Mag-log inMula sa kanyang malaking tote bag, kung saan halos naroon ang lahat ng kailangan ng dalaga, inilabas niya ang isang pekeng JBL Bluetooth speaker na hulugan pa niya kay Abdul, isang suki niya. Ikinonekta niya ito sa kanyang Oppo na cellphone, na hulugan din niya kay Abdul.
Tapos na niyang mabayaran ang cellphone na nagkakahalaga ng pitong libo at ang Bluetooth speaker na nagkakahalaga ng isang libo ang kanyang inihuhulog ngayon. Singkuwentang piso ang kanyang ibinabayad araw-araw.
Nilakasan ni Amara ang cellphone. Malakas ang speaker, medyo ngongo na nga lang ang kanta. Pumailanlang ang paborito niyang kanta, isang remix version ni DJ mix...
🎶🎶Di mo alam dahil sa'yo ako'y di
makakain. Di rin makatulog buhat ng iyon
lokohin Kung ako'y muling iibig, sanay di maging katulad mo, Katulad mo na may pusong bato 🎶🎶
Lumalagabog ang remix na awitin ni Renee "Alon" Dela Rosa, isang popular na lovesong na paborito ng dalaga.
Nakuha niya ang remix version mula sa mga Muslim na nagtitinda ng pirated CD sa palengke. Pinadownload niya ito sa kanyang phone at ginagamit niya ngayon para sa kanyang presentasyon. Bagay kase sa gagawin niya ang tugtog, isang budots remix na tutugma sa kanyang sayaw.
Kakaiba ang strategy ni Amara dahil kung ang iba ay ethnic o katutubong tugtog ang sinasayawan, ibang diskarte ang ginagamit niya.
Ang katutubong sayaw ng mga Igorota ang ginagawa niya sa tugtog ng makabagong sikat na kanta. Kaya naman, bukod sa na-promote na nila ang kultura nila, nakakaakit pa ng mga makabagong kabataan ang musikang ginagamit niya.
Sakop ng kanyang pagtatanghal hindi lamang ang mga lokal kundi pati ang mga banyagang bisita. Aliw na aliw ang mga tao sa nakikitang indak at masiglang tugtog.
Nakatawag-pansin ang pagtatanghal ni Amara, kaya naman pumalibot agad sa kanyang puwesto ang mga tao dahil sa mala-Igorotang indak niya sa tugtog ng "Pusong Bato" ng sikat na bandang Alon Band.
“Wow, Miss, your selling style is unique, I love it!” puri ng lalaki.
“Oh, really, Sir? I will dance more, Sir, if you buy vegetables,” sagot ni Amara.
“Sweetheart, she’s right. At least buy her some stuff, praising her won’t help,” sabi ng babae.
“Oh yeah, good… good. Give me some,” sabi ng lalaki. Mabilis na binigyan ni Amara ang lalaki ng mga gulay.
“Thank you, sir! Thank you, sir! Enjoy your visit here in Baguio!
Isang babaeng tindera naman ang nagsabi:
“Abay, ang suwerte mo naman at nakakarami ka ng benta, Miss. Aba, baka gusto mo naman kaming ambunan?” nang-iinsulto nitong sabi. “I-display mo pa ang hita mo para makaakit ng customer, eh. Sino ba naman ang hindi maaakit? Malamang habang pumipili ng paninda niya ay nilamuktak na siya ng boypren.”
Hindi na pinansin ni Amara ang babae at nagpatuloy sa pagsasayaw at pagtitinda. Napakaganda ni Amara sa kasuotang Igorot, samahan pa ng kanyang likas na mahabang buhok na abot hanggang sa baywang at ang kanyang maamo at heart-shaped na mukha na bumabagay sa kanyang malusog na hinaharap. Mapupuri ang kanyang mga binti na kita sa kanyang maikling skirt.
Sa awa ng mga nitoat ng mga diwata sa bundok sa Cordillera, pinalad na makarami ng benta si Amara ng araw na iyon. Kaya naman kahit pagod na sa kakaindak at kakatawag ng mga suki habang panay ang tikwas ng balakang sa indak ng mga katutubong Igorot, malapad ang ngiti ni Amara na lalong nagpadagdag ng ganda ng dalaga.
"Hanep Amara, sold out na sng paninda mo.Sa susunod bang magtitinda ka na sasayaw?" pangiinsulto ng isa pa sa mga sidewalk vendor sa kanya.
Hindi na ito pinansin ni Amara.Balewala sa kanya ang mga patutsada ng mga ito.Hindi titirik ang mata niya sa insulto at pintas ng mga ito; sa gutom, titirik ang mata niya.
Masaya ang puso ni Amara sa dami ng benta at dahil naubos ang kanyang paninda, mas maaga sa inaasahan na natapos si Amara sa pagtitinda. Matapos mailigpit ang mga ginamit sa bangketa at isiniksik sa ilalim ng upuan ng kanyang kulong-kulong, excited na naglakad patungo sa loob ng palengke si Amara para ibalita sa kanyang ina at ama na naubos na niya ang paninda. Alam niyang matutuwa ang kanyang ina kapag nalaman niyang konting indak lang niya ay nakaubos siya ng panindang gulay.
Masaya siya dahil punla at tanim niya ang lahat iyon at walang pakialam ang may-ari ng pataniman na kanilang pinapasukan. Wala pang bente minutos ay mabilis na ipinarada ni Amara ang kanyang kulong-kulong sa tabi ng kalsada at bumaba.
Nagtataka pa si Amara dahil kakaiba ang dami ng tao sa palengke at parang may pinagkakaguluhan. Naisip pa nga niya na baka may shooting o baka may kilalang tao ang naligaw sa palengke. Hindi nakapagtataka iyon dahil Baguio Day ngayon.
Dinatnan ni Amara na nagkakagulo sa palengke at may ambulansyang nakahimpil sa labas ng Wet and Dry Market. Hindi malaman ni Amara kung bakit parang binundol ng kung ano ang dibdib niya. Parang biglang siyang kinapos ng hininga at kinabahan, kaya nagmamadaling nakisiksik si Amara sa mga ususero at ususerang nakaharang sa daraanan niya.
Pagdating sa pwesto ng kanyang mga magulang, nakita niya ang duguan niyang ama at halos nakalasampak naman ang kanyang ina sa sahig, hawak ang duguan niyang ama.
"Ama... Ama.... Ina, anong nangyari? Anong nangyari..?" nanginginig sa takot na tanong ni Amara sa kanyang ina na walang tigil sa pag-iyak. Pero hindi na nagawang sagutin ng ina ang tanong niya. Iyak lamang ito nang iyak.
Isang taga-palengke ang nagkuwento sa kanya ng nangyari.
"Naku, Amara, umawat kase ang iyong Ama sa naghuhuramentadong si Badong dahil iniwan daw ito ng bagong asawa," anito.
"Diyos ko, galit na galit si Badong na parang bangag sa alak, humugot ito ng itak na gamit nito sa pagbiyak ng buko saka iwinasiwas sa sinumang makita, pinaghahablot niya ang mga babae at niyayapos. Sa kasamaang-palad ay nahablot ni Badong ang iyong ina, kaya lumapit ang iyong ama para awatin, at siya ang nabiktima nang iwasiwas ni Badong ang itak. Ayon, hiwa ang tiyan ng iyong ama," salaysay nito.
"Diyos ko po, Diyos ko po ang Ama ko." Di naman nagtagal ay pinagtulungang na-rescue ang kanyang ama at isinakay sa ambulansya at dinala sa pinakamalapit na hospital.
Tahimik lang na sumunod sa loob ng sasakyan si Amara at doon na lang napahagulhol ng iyak sa kalagayan ng kanyang mga magulang. Pagdating sa ospital, agad siyang kinausap ng doktor at inabutan ng mga resibo na kakailanganin daw ng kanyang ama. Bulod pa doon, kailangan daw operahan ang ama dahil nadamay ang internal organs nito.
Walang ibang pera si Amara kundi ang pinagbentahan ng kanyang mga gulay. Matapos mabilang lahat ng kailangan, ipinatawag naman siya sa accounting at kailangan daw niyang makalap ang deposito dahil kailangang ipasok ang ama sa operating room. Mabilis daw kasing gumapag ang bala sa likod ng kanyang ama.
Halos magdilim ang paningin ni Amara. Hindi niya alam kung saan kukuha ng bayad sa ospital sa mga oras na ito. Kahit naman mag-withdraw siya sa kanyang ipon, gaano naman kalaki iyon, ni hindi pa nga ata iyon aabot sa limang libo.
Pumasok si Amara sa ER at sinubukang kausapin ang kanyang ina. Balak niyang kunin at gamitin muna ang puhunan sa mga punla at pataba. Hindi man kanila ang perang iyon, pwede niyang hiramin muna sana. Bahala na magalit ang amo; babayaran na lang niya paunti-unti.
Meron naman siyang limang libo sa kanyang ipon, siguro mga diyes mil hanggang kense na lang naman ang kailangan niya. Pero nanlamig ang buong katawan ni Amara nang tanungin ang doktor kung magkano aabutin ang gastos ng operasyon.
"Prepared more or less 300 thousand and a deposit of at least 50 thousand upon admission."
Binuksan ni Anton ang cellphone matapos niyang hablutin iyon kay Peachy. Lowbat na ito, kaya agad kinuha ni Anton ang kanyang power bank at isinaksak ang cellphone habang ini-scroll iyon. Una niyang binuksan ang kanyang call history at nakita naman niyang walang kakaiba doon. Wala siyang tinawagan noong oras na iyon maliban sa kaibigan na nasa Maynila. Sinubukan din niyang buksan ang kanang chat box , maging ang Messenger, pero wala namang kakaibang mensahe o messages. Gumawa ang binata sa kanyang gallery at doon nakita niya ang ilang larawan na kuha sa Baguio. Hanggang sa napadako ang mga mata niya sa isang unknown video. Wala itong pangalan at madilim ang thumbnail, kaya alam ni Anton na hindi niya alam ang video na iyon.Binuksan niya ang video, pero madilim lamang iyon na para bang nakataob. May ingay sa video ; may nagsasalita, kaya itinutok niya ang volume. At habang pinakikinggan ang video, malinaw na narinig niya ang boses ng isang babaeng puno ng pag-aalala at halatang tako
“Sino ang tinutukoy mo? Ano'ng ibig mong sabihin? Linawin mo nga ‘yan, Peachy!” mariing sita ni Donya Soledad."Pwede ba, Peachy, stop this nonsense. Hand me back my phone at sabihin mo na lang kung saan mo ito nakita." Wala sa mood na sabi ni Anton. Problemado siya kay Amara at kung hindi sila ginambala ng babae ay nakaalis na sana siya para hanapin si Amara.Hahanapin niya ito kahit saang sulok ng mundo. Alam ng lola niya ang bahay ni Amara, kaya ang lola niya ang pag-asa niya. Amara is an innocent and naive woman, kaya hindi maglalakas-loob siyang umalis at manatiling mag-isa sa Manila. Kaya ang hula ni Anton ay baka umuwi sa bahay nila ang dalaga.“Well, madali naman akong kausap, Anton. Ang totoo, nakuha ko ‘yang lumang cellphone ni Anton sa loob ng kabinet ni Amara. Nakasiksik sa mga gamit na halatang itinatago niya,” sabi ni Peachy habang nanlilisik ang mga mata. “Kaya ang tanong ko sa inyo… paano napunta kay Amara ang cellphone na nawala kay Anton noon pa?”“Nooo! Ibigay mo sa
"Hindi naman sa nagpumilit dahil hindi naman ako kailangan pilitin noon. Nasaksak ang ama niya sa palengke kaya kailangang maoperahan agad-agad. Sa pribadong ospital na dinala, kaya napilitan na silang magbayad ng deposito at kailangan na agad nilang ipasok sa operating room. Marahil naalala ni Amara ang sinabi ko noon na kapag may problema ay tawagan ako, kaya nang tumawag siya ay ginamit ko na ang sitwasyon para alukin siya na paligayahin ka at akitin.Alam kong napipilitan siya pero bulag ako noon sa kagustuhang protektahan ang mana mo, kaya nagpaja bato ako sa tawag ng konsensya." kuwento ni Donya Soledad."Limang milyon ang offer ko at hindi tinanggap ni Amara ang kabuuang iyon. Ang tinanggap lamang ni Amara ay ang ginastos ko sa hospital at sa buong gamutan ng ama niya at konting puhunan na maiiwan sa mag-asawa sa pagluwas niya sa Maynila. Ang kaso, bago nakaluwas ng Maynila si Amara, tinamaan ng bagyo sa Benguet at nangyari naman ang aksidente mo. Kaya, after six months pa bago
Tahimik na nakinig si Donya Soledad, at habang tumatagal ay unti-unting nabuo ang isang hinala sa isip ng matanda. Tinitigan ni Donya Soledad ang apo, at sa tanong niya ay halos hindi na makahinga si Anton sa kaba at kalituhan.“Kung ganyan nga ang totoo, kung si Amara talaga ang Arabella na laging nasa alaala mo, bakit hindi niya sinabi sa akin? Noong una pa lang, inamin niyang wala siyang alam at pumayag siya sa kontrata ko nang walang pag-aalinlangan. Pero nang makita ka niya, nang malaman niyang magkakilala na pala kayo noon… bakit tinanggap pa rin niya ang lahat? Bakit hindi niya sinabi sa iyo? O kahit man lang sa akin? Bakit itinago niyang magkakilala na pala kayo?” mariing tanong ng matanda, puno rin ng pagtataka. Napayuko nang sobra si Anton, tila ba dinadaganan ng libu-libong bato ang kanyang dibdib.“Hindi ko po alam, Lola… talagang nalilito ako,” garalgal niyang sagot. “Parang pinagbabaligtad ang mundo ko. Marami pang malabo sa alaala ko at hindi pa lahat bumabalik nang bu
Samantala, sa loob ng malaking mansyon, malalim na ang gabi nang matapos ang mahabang usapan nina Anton at Donya Soledad. Tila malinaw na sa kanya ang lahat ng sinabi ng lola na matagal na pala itong nagpapahanap kay Amara, at may mga plano na talaga para sa dalaga. Ngunit sa kabilang banda, hindi maipaliwanag ni Anton kung paano niya sasabihin sa matanda ang mga bagay na gumugulo sa isip niya. Maging siya mismo ay ayaw pa ring maniwala sa mga hinala at posibilidad na pilit niyang itinatago. Dahan-dahan siyang dumungaw sa pintuan ng silid ni Amara, at agad siyang kinabahan nang makitang bukas ito at walang tao sa loob. Mabilis siyang pumasok at lalong nagpa-panic nang makitang walang bakas ng dalaga."Amara? Amara… nasaan ka? Amara!" malakas niyang tawag habang pinihit ang bawat sulok ng silid. Narinig ni Donya Soledad ang gulo at ang malakas na boses ng apo, kaya mabilis din itong lumabas ng kanyang sariling silid at nagmadaling lumapit."What's wrong, Anton? Bakit ka sumisigaw nan
"Namatay sa sunog ang pamilya ni Amara?" Nadismaya si Mathew dahil hindi ganoon ang kuwento ng kilala niyang may-ari ng kuwintas.“Sinabi pa ni Evelyn na wala siyang kamag-anak at walang mapupuntahan, kaya nagtungo siya sa Nueva Ecija, at doon namin sila nakilala. Magsasaka lang kami noon at matagal nang nagnanais na magkaroon ng anak, ngunit hindi biniyayaan. Kaya tinanggap namin sila at pinatira sa aming munting bahay. Ngunit makalipas lang ang isang buwan, biglang naglaho si Evelyn. Nag-iwan lang siya ng sulat na nagsasabing ipinagkakatiwala na niya sa amin ang bata. Siya naman daw ay pupunta sa ibang bansa upang maghanapbuhay.” Huminto sandali ang ina ni Amara at tumingin sa malayo, tila bumalik sa mga panahong iyon.“Noong tanggapin namin si Amara, suot na niya ang kuwintas na iyon sa kanyang leeg. Hindi ko ito inalis o tinanggal, sa pag-aakalang baka iyon ang maging tanda o pagkakakilanlan ng bata balang araw. Pati ang damit na suot niya noong unang dumating sa amin ay maingat
"Arabella...... Arabella, nasaan ka? Please, magpakita ka. Nasaan ka? Nasaan ka, Ara? Sigaw ni Anton sa dilim ng kagubatan.Nagmamadali siyang lumabas ng isang transient house matapos magising na wala si Arabella sa tabi niya. Matapos tumakas at maglaho ang babaeng kasama niya noong gabing iyon, gus
"Sa character ni Lola Soledad, alam mo naman siya, 'no? Siya yung tipo ng taong tuwid ang landas at matigas ang paninindigan. Siya yung klase ng tao na laging makatwiran at hinding-hindi hahayaang may mang-aalipusta o manlamang sa kapwa. Kaya nga hanggang ngayon, hindi ko talaga maintindihan kung b
Nang sumunod na araw, tila isang sirang plaka na paulit-ulit ang nangyari. Katulad ng eksaktong nangyari kahapon, nagtagpo ulit sila ni Peachy. Pababa ito sa hagdan habang si Amara naman ay papasok na galing sa garden ng mga edible plants. Muli na naman siyang inapi, inalipusta ng babae at pinipili
La Trinidad, Benguet, Taong 2020Ang tribo Gumak ay isang maliit na pamayanan sa isang bayan sa Benguet. Namumuhay ang mga tao sa pamayanan sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay. Karamihan sa mga babae roon ay kung hindi manananim ng repolyo ay manananim ng broccoli o curly flowers, mga gulay na mam







