Share

Chapter Sixteen

NAALIMPUNGATAN si Klaire mula sa pagkakatulog nang maramdaman niya ang paglundo ng kama. Kinusot niya ang mata upang sinuin kung sino iyon.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya kay Luis na nag-aalis na ng sapatos.

"May kinausap lang ako," tugon naman nito na hindi siya nililingon. Nag-umpisa na itong mag-alis ng suot na damit pang-itaas. Bigla kinabahan si Klaire. Sunod-sunod siyang napalunok ng laway, ito na ba ang sandaling muling may mangyayari sa kanila?

"G-ginagawa mo?" utal niyang tanong dito.

"Maliligo ako," sagot naman ni Luis.

"Ah ganoon ba, okay." Iniiwas naman ni Klaire ang pansin sa lalaki. Dahil kita na niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

Hanggang sa bigla na lamang siyang pangkuhin nito. Muntik pa siyang mapasigaw, mabuti at napigilan niya.

"Saan mo ako dadalhin?" takang tanong ni Klaire ng tuloy-tuloy siyang buhatin nito hanggang sa may banyo.

"We're going to take shower babe," nakangising sabi nito at tuluyan siyang ibinaba.

"N-nagbibiro ka lang d-diba?" utal na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status