Share

Kabanata 226

Penulis: Docky
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-18 21:28:06

“Fúck!" bulalas ni Rafael nang biglang napuno ng usok ang basement. Hindi man niya gaanong makita ang paligid ay pilit niyang hinawi ang makapal na usok para tingnan kung nasaan si Mona. “Where the fúck did it come from?" inis niyang tanong. Tinakpak niya ng kaniyang braso ang kaniyang ilong habang hawak-hawak pa rin niya ang kaniyang baril. “Shít! Goddàmn it!"

Habang nangangapa sa makapal na usok si Rafael at ang mga tauhan nito ay maliksi namang kumilos sina Uno, Mona at Drake. Naiwan nila a
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 230

    “Si Don Gustavo ang pumatay sa mismong kapatid niya para makuha niya ang posisyong mayroon siya ngayon…para pamunuan niya ang mob…" pagpapatuloy ni Gracia.“Ano? Hindi ba't siya pa mismo ang nagligtas sa kapatid niya? He even brought Nic to the hospital back then,” may gulat na sambit ni Yael.Umiling si Gracia. "Don Gustavo used one of his former men to be labeled as the criminal. Tinakot niya itong papatayin niya ang pamilya nito at ang kahuli-hulihang salinlahi nito kung hindi ito aaming siya ang lumason sa dating Don. Pinalabas lang ni Don Gustavo na siya ang hero ng mob pero ang totoo, isa siyang traydor sa sarili niyang kabaro at sa sarili niyang kadugo.”Napaawang ang labi ni Yael. Hindi siya makapaniwala sa balitang nakarating sa kaniya. "Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, Gracia?”Tumango si Gracia. "Nalaman ko ang bagay na ‘yan sa ex-fiancé ko…sa kapatid ni Rafael na si Nicollo." “What about his death? May kinalaman din ba si Don Gustavo sa pagkamatay ni Nicolllo?" mabilis

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 229

    Parang piniga ang puso ni Gracia sa kaniyang narinig. Sa loob ng ilang taong naging relasyon nila ni Yael ay masasabi at maipagmamalaki niyang naging mabuti itong boyfriend at fiancé sa kaniya. Wala siyang maiisumbat dito dahil sa kabutihan ng puso nito at dahil sa paraan nito ng pagmamahal. Talagang naging tànga lang siya noon. Natukso siya. Natakot. Sa bandang huli, napagtanto niyang mali ang kaniyang ginawa. Hindi niya dapat iniwan ang lalaking tumanggap at nagmahal sa kaniya ng buong-buo. Hindi dapat siya nagpadala sa takot at tukso. Nais man niyang mahalin siya ulit nito, alam niyang imposible na lalo na at may anak na ito. Alam niya kung gaano ka family oriented si Yael at naranasan din niya kung gaano ito katapat magmahal.Agad na tumulo ang mga luha ni Gracia sa kaniyang mga mata. Magsisi man siya ay alam niyang huli na ang lahat. Wala siyang ibang masisisi kung hindi ang kaniyang sarili. Gano'n pa man, masaya siyang handa pa rin siyang tanggapin bilang kaibigan ni Yael. At ma

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 228

    “Shít"Marahang iniangat ni Yael ang kaniyang ulo matapos niyang bumangga sa isang sasakyan. May kaunting dugong dumaloy mula sa kaniyang noo pero hindi naman gano'n kalala ang pinsalang kaniyang natamo dahil sa sasakyang humarang sa truck.Marahang bumaba ng sasakyan si Yael habang sapo-sapo niya ang kaniyang noo. Nang makita niya ang sasakyang nagligtas sa kaniya mula sa pagkadurog ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata. Pamilyar sa kaniya ang sasakyang iyon. Nang mahagip niya ang driver ng sasakyan ay agad siyang napatakbo sa kinaroroonan nito."Fúck!” Pilit na binubuksan ni Yael ang pinto ng sedan pero hindi niya iyon mabuksan dahil sa automatic lock na feature ng sasakyan. Napatingin siya sa unahang bahagi ng sasakyan. Umuusok na ito at tila anumang minuto ay sasabog na. "Dàmn it!”Marahas na hinila ni Yael ang pinto ng sedan hanggang sa tuluyan na niya itong winasak. Dali-dali niyang kinuha mula sa driver's seat ang driver at binuhat palabas ng umuusok na sedan.Malalaki ang b

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 227

    Nang marating nina Uno, Mona at Drake ang secret exit ng coffee shop ay agad silang naghanap ng safe point. Sinigurado rin muna ni Uno na walang nakaantabay na mga tauhan si Rafael sa vicinity. Habang paipis-ipis silang lumilipat ng location ay biglang tumunog ang cellphone ni Uno.“We're safe. Nasaan kayo?" bungad ni Uno sa kaniyang kausap. “Sige…Oh? Talaga? Mabuti naman kung gano'n. Oo, kasama ko sila at ligtas din sila. Ha? Paano? Medyo malayo sa kinaroroonan namin ang sasakyan ko pero susubukan pa rin naming makapuslit. I'll call you when we're on our way." Napatingin si Uno kay Mona nang bigla siyang kinulbit nito.“Who are you talking to, hmm?" “I gotta go," paalam ni Uno sa kaniyang kausap. Matapos niyang ibaba ang tawag ay itinago na niya sa bulsa ng kaniyang pantalon ang kaniyang cellphone. “I'm sorry, Miss Mona. Ano nga ulit ‘yong tanong mo kanina?"“Sabi ko, sinong kausap mo kanina sa tawag," pag-uulit ni Mona.“Ah. I talked to Dos. Malapit na sila rito sa area pero mahah

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 226

    “Fúck!" bulalas ni Rafael nang biglang napuno ng usok ang basement. Hindi man niya gaanong makita ang paligid ay pilit niyang hinawi ang makapal na usok para tingnan kung nasaan si Mona. “Where the fúck did it come from?" inis niyang tanong. Tinakpak niya ng kaniyang braso ang kaniyang ilong habang hawak-hawak pa rin niya ang kaniyang baril. “Shít! Goddàmn it!" Habang nangangapa sa makapal na usok si Rafael at ang mga tauhan nito ay maliksi namang kumilos sina Uno, Mona at Drake. Naiwan nila ang isang staff dahil nawalan ito ng malay nang magkaroon ng gas spill."Dahan-dahan, Miss Mona,” paalala ni Uno habang inaabot niya ang kamay nito."Did you accidentally open the exit?” Mona asked out of curiosity. Muntik na siyang mamatay kanina. Kung hindi lang siya biglang hinigit ni Uno padapa ay baka nag-aagaw buhay na siya ngayon. Hindi niya akalaing magagawa ni Rafael sa kaniya ang bagay na ‘yon. Hanggang ngayon ay puno pa rin ng takot, kaba at matinding agam-agam ang kaniyang isipan.Umi

  • Love Game with my Executive Assistant   Kabanata 225

    Saglit na natigilan si Mona. Kailangan niyang pag-isipang mabuti kung ano ang isasagot niya lalo pa at nakita na niya kung paano magalit si Rafael. Alam din niyang matagal na itong may pagtingin sa kaniya kaya kailangan niya iyong ikonsidera kung gusto niyang makaligtas mula sa galit nito ang mga taong kasama niya.“Balak ko lang kuhanin ang anak ko. Wala na akong balak bumalik kay Yael. Gusto ko lang mapunta sa akin ang custody ni Gael. Tutulungan mo naman ako, Rafael, hindi ba?” Bagamat may takot ay pinilit ni Mona na itago sa kaniyang tono at mga mata na nagsisinungaling siya. Mas priority niya ngayon ang buhay nina Uno, Drake at ng ibang staff ng coffee shop. Ayaw na niyang may mamatay pa ng dahil sa mga maling salitang bibitiwan niya.Dahan-dahang umalingawngaw ang malakas na tawa ni Rafael sa buong basement pero agad din iyong nawala. "Mona, ilang beses kong tinanong si Liana sa bagay na ‘yan at isa lang ang paulit-ulit niyang sinasabi sa akin. Na nais mo raw buuin ang pamilya n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status