Share

Chapter 3

Kaya ko ito...

I sighed and put my eyeglass on bago naglakad papasok sa Yu company. Wala nang atrasan ito, kailangan kong sumugal para mabuhay.

Wala pa ako sa loob ng bigla akong harangin ng receptionist, akala ko ay napansin niya na ang mukha ko.

"Miss, paki-verified ang Identification card niyo po sa gilid," paalala niya at tinuro ang daan. Yumuko ako bilang tugon para iniwasang makita nila ang mukha ko. "Maraming salamat!"

Pagtapat ko ng I.D sa scanning device ay biglang nagsipag tingin ang mga tao sa isang babaeng bigla nalang hinarang ng guard. 

"Pasensya na hindi pwedeng pumasok ang kung sino na lang maliban kung may appointment or worker ka," guard explained.

"Manong guard, hindi niyo ba ako nakikilala? Nagtatrabaho ako sa loob!" the woman insisted.

"May kumuha ng mga gamit ko kasama na ang I.D. ko kaya wala akong mapakita, pero baka nagpapanggap siya worker sa loob. May masamang intention siya ng malaman niya na dito ako nagta-trabaho," dagdag pa niya.

Lahat ng tao ay lumapit sa nangyayaring gulo maliban sa'kin at panay ako yuko para hindi ma-recognise ang mukha ko. 

Alam kong nakakapansin na sila sa weird na kilos ko, sinusubukan ko namang kumalma pero nahihirapan ako. Madyadong seryoso ang mga workers at pinagmamasdan ako ng guards sa gilid, hindi ko alam kung bakit. 

"Miss, hindi ba ikaw yung nasa Budget Division? Sabay na tayo pumunta ron," friendly kong approach para magpanggap na co-worker.

Halata sa mukha niya na mali ang huli ko at nang makalapit ako ay tsaka ko lang nakita na sa Hiring Department siya. "Hindi ako-" 

"Huh? Nagbibiro lang ako para makalapit sayo. Actually, may gusto sayo ang isang co-workers, gusto mong malaman kung sino?" pag-iiba ko ng usapan at hinila siya papasok sa elevator para mabawasan ang suspetya. 

"S-Sino sa co-workers natin?" tanong niya, halatang may ine-expect siyang pangalan na sasabihin ko. Hindi ko siya sinagot hanggang sa sumara ang pinto. At nang ma-secure ko na nalagpasan ko na ang guards ay napahinga ako ng malalim.

"Excuse me?" 

Dahil sa kaba ko ay nakalimutan ko ang hinila ko papasok at mukhang naghihintay pa rin siya sa sagot na gusto niyang malaman. Kawawa naman.

"Sabi niya secret admirer mo raw siya pero palagi siyang nakatingin sayo. Magagalit siya sa'kin kung sasabihin ko ang pangalan niya. Hayaan mo nalang na siya ang umamin sa'yo," sagot ko. Mas mabuti na ang sinabi ko kaysa masaktan ang feelings niya. 

"By the way, anong department ka? Hindi kasi kita napapansin o sadya lang malaki ang building kaya hindi tayo nagkakasalubong," tanong niya kaya humanap na ako ng tyempo para umalis. 

"Sa Legal Department ako. Oh! May pupuntahan papala ako sa 3rd floor kaya paalam. Good luck sa trabaho," paalam ko agad at madaling lumabas pagbukas ng pinto ng elevator.

Ngayong nandito na ako sa loob ay kailangan ko ng planuhin kung paano makakapasok sa loob ng office of the President. Mahirap makapasok roon hangga't walang appointment bukod pa ron ay kailangan kong mangalkal ng gamit para humanap ng documents. 

Bigla dumaan ang isang maintenance kaya nakaisip ako ng paraan.

"Um- excuse me. Pwede ko bang malaman kung nasaan ang maintenance room, bago lang kasi ako kaya 'di ko pa kabisado ang pasikot-sikot rito. May ipapalinis kasi ang department namin," approach ko sa janitor pero mukhang busy siya ata for something.

"Nasa first floor po, sa malapit sa exit," sagot niya. 

"Medyo malayo kasi kaya pwede bang ikaw nalang?" tanong ko.

"Kailangan ko na po kasi magmadali. May kailangan pa akong linisin sa penthouse," sagot niya. 

Sa penthouse ang office ng CEO, mukhang naka-jackpot ako ngayon. 

Pinulupot ako ang kamay ko sa braso niya at ngumiti ng matamis. "Kailangan ko na talaga na tulong mo, mabilis lang ito kaya pagbigyan mo na ako," pagpupumilit ko at para hindi makatanggi ay hinila ko na siya pero hindi sa department kundi sa sulok lang, kung saan walang makakakita.

"Miss, fire exit ito," saad niya kaya naging seryoso ang mukha ako.

"I'm sorry, isipin mo nalang naligaw ka," saad ko bago ko hinampas ang leeg niya para patulugin. 

"Akala ko, mahihirapan ako makapasok. Mukhang sinuswerte ako ngayong araw, dalawa na agad na workers ng kompanya ang napatulog ko," saad ko at hiniram uniform niya as well as his equipments. 

"Sleep well," bulong ko bago umalis. 

Medyo naging panatag na ako na magiging successful ang mission ko dahil nakapili ako ng tamang trabaho para makapaglibot sa office. 

Wala nang atrasan ito, Claire.

"Who are you?" Bungad ng isang lalaki paglabas ko palang sa bukana ng elevator.

"Inutusan po ako para maglinis sa penthouse," sagot ko at maintain lang ang pagyuko ko. 

"Bilisan mo, kailangan tapos kana bago pa dumating si President," tugon niya.

"Yes, Sir." 

Nang simulan kong maglinis at hindi umalis ang tingin niya sakin para magbantay, I really wonder kung siya ang right hand man ng president. Nag-aalangan na tuloy ako kung papatulugin ko na rin ba siya o hihintayin ko nalang na umalis ang tingin niya sakin.

Ilang minuto pa ang lumipas at nabigyan ako pagkakataon dahil may tumawag sa kaniya kaya siya lumabas.

Mabilis akong kumilos at binuksan agad ang cabinet sa ibaba ng table at naghanap ng mga file na magagamit ko para ma-satisfied ang client.

"Wala man lang?" pagtataka ko. Puro lang personal belongings ang nasa loob, impossible na magamit para bigyan kahinaan ang CEO. Kahit ang mga documents na nasa desk ay mga simpleng papel lang about sa ratings nila.

Bigla akong napahinto ng may something na bakal na dumikit sa ulo ko. "Hindi ka janitor o worker sa kompanya. Sino ka?" tanong niya. 

Hindi muna ako lumingon at nagpanggap na walang alam sa sinasabi niya. "May nahulog lang na papel kaya binalik ko. Sir, hindi ko po kayo maintindihan," sagot ko kaya lalo niyang diniin ang baril sa ulo ko. 

"Ang sabi ko ay sino ka?!"

"Sir, janitor lang po talaga ako. Hindi ko maunawaan ang sinasabi niyo," pagpupumilit ko at halos manginig ang katawan ko sa takot. 

Nang makakuha ng saktong timing sa paglayo niya sa baril ng bahagya ay tsaka ako kumilos. Mabilis kong tinabing ang baril at inilayo ito sa pwesto namin bago siya sinipa sa gilid ng ulo. "Urgh!"

"Kailangan mo munang manahimik," sambit ko pa bago tumakbo palabas sa pinto pero hindi ko inaasahan ang sasalubong sa aking mga tao nila na armado. 

"Itaas mo ang kamay mo!" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status