★ Sienna’s POV ★ Mabigat ang hakbang. Mabagal. Parang animo’y isang babasaging bagay ang dala-dala nila. Ang kaba sa dibdib ko ay parang bomba—konting galaw lang, sasabog. Ramdam ko ang bawat vibration ng upuan habang binubuhat ako. Kanina lang, ang kinakatakutan ko ay ang tunog ng katahimikan, pero ngayon, mas kinatatakutan ko ang susunod na mangyayari. May narinig akong pagbukas ng pinto. Bumungad ang malamig na hangin. Iba ito sa lamig kanina. Mas malamig. Mas nakakatakot. “Dito. Ibaba niyo siya,” utos ng isang boses. Na kanina ko pa iniisip kung siya nga iyon. Bumigat ang dibdib ko. Huwag. Huwag naman sana. Dahan-dahang ibinaba ng mga lalake ang upuan. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang malamig na paligid. At bago pa man ako makagalaw—may malamig na kamay ang lumapit sa mukha ko. Isang iglap, natanggal ang busal sa bibig ko. “Haa—haa.” Napasinghap ako, saglit akong nabilaukan sa hangin na bigla kong nalanghap. Tuyo ang lalamunan ko. Masakit. Pero ang pinakamasakit ay an
★ Sienna’s POV ★Madilim. Tahimik. Malamig.Ramdam ko pa rin ang mahigpit na pagkakatali ng mga kamay at paa ko habang nakaupo ako sa matigas na upuan. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito. Ilang minuto? Hindi ko masabi, ang alam ko lang katapusan ko na.Ang takip sa bibig ko ay nagpapahirap sa paghinga ko. Ang takip sa mga mata ko—parang nagpapalakas pa lalo ng takot. Mas nakakatakot kapag hindi mo alam kung sino ang nasa paligid mo. O kung ano ang balak nila.Pero ang pinakanakakabingi ay ang katahimikan. Yung tipong parang sigaw na hindi mo marinig, pero ramdam mo hanggang kaluluwa.Hanggang sa…Tuk.May narinig akong papalapit. Mga yabag. Ilang hakbang lang, pero sapat na para patindigin ang balahibo ko.“Boss, buti at nakarating kayo,” magiliw na saad ng isa sa mga lalaki.“Sigurado ba kayo na walang kayong ginawa sa kaniya?” Napasinghap ako nang hindi sinasadya. Sandali... That voice…Hindi ko man makita, pero kilala ko ang boses na ‘yon. Kahit pa balutin ng kahit anon
★ Sienna’s POV ★Pagkagising ko ramdam ko ang bigat ng pagkakatali sa mga kamay at paa ko. Masakit na. Matigas ang upuang inuupuan ko, at malamig ang hangin sa paligid—kulob, parang nasa loob kami ng warehouse o basement.May tela sa bibig ko. Mahigpit. At ang mata ko… balot na balot ng itim na piring. Walang kahit anong liwanag ang nakakapasok.Tahimik sa una. Ang naririnig ko lang ay ang mabilis kong paghinga at ang paglalaban ng dibdib ko sa kaba. Nangyari na naman, si Lisha pa rin ba ang may pakana nito? O ang tatay ni Denver? Pero maya-maya, narinig ko na ang mga boses. Mga yabag. Dalawang pares ng sapatos.“Ano, sigurado ka ba diyan?” tanong ng isang lalaki, kalmado ang boses, pero may halong pagdududa.“Oo. Siya ‘yung babaeng pinapakuha natin, tsaka siya yung asawa ni Denver Thompson,” sagot naman ng isa pang lalaki. Mas mababa ang boses nito, mas matigas.Mukhang si Lisha nga ang may pakana nito, hindi talaga siya titigil na makuha si Denver.“Kailan natin sisimulan?” tanong
★ Sienna’s POV ★Umagang-unaga ay nasa labas si Faye, kakagising ko lang napasarap sa tulog. Iba talaga kapag katabi si Denver parang siyang malaking teddy bear ang sarap yakapin.“Ang aga mo naman ata?” tanong ko kay Faye ng makababa ako.“Sabado ngayon ah? Anong meron?” dagdag ko pa.“Gala tayo?” nakangiting saad niya.“Ah gagala? Bakit anong meron ba?” takang tanong ko.“Kailangan talaga may dahilan?” nakangusong saad niya sabay kapit sa braso ko.“Alis tayo, please! Ang tagal mong nawala sa na-miss lang kita. Tsaka pang stress reliever na rin, Sienna,” pangungulit ni Faye habang nakapamewang pa siya sa harap ko.Napapailing na lamang ako sa kakulitannitong si Faye “Sige na nga. San mo gusto?”“Sa park lang. Fresh air. Gusto ko lang makapaglakad-lakad,” sagot niya.“Oh sige, hintayin mo lang ako rito, mag-aayos lang ako,” ani ko saka naglakad na pabalik ng kwarto para makapag-ayos.*****Nang matapos ako makapag ayos, nag-text na muna ako kay Denver bago kami umalis dahil maaga siy
Makalipas ang isang araw mula ng makauwi kami galing ng Korea, pumasok na kami sa trabaho ni Denver. Mula din ng araw na iyon ay wala pa rin akong balita kay Kuya Steve.Pagpasok ko sa office ko, bumungad agad sa akin si Faye.“Uy, Sienna!” tawag niya sa’kin. “Ang tagal mo hindi pumasok ah, balita ko nag-honeymoon kayo ni Sir Denver sa Korea,” kinikilig pang ani niya.“Anong honeymoon ka riyan, saan mo naman nasagap iyan,” saad ko sa kaniya.“Sa mama mo, dumalaw kasi ako sa kaniya tapos unting kwentuhan. Pero sure ka hindi si sir Denver ang dahilan ng blooming mo? Panigurado may honeymoon talagang naganap,” pabirong tanong niya, sabay lagay ng mug ng kape sa mesa ko.Napakunot noo ako, kahit halatang kinikilig sa loob. “Hindi noh! W-wala, tsaka business lang yung pinuntahan namin,” pagsisinungaling ko.“Talaga lang ah, eh bakit namumula ka na riyan? Siguro nadiligan ka na?”“Faye!” saway ko agad, “Puro ka talaga kalokohan,” kunwaring naiinis na saad ko.“Oh siya, babalik na ako sa ta
Maaga pa lang ay gising na kaming dalawa ni Denver. Habang abala siya sa kusina, ako naman ay halos nakalublob na sa dalawang maleta kong bukas na bukas sa gitna ng kama. Hindi ko maipaliwanag kung bakit napakarami kong gamit ngayon, eh isang maleta lang naman ang dala ko noong papunta kami dito.“Babe, are you finished?” sigaw ni Denver mula sa kusina.“Malapit na!” sigaw ko pabalik habang pilit kong pinipiga ang zipper ng maleta ko. Grabe, parang nagsisiksikan sa loob ang buong pinamili ni Denver.Hindi pa man ako tapos, sumilip na si Denver sa pinto. “I made your favorite. Eat first. I’ll take care of your luggage after.”“Ang sweet mo naman, pero kaya ko na ito.” Pinipilit ko pa rin na isara ang maleta."Don't worry about these, go ahead to the dininh, we're eating now," aniya at naglakad papalapit sa akin.“Let's eat,” saad niya at hinatak na nga ako papalabas ng kwarto ko.Sabay kaming kumain habang nagkukwentuhan. Tahimik ang umagang ‘yon pero medyo malungkot na nakakapanabik