LOGIN"Ano ho? halos magkano ho doc?" halos mapasigaw pa si Amara.
Pero hindi niya matanong ang kanyang Ina bukod kase sa halos hindi ito makausap dahil sa shock, hindi rin ito tumitigil sa pagiyak. Halos tuliro si Amara, hindi sapat ang kinita niya sa pag indak kahit pa ang ipon niyang pangpunla sana ng mga bagong panamin. Litong lito si Amara lalo pa at madalas na siyang tinatawag ng nurse st sinasabing kung wala silang pang bayad ay ilipat na lamang ng hospital.
Sa kalituhan ay wala ng ibang choice si Amara kundi ang lumapit sa kanilang amo ang may ari ng malawak ng gulayan kung saan sila nagsasaka. Sa litong isipan at sa balisang puso, naalala ni Amara ang offer ng matangdang may ari ng lupang kanilang pinag aanihan. Matagla na iyon saktong debut niya.Malabo na sa alaala niya nagkondisyun ng matanda pero malinaw ang halagang narinig niya noon.
"Limang Milyon, pagkakalooban kita iha, ang kapalit lamang ay paliligayahin mo siya at bibigyan ng anak"
Umalingawngaw ngayong sa tenga ni Amara ang offer na iyon. Wala man alam sa kahihinatnan ng mga kondisyon na iyon, agad na dinampot ni Amara ang cellphone na hinuhulugan pa niya sa bombay mapa hanggang ngayon at tinawagan ang matanda.
"Hello?sino ito?" sagot ng malamyos na tinig ng isang matanda.
"Donya Soledad, si Amara po ito yung neregaluhan nyo ng sandalyas noong debut ko yung taga dito ho sa benguet" pagpapakilala ni Amara.
"Ah, yung anak ni Mang Tuning? oh napatawag ka iha?"
"Donya Soledad, dati ho ay may ibinulong kayo sa akin noon, itatanong ko po sana kong available pa iyon?" nag aatubiling sabi ni Amara. Sandaling natahimik ang matanda sa kabilang linya. Mga ilang segundo pero pang taon na para sa dalaga.
"Kung saka-sakali ba ay bakit mo gustong malaman?"
"Kase ho Donya Soledad, papayag na po ako sana sa alok ninyo.Payag na po ako"sabi niya. Muling nanahimik si Donya Soledad, masaya siyang pumayag ang magandang ampon ni Mang Tuning ang problema nga lang, iba na ang somitwasyun ngayon. Hidi na katulad noon. Malabo na ang lahat.
"Donya Soledad, nandyan pa ho ba kayo?"
"Ah oo narito pa ako. eh oha bakot naman boglang nangbago nagbago ang isip mo mahigit ng dalawang toan ang lumipas?"
"Kase po.....kase po ang aking Ama ay nasa hospital, nadamay ho sa gulo sa palengke at laslas ang bituka. Kailangan ho siyang aoreahan sa lapng madign panahon dahil may nadamay daw po na organ,"
"Naku susmaryosep! ganun ba? eh kung sakali iha,natatnadaan ko pa naman ang usapan natin at ang kontrata diba?"
"Opo...Opo Donya Soledad please, tulungan nyo po ang ama ko,"
"Sige ako na ang bahala. Magpapadala ako agad ng tulong. Ang isang milyon ay makukuha mo agad at ang kakulangan ay makukuha mo kapag nagbunga maliwanang ba?" sabi Donya Soledad ngunit nagkaroon ng ulap ang mga mata at nabalisa.
"Opo maliwanang po, naiintindhina ko po," Ipapasundo kita riyan kapag kinakailangan ka nang manirahan dito pansamantala. Huwag kang magalala sa magulang mo padadalhan ko sila ng sustento" pangako nito."
Wala ng ibang pagpipilian si Amara kundi ang kumagat sa mansanas ng witch. Naisip niya marahil baka matanda na ang paliligayahin niya, baka asawa ni Donya Soledad, wala na sigurong siyang silbi at baka gusto ng asawa niya ng bata kaya naghahanap ng maaanakan.
"Pero, teka?Magkakanak pa ba yun? kahit matanda na? tiyak na mahihirapan pala siya"
"Tungak ka Amara, natural challenging yun dahil mahal ang bayad, kaya malaki ang bayad sayo kase nga medyo mahirpa ng patayui . Aba suwerte mo pa rin sa offer, samantalang dyan nga lang sa session road five hundred lang sa foreigner talo talo sila" sabi niya sa sarili.
Inisip na lang ni Amara na kailangan lang daw niyang mabuntis at mabigyan ito ng anak, kaya gusto din niyang, lumuwas na agad para matapos ng mabilis ang kasundunan.
"Sana lang talaga functioning pa si Lolo," sabi ni Amara na iniimagin ang hitsura ng makakasiping. Wala pang isang oras matapos niyang makipag usap sa matanda. Nakatangap ng mensahe si Amara mula sa hospital na nasa loob na daw ng operating room ang ama at inooperahan na, at kasunod noon ay nakatanggap din siya ng notification sa banko na may malaking halagang pumasok sa bank account niya. Seven hundred thousand pesos iyon.
Matagumpay ang operasyon ng kanyang ama. Pero dahil pribado ang pinakamalapit na ospital, napakataas ng inaasahang babayaran. Sinabi ng nurse na bayad na raw ang buong operasyon. Nagtaka si Amara kaya tinanong niya kung magkano ang gastos.
"Three hundred twelve thousand," sagot ng nurse. Napaisip si Amara. Kung three hundred twelve thousand ang gastos sa ospital, at may seven hundred thousand na pumasok sa kanyang bank account, ibig sabihin ay nakapag-deposito na ng isang milyon ang matandang amo, kahit wala pa siyang pinipirmahang kontrata, alam niyang nagsisimula na ang isang bagong kabanata sa buhay nila.
Tumagal ng halos isang linggo bago nakauwi ang kanyang ama dahil kailangan munang maghilom ang malaking sugat nito sa tiyan. Sinigurado rin na naghilom na ang organ na nadamay. Pagdating sa kanilang tahanan, nagpaalam si Amara sa kanyang mga amo na hindi na muna siya makakapagtanim at makakapag-ani dahil kailangan niyang alagaan ang kanyang mga magulang. Patpatin at sakitin ang kanyang ina kaya siya lang ang maaasahan upang magpalit ng benda sa sugat ng kanyang ama, punasan at paliguan ito, at pakainin.
Ilang araw pa ang lumipas, tinulungan ni Amara na makatayo ang kanyang ama at kahit papano ay makahakbang-hakbang na. Sa loob ng dalawang linggo, bumuti ang pakiramdam ng kanyang ama. Nasisimula na sanang makabawi si Amara, ganun din ay nakabalil na sa trabaho, subalit isang na namang pagsubok ang dumating ay ayaw siyang magpahinga.
Alas dos ng madaling araw, mahimbing na ang tulog ni Amara dahil sa pagod. Maghapon kase siyang nagtanim ng punla sa likod ng bahay nila at nagdagdag pa siya ng ibang varient ng gulay. Binawasan na niya ang pera sa banko kailangan din kase ng mga karagdagan gamot pa ng amat ina.walang katapuaan ang malakas na ulan, isang malakas na unos ang tumama, sa La Trinidad, Benguet.
"Ara... Ara...gising, ara, Manong Tuning, manang Imbay gumising kayo, ang kubo niyo wasak na. Ara...Ara...!" tawag ng tao sa labas at kinakalampog ang pintuan nilang yari sa kawayan.
Bumangon nang bigla si Amara at doon lang niya napansin na wasak na ang bubong ng kanilang kusina, basang-basa na din ng ulan ang kanilang sahig. Doon din niya lang napagtanto na napakalakas na pala ng ulan at hangin. Marahil dahil sa sobrang pagod, mahimbing ang tulog ng lahat. Ang kanyang ama ay nakakatulog talaga ng mahimbing kapag nakainom ng gamot.
Agad na bumangon si Amara at ginising ang kanyang mga magulang. Pagkatapos ay dali-dali niyang sinuot ang kanyang makapal na jacket. Wala siyang kapote,at saka niya ginising ang kanyang mga magulang.
"Ama, ina, gumising po kayo, malakas na po ang hangin at ulan, inilipa na po ng hangin ang bubong ng kusina natin! Bigla yatang lumakas ang bagyo ngayong madaling araw at hindi ko namalayan. Kailangan po nating lumikas" sabi ni Amara.
"Bilisan nyo Ama, bilis! Magsuot kayo ng mga jacket at lilikas na kltayo," dagdag niya. Painot-inot namang kumilos ang mag-asawa at pagkatapos ay bitbit ang ama ang isang malaking payong na sira ang bandang dulo. Sinamsam ni Amara ang mga gamot ng Ama at ilang tuyong damit at ipinasok sa malaking plastic.
Si Anton ay hindi makapaniwala. Nang matuklasan niya ito, labis ang kanyang kaligayahan. Kaya naman matapos niyang kalmahin ang sarili at titigan ang kanyang repleksyon sa salamin, nagpasya siyang lumabas, lumakad, at gisingin si Amara – ang babaeng alam niyang naging dahilan ng kanyang mabilis na paggaling.Halos maluha-luha si Anton; hindi niya maipaliwanag ang damdaming nararamdaman niya. Humakbang ang binata patungo sa kama, tumabi sa gilid ni Amara, at inangat ang kanyang kamay para gisingin ang mahimbing na dalaga. Ngunit nabitin sa ere ang kanyang mga kamay."Gigisingin mo siya? Sasabihin mong nakakalakad ka na. Sigurado ka ba, Anton?" – iyon ang katanungang pumasok sa kanyang isip. "At pagkatapos? Pag nalaman niyang magaling ka na, matatapos na rin ang obligasyon ni Amara sa'yo. Alam mo kung bakit siya nandito, hindi ba? Alam na alam mo na nagbabayad siya ng utang, at alam mo ring matatapos na ito sa sandaling gumaling ka na." bulong ng isang bahag9 ng isip ng binata."Hindi i
Ang sinag ng araw na pumasok sa kurtina ng bukas na bintana ng silid ni Anton ang gumising kay Amara. Nagulat pa ang dalaga nang sa paggalaw ng kanyang ulo ay mauntog siya sa baba ni Anton. Napamulagat si Amara nang makita ang sarili na hubad habang nasa ilalim ng kumot at yakap ni Anton. Ilang minuto muna ang lumipas bago naalala ni Amara ang nangyari. Hindi nga pala sila nakapag-isip nang mabuti ni Anton kagabi, lalo na siya. Hindi nga pala niya nagawang awatin ang binata.Gayunpaman, sa kaibuturan ng puso ni Amara ay masaya siya. Ang katotohanan na nagawa ni Anton na paligayahin siya kagabi ay isang senyales na magaling na ang binata physically, emotionally, psychologically. Pinagmasdan ni Amara ang nahihimbing pang binata. Iniangat niya ang kanyang kamay at dahan-dahan, puno ng pag-iingat, namarahan niyang hinaplos ang matangos na ilong ni Anton. 'Hindi ako makapaniwala, Anton, napakabilis, napakabilis ng sandali, ngunit ang mahalaga alam ko, naramdaman ko, magaling ka na."Isa ka
Ang silid ay may malalaking bintana na nagpapapasok ng sapat na liwanag mula sa araw. Ang mga kurtina ay bahagyang nakasara kung kayat ladiliman nag nakabalot sa paligid ng silid. Ngunit ay sinag ay tumatagos na lumikha ng mga anino na sumasayaw sa sahig at mga dingding. May bahagyang kalat ng mga unan at kumot sa kama, nagpapahiwatig ng isang gabi ng pagpapahinga na biglang naging iba. Ang simoy ng hangin ay nagdadala ng amoy ng jasmine mula sa hardin, nagbibigay ng matamis at halos nakakahumaling na halimuyak. Unti-unti, ang mga halik ni Anton ay naging malalalim,mapupusok. Ang kanyang mga kamay ay dahan-dahang nakahawak sa baywang pagkatapos ay inti jnting humigpit. Ang mga daliri ni Anton ay bahagyang humahaplos sa manipis na tela ng vestida ni Amara. Ang sulot ng bawat halik ay parang kuryentebg dumadaloy sa katawan nila. Ang electric tension sa pagitan nila ay halos nasasalat sa manipis na pajama ng binata. Ang tanging naririnig ay ang mabilis na tibok ng kanilang mga puso
"Teka, saan ka pupunta?" nagaalala niyang tanong. "Gusto kong lumabas. Gusto kong makaramdam ng hangin. Ayoko lang dito sa loob.Gusto kong umapak sa damuhan o sa lupa." sabi ng binata. "Pero nakakailang hakbang ka pa lang, sigurado ka bang kakayanin mo baka manginig ak at ag crups bigla." "Nararamdaman kong kakayanin ko ngayon Amara." sabi ng binata. Agad na tumayo si Amara at kinuha ang tngkod ni Anton sa silid at inabot sa Amo saka pumuwesto sa gilid ng binata upang alalayan ito. "Sige. Tara. Pero dahan-dahan lang ha? " bilin ni Amara. Dahan-dahang lumabas sila ng bahay, patungo sa munting hardin. Hawak ni Amara ang braso ni Anton, ang kanyang presensya ay patuloy na nagbibigay ng lakas at ginhawa. Sa bawat mahirap na hakbang ni Anton, naroon ang ngiti at suporta ni Amara, nagpapatunay na ang pagmamahal ay ang pinakamabisang gamot sa anumang karamdaman. Inalalayahan ni Amara si Anton gamit ang kanyang saklay, ang bawat hakbang niya ay maingat at tila napakabigat. "Kaya mo 'ya
Sinaway siya ni Anton at hindi nagpa alalay sa kanya. Bagamat nagulat sa parang biglang panlalamig ng amo. Mas pinili ni Amara ang manahimik at makiramdam.Marahil baka pinagsisisihan ng amo ang paghalik sa kanya at marahil ang mga nasasabi nito tungkol sa pagibig at pagtangi sa kanya ay dala lamang ng depression nito o kaya naman ay pasasalamat lang sa naitutulong niya."Yan tama yan, ganyang nga Amara, gisingin mo ang sarili mo sa pangangarap ng dilat. Hindi porke hinalikan ka o sinabi ng minsan na nahuglhulog na siyabsayo ay naniwala ka naman.bTandaan mo, babaero yan bago naaksidente tapos may anxiety at depression pa, ginagawa ka lang niyang pangpalipas ng oras at lungkot. At ikalawa may kontrata ka, At hanggang doon lang." paalala ng dalaga sa sarili.Napukaw ang malalim na pagiisip ni Amara ng magsalita si Anton."Okay na ako Amara, iwan mo na ako. Paghakbang na lang ang problema ko pero hindi na ako inutil." sabi ng binata. Nagiba ang timpla ni Amara pero nanatili lang tahimik."
Nang sumunod na mga araw ay lalong nagpursige si Anton na makakilos at gumaling mula sa kanyang aksidente. Habang si Amara sa mga panahong iyon ay nasa tabi lamang ni Anton, medyo may pagka-ilang pa rin, ngunit may matinding pagmamahal. Maliwanag ang silid ng oras na iyon, bukas ang kurtina ng bintana sa silid ng binata. Nakaupo ito sa kanyang wheelchair, may matigas na sandalan, ang mga paa ay nasa sahig. Nakasandal siya, tila pagod na. Saktong pumasok si Amara dala ang almusal ang amo, iniwan niya muna ito saglit sa kanilang regular routine kada umaga para ikuha ito ng makakakin. Nakita ng dalaga si Anton na nakaupo na at parang pagod habang kunot ang noo. Inilapag ng dalaga ang tray ng pagkain at tumayo sa harap ni Anton, kinuha ang tuwalya na nasa ibabaw ng kama at pinupunasan nang dahan-dahan ang pawis sa noo ni Anton. "Ayos ka lang ba? Gusto mo bang magpahinga muna?" tanong niya sa bintangf amo gamit ang malumanay na salita na puno ng pagaalala. Tinitigan naman ni Anton si







