Share

Chapter 1

Penulis: Tearsilyne
last update Terakhir Diperbarui: 2023-03-21 21:32:53

" Ang ganda naman ng unica iha namin. The wedding gown looks beautiful on you." Nakangiting wika pa ni mommy.

Tiningnan ko naman ang kabuoang repleksiyon ko sa salamin. Even I can't believe this wedding gown suits me. Mas lalong tumitingkad ang pagka-filipina-Lebanese ko. I'm a classy type of person. Subrang madaldal ako sa mga taong komportable akong kasama at mataray minsan. I'm an only child but not a spoiled one. Independent ako and never did I depend my life with my families wealth.

" Sa tingin mo po ba mommy magugustuhan din ako ng mapapangasawa ko? " Tanong ko pa kay mommy habang inaayos nito ang belo. Tumigil naman ito at tiningnan ako sa repleksiyon ng salamin.

" Of course, baby. You're so beautiful, he will definitely like you." Nakangiting aniya. Humarap naman ako kay mommy at niyakap ito. She's really is my mom. Suportado sa akin.

Nag-iisa lang akong anak nila kaya tutok palagi sina mommy at daddy sa'kin. Kahit na abala sa negosyo ay hindi naman sila nagkulang sa paglaan sa akin ng oras. They're the best parents I've ever had.

" Thanks mom. "

" No worries, baby. Your daddy and I are always here for you." Mom sweetly said. Napatingin naman kami sa pinto nang bumukas ito. It's dad.

"Baby, are you ready? You look so good with that dress. Finally, our princess is getting married." Ani daddy sabay yakap sa'kin.

Excited na ako sa araw na 'to pero hindi ko maiwasang kabahan. Natatakot ako sa possibleng mangyari. Ikakasal ako sa lalaking ipinagkasundo nina daddy. Anak iyon ng business partner nila.

" Yes, dad. I'm ready. " Nakangiting wika ko pa sabay kalas ng yakap.

" Okay then, let's go?" Aniya at inilahad ang kanyang kamay na tila ba isang prinsepe. Bahagya naman akong natawa kay daddy at inabot ang kanyang kamay. Nakahawak ako sa braso niya habang palabas kami ng mansion.

" Wow, ang ganda naman ng alaga ko. " Pagpuri pa ni nanay Tes. She's my nanny simula pa noong isinilang ako hanggang sa lumaki. I'm 25 now. Pamilya narin ang turing namin sa kanya. Wala siya mga anak at maagang nabalo. He took good care of me like her own child.

" Thanks po, nay. Hindi po ba kayo dadalo? " Tanong ko pa nang makitang nakasuot parin ito ng maid's uniform.

" Siyempre dadalo ang nanay mo sa pinakamahalagang araw sa buhay mo. Susunod kami mamaya pagkatapos namin dito. " Nakangiting wika pa ni nanay Tes. Napatango naman ako. Lima lang silang katulong dito pero baguhan palang ang iba. Si nanay Tes talaga ang pinakamatagal na dito.

BUONG biyahe namin patungo sa simbahan ay tahimik lang ako. Iniisip ko ang magiging reaksiyon ng lalaking pakakasalan ko at kung ano ang magiging buhay ko pagkatapos ng araw na ito. This is the last day of my singleness. Sa mga susunod na araw magiging abala na ako sa responsilidad ko bilang asawa.

" Are you okay, baby? " Napatingin ako sa harap nang tanungin ako ni mommy. Nasa likod kasi ako nakaupo samantalang nasa passenger sila ni daddy. Nakangiting tumango naman ako bilang sagot.

Nang makarating sa simbahan ay hindi muna nila ako pinababa. May mga media na sa harap ng simbahan nag-aantay. Hindi paman ako nakapasok ay alam kong mas maganda ang loob ng simbahan. Nasa labas pa nga ako ay tanaw ko na ang makukulay na bulaklak na naka-desenyo sa malaking pinto.

Kilala ang mga magulang ko bilang mga successful businessman. Nagmamay-ari ng mga lalaking kompanya hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa. Pure Swiss ang daddy ko at Filipino naman si mommy. Ngunit kahit na namulat akong may gintong kutsara, hindi ako naging dependent sa mga magulang ko. After I graduated in Business Management, nagtrabaho ako sa ibang kompanya. Natuto akong maging independent at hindi naman lumabag sina mommy at daddy sa desisyon kong iyon. Instead, they supported me.

"Okay, baby. It's time for you to come out. Smile. " Wika pa ni daddy nang buksan nito ang pinto. Ngumiti naman ako sa kanya sabay abot ng nilahad niyang kamay.

" Dad, kinakabahan po ako. " Bulong ko pa kay daddy. Nakahawak sa magkabilang braso ko sina mom at dad upang ihatid ako sa harap ng altar.

" Just relax, baby okay. Inhale, exhale. " Wika naman ni mommy. Ginawa ko naman ang sinabi nito. Naiilang din ako sa mga media na nakatutok at panay ang kuha ng litrato sa amin.

Kahit na lumaki ako na may mga sikat at negosyanteng mga magulang ay hindi ako sanay na humarap sa media. Noon paman ay mas gusto ko ang buhay na simple kung saan katulad lang ako ng karamihan. Isang ordinaryo.

Maya-maya pa ay dahan-dahang bumukas ang pinto. Tumambad sa amin ang mga taong nakangiting nakatayo. Subrang ganda ng pagkakadesenyo at talagang pinaghandaan ng maayos.

" Smile, baby. " Pagpapaalala pa sa akin ni Daddy habang dahan-dahan kaming naglakad papasok. Dumako naman ang tingin ko sa isang lalaki na nakatayo sa harap ng altar. Wala itong ekspresyon at nakatingin lang sa amin.

Habang papalapit nang papalapit ako sa lalaking nakasuot ng puting toxedo at siya namang pagsinunahan ng pagtibok ng puso ko. Tila ba nagkakarera ito. He has that enticing looks that every woman dreamed of. His thin mustache suited him. He has that pointed nose, thick eyelashes and eyebrows and his kissable lips that seem to be pulling you.

" We will entrust you with our daughter, Kingster. Hope you love and take care of her more than we do. " Wika pa ni daddy dito. Nagmano naman ito kay mommy at daddy.

" I assure you, Tito. " Sagot pa nito sabay tingin sa'kin. Sandali naman akong napatigil nang masilayan ang mala-abo nitong mga mata. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa na tila ba sinusuri ang buong katawan ko. Nailang naman ako doon. " You didn't inform me that you have a beautiful treasure, Tito. " Nakangising baling pa nito kay daddy na katabi ko.

" Siyempre naman, iho. Pinaghirapan naming gawin 'yan. " Mom giggled as she said those words. Maging si daddy ay bahagyang natawa. Napanganga pa ako. 'Di ko akalaing sasabihin 'yon ni mommy.

" Alangan naman sa butiki ako magmana. " Bulong ko pa sabay ikot ng mata. Taka naman itong bumaling sa'kin.

" Pardon. Did you say anything? " Tanong pa nito sa'kin.

" Wala. 'Yong ibon ang kinakausap ko. Hindi ikaw. " Pabalang ko pang sagot dito. Laglag naman ang panga niya sa sinabi ko.

" Baby, don't be like that in front of your future husband. " Saway naman ni mommy. Humarap naman ako sa kanya at pekeng ngumiti.

" Hi, future husband. Ako nga pala ang mapapangasawa mo. Kapag nagloko, namumutol ng ano. " Nakakalokong wika ko pa sabay lahad ng kamay sa kanya. Tinanggap niya naman ito habang salubong ang kilay. Ang sarap palang asarin 'to.

" Sige na, pumunta na kayo sa harap. Kiss well. " Napanganga naman ako sa huling sinabi ni mommy bago ako iginiya ng tinawag ni daddy na Kingster kanina. Kingster na pikonin.

Habang nagsasalita ang pastor sa harap namin ay wala naman doon ang atensiyon ko. Iginala ko ang paningin ko sa buong simbahan at napapangiting pinapanood ang mga ibon na nagsisiliparan sa loob. Napapangiti pa ako habang naaaliw sa kanila.

" Stay focus, woman. " Wika pa ng katabi ko at mahina akong hinila papalapit sa kanya. Napangiwi pa ako nang maramdamang sumasakit na ang paa ko sa kakatayo. Imbes na sagutin siya ay inikutan ko lang ito ng mata.

" Matagal pa ba? Sumasakit na ang paa ko. " Bulong ko pa sa kanya. Inismiran lang ako nito. " Ikaw kaya magsuot ng heels tapos sa'kin na ang sapatos mo. " Pinaningkitan niya naman ako ng kilay.

Dahil sa inis ko ay umusog ako papalapit sa kanya sabay na inapakan ang paa nito. Napahinto naman ang pastor nang napadaing ito kaya nakakalokong nginitian ko lang ito.

" Don't test my patience, woman or else I'll leave you here. " Mahinang bulong pa nito ngunit mahihimigan ang pagka-inis nito. Imbes na magalit ay nginisihan ko lang ito.

" Eh 'di wala kanang magandang mapapangasawa. Tandaan mo, nag-iisa lang ako sa balat ng lupa. " Balik na wika ko pa. Nagtitimpi naman ito.

" Kingster Jeush Sinatra, do you take Jireah Lael Hadassah to be your lawfully wedded wife?" Tanong pa ng pastor. Umayos naman ako ng tayo at humarap doon. Tumingin pa muna ang pikonin na lalaki sa'kin bago sumagot.

" Yes, I do." Sagot pa nito.

" Do promise to love and cherish her, in good times and in bad, in sickness and in health, for richer for poorer, for better for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto her, for so long as you both shall live?" Dagdag pang tanong nito sa kanya.

" Yes, I do. "

Matapos siyang tanungin ng pastor ay bumaling naman ito sa akin at tinanong ako ng parehong tanong.

" Yes, I do. Kahit pikonin. " Sagot ko pa at ibinulong ang huli. Bahagya naman akong natawa sa reaksiyon nito. " Yes, I do. Kahit mamatay man siya ngayon. " Sagot ko ulit at muling binulong ang panghuli. Mas lalo namang akong napangiti ng malapad nang makitang 'di na maipinta ang mukha nito.

Matapos ng wedding vows namin ay pinagharap na kami ng pastor. Nginitian ko naman siya ng malaki upang mas lalong maasar.

"You have declared your consent before the Church. May the Lord in his goodness strengthen your consent and fill you both with his blessings. That God has joined, man must not separate." Pag-aanunsiyo pa ng pastor. " You may now kiss the bride." He added.

Napapalunok pang lumapit sa akin si Jeush bago itinaas ang aking belo at hawakan sa magkabilang pisngi.

" Wait lang, nag-toothbrush kaba at kinuskos ng maayos ang gilagid mo? Baka mahawaan ako ng kapikonan. Delikado " Mapang-asar na tanong ko pa sa kanya. Umigting naman ang panga nito sa tanong ko at ano mang oras ay sasabog na sa inis.

" You know what? I am done with you. Kung hindi 'to para sa negosyo, hindi kita papakasalan. " May diin na wika pa nito. Natigilan naman ako sa huling sinabi nito at tila ba pinagtatabas ang puso ko.

Maya-maya pa ay biglang nanlaki ang mga mata ko nang kabigin ako nito palapit sa kanya at walang pahintulot na hinalikan sa labi. Tila ba biglang huminto ang oras at tanging siya lang ang nakikita ko. Ang bilis rin ng tibok ng puso ko at naririnig ko na ito. Ang lambot ng labi niya. Subrang lambot na animo'y hinahalikan ka ng hangin.

Nabalik naman ako sa ulirat nang biglang magsipalakpakan ang mga taong dumalo sa kasal namin. Biglang nag-init ang pisngi ko. Ang laki pa ng ngiti nina mommy at daddy nang balingan ko ang mga ito. I feel like my face is totally red than a cherry.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love Beyond Sundown   Chapter 59

    JIREAH LAEL POV"How do you feel right now, honey? Do you want something to eat?" Nag-aalalang tanong pa ni Tita Jenna sa akin. Kanina pa kasi ako walang ganang kumain at ang lakas din ng tibok ng puso ko na tila may kakaibang mangyayari. Hindi rin ako mapakali at pabaling-baling ako sa kaliwat at kanan.Dalawang araw na simula nang umuwi ng Pilipinas sina Marie kaya wala akong masiyadong nakakausap maliban kina Tita at Mommy dahil abala sina Daddy at Tito Khev at maging si Chairman. Ngayon ay si Tita muna ang nagpaiwan dito dahil pinauwi niya muna si Mommy para makapagpahinga. May bahay naman kami dito sa states. Doon kami namamalagi at doon na rin ako lumaki. Pero sa katunayan ay hindi naman talaga ako palaging naroon dahil madalas akong nanatili sa hospital. Na-operahan na rin ako dito pero noong pagtuntong ko nang high school ay muling bumalik na ikinapagtataka ng mga doctor. And sadly, it became worse. Kaya noong college ay pinakiusapan ko sina Mommy na bumalik ng Pilipinas dahil

  • Love Beyond Sundown   Chapter 58

    Lael's POV"Oh, ba't nakabusangot na naman ang, beshy ko?"Napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ni Marie. May dala itong isang basket ng prutas at ipinatong iyon sa side table ng kama ko.Humanga ako ng malalim bago umayos ng upo."Ang likot kasi ni baby." Nakabusangot na wika ko sabay himas sa aking tiyan. Mag-e-eight months na ang tiyan ko sa susunod na linggo kaya nararamdaman ko na ang pagiging mas malikot na ang anak ko. He's always like this. Sinisipa niya ang tiyan ko. Tuwang-tuwa ako noong nalaman kong lalaki ang magiging baby namin. He's so strong dahil habang lumalaban ako sa sakit ko ay matindi pa rin ang kapit niya.Its been six months after the I left the country. Kasalukuyan kaming nasa States ngayon kasama ng mga parents ko. Binibisita rin ako ni Marie dito thrice a month at maging ang mga magulang ni Jeush at si Chairman. Sa katunayan ay nandito sila noong nakaraang araw upang bisitahin ako at kamustahin ang apo nila na hindi pa man lumalabas ay excited na si

  • Love Beyond Sundown   Chapter 57

    JEUSH POVHabang pinapanood ko ang pag-alis ni Lael, ay siya rin sakit na nararamdam ko. A part of my self wants to stop here but wala akong ibang ginawa kundi ang panoorin lang siya.Nang tuluyan siya mawala sa paningin ko ay saka lang ako natauhan. Fvck, I should be happy 'cause I can no longer see her. But this damn feeling made me want to go after her. I feel a strange pain in my heart instead of being celebrating 'cause she finally signed the annulment. But only to see myself in regrets. Nang makita ko ang mukha niya kaninang nasasaktan while saying that she really loves me, parang akong pinagsusuntok. I wanna hug and kiss her but I felt guilty. Hindi ko siya kayang halikan gayong hinalikan ako ni Rhinaya kanina. I feel like I was cheating on her.Wala sa sariling pinunit ko ang annulment."Fvck!" Paulit-ulit akong napamura at pinagsisipa ang mga bagay na malapit sa'kin.Why I am feeling like this? I should celebrate this victory but it feels like I just lost my lucky card.Mabil

  • Love Beyond Sundown   Chapter 56

    Nagising ako nang may marinig na hikbi at nag-uusap sa aking tabi. I then slowly open my eyes at tumambad agad sa akin ang putting kisami. I already knew where I am right now."Reah baby, y-you're awake."Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang boses ni Mommy. Namumula ang mata nito at may mga luha pa. Nasa tabi niya si Daddy na tila pinipigilan din ang sarili na maluha. I remove the oxygen mask."Mom, why are you crying?" Takang tanong ko sa kanya ngunit umiling lang si Mommy kaya bumaling ako kay Daddy ngunit maging ito ay seryosong nakatingin lang sa akin. Napatingin naman ako sa gawi nina Tita Jenna at Tito Khev."How do you feel, Iha? Do you wanna eat something?" Tanong ni Tita sa ain. Umiling lang ako dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Umayos ako ng upo at isinandal ang likod sa headboard. May nakakapit pa na dextrose sa kamay ko."Hindi pa po ako gutom, Tita." I responded."I told you honey, you should call us the way you called your parents. You're part of our

  • Love Beyond Sundown   Chapter 55

    Hindi na bumalik si Jeush sa opisina matapos sundan si Rhinaya kaya inabala ko ang sarili ko sa trabaho. I admit that it made me feel like I was just nothing for him at lahat ng mga ipinapakita niya sa'kin ay parte lang din ng pagpapanggap niya. Minsan nabibigyan ko pa ng maling kahulugan ang mga kilos niya kahit ang totoo ay malabong magkakagusto siya sa'kin. Kahit masaktan, sapat na siguro ang tatlong buwan na ibinigay niya sa'kin. Hindi ko ipagkakait sa kanya ang kanyang kalayaan. Kontento na ako basta't magiging maaya lang siya.Sa loob ng tatlong buwan na nakasama ko siya, wala akong pinagsisihan. Susulitin ko nalang siguro ang natitirang dalawang araw ko dito. Huwebes na bukas at sa Friday na gaganapin ang anniversary ng JLines Corp.Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Sa katunayan ay huling araw ko nalang siyang makakasama bukas. Siguro ay yayayain ko nalang siya ng half or whole day date. Wala naman akong maisip na maaaring kong gawin. At least man lang, sa huling sandali

  • Love Beyond Sundown   Chapter 54

    "Mrs. Sinatra, it's good to see you again. You even look so gorgeous today." Papuri pa ni Mr. Kachigawa sabay na naglahad ng kamay. Tumayo naman ako at nakipagkamay dito. Kakarating lang nito. Mabuti nalang at dito sa 2J restaurant siya ng booked which is convenient sa'kin dahil malapit lang sa Jlines Corp. Wednesday kasi ngayon at muntik ko pang makalimutan. Mabuti nalang at tumawag ang secretary ni Mr. Kachigawa at pinaalalahanan ako. Hindi na ako nagpaalam pa kay Jeush dahil hindi na magiging surpresa kung malalalaman niyang nakiusap ako kay Mr. Kachigawa para lamang ipagpatuloy nito ang close deal nila. Busy rin naman siya dahil magkasama sila ni Rhinaya kaya 'di na ako nagtangka pang ipaalam na sa labas ako kakain."Thanks for the compliment, Mr. Kachigawa." Nakangiting wika ko pa at inalok itong maupo. Magkatapat kami ngayon.Sa tantya ko ay nasa mid 80's na ang negosyanteng ito ngunit 'di pa rin halata sa batang hitsura niya at ang liksi pang kumilos. Aakalin mong binata pa ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status