تسجيل الدخولNagbabalak akong magsick leave lunes na lunes.
Ano kaya ang ire-reason out ko? Pagkatapos ng lahat ng pangyayari sa weekend, wala akong mukhang maihaharap lalo na't nasa iisang team lang kami ni Diego. Nakailang text at missed calls siya pagkatapos niya ako ihatid sa bording house. Ngunit ni isa ay wala akong nireplyan. Wala akong balak ipagpatuloy ang anumang nangyari sa aming dalawa. Tama na ang ilang sandaling kaligayahan. Sanay naman na akong mag isa lang at walang iniintindi kundi work, promotion, at ang aking lola't anak sa probinsya. Pero hindi pa din mabura sa isipan ko yung feeling. Grabe!.. Napapangiti ako mag isa at naiimagine ko pa din ang mga makamundong pinaggagagawa namin. Hays, Sandra! Tama na ang kahibangan mo. Aniya ko sa sarili. Makaligo na nga!.. Pagkatapos ng isang oras, bumyahe na ako papasok ng office. Mag-aalas otso na nang makarating ako sa office. 9AM ang oras ng shift ko. Usually dumadating ako sa office ng pasado alas syete. Sinasadya ko talagang mag maaga para mas mamanage ko ang work ko the whole day. Dito na din ako nagkakape at ako lagi ang pinakamaaga sa team. Never pa akong nalate at never pang may nakauna sa akin sa pagpasok. Kaya binansagan akong taga-open ng office and I"m really used to It. Nang marating ko na ang aking work station, laking gulat ko nang may nadatnan akong starbucks hot coffee sa table ko at may nakasulat na "Sands" na may heart sa dulo. Pagkapa ko mejo mainit init pa. Halatang kakalagay lang not later than 10 minutes. And surprisingly, ito ang paborito ko sa menu ni SB; ang Hot white chocolate mocha. Dali dali kong nilingon ang paligid ngunit wala pa ni isa sa team ang pumapasok. Then my phone beep.. isang sms message from unknown number saying "nandito lang ako sa parking sands, gusto mo magbreakfast nearby?. Maaga pa naman".. Alam ko na agad na si Diego ito. Pero ang nakapagtataka saan niya nakuha ang mobile number ko? Sa messenger lang naman ang communication namin with the team. Hmmmp! Pagkatapos ng ilang minuto, nagtext ulit siya ng "else, mgtake out na lang ako kain tayo jan sa pantry? Hehehe" Hindi ko alam kung maiinis ako, kakabahan or matutuwa sa mga oras na 'to. He is bluffing me. Com'on Sandra! Kapag kakain sa labas, so iisipin niya ineentertain ko siya. Pag kakain naman mismo sa office, mas malala naman ang sitwasyon. So what now?!Wahhhh Sandra! Ano ba kasi tong pinasok mong babaita ka. Sa inis ko nirepyan ko sya ng "LEAVE ME ALONE!!!" dahil ayaw kong pumili sa kahit anong gusto niya. Nilagay ko na sa bag ang cellphone ko at flinight mode ko pa. And I start working. Pagkatapos ng mahigit isang oras, nagsidatingan na din ang iba kong ka-team. Saktong papasimula na ang aming shift. Isa isa na din ang mga naha-hi hello. Nasa pinakadulo akong cubicle. Katabi ko si Lanie; isang momshie din na may dalawang anak. Siya ang pinakaclose ko sa team. Maingay siya sakto sa tandem namin na extrovert and introvert. To be honest, I prefer to be kind of isolated. Yeah I know, introvert nga. I seldom eat lunch together with the team. Nasanay na. I just don't feel chatting. And I am not good with a small talk either. Kahit nga si Diego bibihira lang kami mag interact, kapag may icocoordinate lang. Pagkalipas ng ilang sandali, may dumaan sa likod ko sabay sabing "hey boss!". Kilala ko ang boses. Nagmaang mangan na lang ako. Hindi ko siya nilingon. Binaling ko ang focus ko sa monitor at nagpatuloy sa work. Then here comes the Lunch time... Hindi na talaga ako niyayaya ni Lanie mag lunch kasi lagi ko naman siya tinatanggihan. I seldom took a lunch break din kasi mas gusto kong nakamudmod lang sa trabaho. Sa mga oras na iyon, ako ang nagyaya kay Lanie ng Lunch. Ito lang ang chance para makaiwas ako sa pangungulit nung isa. "San ka maglunch mommy, sama ako".. alok ko. "Aba! Himala".. "are you sick" biro ni Lanie sabay tawa. "Miss lang kita kasabay kumain no" lambing kong ganon. Nawala sa isip ko na minsan magkakasama sila nila Diego kumain sa baba. May kinakainan silang karinderya malapit sa office. "Tara Diego kain" sabi ni Lanie kay Diego nang dumaan kami sa tapat niya. Di ko siya nililingon. Syempre sasama ito!.. sa isip isip ko. At sumama nga! "Game! Saan sa dati?" Tanong niya. "Kaso baka di naman kumakain si Sandra dun" tanong niya ulit. Nag iisip na ako ng idadahilan para umatras. Girl, It's a wrong move! Aniya ko sa sarili. Hindi na ako nakapalag nang agad na hinawakan ni Lanie ang kamay ko sabay lakad. Kita sa mukha ni Diego ang saya na para bang nagtagumpay. Samantalang patay malisya nalang ako at chinika si Lanie habang naglalakad kami patungo sa karinderya. Tatlo kami sa table.. Magkatabi kami syempre ni Lanie. Habang nag oorder si Lanie. Tatangkain ko sanang tumayo at magCR nang mag initiate ng conversation tong si Diego. "Masarap ang luto nila dito, lalo yung caldereta paborito ko yon" panimula niya na may halong ngiti. Ngiti na halos matunaw na ako. Shocksss! Tumango lang ako ng bahagya sabay baling ng tingin sa cellphone ko para di na masundan ang convo. Maya maya habang wala pa si Lanie sa upuan, hinawakan nya bigla ang kamay kong isa. Nagulat ako at agad ko itong binawi at iniwas. Di ako makapagsalita sa kaba, kaya ang ginawa ko lumayo ako ng konti. Halatang napahiya si Diego na para bang nakaramdam ng lungkot. "Excuse me".. sabi ko sabay tayo papunta kay Lanie upang tulungan itong hawakan ang pagkain na inorder namin. Habang kumakain kaming tatlo, hindi pa din mawala sa isipan ko ang naging reaksyon ni Diego kanina sa biglaan kong pag ilag. Yung tipong gusto kong bumawi sa kaniya ngunit nagpipigil ako sa kagagahan ko. Hanggang sa bumalik na kami sa office nang hindi pa din siya kumikibo. Madaldal si Diego kapag magkasama sila ni Lanie or kaya nang iba naming ka-team. Sa mga oras lang yon ko siya nakitang seryoso."Ma, andito ka na pala". Bungad ni Chloe. Agad agad niya akong sinalubong ng mano at halik sa pisngi sa sobrang kagalakan. Niyakap ko din siya ng mahigpit. "Namiss kita anak sobra". Paglambing ko na halos papaiyak na ako sa tuwa. I had Chloe when I was twenty. I wasn't prepare for her back then... but, she came. I was too young. I was unemployed, too. Tamang kakagraduate ko lang ng college. I didn't raise her by myself. It was Lola who mainly took care of her since baby pa siya. Although, when it comes to financial, nabibigay ko naman ang pangangailangan nila. I decided not to stay in the province after the tragic incident nung 2014. Sinubukan ko ang kapalaran ko at nakipagsapalaran ako sa Maynila. Kaya generally, madami akong namiss na happenings kay Chloe. Kaya sinusubukan kong bumawi kahit papaano. I hope it's not too late. "Ayan na naman tayo ma, naiiyak ka na naman" kutya niya. "Hindi ah, si Lola ang naiiyak oh" sabay baling ko ang tingin kay Lola. N
Sa ramdom moment sa office habang busy kami ni Lanie. Lumapit siya ng upo sakin sabay bulong. "Girl, kayo ba ni D?". Nagpantig ang aking pandinig sa narinig kon iyon. Na para bang may bumagsak na eroplano sa tapat ko. Agad agad akong namula at na-tense. Ang inaasahan ko ay isang work related question. Ako ang naging buddy or back up ni Lanie sa team. Although, mas nauna siya sakin ng tatlong taon sa company. "Oh bawal magdeny, kabisado na kita". Pasunod na pabulong niya. Na kulang na lang ay kurutin niya ako sa tagiliran. "Mi, you know?" Tanong kong may pag aalinlangan. "Hmmm! Pero wala kaming label". Pagkumpirma ko. "Ay! Finally! Lumandi din ang gaga!" Malakas niyang sabi sabay halaklak. Tumayo at pumalakpak pa nga ang babaita. Agad ko siyang inawat at kinuyog paupo. "Shhhh! Ang ingay mo mi, rinig ka na sa buong floor". pag-awat ko. "Mare, sa tagal tagal na nating magkasama never kita nakitaan ng kalandian".. masaya niyang pabulong ulit. "Pero wait! Aware ka nam
Pagkatapos mag inom nila Eric at Diego after shift ng Monday. Nagsick leave si Diego ng 3 days at nakabalik sa office ng Friday. Hindi pa din siya ganon kumikibo at nakatutok lang siya sa kaniyang monitor. Nagteam huddpe din kami ngunit dun ko lang siya nakitaan ng pagiging seryoso sa trabaho na nagshare ng kaniyang process update. Nakakapanibago ang kaniyang kinikilos dahil kadalasan ay hindi naman ito nagdadrive ng team huddle. Malapit na magtapos ang shift at sa pagiging usisera ko di ko napigilan na ichat siya sa teams. Kunwaring may itatanong lang ako work-related matter. "Nasimulan mo na yung pinapagawa ni Ms.Gie?" Pakunwaring tanong ko...Hindi naman talaga ako connected sa task na yun, ngunit ito lang ang tanging topic na naisip ko para icheck-in siya. Pagkatapos ng matinding pangdededma mo girl! Here you are..Nakaramdam ako ng pagkamiss kahit papaano sa kaniya. Lalo na't naaalala ko yung mga masasarap memories last weekend. Sineen lang ni Diego ang chat ko.. Ngun
Nagbabalak akong magsick leave lunes na lunes. Ano kaya ang ire-reason out ko? Pagkatapos ng lahat ng pangyayari sa weekend, wala akong mukhang maihaharap lalo na't nasa iisang team lang kami ni Diego. Nakailang text at missed calls siya pagkatapos niya ako ihatid sa bording house. Ngunit ni isa ay wala akong nireplyan. Wala akong balak ipagpatuloy ang anumang nangyari sa aming dalawa. Tama na ang ilang sandaling kaligayahan. Sanay naman na akong mag isa lang at walang iniintindi kundi work, promotion, at ang aking lola't anak sa probinsya. Pero hindi pa din mabura sa isipan ko yung feeling. Grabe!.. Napapangiti ako mag isa at naiimagine ko pa din ang mga makamundong pinaggagagawa namin. Hays, Sandra! Tama na ang kahibangan mo. Aniya ko sa sarili. Makaligo na nga!.. Pagkatapos ng isang oras, bumyahe na ako papasok ng office. Mag-aalas otso na nang makarating ako sa office. 9AM ang oras ng shift ko. Usually dumadating ako sa office ng pasado alas syete. Sinasadya ko talaga
Mga 2 hours of driving nakarating kami sa tagaytay. Mag aalas singko na nang umaga at kita na ang sun rise. Bagamat mejo ramdam ko pa ang bigat sa aking ulo.. Pumasok kami sa isang exclusive village. May mga pine trees at halatang puro mayayaman at malalaking tao ang mga nakatira. Presko ang hangin na may pagka lamig. Huminto kami sa isang bahay doon. Napakalaki at malapalasyo na 3-storey building. "Property ito ng tita kong nasa New York" sambit niya."Pag nabobored ako, dito lang ako pumupunta".. "favorite ako non, tinuring niya akong parang sarili niyang anak". Pabida niyang ganon. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan pagbaba ng sasakyan.Bumukas kusa ang pinto nang nilapat niya ang kaniyang thumb sa door knob. Aba! Nakafinger print access ang loko.Pagpasok namin sa bahay bumungad samin ang napakalawak na living room. Kung saan sa tv ko lang nakikita. "Pwede ka maupo" pabiro niyang ganon. Habang ako'y namamangha pa din. Dumiretso siya sa kitchen at binuksan
"Tara! Sands sabay ka na sakin".. sambit ni Deigo. Huminto siya sa tapat ko habang tinatangka kong magbook ng grab. Alas dos na ng umaga nang magkahiwa hiwalay kami ng team. Nahirapan na din akong magbook ng driver at pangalawang beses nang nacacancel. Lumabas kami ng buong team para icelebrate ang third quarter achievements. Sa The Fort nagkayayaan. Bale 12 kami sa team kasama si boss. After shift ng friday namin isinet para at least makapagpahinga kinaumagahan. Sa una todo tanggi ako sa beer na inaabot sakin, hanggang si boss na ang nagpumilit. Masarap pala ang smirnoff, lasang sprite lalo na kung sobrang lamig. Nakadalawang bote na'ko ng maramdaman ko ang tama at init sa aking katawan. Hindi talaga ako umiinom ever since kaya bihira lang ako sumama sa mga team gathering lalo na kung inuman ang pupuntahan. Bukod sa hindi ako sanay uminom, hindi ko sanay na makita ako ng anak ko na umuuwing lasing. Limang bote yata ang nainom ko. "Ha?, okay lang ako". Tanggi kong







