Share

Chapter 10

Naomi

Pagkatapos kong maglaba ay bumalik muna ako sa k'warto. Pinagmasdan ko sa salamin ang magkabila kong pisngi. Ramdam ko pa rin ang bigat doon. Namumula ang parte kung saan tumama ang singsing. Sigurado akong mamaya ay magkakapasa 'yon.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na lang ininda ang sakit. Bumaba na lang ako ulit. Dumiretso ako sa labas ng bahay at nilapitan ang mga halaman na wari ko ay hindi na nagugupitan dahil sa hindi na nagkakapantay-pantay nitong mga dahon.

Kumuha ako ng gunting sa loob at dinala sa labas. Tahimik kong ginupit ang mga dahon na hindi pumapantay sa iba. Tinanggal ko rin ang mga natutuyo na. Ganoon ang ginawa ko sa lahat ng mga halaman. At nang matapos ay diniligan ko na rin ang mga ito.

Napapabuntong-hininga ako habang nakatayo at pinagmasdan ang ginawa ko. Ano naman kaya ang gagawin ko sunod nito? Ayaw kong tumahan lang at damhin ang lungkot ng mag-isa.

Bumalik ako sa loob at pumunta sa kusina. Magluluto na lang ako ng tanghalian. Kumuha ako ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status