Share

Chapter 81

Penulis: Meowwie Tales
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-18 21:15:08

★ Sienna’s POV ★

Tahimik ang paligid ng kwarto. Tanging mahina at tuluy-tuloy na tunog lamang ng monitor ang maririnig ko, kasabay ng banayad na ugong ng aircon na humahaplos sa balat.

Nakatitig ako kay Denver na nakahiga pa rin sa kama, walang malay, para bang mahimbing lang na natutulog. Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising. Masakit na ang mga mata ko sa kakaiyak, pero hindi ko alintana. Ang mahalaga sa akin ay manatili rito, sa tabi niya, at ako ang unang makikita kapag dumilat na ang mga mata niya.

Pinisil ko ang kamay niyang nakapatong sa gilid ng kama.

“Denver… gumising ka na please,” mahinang sambit ko, parang isang dasal.

“Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ‘to, pero kailangan kita. Kailangan ka namin ng baby natin.”

Napatingin ako bigla sa tiyan ko. Ilang araw na rin ang lumipas at hindi pa ako nakakapagpacheck-up. Ramdam ko ang kaba—para bang dalawa ang inaalala ko ngayon: si Denver at ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi ko kayang pabay
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Love Beyond Contract   Chapter 83

    ★ Maverick’s POV ★Kanina, halos mabingi ako sa sinabi niya na gusto niyang makita ang “daddy” namin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko—kung matatakot ba ako, manghihina, o matatawa sa sobrang irony ng sitwasyon. Kung tutuusin, si Denver ang pinaka-galit sa tatay namin. Sa kanya galing ang mga salitang “hindi ko kailanman kailangan ng ama.” Kaya nang marinig kong siya mismo ang nag-utos sa akin na tawagin ito, parang tinusok ako ng malamig na karayom sa dibdib.Hindi ako mapalagay. Kahit anong pigil ko, nanginginig ang mga kamay ko habang nakasiksik sa bulsa. Para akong nakatayo sa pagitan ng dalawang mundo: ang mundong kilala ko kung saan buo ang alaala ni Denver at ang mundong ito kung saan parang ibang tao na ang kapatid ko.“Mr. Maverick,” mahinahon ngunit seryosong tawag ng doktor. “Can we talk outside?”Tumango lang ako, pinilit ituwid ang likod at sumunod. Habang naglalakad kami palabas ng kwarto, ramdam ko pa rin ang bigat ng hangin, para bang bawat hakbang ay nagdadala

  • Love Beyond Contract   Chapter 82

    ★ Sienna’s POV ★Para akong tinusok ng libu-libong karayom nang sabay-sabay.Nang marinig ko mula sa bibig ni Denver ang salitang iyon—“Who are you?”—parang bumagsak ang buong mundo ko. Ang bisig ko na kanina’y mahigpit na nakapulupot sa kanya, bigla na lang nanlamig at nanginig.Unti-unti akong kumalas, halos hindi ko maramdaman ang sariling katawan. Nanlaki ang mga mata ko, at parang binuhusan ng yelo ang puso ko.“Ha…? Anong… sinabi mo?” halos hindi ko na maipagsalita, nanginginig ang labi ko.Pero wala man lang alinlangan sa tinig niya. Malamig. Diretso. Wala ni bahid ng pagkilala.“I don’t know you.”Doon tuluyang nabasag ang lahat.“D-Denver…” nanginginig kong bulong, at bago ko pa napigilan, tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. “Ako ‘to… si Sienna. Hindi mo ako maalala? Ako yung kasama mo… Ako yung—”Pero pinutol niya ako, boses niya matalim, parang isang patalim na tumusok diretso sa dibdib ko.“I said, I don’t know you! Stop forcing me to remember something that doesn’t exi

  • Love Beyond Contract   Chapter 81

    ★ Sienna’s POV ★Tahimik ang paligid ng kwarto. Tanging mahina at tuluy-tuloy na tunog lamang ng monitor ang maririnig ko, kasabay ng banayad na ugong ng aircon na humahaplos sa balat.Nakatitig ako kay Denver na nakahiga pa rin sa kama, walang malay, para bang mahimbing lang na natutulog. Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising. Masakit na ang mga mata ko sa kakaiyak, pero hindi ko alintana. Ang mahalaga sa akin ay manatili rito, sa tabi niya, at ako ang unang makikita kapag dumilat na ang mga mata niya.Pinisil ko ang kamay niyang nakapatong sa gilid ng kama.“Denver… gumising ka na please,” mahinang sambit ko, parang isang dasal. “Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ‘to, pero kailangan kita. Kailangan ka namin ng baby natin.”Napatingin ako bigla sa tiyan ko. Ilang araw na rin ang lumipas at hindi pa ako nakakapagpacheck-up. Ramdam ko ang kaba—para bang dalawa ang inaalala ko ngayon: si Denver at ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi ko kayang pabay

  • Love Beyond Contract   Chapter 80

    Tahimik lang ako habang nakaupo sa isang sulok ng kusina, nakayuko, at hawak-hawak ang malamig kong tasa ng kape. Malaki ang naging private room ni Denver dahil isa pala siya sa mga investor ng hospital na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa umuusok na likido sa loob nito, pero parang wala naman akong iniinom. Wala rin akong gana. Ang bigat ng dibdib ko, at para bang kahit anong pilit kong magpakatatag, bumabalik pa rin sa isip ko lahat ng nangyari.Naririnig ko sa di kalayuan ang mahinang kaluskos at yabag ng mga kasambahay sa may lababo nanatili pa rin sila rito kahit na pinapauwi ko sila para makapahpahinga. Pinipili ko na lang na huwag silang tingnan, kasi alam kong ramdam nila ang lungkot ko. Ayoko ng may magtanong. Ayoko ng may makakita kung paano ako halos mabali sa loob.Hanggang sa maramdaman ko ang marahang tapik sa balikat ko.“Hindi ba’t mahirap ‘yan sa leeg, kapag matagal ka masyadong nakayuko?”Pamilyar ang boses. Hindi ko man siya lingunin agad,

  • Love Beyond Contract   Chapter 79

    Nakaupo ako sa matigas na upuan sa waiting area ng ER, pero parang wala akong nararamdaman sa katawan ko. Ang tanging naiintindihan ko lang ay yung malamig na hangin ng aircon at yung matalim na amoy ng disinfectant na parang dumidikit sa balat ko. Sa loob ng ER, tanaw ko ang mga nurse at doktor na abala sa pag-asikaso kay Denver. Hindi ko siya makita nang buo.Kanina pa ako nakatingin sa pintuan, pero wala pa ring lumalabas na doktor para magsabi kung ano na ang lagay niya. Lalo lang akong kinakabahan kasi alam kong matagal na siya roon — ibig sabihin, malala talaga ang nangyari.Habang nag-aantay kami sa pahlabas ng doctor muka sa ER, ay naisip ko bigla si Maverick na tawagan. Kailangan niyang malaman ito. Alam kong malamang ay hindi pa siya nasasabihan, at kung sakaling may makakarinig na balita mula sa ibang tao, mas mabuting sa akin na manggaling.Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na hinanap ang pangalan niya sa contacts. Ilang segundo lang, nag-ring na ang tawag.“Hello? Sie

  • Love Beyond Contract   Chapter 78

    ★ Sienna’s POV ★Maaga pa lang ay abala na ako sa kusina para sa hapunan. Kahit may mga kasambahay naman, gusto ko pa ring tumulong sa kanila lalo na ngayong may nabuo akong plano sa isip ko. Ayaw ko munang magpahalata, pero mula pa kaninang umaga ay ramdam kong kabado ang dibdib ko.“Ma’am Sienna, dito na lang po kayo sa gilid. Kami na ang bahala dito sa sibuyas,” sabi ni Cara habang hawak ang chopping board.Umiling ako. “Ayos lang, Cara. Gusto ko rin mag-chop, para hindi ako ma-bore. Lagi na lang akong nakaupo, baka kalawangin ako.” Pinilit kong ngumiti kahit sa loob-loob ko ay parang may mabigat na iniisip.Si Maria naman ay busy sa paglilinis ng mga gulay. “Anong ulam natin ngayon, Ma’am? Yung paborito ni Sir?”Napatingin ako sandali, saka tumango. “Oo. Siguradong magugustuhan niya ’to. Pero dagdagan natin ng nilagang baka, para mainit at comforting.”Habang nagtatadtad ako ng bawang at sibuyas, hindi ko maiwasang mapaisip. Kaninang umaga pa umiikot sa isip ko yung dalawang guhit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status