LOGINFriday ng gabi, nagdecide akong itreat sila Chloe at Lola. Niyaya ko sila sa isang sikat na restaurant sa bayan. Ito ang naging routine ko para mas makapagbonding kaming tatlo. Nilalabas ko sila bago ako bumalik ng Maynila.
Matagal ko na din sila niyaya magtour sa ibang bansa actually. Pero itong si Lola ayaw niya! But I hope someday mapapayag ko din siya. Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng bus, nakasalubong namin itong si Miguel. "Sandra, andito ka pala, kelan ka pa nakauwi?". Tanong niya. Si Miguel ay kababata ko din. Siya ang naging daan para makilala ko yung ex ko 13 years ago. Hayy! Mahabang kwento. "Nung wednesday pa, actually pabalik na din ako ng Maynila bukas" mahinhin kong sabi sabay patuloy sa paglalakad. "Mailap ka pa din kay Miguel Sandra" sabi ni Lola "Hmmm!" Ito lang ang naging sagot ko sa tanong niya. Halos trenta minutos ang byahe namin papuntang bayan. Pagkatapos namin kumain sa restaurant ay niyaya ko silang magshopping. Namimiss ko 'tong ganto. Sa Maynila bihira lang din ako magmall. Kapag walang pasok, tatlo lang yan, maglalaba, matutulog o kaya magtatrabaho pa din. Oh di ba! Ang lungkot ng buhay ko. But, sanay na sanay na ako. Mag aalas onse na ng gabi nang makauwi kami sa bahay. Pagbaba ko ng tricycle galing sa sakayan ng bus, agad kong inalalayan si Lola pababa. Kita ang saya sa mukha nila Lola at Chloe kahit halatang napagod din. Agad na binuksan ni Chloe ang gate saka mabilis na pumasok ng bahay gawa nang naiihi na ito. Kanina pa nagpipigil. Nang pumasok na si Lola at mangyaring susunod na din ako sa loob, may biglang nag-on ng head light na pagka liwa liwanag sa bandang kanan. Napatingin ako at agad kong hinarang ang aking isang kamay malapit sa mata ko dahil sa silaw. Sa isip isip ko, sino ba itong kumag na ito na walang respeto at bigla na lang mgturn on ng head light at sa harap ko pa. Halata ang inis sa aking mukha at halos gusto ko nang sugurin ang may ari ng sasakyan. Nang hinaan na niya ang kaniyang pa-ilaw, tinitigan ko ng bahagya ito. Isang blue na pick-up. Mukhang familiar ito. Hindi kita sa loob gawa nang napakadark ng tinted nito. Iniisip ko pa lang kung saan ko ito nakita somewhere, bigla siyang nagturn on ng light sa harap niya. Laking gulat ko na halos nanlaki pa nga ang aking mga mata nang tumambad sa akin ang mukha ni Diego na nakangit pa nga sa akin. "Pusaaaa!" Gulat kong sambit. "Bakit Sandra?" Tanong ni Lola na nakaupo sa may bangkito na nasa labas ng pinto. "Wa-wala La" agad kong sabi. "I-lock mo na lang yang gate ha" utos niya. "Si-sige po La, sunod ako".... Nilapitan ko ang sasakyan ni Diego nang may pagka-inis. Agad din siyang bumaba ng auto. "Anong gina-". Magsasalita pa lang sana ako nang bigla siyang sumabat. "Ang layo pala dito sa inyo" sambit niya na halata ang pagod at puyat sa mata niya. "Anong ginagawa mo dito?" Naiinis kong tanong. "May sasabihin lang sana ako sa'yo" aniya. "At talagang dumayo ka pa talaga dito" naiinis ko pa ding sabi. Agad ko siyang kinuyog papunta sa likod ng kotse niya para di kami makita ng kapit bahay at nila Lola. Baka bigla siyang lumabas. Although, dis oras na din naman ng gabi, kami na lang ni Diego ang nasa kalsada. Hawak hawak ko ang kaniyang isang kamay tsaka hinila. "Paano mo nalaman dito?" Mahinang tanong ko na galit na galit pero nagpipigil. Kulang na lang kurutin ko siya sa tagiliran na parang isang batang ubod ng kulit. "Got a lot of ways!" payabang niyang sagot na tila ba nang-iinsulto. "Tsaka look!, I drove all the way here from Manila oh" nakangiting sambit niya na sumasapat para mawala ang galit ko. "Hmmm!, umuwi ka na!" Sabi ko. "Sungit mo naman Ms. Santibañez" nakangiti pa din siya. Infairness, nawawala inis ko sa mga oras na ito. Nakita ko na naman kasi si Diego. Kelangan kong magpigil ng emosyon. Grabe ang effort nitong lalaking ito! Lalambot na sana ako nang bigla kong dinivert ang momentum. "Pasok na'ko umuwi ka na" kunwaring naiinis na sambit ko. Naglakad na ako patungong gate ng bahay. Narinig at naramdama ko sa likod ko habang naglalakad na may kinuha siya sa loob ng sasakyan at dali dali ding sinara at nilock ito. "Seriously?" Tanong kong naiinis ulit. Napatingin ako ng bahagya sa hawak hawak niyang pasalubong. Dalawang box. Hindi ito pangkaraniwan na nabibili sa Maynila. Hindi familiar sa akin ang packaging. Mukhang binili somewhere papunta dito. Napatingin din ako sa bag niyang buhat buhat ng isa niyang balikat na para bang nabibigatan na ito. "Umuwi kna!" Nagpipigil pa din ako ng inis. Paghakbang ko ng gate nang biglang may nagsalita "Sino yan Sandra?" Tanong ng Lola na hinihimas ang tuhod gawa ng pagod sa paglalakad. "Wa-wala La!". "Ba't nasa labas ka pa La, lalamigin ka niyan" pag alala ko. Hindi pa niya kita si Diego dahil nasa likod pa siya ng gate. Bigla akong tinulak ng bahagya ni Diego at siya na ngayon ang nasa harap ng pinto ng gate. "Magandang gabi po, Lola!" Bati niya. Agad ko din siyang tinulak papalayo sa pinto. Tumayo si Lola nang may pagkacurious. "Magandang gabi din sa yo iho". Tumingin sa akin si Lola. "Sandra, papasukin mo ang bisita mo. Gabi na" normal lang ang pagkasabi ni Lola. "Uy! Pasok na raw tayo" at nauna ng pumasok si Diego. Nagmano pa nga ito kay Lola saka umupo sa tabi niya sa bangkito upang magtanggal ng sapatos at medyas. "Talaga naman!" Sambit ko sabay pasok na sa loob ng bahay. Nakaupo lang ako malapit sa pinto kaya dinig ko si Lola at Diego na nag-uusap. "Taga san ka nga iho?". Tanong ni Lola "Sa Maynila po, nagpunta po ako dito dahil nais--" "Uuwi ka na di ba?. La, may hinatid lang po siya na important papers babalik din daw po ng Maynila" lumabas ako agad para pigilan ang mga susunod na sasabihin ni Diego kay Lola. "Ha? Hating gabi na. Siam na oras mahigit ang byahe pabalik ng Maynila" pag alala ni Lola. "Tsaka mag isa ka lng bumyahe?" Aniya. "Ay! Opo. Ang layo po pala talaga dito sainyo. Walong oras lang naman po inabot ko sa pagmamaneho" paliwanag ni Diego. Sa isip isip ko - aba! Talagang iniinis ako ng lalaking ito. "Hay siya!, ganun ba? dito ka na magpang umaga iho at delikado na sa daan ngayon" alok ni Lola "Sandra iayos mo na lang nang bahagya ang sofa at doon mo na siya patulugin" sabi ni Lola. Ilang sandali ang aking pinalipas bago ako pumasok sa loob para ayusin ang sofa na hihigaan ng kumag na 'to. Pumasok na din si Lola sa kaniyang kwarto. Kita sa mukha ni Diego ang saya na makakatulog siya sa bahay. Nang maiayos ko ang kaniyang higaan "oh bahala ka na dyan, pag may lamok magkumot ka na lang" pormal kong sabi. "Tsaka okay lang ba sa iyo itong bentilador?" Tanong ko. "Oo naman! Mukhang mas magiging mahimbig pa ang tulog ko dito kaysa bahay" sabay ngiti tsaka umupo at binuksan ang bag. Naghanap siya ng pamalit na tshirt. Mangyaring huhubarin pa lang niya ang kaniyang pantaas na suot, ako nama'y dali daling umiwas ng tingin. "Oh bahala ka na diyan" sabay pasok na sa kwarto. Matagal ko na namang nakuha ang antok ko. Samo't sari na naman ang tumatakbo sa isipan ko. Iniisip ko na naman ang mga susunod na mangyayari. Si Chloe ano kaya ang magiging reaksyon niya paggising. Si Lola natuwa kaya ito? Dalawang oras nang dilat ang mga mata ko. Mag aalas dos na ng madaling araw. Tulog na kaya itong si Diego? Sa pagkausisa ko, kunwaring nauuhaw lang ako at kukuha lang ako ng tubig sa kusina. Kahit may nakahanda namang tubig dito sa kwarto ko. Paglabas ko sa sala, naaninag ko si Diego. Although, patay ang ilaw. Nasisikatan naman siya ng solar light sa labas dahil nasa tapat ng bintana ang pwesto niya. Napatigil ako sandali. Tinitignan ko siya. Ang sarap sarap ng tulog. Halata sa kaniya ang pagod. Nag aalala ako kahit papaano. Naka short at naka tshirt ng puti. Parang batang anghimbing ng tulog. Nilapitan ko at inayos ko ang kaniyang kumot. Napagalaw siya. "Sands" mahina niyang sambit sabay iniba ang pustura at tumagilid. Agad naman akong lumayo at bumalik sa kwarto....sa wakas at nakuha ko din ang tulog ko pagkatapos ng ilang palit ng pustura Kinaumagahan, medyo late na ako nagising. Kadalasan pag nasa probinsya ako alas singko pa lang ng madaling araw nagkakape na kami ni Lola. Mag aalas syete na ako nagising. Niligpit ko ang higaan tsaka nag hilamos at nagsipilyo. Paglabas ko nadatnan ko sila Lola at Diego na nagkakape ng rice coffee. Halatang nagkukwentuhan at napatigil sila nang lumabas ako. "Good morning!, coffee?" Alok ni Diego na akala mo ay nasa sariling pamamahay lang. Dinedma ko ito at agad akong kumuha ng tasa at binuhos ang kape. Nakatalikod ako sa kanila at nakaharap sa lababo. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan. Lumabas naman ako sa harap na pinto at naupo sa may bangkito habang nagkakape. Bigla kong naalala si Chloe at agad kong tinanonh si Lola habang nasa labas ako. "La? Si Chloe pala? Pumasok na?" Tanong ko. "Ay oo! Hinatid ni Diego kanina" tugon niya. Aba! Ano kayang gustong patunayan ng lalaking ito? Medyo nacurious ako. Ano kaya ang naging reaksyon ni Chloe? Kung sabagay pinakilala ko lang naman siya as friend. Naiintriga ako. Nag usap kaya sila? Hmmmm. Nag ooverthink na naman ako...After namin sa condo ni Diego, napag isip isip nya na we're gonna spend the sunday in tagaytay - sa bahay ng tita nya. He decided this kasi nga gusto lang niya ay masolo niya ako. Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa main door. Kita ang sayang sa aming mga mukha. Nilapat niya ang kanyang thumb at kusang nagbukas ito. Pareho kaming nakangiti sa isat isa hanggang may umagaw sa atensyon namin na siyang ikinagulat naming dalawa. Ang kaniyang tita Karla na nakaupo sa malaking sofa habang hawak hawak niya ang kaniyang red wine na nasa slim wine glass. Nakacross-leg ito at iniikot niya ang laman ng glass. "A-auntie?" Bigla siyang bumitaw sa hawak ko at agad siyang lumapit tsaka binigyan ng halik sa pisngi ang kaniyang tita Karla. "Kelan ka pa dumating?. Di ka man lang nagsabi at sana nasundo kita sa airport" sambit ni Diego sa kaniya. "I just had an urgent meeting this early morning sa Hyatt and I think it's best that I didn't let you know kasi mukhang abala ka sa iba" prangka
Dumiretso kami ni Diego sa tinutuluyan niyang Condo somewhere in Makati. Nasa panglabing limang palapag siya. Isang two bedroom na may balcony. Bilang lang ang mga gamit nito tulad ng mga pangkaraniwang appliances. Napakaminimalist ng area halatang well-maintained. Mayroon din itong mini living room. Isang sofa na pangtatlong upuan at center table na nakaharap sa 55" na TV. Di ko din maiwasang mamangha sa lugar. Dahan dahan kong nililibot at pinagmamasdan. Pagkatapos magbihis ito ng pambahay, napansin ni Diego ang reaksyon ko. "Soon dito ka na din titira, Mrs.Lopez" sabay ngiti sa sakin. Sa isip isip ko - Mrs.Lopez? Ang gandang pakinggan. Mangyayari kaya ito? Maya maya ay "gusto mong magshower?" Alok nito. "Dito ka na magweekend ha, please?" Lambing na pakiusap niya. Binuksan ko ang aking working bag sabay kuha sa damit kong gawa sa chalis na terno. Ito ang dinala ko para di maumbok sa bag. "Akala mo ah!" Payabang kong sabi. "Aba, nagready ka yata" nakatawang tugon sa
Mag one week na kami ni Diego since I officially answered him. Araw araw hatid sundo niya ako. Hindi ko naman ito hinihiling subalit napakapersistent talaga niya. During Lunch bumababa kami para kumain together at dumadayo sa karinderya. Kung hindi naman ay nagyayaya siya sa parking tuwing small breaks. Ang dating nilulunod ang sarili sa trabaho, ngayon nakakapag chill out na din kahit papaano dahil kay Diego. Naalala ko pa nung nakaraan pinagbaon niya ako ng sinigang na baboy. Sa parking kami kumain. Tuwang tuwa ako kasi paborito ko nga ito. Dinalhan din niya ako ng patis at kalamansi. Grabe kuhang kuha talaga niya ang kiliti ko. Kahapon nga bigla ba naman ako chinat ng "pinapatawag ka ni Gie sa conference room". Ako naman agad naman akong pumunta. Nang binuksan ko ang pintuan, agad niya ako hinila patago sa sulok kung saan hindi kita ng cctv tsaka niya ako sinunggaban ng halik. Kinabahan ako don ng very very light. Hayy napakakulit talaga. Ngunit lingid sa kaalaman n
Sarap ng gabing pinagsaluhan namin ni Diego. Di ko pa man mawari ang mga susunod na kaganapan ay sinagot ko na si Diego nang walang pag aalin langan. Sa totoo ay masaya ang puso ko. I feel loved. I feel settled. And I feel safe. Wala nang hihigit pa sa nararamdaman ko ngayon. Nagising kaming dalawa na parehong nakangiti. Tanging ang kumot lang ang nakabalot sa aming mga katawan. Ang mga saplot namin ay nagkalat sa baba ng air bed. Papatirik na din ang haring araw. "I love you Sands!" Sambit ni Diego nang nakangiti sabay dampi ng halik sa aking noo. Nakaunan ako sa kaniyang braso habang magkayakap kami. "I love you,too!" Tugon ko tsaka binigyan ng smack kiss. "Ano gusto mong breakfast?" Aniya. "Ano bang baon natin?" Nakangiting tanong ko. "Gusto mo ba ng champurado at tuyo?" Tanong nito. "Wow may dala ka?" Tsaka tumango si Diego ng nakangiti. Ang bilis ng mga pangyayari. Magkasintahan na kami ni Diego. Tila ba isang panaginip lang. "Teka papainit muna ako ng t
"Nandito na tayo Sands" sabi ni Diego. Medyo hilo pa din ako sa mga oras na ito dahil sa mga dinaanan naming steep road. Halos kapos ako sa paghinga habang dumadaan kami dito. Pero ang View? Panalo!!! Pumasok kami sa isang liblib na lugar. Tiniketan ng isang mama ang sasakyan para sa parking fee. Agaw pansin sakin ang pangalan ng pasyalan na "Bahay-bahayan Camp Site". Isa lang ang pumasok sa isipan ko - Camping.. Tamang tama at medyo maulap ang panahon. Mag aalas nuebe na din ng umaga nang marating namin ang camp site na ito. "Tara sa loob?" Alok ni Diego. "Wala na naman akong dalang gamit" reklamo ko. "Kung saan saan mo kasi ako dinadala, wala ka man lang pasabi nang nakapaghanda man lang sana ako" sabi ko. "Sus! Wag mo na intindihin, pasok na tayo" ngiting sambit ni Diego tsaka bumaba ng sasakyan. While hindi pa ako bumababa, pumwesto siya sa tapat ko "teka lang ha, tawag lang ako ng magbubuhat" tsaka ito pumasok. Mga ilang sandali, bumalik na siya ng may kasam
"Tita Sandra!" Natutuwang pagsalubong ni Luigi sa akin nang makarating kami sa bahay nila Lanie. Lanie's husband is an OFW, isang seaman. Kada anim na buwan o mahigit pa bago siya magbakasyon. Nataong out of the country siya kaya malakas ang loob nitong si Lanie magyaya ng inom sa bahay nila. "Lalo kang gumaganda Tita Sandra" nagagalak na puri ni Luigi sa akin. Natutuwa ako sa batang ito kasi lagi niya sinasabi tuwing dadalaw ako na he will gonna merry my Chloe someday. Hay! bata nga talaga! Pinakita ko kasi ang picture ni Chloe sa kaniya minsan. At sobrang ganda nga daw kagaya ko. One time nga nasabi din niya "I'm gonna merry your daughter so you can also be my Mom". Di ko makalimutan itong sinabi niya na parang tumatak din sa akin. Nakakatuwa talaga siya. Sinalubong ko siya ng yakap tsaka kinarga. "You're getting taller na" sabay gigil ko sa kaniya habang karga karga. May kabigatan na din na halos di ko na matagalan na kargahin. Naglaro kami saglit ni L
"Ma, andito ka na pala". Bungad ni Chloe. Agad agad niya akong sinalubong ng mano at halik sa pisngi sa sobrang kagalakan. Niyakap ko din siya ng mahigpit. "Namiss kita anak sobra". Paglambing ko na halos papaiyak na ako sa tuwa. I had Chloe when I was twenty. I wasn't prepare for her bac
Sa ramdom moment sa office habang busy kami ni Lanie. Lumapit siya ng upo sakin sabay bulong. "Girl, kayo ba ni D?". Nagpantig ang aking pandinig sa narinig kon iyon. Na para bang may bumagsak na eroplano sa tapat ko. Agad agad akong namula at na-tense. Ang inaasahan ko ay isang work related que
Pagkatapos mag inom nila Eric at Diego after shift ng Monday. Nagsick leave si Diego ng 3 days at nakabalik sa office ng Friday. Hindi pa din siya ganon kumikibo at nakatutok lang siya sa kaniyang monitor. Nagteam huddpe din kami ngunit dun ko lang siya nakitaan ng pagiging seryoso sa trabaho na
Nagbabalak akong magsick leave lunes na lunes. Ano kaya ang ire-reason out ko? Pagkatapos ng lahat ng pangyayari sa weekend, wala akong mukhang maihaharap lalo na't nasa iisang team lang kami ni Diego. Nakailang text at missed calls siya pagkatapos niya ako ihatid sa bording house. Ngunit ni is







