Home / Romance / Love Game with my Executive Assistant / Kabanata 11 - The Man with an Iron Mask

Share

Kabanata 11 - The Man with an Iron Mask

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-08-21 21:32:05

Hinihintay ni Luna si Yael sa may parking area. Hindi pa kasi ito dumadating. Sa bilis ng paglalakad niya kanina ay hindi siya inabutan nito. Ni hindi niya alintana na nakasuot siya ng sandals na may mataas na takong.

Napahawak si Luna sa kaliwang dibdib niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya dahil sa nangyari kanina. Paulit-ulit iyong nag-pe-play sa utak niya pati na rin ang unang pagkikita nila noon ni Yael. Pinukpok niya ang kaniyang sarili nang mapagtanto niyang kasalanan niya kung bakit siya nalalagay sa awkward na sitwasyon. Una, natapilok siya kaya sinalo siya nito noon tapos nawalan naman siya ng balanse kanina kaya aksidenteng naglapat ang kanilang mga labi.

“Ang lampa-lampa mo, Luna. Baka iniisip na ngayon ng lalaking ‘yon na sinasadya mo ang lahat para lang maka the moves ka sa kaniya. Bakit ba kasi ako natataranta kapag nasa harapan ko na siya? Bakit ang hina-hina ko kapag nasa paligid siya? Hindi naman ako ganito." Tumakar si Luna bago naupo. "Nasaan na ba siya? May
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 13 - Bipolar?

    Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating din sa wakas sina Yael at Luna sa kanilang destinasyon. Buong byahe silang hindi nag-iimikan pero nahuli nila ng ilang beses na tinitingnan nila ang isa't-isa.Humanap ng magandang parking spot si Yael at ipinarke ang kaniyang sasakyan. Bababa na sana si Luna nang bigla niya itong sinuway.“Stay there,” Yael ordered.‘Ano na namang pakulo ng isang ‘to?’ isip-isip ni Luna.Bumaba si Yael at umikot siya kung saan nakaupo si Luna. Pinagbuksan niya ito ng pinto.Kumurap-kurap si Luna. ‘Pinigilan niya akong bumaba ng sasakyan dahil pagbubuksan niya ako ng pinto? Ano bang klaseng laro ang ginagawa mo, Yael?’“Stop wasting our time. Bumaba ka na." "S-Salamat pero hindi mo naman po ‘yon kailangang gawin. Baka kung ano pa po ang isipin nang makakakita sa atin dito,” nahihiyang wika ni Luna. ‘Okay na sana eh. Nagsungit lang.’Tumawa nang mahina si Yael. "Wala kang dapat ipag-alala. Sanay na sila sa akin. Alam ng lahat kung gaano ako ka gentl

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 12 - Vida's Plan

    “Mama, I have something to tell you," kinikilig na sabi ni Livina habang nilalaro ang alak sa kopitang hawak niya.“Ano na naman ‘yan, Livina? Tigilan mo na muna ang panlalalaki mo at makipag-usap ka sa mga possible investors o ‘di kaya ay buyer. Alam mo namang malapit na nating ibenta ang kumpanya ni Lira dahil nalulugi na ito. Nagsi alisan na rin ang mga magagaling na designers at officers natin simula nang malaman nilang hindi si Luna ang magmamana ng kumpanyang itinayo ng kaniyang ina. Our bank accounts and wallets are bleeding. You need to find someone who will become beneficial to us. Hindi tayo ginastusan ng papa mo para lang kumerengkeng dito, ano,” litanya ni Vida."Mama, masyado ka namang namomroblema sa mga bagay-bagay. Relax ka lang. This is a birthday party and not a business meeting. This is not even an investors’ search for their next investment. Isa pa, pinapahanap mo pa lang ako, nakahanap na ako.” Sumimsim ng alak si Livina.Mas lumapit pa si Vida sa kaniyang anak. “

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 11 - The Man with an Iron Mask

    Hinihintay ni Luna si Yael sa may parking area. Hindi pa kasi ito dumadating. Sa bilis ng paglalakad niya kanina ay hindi siya inabutan nito. Ni hindi niya alintana na nakasuot siya ng sandals na may mataas na takong.Napahawak si Luna sa kaliwang dibdib niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya dahil sa nangyari kanina. Paulit-ulit iyong nag-pe-play sa utak niya pati na rin ang unang pagkikita nila noon ni Yael. Pinukpok niya ang kaniyang sarili nang mapagtanto niyang kasalanan niya kung bakit siya nalalagay sa awkward na sitwasyon. Una, natapilok siya kaya sinalo siya nito noon tapos nawalan naman siya ng balanse kanina kaya aksidenteng naglapat ang kanilang mga labi.“Ang lampa-lampa mo, Luna. Baka iniisip na ngayon ng lalaking ‘yon na sinasadya mo ang lahat para lang maka the moves ka sa kaniya. Bakit ba kasi ako natataranta kapag nasa harapan ko na siya? Bakit ang hina-hina ko kapag nasa paligid siya? Hindi naman ako ganito." Tumakar si Luna bago naupo. "Nasaan na ba siya? May

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 10 - Accidental Kiss

    “Here's your room and here's the key." Yael gave a magnetic card to Luna.Nahihiyang inabot ni Luna ang magnetic card na binibigay ni Yael sa kaniya. "T-Thank you.”"This will be your first night as my executive assistant. Since you'll be working on a night shift, I will give you a bonus. Tomorrow, I will give you and your girlfriend’s employment contract. Be ready in twenty minutes.”"Girlfriend?" Luna murmured. “Sandali—” Huli na ng sabihin niya iyon dahil nakaalis na si Yael.Nagkibit-balikat si Luna at pumasok na sa kaniyang silid. Napanganga siya sa disenyo ng kwarto. Napakalawak nito. Marahan siyang naglakad patungo sa kama at agad na umupo roon.“Namiss ko tuloy ang kwarto ko sa mansyon. Kasing lambot ng kamang ito ang higaan ko roon.” Biglang kumirot ang puso ni Luna. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi lang ang kaniyang silid ang namimiss niya kung hindi pati na rin ang kaniyang mama at papa. Nabasa ang mga pisngi niya at agad din naman niya iyong pinahid. “Oo nga pala kail

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 9 - Roommates

    "Mr. Yael, paano mo nakilala ang papa ko?" kunot-noong tanong ni Luna."I just did some research about my new executive assistant. Bawal ba?”"H-Hindi naman,” mahinang tugon ni Luna.‘Sa lahat ng mga empleyado ko, siya lang ang hindi marunong gumalang sa akin but I kinda like it,’ Yael thought."Gusto ko nang magpahinga. Give me my card key para mahanap ko na rin kung saang floor naroroon ang unit na titirhan ko.”‘Hindi pa rin pala talaga niya nagegets.’ Umayos nang pagkakatayo si Yael. Kukunin niya sana ang gamit ni Luna nang bigla itong hablutin ng dalaga. Hindi sinasadyang nagkahawak ang kanilang mga kamay. Napatitig siya sa kamay ng dalaga.Biglang binitiwan ni Luna ang gamit niya dahilan para mapunta iyon nang tuluyan kay Yael. Namula bigla ang kaniyang mga pisngi. “I…I'm sorry. H-Hindi k-ko sinasadyang hawakan ang kamay m-mo,” nauutal na sabi niya."Is that how you make your first move on me? Oh. I forgot. Padalawang move mo na pala ito para mapansin kita,” pang-aasar ni Yael.

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 8 - Mr. De Vanz Eldest Daughter

    Siniko ni Yana si Luna. Matapos nilang makababa sa eroplano ay sinalubong agad sila ng mga tauhan ng bago nilang amo. Kasalukuyan na silang nakasakay sa isa sa mga sasakyan nito.“Bakit babe? May problema ba?" Binuksan ni Luna ang isang bottled water at uminom ng tubig.“Ilang beses kong nahuli si Boss Yael na sulyap nang sulyap sa'yo kanina. Siguro, may gusto siya sa’yo.”Nasamid si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Muntik pa niyang maibuga ang tubig sa bibig niya rito buti na lang at agad niyang nalunok iyon.Agad na tinapik ni Yana ang likod ng kaibigan. "Malayo pa ‘yan sa bituka,” natatawang sabi niya.Nang maka-recover si Luna ay saka niya sinagot ang sinabi ng kaibigan niya kanina. "Wala namang rason para magkagusto sa akin ang lalaking ‘yon. Isa pa, hindi kami compatible. Ayoko sa isang asbag na lalaki.”"Weh? Hindi ka man lang na attract kay boss? Ang guwapo at ang hot niya kaya. Tapos ang yaman-yaman pa niya. Ano pa bang hahanapin mo?” ani ni Yana habang magkadaop ang ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status