang kotse. Sana ay napasaya ko si Sandy. Sana ay natupad ko ang tanging hiling niya. Siguro naman ay hindi na sila maghihiwalay, dahil sa oras na mangyari iyon, baka hindi ko na talaga bitiwan pa si Sandy.Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya na yata ang babang huli kong mamahalin dahil sa kanya ko nakita ang lahat ng hinahanap ko.Nagsimulang gumulong ang gulong ng aking kotse palayo sa lugar na iyon. Palayo kung saan naiwan ang kalahati ng aking puso.Congratulations, Sandy. Sana maging masaya kayo ni Lucas.Habang binabaybay ko ang kalsada pabalik sa Maynila, muling bumal
Sandra's POVALAM KONG isa akong malaking tanga upang maniwala sa mga bagay na sinasabi ni Gab. Marahil nga ay masiyadong malambot ang aking puso dahil pinili kong patawarin siyang muli.Malaki ang naging kasalanan sa akin ni Gab at hindi ko naman nalilimutan ang bagay na iyon. Ngunit tila may kung ano sa aking isip ang nagsasabing patawarin ko na siya. Kung nais kong maging masaya, umpisahan ko muna sa pagpapatawad sa iba.Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Gab, hindi ko magawang magtamim ng matagal na galit. Tila ba kahit paulit-ulit siyang magkamali sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang patatawarin. Siguro nga ay tanga ako, ngunit nais ko na rin namang limutin ang magalit sa iba. Tulad na lang ng ginawa kong pagpapatawad kay Trina na alam kong may malaking kasalanan sa akin, sa amin ni Lucas.Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pumayag sa nais ni Gab na pakikipagkita sa akin. Siya ang nagbigay ng venue kung saan kami mag-uusap at nakapagtatakang naisipan niyang makipagkita
Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw, ginugol ko ang aking oras kasama ng aking pamilya. Wala akong sinabi sa kanila at hindi ko pinagbigay alam ang tungkol sa mga nangyari. Hindi ko rin sinabi ang tungkol kay Lucas at ang pagtatalo namin ni Gab. Ngunit alam kong kahit wala akong sabihin, nararamdaman ni nanay ang mga nangyayari sa akin.Kinagabihan, nakatutok ako sa aking laptop at nagtitingin ng flight pabalik ng Pilipinas. Oo. Nasi ko nang bumalik doon dahil sa tingin ko, hindi rin naman ako makapagsisimulang muli sa lugar na to dahil in the first place, wala naman akong dapat simulan.Walang may kasalanan at walang mali sa mga bagay na ginawa ni Lucas. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon at wala na akong galit sa kanya. Marahilsa ngayon, hindi ko pa kayang humarap muli kay Lucas. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nagkulang ako sa pang-unawa. Hindi ko siya pinagkatiwalaan at hindi ko alam kung paano ko na siya muling haharapin."Anak, gising ka pa ba?"
Sandra's POVHINDI KO alintana ang sakit ng aking ulo dahil sa mahabang biyahe na aking ginawa. Wala akong sinayang na oras dahil agad akong tumawag ng taxi at nagtungo sa presinto kung saan nakakulong si Trina.Sa pagdating ko roon, lumapit ako sa mga pulis na nandoon at nagtanong kung anong oras maaaring bumisita sa preso. Mabuti na lang at pinayagan akong makipag-usap dahil oras pa naman daw ng dalaw.Pinapasok nila ako sa animoy waiting area at doon naghintay kay Trina. Kahoy ang kanilang upuan at maging ang lamesa ay kahoy rin. Magkaharap ang upuan at tama lang ito upang mas makausap ko nang maayos si Trina.Makalipas ang ilang minutong paghihintay, natulala ako nang makita ko si Trina sa mukha ng babaeng si Abby.Naglalakad siya habang may posas sa kamay. Hawak siya ng isang pulis at diretso siyang nakatingin sa akin habang may matalim na tingin.Nang makaupo siya sa aking harapan, lumayo ang pulis na may hawak sa kanya at tumayo sa tabi ng pader, animoy naghihintay na matapos a
Sandra's POVSA PAGPASOK ko sa loob ng kotse, hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Iniyuko ko ang aking ulo sa manibela saka doon tuluyang pinakawalan ang luha sa aking mga mata. Napakasakit ng aking puso at pakiramdam ko, isang libong karayom ang tumutusok dito. Akala ko noon ay malilimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko mula kay Lucas ngunit nagkamali ako. Tila lahat ng sakit at pagdurusa na pinaramdam niya sa 'kin noon ay unti-unting bumalik sa aking sistema.Pilit kong pinakalma ang sarili. Huminga ako nang malalim saka sinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan ng kotse. Mariin kong hinawakan ang manibela saka pinikit ang aking mga mata.Wala na. Tama na. Ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa kanya. Sana ito na talaga ang huli dahil hindi ko na kakayaning lumuha pa.Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa loob ng aking bulsa, dahilan upang kumalma ang aking puso. Mariin kong pinahiran ang aking luha at pilit na pinakalma ang sarili. Kinuha ko ang c
Sandra's POVKINABUKASAN, nag-book ako ng isang restaurant at siniguradong walang sino man ang makapapasok dito. Isang oras lang ang kinuha ko sa schedule nila dahil alam kong sasapat na iyon para sa aming dalawa ni Lucas. Nais ko lamang makipag-usap sa kanya hindi dahil nais ko nang bumalik, kung hindi naia ko nang putulin ang ano mang ugnayan namin.Nang maranasan kong tumira rito sa malayo, muli kong naramdaman ang kalayaan at kasiyahan. Kalayaan sa paligid na ginagalawan ko. Kalayaan sa sakit ng nga bagay na naramdaman ko. Mas gusto ko ang ganitong buhay. Iyong buhay na wala akong tinatapakang tao at walang sino man ang magtatanim ng sama ng loob sa akin.Nang araw na iyon, hindi ko sinabi kina nanat at tatay kung saan ako pupunta. Hindi rin ako nagsabi kay Gab dahil ayoko nang mag-alala pa siya. Ako lang at si Lucas ang nakakaalam ng pagkikita naming iyon.***HUMINGA ako nang malalim at marahang nilapat ang aking kamay sa manibela ng kotse. Diretso akong tumingin sa kalsada at na
Sandra's POVSADYANG mapaglaro ang buhay. Kung minsan, may mga bagay na nangyayari sa atin at hindi natin naiintindihan kung bakit. May mga pagsubok na ibibigay sa atin na akala natin ay hindi natin malalagpasan, ngunit sa huli, magugulat ka na lang at masasabing, kinaya ko pala?Ang totoo, hindi nakakasawang magmahal at magbigay ng pagmamahal sa isang tao. Alam mo ba ang nakakasawa? Iyong magpatawad nang paulit-ulit at paulit-ulit din naman niyang gagawin ang ginawa niyang mali.Hindi nakakasawang magmahal, ngunit nakakasawa nang magpakatanga. Kung kailangan nating tumigil at sabihan ang sarili natin na tama na, tama na. Sana ay matuto rin tayong mahalin ang ating sarili. Sana marunong din tayong makaramdam kung kailan tayo hihinto sa pagpapakatanga tulad ng bagay na nararanasan ko ngayon. Sa dami ng bagay na pinagdaanan ko, sa pagkakataong ito, tila napagod na ako. Napagod na ako sa paulit-ulit na nangyayari sa aking buhay. Sa paulit-ulit na pananakit sa akin ng tadhana. Baka kaya h
Sandra's POV"IS IT really possible to retrieve a deleted email?" tanong ko sa IT employee na nakaupo ngayon sa aking upuan.Sinusubukan niya kasing ibalik ang email ni Lucas na noong isang araw ko pang hinahanap. May kung ano sa aking isip ang nais talagang mabasa ang email na iyon at ayokong huminto hangga't hindi ko ito nakikita."Of course, madame. I can retrieve anything you like. I am the most expert IT employee in this company," pagyayabang ng kasama kong ito."Well that's good. Please make sure that you will recover the email.""Sure!"Hinila ko ang isang upuan na malapit sa aking table, saka umupo sa katabi ng IT employee na iyon. Napamangha ako sa bilis ng kanyang daliri at maging ang mata niya ay napakabilis din. Nakabibilib na may ganitong mga speciality ang mga empleyado rito at mabuti na lang at naisip kong tumawag sa isa sa kanila.Makalipas ang ilang minuto, tumigil na rin ang pagtaas ng mga letra na naka-flash sa screen ng aking laptop. Maging ang daliri ng lalaking i