Share

Chapter 9

Quinn

"Pakibilisan," sabi ko sa private doctor ng pamilya namin na si Dr. Marquez.

"Yes po, Congressman."

Pinatay ko na ang tawag at mas binilisan pa ang pagmamaneho hanggang sa makarating na ako sa bahay. Nagmadali akong lumabas ng kotse at mabilis na naglakad papasok sa loob.

"Sir Quinn!" Sinalubong ako ni Christian sa may pinto.

"Where is she?" tanong ko.

"Nasa k'warto niya ho."

Tinakbo ko na ang distansya hanggang sa k'warto ni Naomi. Unang tumambad sa akin ang mga basag na bote pagkapasok ko. Ito naman ay nasa kama, hilam sa luha ang namumutlang mukha, at duguan ang damit na nanggaling sa kamay nitong may benda.

Napatiim-bagang ako. Dito pa talaga niya naisipang magkalat sa pamamahay ko sa dami ng lugar? Sinasagad niya talaga ng sobra ang pasens'ya ko.

"Kailangang dalhin na s'ya sa hospital, Sir. Kahit tinalian ko na ang kamay niya ay dumudugo pa rin."

"Hindi." Lumapit ako sa babae at inabot ang kabilang kamay nito para pulsuhan. Mahina ang pagtibok no'n pero sigurado akong hind
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status