Home / Romance / Love Game with my Executive Assistant / Kabanata 203 The Beginning of their Bad Karma (Part 1)

Share

Kabanata 203 The Beginning of their Bad Karma (Part 1)

Author: Docky
last update Last Updated: 2026-01-12 17:21:06

“Mama, bakit mo sinabi kay Mona kung sino ang anak ni Luna? Sa tingin mo ba ay babalikan niya tayo para tulungan? Ni hindi nga niya tayo pinansin kanina bago siya umalis eh!”

Hinilot ni Vida ang kaniyang noo. Maging siya ay kinukwestiyon na rin ang kaniyang naging galaw.

“Mama, anong gagawin natin? Sigurado akong papunta na si Mona ngayon sa mansyon ni Andy. Ni hindi pa nga natin nalalaman kung ano ang tunay niyang koneksyon kay Luna eh. Paano kung gamitin niya si Gael para makuha niya ang loob ni Andy? Paano kung tuluyan na niyang maakit si Andy? Paano na kami?!”

Marahang nilingon ni Vida ang kaniyang anak at tinapunan ito ng masamang tingin. “P’wede ba, tumahimik ka muna Livina? Pati ako ay hindi makapag-isip ng maayos dahil sa kapuputak mo eh!”

“Mama, paano ako tatahimik? Mona is out there making her bold moves at ako? Heto, nakakulong sa mabaho, masikip at mainit na kulungang ito!” Napasabunot si Livina sa kaniyang buhok. Magmamaktol pa sana ulit siya nang biglang may sumita sa ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jurma Gulam
nakakatawa ka livina ngayon kapa kaya patulan ni yael na alam na nya ang lahat nang mga ginagawa nyo nang mama mo..kahit noon hindi pa alam ni yael ang kagogahan mo ay hindi ka nga pinatulog sa tabi nya
goodnovel comment avatar
Amy Marquez Samson
more update pa po.mis docky.ty po.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 203 The Beginning of their Bad Karma (Part 1)

    “Mama, bakit mo sinabi kay Mona kung sino ang anak ni Luna? Sa tingin mo ba ay babalikan niya tayo para tulungan? Ni hindi nga niya tayo pinansin kanina bago siya umalis eh!”Hinilot ni Vida ang kaniyang noo. Maging siya ay kinukwestiyon na rin ang kaniyang naging galaw.“Mama, anong gagawin natin? Sigurado akong papunta na si Mona ngayon sa mansyon ni Andy. Ni hindi pa nga natin nalalaman kung ano ang tunay niyang koneksyon kay Luna eh. Paano kung gamitin niya si Gael para makuha niya ang loob ni Andy? Paano kung tuluyan na niyang maakit si Andy? Paano na kami?!”Marahang nilingon ni Vida ang kaniyang anak at tinapunan ito ng masamang tingin. “P’wede ba, tumahimik ka muna Livina? Pati ako ay hindi makapag-isip ng maayos dahil sa kapuputak mo eh!”“Mama, paano ako tatahimik? Mona is out there making her bold moves at ako? Heto, nakakulong sa mabaho, masikip at mainit na kulungang ito!” Napasabunot si Livina sa kaniyang buhok. Magmamaktol pa sana ulit siya nang biglang may sumita sa ka

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 202 Hearing the Truth

    "ENOUGH! TULUNGAN NIYO NA LANG KAMING MAKALABAS DITO AT ITUTURO KO KUNG NASAAN ANG ANAK NG MALANDING SI LUNA!” walang pagtitimping sigaw ni Vida.Mabilis na naglakad palapit kay Vida si Mona. Hinawakan niya ang pala-pulsuhan nito. "Sige. Sabihin mo na sa akin, Vida. Saan ko matatagpuan ang anak ng kaibigan ko?”“Si Gael…Si Gael Gray ang anak ni Luna. Nasa puder siya ngayon ng ama niyang si Yael Anderson Gray…”"A-Anong s-sinabi m-mo? S-Si G-Gael…ang a-anak ni Y-Yael? Are you kidding me, Vida?" hindi makapaniwalang sambit ni Mona.Iniikot ni Vida ang kaniyang mga mata. “I already said it once. I will not repeat it again—-" Namilog ang mga mata niya nang bigla na lamang siyang sinakàl ni Mona. “A-Anong ginagawa mo? Bitiwan mo ako!" “I'm not playing with you, Vida. Magsabi ka ng totoo o dito ka na malalagutan ng hininga!"Agad na nilapitan nina Rafael at Drake si Mona para awatin ito.“Mona, stop it! Maaari ka nilang kasuhan sa ginagawa mo!" suway ni Rafael. Nakahinga siya ng maluwag na

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 201 Blocking the Truth

    “Tama na nga ang drama niyong dalawa." Nilingon ni Vida si Mona. “Ano, Miss Mona? Kaya mo bang tuparin ang usapan natin kanina kapalit ng hinihingi mong impormasyon?"“Mama, tumigil ka na nga. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala tayong mapapala sa babaeng ‘yan?" pigil ni Livina.“Ano ka ba, Livina? Bulag ka ba o tànga? Hindi mo ba nakikita kung gaano kalawak ang koneksyon ng Mona na ‘yan? She's talking to an Angelini right now. Ano pa bang pruweba ang nais mo para maniwala kang may maitutulong siya sa ating dalawa?" mahina ngunit may diing sambit ni Vida sa anak.“Mona, halika na. Umalis na tayo rito," aya ni Rafael at agad na inabot ang kamay ni Mona. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang binawi ni Mona ang kamay nito sa pagkakahawak niya.“Mauna na kayo ni Drake. Susunod na lang ako," malamig na sambit ni Mona. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Rafael dahil kina Vida at Livina naka focus ang paningin niya."No, Mona. Hindi ako aalis dito kapag hindi kita kasama,” giit n

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 200 Hanging on the cliff ot truth (Part 2)

    “Mama! Ano bang nangyayari sa’yo? Mag-isip ka nga! Inuuto lang tayo ng babaeng ‘yan! Baka nga wala talaga siyang hawak na alas laban sa atin eh! Pinapaikot at pinapaamin lang tayo ng babaeng ‘yan!” pigil ni Livina.“Tumahimik ka, Livina! Wala na tayong ibang aasahan! Hangga’t may katiting na pag-asang tutulungan niya tayong makawala sa sitwasyon natin ngayon, kakapit ako! Hindi tayo matutulad sa ama mo na naging ex-convict!”‘So totoo nga ang sinabi sa akin ni Rafael? Hindi ko kadugo si Livina? All this time, talaga palang pinaglalaruan lang nila kami ni papa! Ang kakapal ng mga mukha nila!’ Hindi napigilang ikuyom ni Mona ang kaniyang mga kamao. Gustong-gusto na niyang saktan ang mag-ina. Gustong-gusto na niyang ipaalam sa mga ito kung sino talaga siya pero hindi pa iyon ang tamang panahon para alisin niya ang kaniyang maskara.“Miss Mona, makinig ka. Ang anak ni Luna ay si—----”“Mona!” Napalingon ang lahat nang umalingawngaw sa buong silid ang malalim at malakas na boses ng isang l

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 199 Hanging on the cliff of truth (Part 1)

    “Ayaw niyo talagang magsalita? Sige. Ipapadala ko na sa kaibigan kong detective at sa lahat ng mga taong malapit kay Luna ang mga ebidensyang nasa kamay ko.” Akmang pipindutin na ni Mona ang send button sa kaniyang cellphone nang biglang magsalita si Vida.“S-Sandali, Miss Mona!”Agad na pinandilatan ni Livina ang kaniyang ina. “Mama, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Don’t tell me balak mong…”Hinawakan ni Vida ang kamay ng kaniyang anak. “Anak, we have no choice. Hindi ko ipagpapalit ang buhay nating dalawa para lamang sa kapirasong katotohanan,” bulong niya.Ngumisi si Mona nang marinig niya ang sinabi ni Vida kay Livina. Kitang-kita niya ang galit at pagtataka sa mukha ni Livina na tila nagbigay sa kaniya ng kakaibang saya.“Mama, naririnig mo ba ang sarili mo? Sa tingin mo ba ay hindi tayo ipapakulong ng Mona na ‘yan oras na itinuro natin sa kaniya kung nasaan ang anak ni Luna? Kahit kasing amo pa ng anghel ang mukha niya, wala talaga akong tiwala sa kaniya.” Tinapunan ni Livina

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 198 Fight against emotion

    "Kung hindi mo kami kayang pakinggan, isipin mo man lang sana si Gael. Anak, hindi siya makakatulog hangga't hindi ka umuuwi sa bahay. Ikaw lang ang mayroon siya ngayon. Kung susugod ka ng gan'yan, walang armas, walang malinaw na plano, walang pangalangin, at tanging poot lamang ang iyong dala-dala, sa tingin mo ba ay makakabalik ka ng ligtas sa kaniya? Nauunawaan ko ang nararamdaman mo pero anak, hindi ito ang panahon para sundin mo ang iyong emosyon. Alam mo na kung sino ang ina ni Gael at alam mo na ring may isa pa kayong anak pero anak, isang pader ang binabangga mo at hindi lang siya isang pader—isa siyang mataas, matibay at puno ng pananggalang na pader. Nakikiusap ako, anak. Kumalma ka muna. Walang magandang maidudulot ang pagkilos ng walang sinusunod na blueprint. Alam kong nauunawaan mo ang mga sinasabi ko. Hindi ka naman nag-iisa, anak. Nandito kami ng mga tito mo. Handa ka naming tulungan pero hindi pa sa ngayon. Kulang ang isang araw, isang linggo o baka kahit isang buwan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status