Share

Chapter 3

Author: Tearsilyne
last update Last Updated: 2023-03-21 21:35:05

" Alam mo, Reah, pakipot lang 'yang asawa mo. Kung ako sa'yo, ako ang gagawa ng first move. " Suhistisyon pa ni Marie matapos kung sabihin sa kanya ang mga nangyari kanina.

Siya si Marie Ocampo, ang nag-iisa kong kaibigan. Parang magkapatid narin ang turing namin sa isa't-isa. Matanda nga lang siya sa'kin ng isang taon. 23 pa lang ako samatalang 24 naman siya. Ngunit kahit ganoon ay parang magka-edad lang din ang vibes namin sa isa't-isa. Kasalukuyan siyang international model samatalang abala naman ako sa pamamahala sa sarili kong five star restaurants dito sa Cebu. Kilala ang restaurant ko sa buong bansa ngunit wala pa ni isang nakakakilala at nakakakita sa totoong may-ari. Sa tuwing may media kasi ay tinatanggihan ko ito. Sapat na sa akin na minamahal ng mga tao ang negosyo ko. Sa simpleng paraan ay nagawa ko itong mapalago na mag-isa. Tanging mga magulang ko lang din at ang nag-iisa kong kaibigan ang nakakaalam tungkol sa mga bagay na iyon.

" Anong first move ba pinagsasabi mo diyan?" Nakataas kilay na wika ko pa sabay subo ng ice cream.

Kasalukuyan kaming nasa Kakka Dairy Bar ngayon dahil inimbita ko siyang magpalamig. Matapos kasi akong iwan ng mokong kong asawa ay nawalan narin ako ng gana na kumain kaya tinawagan ko agad si Marie at inaya na lumabas. Mabuti naman at day off niya kaya pinaunlakan ako. Isang week kasi ang paalam niya sa manager para lang makadalo sa kasal ko.

" Haler! Siyempre, gapangin mo. Ganern!" Aniya sabay ikot ng mata. Sinamaan ko naman siya ng tingin ng ma-gets ang ibig niyang sabihin. Ang bruha tinawanan lang ako. " See? 'Di ba? You said before that cockroach is his weakness, then if I were you, sis alamin mo pa ang lahat tungkol sa kanya then magagawa mo na siyang mapasunod at mapaamo. Ganern!" Aniya sabay subo ng ice cream. Pinagdiskitahan ko naman ang ice cream ko dahilan upang magmukha na itong liquid ice cream.

" Oo na. Hindi ako slow. Pero paano ko naman siya mas makikilala pa kung kasing lamig pa ng yelo ang pagtrato sa'kin. Sarap sakalin ng lalaking 'yon!" Inis na wika ko pa. Bahagyang natawa naman si Marie sa'kin. " Kung 'di lang talaga ikakasira ng ganda ko, inupakan ko na 'yon. Kala mo kung sinong gwapo eh mas gwapo pa nga si Whamos 'don eh. " Dagdag ko pa. Nakita ko namang napatingin si Marie sa likod ko sabay nguso kung nasaan ang entrance door. Hindi agad ako lumingon at takang tumingin sa kanya. 

" Speaking of impakto. Andon ang asawa mo. " Aniya sabay itinuro sa nguso niya. Sinundan ko naman ng tingin iyon at agad nagsalubong ang kilay nang makitang may kasama itong sexy na babae na parang higad kung makakapit sa braso niya.

" Alis na tayo. Nawalan ako ng gana. " Pag-aaya ko pa sabay tayo at kinuha at maliit na shoulder bag na dala ko.

" Teka lang, sis. Sayang 'yong order natin. " Pagpigil pa ni Marie sabay hawak sa braso ko. Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot. Tumalikod ako sa gawi nina Jeush upang 'di niya ako mapansin.

" Ubusin mo nalang. Antayin nalang kita sa labas. " Wika ko pa at agad na tumalikod. Hindi ko na pinakinggan pa ang pagtawag nito at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad. Napatingin pa sa akin si Jeush nang madaan ko ang mga ito ngunit wala man lang bakas ng emosyon na makikita sa mukha niya na mas lalo kung ikinainis. Talagang may gana pa siyang lantaran na manlandi samantalang pinagbabawal niya sa rules ang pakikipag-date sa publiko. Sarap tirisin.

Dahil sa malalim kong pag-iisip ay 'di ko man lang namalayan na may kasalubong ako, dahilan upang mapadaing ito nang mabunggo ko.

" S-sorry. " Paumanhin ko pa sabay yuko at aktong lalagpasan na ito nang pigilan ako nito sa braso.

" I should be the one to say sorry, Miss. I was in a hurry. " Aniya na may baritinong boses. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at tumambad agad sakin ang perpekto nitong ngiti sa labi. Nakalabas pa ang dimple nito na mas lalong bumagay sa kanya. " What's your name by the way?"  Dagdag pa nito.

Napakurap-kurap ako nang matulala bago ito sinagot at inabot ang kamay nito na nakalahad.

" J-Jireah. Just Reah for short." Nahihiyang sagot ko pa at agad din na binawi ang kamay. Mas lalo namang lumapad ang ngiti nito.

" Beautiful name just like you. " Banat pa nito. " I'm Keith." Aniya. Napansin ko naman si Jeush na nakatayo sa may pinto habang nakatingin sa gawi namin kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

" P-pasensiya na ulit. I have to go. " Wika ko pa at agad na itong iniwan.

Tinungo ko ang parking lot kung saan nakaraparada ang kotse ni Marie. Sinundo niya lang kasi ako kanina dahil nasa mansion pa ng mga magulang ko ang sarili kong sasakyan.

Agad akong pinagbuksan ni Manong Edgar ng pinto kaya pumasok narin ako. Ito ang personal driver ni Marie simula ng elementary pa kami hanggang sa nakapagtapos kami ng pag-aaral. Parang tatay narin ang turing namin dito.

" Ba't nauna ka, ineng? Asan si Inday Marie?" Tanong pa nito.

" Nasa loob pa po, Manong. Nauna nalang po ako dahil nandon din ang asawa ko kasama ang babae niya. " I answered. Bahagya namang napailing si Manong Edgar sa sinabi ko.

" Alam mo, ineng. Ganyan na ganyan din kami ng asawa ko nong unang kasal palang namin. Pero hindi mo dapat na iniiwasan ang asawa mo. Kailangan ng tiyaga at tiwala sa isa't-isa ang kailangan. " Payo pa nito. Humugot naman ako ng isang malalim na buntong hininga at tumingin sa labas ng bintana.

" Iba po kasi ang sitwasyon namin. Ang hirap pakisamahan ng impaktong 'yon na daig pa ang yelo sa subrang lamig. Alam kong ayaw niya sa'kin pero sana man lang respetuhin niya rin ako bilang asawa. " I poutedly answered.

" Alam mo, ineng, kaming mga lalaki minsan ay nahihiya kaming gumawa ng unang hakbang dahil natatakot kaming matanggihan. " Wika pa ni Manong habang nakatingin sa'kin sa rear view mirror. " Kung ako sa'yo, kailangan palagi ka niyang kasama para mas lalong makikilala mo pa ang asawa mo." Dagdag pa nito.

" Manong, naman eh. Dalawa na kayo ni Marie nagsabi sa'kin niyan. Kailangan ba talaga na ganun? 'Di ba pwedeng kakausapin nalang o 'di kaya sapakin ko nalang agad para matauhan?" I said na ikinatawa ni Manong.

" Ganun talaga 'yon, ineng. Bilang asawa, responsibilidad mo rin na alagaan at pasayahin ang asawa mo. "

" Ang hirap naman po non, Manong. Hindi na siya bata. Pero sabagay, may punto po kayo. Pero ano namang hakbang ang gagawin ko? Baka isipin pa non na liligawan ko siya. No way! "

" Ang arte mo, sis. Hindi mo ikakapangit 'yan. Promise!" Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang biglang nagsalita si Marie sa tabi ko. " Gulat lang, ganern? Mukha na ba talaga akong multo, sis?" Aniya.

" Kanina ka pa? Ang bilis mo naman yatang nilunok ang baso. " Tanong ko pa na ikinabusangot nito. Bahagya naman akong natawa sa reaksiyon niya. Nagsimula naring paandarin ni Manong Edgar ang sasakyan.

" Dambuhala na ba talaga ako, sis? Sa ganda kong 'to?" 'Di makapaniwalang wika pa nito sabay turo sa sarili na mas lalo kong ikinatawa.

" Pwede rin naman. Ikaw lang ang dambuhalang hindi tumataba kahit anong kainin. " Pang-aasar ko pa na mas lalong ikinabusangot nito.

Nasa ganoong sitwasyon kami sa pag-aasaran nang biglang nag-preno si Manong ng malakas na ikitalon ng dibdib ko. Muntik pa kaming mapasubsob nang ihinto niya ang sasakyan sa gitna ng kalsada kung saan may isang kutseng itim na humarang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Beyond Sundown   Chapter 59

    JIREAH LAEL POV"How do you feel right now, honey? Do you want something to eat?" Nag-aalalang tanong pa ni Tita Jenna sa akin. Kanina pa kasi ako walang ganang kumain at ang lakas din ng tibok ng puso ko na tila may kakaibang mangyayari. Hindi rin ako mapakali at pabaling-baling ako sa kaliwat at kanan.Dalawang araw na simula nang umuwi ng Pilipinas sina Marie kaya wala akong masiyadong nakakausap maliban kina Tita at Mommy dahil abala sina Daddy at Tito Khev at maging si Chairman. Ngayon ay si Tita muna ang nagpaiwan dito dahil pinauwi niya muna si Mommy para makapagpahinga. May bahay naman kami dito sa states. Doon kami namamalagi at doon na rin ako lumaki. Pero sa katunayan ay hindi naman talaga ako palaging naroon dahil madalas akong nanatili sa hospital. Na-operahan na rin ako dito pero noong pagtuntong ko nang high school ay muling bumalik na ikinapagtataka ng mga doctor. And sadly, it became worse. Kaya noong college ay pinakiusapan ko sina Mommy na bumalik ng Pilipinas dahil

  • Love Beyond Sundown   Chapter 58

    Lael's POV"Oh, ba't nakabusangot na naman ang, beshy ko?"Napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ni Marie. May dala itong isang basket ng prutas at ipinatong iyon sa side table ng kama ko.Humanga ako ng malalim bago umayos ng upo."Ang likot kasi ni baby." Nakabusangot na wika ko sabay himas sa aking tiyan. Mag-e-eight months na ang tiyan ko sa susunod na linggo kaya nararamdaman ko na ang pagiging mas malikot na ang anak ko. He's always like this. Sinisipa niya ang tiyan ko. Tuwang-tuwa ako noong nalaman kong lalaki ang magiging baby namin. He's so strong dahil habang lumalaban ako sa sakit ko ay matindi pa rin ang kapit niya.Its been six months after the I left the country. Kasalukuyan kaming nasa States ngayon kasama ng mga parents ko. Binibisita rin ako ni Marie dito thrice a month at maging ang mga magulang ni Jeush at si Chairman. Sa katunayan ay nandito sila noong nakaraang araw upang bisitahin ako at kamustahin ang apo nila na hindi pa man lumalabas ay excited na si

  • Love Beyond Sundown   Chapter 57

    JEUSH POVHabang pinapanood ko ang pag-alis ni Lael, ay siya rin sakit na nararamdam ko. A part of my self wants to stop here but wala akong ibang ginawa kundi ang panoorin lang siya.Nang tuluyan siya mawala sa paningin ko ay saka lang ako natauhan. Fvck, I should be happy 'cause I can no longer see her. But this damn feeling made me want to go after her. I feel a strange pain in my heart instead of being celebrating 'cause she finally signed the annulment. But only to see myself in regrets. Nang makita ko ang mukha niya kaninang nasasaktan while saying that she really loves me, parang akong pinagsusuntok. I wanna hug and kiss her but I felt guilty. Hindi ko siya kayang halikan gayong hinalikan ako ni Rhinaya kanina. I feel like I was cheating on her.Wala sa sariling pinunit ko ang annulment."Fvck!" Paulit-ulit akong napamura at pinagsisipa ang mga bagay na malapit sa'kin.Why I am feeling like this? I should celebrate this victory but it feels like I just lost my lucky card.Mabil

  • Love Beyond Sundown   Chapter 56

    Nagising ako nang may marinig na hikbi at nag-uusap sa aking tabi. I then slowly open my eyes at tumambad agad sa akin ang putting kisami. I already knew where I am right now."Reah baby, y-you're awake."Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang boses ni Mommy. Namumula ang mata nito at may mga luha pa. Nasa tabi niya si Daddy na tila pinipigilan din ang sarili na maluha. I remove the oxygen mask."Mom, why are you crying?" Takang tanong ko sa kanya ngunit umiling lang si Mommy kaya bumaling ako kay Daddy ngunit maging ito ay seryosong nakatingin lang sa akin. Napatingin naman ako sa gawi nina Tita Jenna at Tito Khev."How do you feel, Iha? Do you wanna eat something?" Tanong ni Tita sa ain. Umiling lang ako dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Umayos ako ng upo at isinandal ang likod sa headboard. May nakakapit pa na dextrose sa kamay ko."Hindi pa po ako gutom, Tita." I responded."I told you honey, you should call us the way you called your parents. You're part of our

  • Love Beyond Sundown   Chapter 55

    Hindi na bumalik si Jeush sa opisina matapos sundan si Rhinaya kaya inabala ko ang sarili ko sa trabaho. I admit that it made me feel like I was just nothing for him at lahat ng mga ipinapakita niya sa'kin ay parte lang din ng pagpapanggap niya. Minsan nabibigyan ko pa ng maling kahulugan ang mga kilos niya kahit ang totoo ay malabong magkakagusto siya sa'kin. Kahit masaktan, sapat na siguro ang tatlong buwan na ibinigay niya sa'kin. Hindi ko ipagkakait sa kanya ang kanyang kalayaan. Kontento na ako basta't magiging maaya lang siya.Sa loob ng tatlong buwan na nakasama ko siya, wala akong pinagsisihan. Susulitin ko nalang siguro ang natitirang dalawang araw ko dito. Huwebes na bukas at sa Friday na gaganapin ang anniversary ng JLines Corp.Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Sa katunayan ay huling araw ko nalang siyang makakasama bukas. Siguro ay yayayain ko nalang siya ng half or whole day date. Wala naman akong maisip na maaaring kong gawin. At least man lang, sa huling sandali

  • Love Beyond Sundown   Chapter 54

    "Mrs. Sinatra, it's good to see you again. You even look so gorgeous today." Papuri pa ni Mr. Kachigawa sabay na naglahad ng kamay. Tumayo naman ako at nakipagkamay dito. Kakarating lang nito. Mabuti nalang at dito sa 2J restaurant siya ng booked which is convenient sa'kin dahil malapit lang sa Jlines Corp. Wednesday kasi ngayon at muntik ko pang makalimutan. Mabuti nalang at tumawag ang secretary ni Mr. Kachigawa at pinaalalahanan ako. Hindi na ako nagpaalam pa kay Jeush dahil hindi na magiging surpresa kung malalalaman niyang nakiusap ako kay Mr. Kachigawa para lamang ipagpatuloy nito ang close deal nila. Busy rin naman siya dahil magkasama sila ni Rhinaya kaya 'di na ako nagtangka pang ipaalam na sa labas ako kakain."Thanks for the compliment, Mr. Kachigawa." Nakangiting wika ko pa at inalok itong maupo. Magkatapat kami ngayon.Sa tantya ko ay nasa mid 80's na ang negosyanteng ito ngunit 'di pa rin halata sa batang hitsura niya at ang liksi pang kumilos. Aakalin mong binata pa ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status