Share

Chapter 4

Madilim ang paligid at hindi ko magalaw ang aking katawan. Hindi ko maalala kung nasaan ako at kung anong nangyari?

"Gumising ka!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko kasabay ng pagbuhos ng tubig sa aking mukha. Pinilit kong dumilat para malaman kung anong nangyayari at inaasahang magulong mundo ang sasalubong sa'kin. 

"Aminin mo kung sino ang nagpadala sayo kung gusto mo bang mabuhay," pagbabanta niya.

Nang makita ko ang mukha niya ay tsaka ko lang naalala ang mga nagawa ko. "Sir, ilang beses ko ng narinig ang linyang iyan sa uri ng trabahong meron ako. Kaya, satingin mo kaya akong masindak sa salita mo? Tsk!" paghahamak ko at bumuntong hininga. Masakit pa ang ulo ko dahil sa pagpukpok nila sa batok ko nang mahuli nila ako. Aish! 

"Hangga't maaari ay gusto kong maging maluwang sayo dahil babae ka pero mukhang sinasagad mo ang pasensya ko," pananakot niya at kumuha ng matalas kutsilyo para tuluyan akong matakot.

"Babalatan kita ng buhay, kung hindi ka aamin," saad niya at dinikit ang kutsilyo sa mukha ko. Ang talas ng kutsilyo, nakakagising ng patay at tsaka ayokong masira ang mukha ako. 

"Sinasabi kong walang nag-utos akin kaya pakawalan mo na ako," sagot ko. 

Bigla akong natauhan dahil sa sumunod niyang sinabi. "Alam mo bang hangga't maaari ay gusto kong ilihim ang tagpung ito, para hindi mo na makaharap ang president. Pero, mukhang matigas ka kaya pagbibigyan kita," saad pa niya.

Napaisip ako dahil sa narinig ko.

" President ng Yu Company," I uttered and sighed. 

President ng Yu Company, ang sinasabing posibilidad na ang ruthless Mafia boss. Mukhang hindi naman totoo yun, isang ordinaryong company lang naman ito. Tsaka lalo lang mapapahamak ang buhay niya kung sasali pa siya sa underground society, impossible talaga. 

"May tao ba sa labas? Pakibantayan ang babaeng ito at huwag hahayaang lumabas. Kailangan ko lang ito i-report na agad kay President Yu, para matapos na ito," saad niya at aalis na sana pero pinigilan ko siya. 

"Sandali!" 

"Bakit? Aamin ka na ba?" tanong niya kaya tumingin ako ng direkta sa kaniya at halos mamasa na ang mata na parang iiyak.

"N-Nasaan ang banyo? kailangan ko magbawas, kanina pa kasi parang puputok ang pantog ko, please!" I requested pero akala niya ay nagbibiro lang ako.

"Ilang beses na ba ginagamit ang linya na 'yan? Aish! Satingin mo madadala ako sa palusot mo para makatakas ka?" tanong niya kaya nalaglag ang panga ko at gusto siyang patayin ngayon. 

"Alright, pakibaba nalang panty ko at dito na mismo ako iihi," sagot ko at pilit na niluliwag ang lubid sa kamay ko para mababa ko ang palda ko. Akala niya siguro ay magpapatinag ako. 

Hindi siya nakatiis at agad akong pinakawalan sabay turo sa banyo. "Nasa pintong yun ang banyo. Huwag mong susubukang tumakas," sagot niya.

Ang problema ay... "Shit! Wala man lang bintana sa banyo? Masahol pa ito sa prisinto! Ginawa ba ang kwartong ito para sa interrogation?" reklamo ko. Balak ko sanang tumakas pero wala man lang pag-asa. 

"Mamamatay na talaga ko, ito na ang huling araw ko at ang huling hiling ko ay mapunta sa banyo. Hyst! Sabi ko na mabibigo ako, e! Bakit kasi tinuloy ko pa?" pagsisi ko at ayoko ng buksan ang pinto at humarap sa kanila. 

"President Yu," bigla kong narinig ang pagbati sa pangalan ng CEO kaya nanlambot ang katawan ko at tumigil nang ilang segundo ang aking paghinga. 

Nandito na siya, I'll become dead meat sooner or later. Ugh! What I've done?

"Saan siya?" tanong niya gamit ang malamig na boses na papatay sa tenga ko. 

"Nasa comfort room, nagdarasal," sagot ng kaninang kausap ko at nagawa niya pang magbiro. 

I sighed. "Ngayon ko lang na-realize ang dahilan kung bakit tinawag na comfort room ang lugar na ito. Salamat dahil ikaw ang nag-comfort sa'kin sa mga huling araw ko," pagpapasalamat ko at halos gusto ko ng maging parte ng pader basta huwag lang akong lumabas. 

Lalo akong nanghina ng makarinig ako ng yapak patungo sa gawi ko. "Lalabas ka o dyan ka mismo mamamatay?" pagbabanta niya, ang president. Ngayon ay nagsipagtayuan na ang buhok ko sa balat dahil parang galing sa kalaliman ang boses niya. 

Subukan ko man pigilan pero natagpuan ko nalang ang sarili kong binuksan ang pintuan. Wala akong lakas ng loob para tingnan siya kaya nakayuko lang ang ulo ko na lumapit sa kaniya. 

"Ayokong manakit ngayon kung kinakailangan lang kaya humarap ka sa'kin at sagutin ang tanong ko. Sino ka at anong ginagawa mo sa office ko?" 

Oh holy! Please, help me! 

"Ayokong pinaghihintay ako!" sigaw niya kaya humarap na ako at hindi na inintindi pa ang masasabi kong palusot.

"Buntis ako! Nandito ako para panagutin ka sa nangyari-" sigaw ko at huli para pigilan ang bunganga ko sa foolish plan Z ko. Impossible na maniwala siya sa akin at isa pa ngayon pa lang kami nagkita. F*ck! I'm stupid! 

Gusto ko nalang kainin ng lupa!

Pero in fairness ang gwapo niya pala mukhang rumor is just a rumor. 

"Actually, what I mean is-" Napahinto ako dahil bigla siyang nagsalita at medyo nabingi ata ako kaya hindi ko narinig ng klaro.

"Let's get married," ikling sambit niya.

"H-Huh?" 

Wait! Medyo nakakalito, mali lang siguro ako nang narinig.

"I said, let's get married. I'm willing to take responsibility for you," paglilinaw niya dahilan kaya bumigay ang binti ko at tuluyang napatumba sa sahig. 

Ilang minuto akong natulala at biglang napatawa ng malakas na halos matanggal ang lalamunan ko. "Alam mo funny ka pala! Ang galing mong magbiro, napakalma mo ako ron. Alam mo akala ko talaga nakakatakot ka pero mali pala ako," sambit ko habang natawa pero dahan dahang bumagsak ang ngiti ko dahil sa seryosong expression niya.

"Don't tell me, seryoso ka?" tanong ko at bigla siyang tumalikod. 

"Marry me or die? That's your two options and will decide your future," he stated before leaving.

Halos nakatulala lang ako hanggang sa tuluyan na nila akong iwan. Hindi ko akalain ang dahilan kung bakit nangyari ito sa'kin.

"This is stupid. No. HE IS A STUPID! He's willing to marry me dahil lang sa aksidente kong nasabi na buntis ako?" kausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa kawalan. Bigla kong napahawak sa tyan ko at hindi ko alam kung maiiyak ba ako o tatawa.

"Paano na 'yan, hindi naman talaga ko buntis. Ano bang pumasok sa ulo ng lalaking yun para maging t*nga at maniwala agad? Virgin pa ako para mabuntis!" Sigaw ko at biglang kumatok ang nagbabantay sa labas.

"Pwede bang huwag kang maingay at anong sinasabi mo na tungkol sa virgin?" tanong niya kaya mabilis akong tumangi. 

"N-Nothing." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status