Lael's POV"Oh, ba't nakabusangot na naman ang, beshy ko?"Napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ni Marie. May dala itong isang basket ng prutas at ipinatong iyon sa side table ng kama ko.Humanga ako ng malalim bago umayos ng upo."Ang likot kasi ni baby." Nakabusangot na wika ko sabay himas sa aking tiyan. Mag-e-eight months na ang tiyan ko sa susunod na linggo kaya nararamdaman ko na ang pagiging mas malikot na ang anak ko. He's always like this. Sinisipa niya ang tiyan ko. Tuwang-tuwa ako noong nalaman kong lalaki ang magiging baby namin. He's so strong dahil habang lumalaban ako sa sakit ko ay matindi pa rin ang kapit niya.Its been six months after the I left the country. Kasalukuyan kaming nasa States ngayon kasama ng mga parents ko. Binibisita rin ako ni Marie dito thrice a month at maging ang mga magulang ni Jeush at si Chairman. Sa katunayan ay nandito sila noong nakaraang araw upang bisitahin ako at kamustahin ang apo nila na hindi pa man lumalabas ay excited na si
JIREAH LAEL POV"How do you feel right now, honey? Do you want something to eat?" Nag-aalalang tanong pa ni Tita Jenna sa akin. Kanina pa kasi ako walang ganang kumain at ang lakas din ng tibok ng puso ko na tila may kakaibang mangyayari. Hindi rin ako mapakali at pabaling-baling ako sa kaliwat at kanan.Dalawang araw na simula nang umuwi ng Pilipinas sina Marie kaya wala akong masiyadong nakakausap maliban kina Tita at Mommy dahil abala sina Daddy at Tito Khev at maging si Chairman. Ngayon ay si Tita muna ang nagpaiwan dito dahil pinauwi niya muna si Mommy para makapagpahinga. May bahay naman kami dito sa states. Doon kami namamalagi at doon na rin ako lumaki. Pero sa katunayan ay hindi naman talaga ako palaging naroon dahil madalas akong nanatili sa hospital. Na-operahan na rin ako dito pero noong pagtuntong ko nang high school ay muling bumalik na ikinapagtataka ng mga doctor. And sadly, it became worse. Kaya noong college ay pinakiusapan ko sina Mommy na bumalik ng Pilipinas dahil
Patawid na sana ako sa papasok sa skwelahan nang mamataan ko ang isang lalaki na tila walang pakialam sa kanyang paligid. Tulo-tuloy lang ito sa paglalakad at tila ba hindi man lang nito napapansin ang paparating na sasakyan. Nakita ko namang ilang minuto nalang at pupula na ang traffic light.Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako papunta sa gitna ng kalsada kung saan naglalakad ang lalaki. Walang pasabi ko itong hinawakan sa kanyang kamay at hinatak papunta sa gilid.Pagdating sa gilid ay pabagsak ko itong binitawan at sinamaan ng tingin ang lalaki. Nakasuot pa ito ng itim ng hoody at cap habang may suot din itong itim na mask. Kulang nalang at pwede ko nang iisipin na kidnaper siya pero hindi ko iyon magawa nang titigin din ako ng mala-abo nitong mga mata. Kahit nakatago ang mukha niya ay hindi ko naman maiwasang mamangha sa kanyang makakapal na kilay at pilikmata." Hoy! Magpapakamatay ka ba ha?" Bulyaw ko pa dito. Taka naman itong tumingin sa'kin at tinanggal ang headset sa kan
" Ang ganda naman ng unica iha namin. The wedding gown looks beautiful on you." Nakangiting wika pa ni mommy.Tiningnan ko naman ang kabuoang repleksiyon ko sa salamin. Even I can't believe this wedding gown suits me. Mas lalong tumitingkad ang pagka-filipina-Lebanese ko. I'm a classy type of person. Subrang madaldal ako sa mga taong komportable akong kasama at mataray minsan. I'm an only child but not a spoiled one. Independent ako and never did I depend my life with my families wealth." Sa tingin mo po ba mommy magugustuhan din ako ng mapapangasawa ko? " Tanong ko pa kay mommy habang inaayos nito ang belo. Tumigil naman ito at tiningnan ako sa repleksiyon ng salamin." Of course, baby. You're so beautiful, he will definitely like you." Nakangiting aniya. Humarap naman ako kay mommy at niyakap ito. She's really is my mom. Suportado sa akin.Nag-iisa lang akong anak nila kaya tutok palagi sina mommy at daddy sa'kin. Kahit na abala sa negosyo ay hindi naman sila nagkulang sa paglaan s
" Subrang laki naman ng bahay na'to para sa ating dalawa." Komento ko pa nang makababa ng sasakyan. Hindi naman ito sumagot ni bumaling man lang sa akin at tulo-tuloy lang sa pagpasok sa loob. " Hoy! 'Wag mong sabihin ako magbubuhat nito? " Pagtawag ko pa pero hindi man lang ito nakinig. Napalabi naman ako." Remember that we're only married in papers. You can do whatever you want and you are not allowed to interrupt my life. Siguraduhin mo lang na hindi ka makikita ng media. " Cold na wika pa nito nang makapasok ako habang bitbit ang malaki kong maleta." Tandaan mo rin, kahit masungit ka, asawa mo parin ako. " Masungit ko rin na wika at iginala ang paningin sa sala." Then let's have a deal. I want to make it clear with you that after your family's business recovered, you'll sign the annulment. I have a girlfriend and she's the one I wanted to be with for the rest of my life and not you. " Diretsong wika pa nito. The words he said sounded like a dagger that sank into my heart. Hind
" Alam mo, Reah, pakipot lang 'yang asawa mo. Kung ako sa'yo, ako ang gagawa ng first move. " Suhistisyon pa ni Marie matapos kung sabihin sa kanya ang mga nangyari kanina.Siya si Marie Ocampo, ang nag-iisa kong kaibigan. Parang magkapatid narin ang turing namin sa isa't-isa. Matanda nga lang siya sa'kin ng isang taon. 23 pa lang ako samatalang 24 naman siya. Ngunit kahit ganoon ay parang magka-edad lang din ang vibes namin sa isa't-isa. Kasalukuyan siyang international model samatalang abala naman ako sa pamamahala sa sarili kong five star restaurants dito sa Cebu. Kilala ang restaurant ko sa buong bansa ngunit wala pa ni isang nakakakilala at nakakakita sa totoong may-ari. Sa tuwing may media kasi ay tinatanggihan ko ito. Sapat na sa akin na minamahal ng mga tao ang negosyo ko. Sa simpleng paraan ay nagawa ko itong mapalago na mag-isa. Tanging mga magulang ko lang din at ang nag-iisa kong kaibigan ang nakakaalam tungkol sa mga bagay na iyon." Anong first move ba pinagsasabi mo diy
" Who the hell is that?" Inis na tanong pa ni Marie sabay labas ng sasakyan. Sumunod naman agad ako sa kanya.Nakataas pa ang kilay ko habang nakatuon sa itim na sasakyan. Inaantay namin na lumabas ang may-ari nito. Hinayaan lang namin si Manong Edgar na lumapit dito, nakatingin narin sa amin ang mga taong dumadaan. Naabala pa ang ibang sasakyan sa likuran namin." Excuse lang po, sir. Baka po maari niyo munang itabi ang sasakyan. Nakakaabala po kasi sa iba. " Magalang na wika pa ni Manong Edgar sabay katok sa bintana ng itim na Lamborghini. Wala naman kaming narinig na tugon mula dito. Hindi rin namin nakikita ang taong naroon sa loob dahil tinted ang salamin nito.Dahil sa inis ng kaibigan ko ay walang pagdadalawang isip pa itong kumuha ng bato sa gilid at ipinukpok iyon sa salamin ng sasakyan dahilan upang mapalabas ito. Halos lumuwa pa ang mata ko nang mapagsino ito. Ito ang lalaking nakabunguan ko kanina." What the hell are you doing woman?" Inis na bulalas pa nito sabay hila ka
" Ay! Tipaklong na walang pakpak! Diyos ko iha, ginugulat mo naman ako. " Gulat na bulalas pa ni Manang Lelia nang muntik ko na siyang hampasin ng baseball bat. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib habang ang kaniyang kanang kamay ay may hawak na kutsilyo." Manang, naman eh. Akala ko pa naman may multo dito. Muntik na akong atakihin. " Wika ko pa sabay ibanaba ang baseball bat.Si Manang Lelia ay ang kasambahay ng pamilya ni Jeush. Noon paman ay close na kami simula pa kabataan ko hanggang sa paglaki. Saksi si Manang Lelia sa lahat tungkol sa'kin. Naging nanay-nanayan ko pa ito noon sa tuwing nasa ibang bansa ang mga magulang ko." Nako naman, iha. Kaya nga mabilis akong nagtago dito dahil akala ko may nakapasok na magnanakaw." Aniya bago naglakad papunta sa kusina. Sinundan ko naman ito. " Nga pala, iha. Magkasama kayo ng asawa mo? Kamusta naman ang pagsasama niyo dito kanina?" Sunod-sunod na tanong pa nito.Kumuha muna ako ng tubig sa ref bago naupo sa high stall paharap sa kanya. I