Share

Love Like A Gun
Love Like A Gun
Author: Blackmon Apprentice

Chapter 1

Suot ang itim na fitted na damit at takip sa aking mukha ay sinusubay ko ang isang matibay na lubid pababa sa isang silid ng sunod na target ko. Sa rooftop ako dumaan para maiwasan ang mahigpit na bantay sa babang palapag.

Ang exhibit ng famous gem collection para hanapin ang kontrata niya sa mga mahihirap na minerong niloko niya.

Dahan-dahan kong inapak ang aking paa sa sahig at siniguradong walang nga patibong sa paligid. Tungkol naman sa security system ay ang partner ko na ang gagawa ng paraan.

"Dawn, may 15 minutes ka lang para gawin ang mission," Sunset informed, my spy partner, professional hacker.

Napahawak ako sa earpiece para marinig siya ng mabuti habang nasa loob ako ng room. "Wait, bakit 15 minutes lang?" pagtataka ko at mukhang nagpa-panic na rin siya.

"Masyadong mahirap ang pag-hack sa system nila at base in my calculations pwede nilang mapansin ito within 15 minutes kaya bilisan mo na," paliwanag niya.

Hyst! Ngayon lang ako mapapasubok sa mission na ito. Sinigurado talaga ng buwaya na hindi makukuha ang mga gems niya. Nakakainis na talaga.

Nagmadali ako na hanapin ang office at nang pagbukas ko sa pinto ay muntik ko nang maalert ang security dahil automatic na na-activate ang lasers.

"Sunset, anong balita sa lasers?" tanong ko.

"Hindi nila napansin, bilisan mo na!" tugon niya.

Nagmadali akong kumilos habang iniiwasan ang mga laser habang sa makarating ako sa table niya.

"Nakakapagod. Hindi halatang marami siyang kaaway sa higpit ng security rito," I uttered.

Hindi ko na pinatagal pa ang oras at mabilis na hinanap ang mga files tungkol sa injustice contract niya at iba pang may kinalaman sa illegal bidding.

"Dawn! Kailangan mo ng lumabas! Dawn!" Biglang nagpanic si Sunset mula sa kabilang linya kaya wala na akong sinayang na oras nang tumunog ang sirena ng alert system.

Paglabas ko palang sa office ay nasalubong ko na agad ang may-ari ng gem collection. "Intruder!"

Agad akong tumakbo kung saan ako pumasok kanina pero hindi ko inaasahang mahaharangan nila ang bawat dadaanan ko.

"S-Surrender. Now!" he exclaimed na parang hindi sanay sa lengwaheng ginagamit niya. Glen Chua, pure chinese na nag-migrated sa Philippines pero hindi pa tumatagal sa bansa ay gumawa na agad ng kalokahan.

"Surrender your ass! As if you can catch me," hamon ko pa at agad na nagpasabog ng smoke bomb. Nang Umusok ay mabilis kong binaril ang bintana sa salamin at doon dumaan pero hindi pa natatapos ang panghahabol nila dahil ang mga tao niya sa baba ay naghihintay ng utoss. Maya-maya ay may biglang nagpaputok ng baril.

"Kill her!" sigaw ni Glen. Tumakbo ako at umakyat ng pader para makatakas pero hindi ko nagawang maiwasan ang mga bala kaya natamaan ako sa binti bago pa ako makalabas.

"Shit! Nakakainis talagang ang buwaya na yun! Gusto ko na agad siyang makitang mabulok sa kulungan!" sigaw ko. Nang makarinig ako ng mga yakap ay pinilit kong tumakbo kahit pa hindi na pantay ang paglalakad ko.

Wala na akong pag asang makalayo pa at mas mabilis sila sakin kaya nawawalan na akong nang pag-asa na makalayo pa nang biglang may humintong itim na van sa harapan ko at hinatak ako papasok.

"Wait, saan niyo ako dadalhin?" tanong ko at magpupumiglas na sana pero napahinto ako sa pag-complain nang tutukan ng baril ang ulo ko ng isang tao sa likuran ko.

"Mahahimik ka nalang at sumunod para hindi ka masaktan," banta niya pa.

Hindi nila tinali ang kamay ko at binusalan ang bibig ko kaya mukhang wala silang plano kundi dahil lang ako. Isa pa kung gusto nila akong pilitin ay papatulugin nila ako agad. Himinto kami sa isang abandonadong building at pumasok sa isang kwarto walang malaman kun'di lamesa at dalawang upuan. Ang taong gustong makita ako ay nakaupo sa isa sa mga upuan.

"Maayos niyo ba siyang dinala rito?" tanong niya sa mga tauhan niya.

"Maayos sana pero kasalukuyan akong nasa mission kaya humarap ako rito na puno ng dugo sa katawan," sagot ko at umupo sa harapan niya.

"Anong pag-uusapan natin? Tsk! Hindi ko akalain na magkaka-interest ang CEO ng Amethyst Company," tanong ko at kalmado lang sa harapan niya, ganun din siya.

"Balita ko marami ka ng na-satisfied client pagdating sa pangangalap ng impormasyon kaya nais ko sanang bigyan ka ng trabaho," direktang alok niya.

Nilapat ko agad ang kamay ko sa tapat niya at napasmirk, "Hindi ako tumatanggap ng mission na alam kong hindi ako rin ako makikinabang kaya magkano ang kaya mo?"

Bigla siyang napahalakhak ng malakas dahil sa bulgar kong ugali at bumagsak ang mukha niya at naging seryoso bago magsalita, "Name your price. Ang target ay Yu Company."

Mabilis na nagbago ang expression ng mukha ko at ini- withdraw ang kamay ko bilang pagtanggi sa mission. "P-Pasensya na, mali ka ng taong inupahan. Hindi ko ugaling tumalon sa panganib na walang labasan," pagtanggi ko at aalis na sana ng bigla niyang tinaob ang lamesa.

"Kung ganoon gusto mong magback out? Sa anong dahilan? Sa tingin mo ba nakakatakot ang Yu Company kaysa sa Amethyst Company?" tanong niya kaya mas lalo akong nahirapan.

"CEO park, hindi porque minsan akong nagtrabaho sa ama mo ay hawak mo na agad ang leeg ko. Wala akong kinakatakutan kaya pag sinabi kong ayoko ay ang ibig sabihin ay ayoko," matapang kong sagot at aalis na sana ng biglang pumasok si Luke na nakatali ang kamay at puno ng pasa ang katawan.

"A-Anong nangyari?" pagtataka ko at tumakbo palapit kay Luke.

"Niloko niya ako ng napakalaking pera kaya papatayin ko na sana siya kaso sinabi niya kung sino ka at kung anong relasyon mo sa kaniya. Ang genius spy na Dawn ay isa palang normal lang din na babae. Claire Mina, isang normal na receptionist sa Amethyst Company at girlfriend ng con. artist na si Luke Kim. Pagdating sa underground society ay halos kinakatakutan ka pero isa ka lang pa lang worker sa kompanya ko? Nakakatawa talaga," sambit niya kaya lalong nag-alab ang pagkainis ko.

Pinipilit kong itago ang pagkatao ko para mabuhay ng normal at iilan lang ang nakakaalam ng identity ko.

"Claire, pasensya na pero ayoko ko pang mamatay. Kasalanan ko ito, hindi ako naging maingat kaya nahuli ako pero pangako magbabagong buhay na ako. Gusto ko lang naman maging maganda ang kasal nating dalawa," panghihingi ng tawad ni Luke.

"Mukhang may isang salita ang famous na si Dawn, mas mabuti pang patayin ko na nga lang talaga ang Con artist. Sa totoo lang ayokong gumamit ng ibang tao para lang manipulahin ang desisyon mo at huwag kang mag-alaala mananatili ang mapayapang buhay mo bilang si Claire. Hindi ko ipagkakalat ang tunay mong pagkatao," malambing niyang saad pero halatang pagbabanta.

"Pumapayag na ako," mabilis kong sagot bago huminga ng malalim.

"Anong gusto mong malaman tungkol sa Yu Company?" dagdag kong tanong.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status