Share

Kabanata 5

“STOP following me, Maria,” seryoso ngunit naiinis na niyang saway nang magpang-abot kaming dalawa sa labas ng opisina ng Chief Financial Officer.

Buong umaga at hapon na kasi akong bumubuntot sa kaniya at alam niya na rin siguro na hindi ko talaga siya titigilan kaya sinabihan niya na ako kanina na umuwi ng maaga.

Pero hindi iyon mangyayari. Buhay ko ang nakataya rito kaya hindi pwedeng basta ko na lang siyang hayaan.

“Umuwi ka na,” pagtataboy niyang muli bago niya ako iniwan. Napairap naman ako saka ako muling sumunod sa kaniya.

“Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumibigay,” walang sawa kong pangungulit pero hindi niya ako pinansin, sa halip ay huminga lang siya nang malalim at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Putragis! Pakipot talaga ang bakla!

“Sir, sagutin mo na kasi ako!” pikon kong sigaw kaya siya napatigil. Nang harapin niya ako ay magkasalubong na ang kaniyang mga kilay.

Nginitian ko naman siya at humingi agad ng paumanhin sa aking inakto. Ang problema nga lang ay huli na nang pareho naming ma-realize na nasa tapat lang pala kami ng mga mesa ng excecutive staffs.

Pauwi na silang lahat at nag-aayos na ng kanilang mga gamit nang bigla silang mapatigil dahil sa amin ni Yevhen.

“Why are you looking at us? Just go home!” Yevhen ordered, full of authority. Natuptop ko naman ang aking noo dahil sa kaniyang pagsusungit.

P*****a naman! Nangongolekta ba siya ng mga kaaway?

Ako na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin ni Yevhen at ng aking mga katrabaho. Humingi ako ng paumanhin habang pinipigilan ang pagkulo ng dugo ko kay Yevhen na nakatayo lang sa aking harapan habang nakataas ang isang kilay.

“Maria, sumunod ka sa akin,” he stated before he immediately turned his back on me. Nagmamadali rin siyang umalis sa eksena matapos niyang tapunan ng panghuling tingin ang mga staff.

Mahina tuloy akong sumigaw sa inis bago ako umamba ng suntok sa hangin. Napatigil lang ako at napangiti nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng aking mga kasamahan.

“Pwede na po kayong umuwi. Salamat po,” magalang kong pagpapaalam bago ko sinundan si Yevhen.

Akala ko ay sa opisina niya kami mag-uusap pero bumagsak ang aking mga balikat nang makita ko siyang paakyat sa hagdan patungong rooftop.

Nakasimangot akong sumulyap sa suot kong high-heeled shoes.

Putragis!

Pikon na pikon na talaga ako.

Kung hindi lang nakabibighaning tanawin ang tumambad sa amin nang makarating kami sa rooftop ay naibato ko na sa kaniya ang sapatos ko.

“Sir, palagi ka ba rito?” Nawala sa isip ko ang inis dahil sa kulay ng langit. Nag-aagaw ang liwanag at dilim kaya may pagkakulay purple ang paligid. Malamig na rin ang simoy ng hangin.

“Hindi ko alam na maganda pala rito!” natutuwa ko pang salaysay bago ko inilabas ang cellphone ko sa aking bulsa ng aking blazer.

Pi-picture-an ko na sana ang langit nang seryoso niyang tawagin ang aking pangalan. Bigla ko tuloy naalala ang totoong dahilan kung bakit kami nandito.

“Aminin mo na. Tayo lang tao rito.” Tinago kong muli ang cellphone ko at hinintay ang kaniyang sagot.

“You are still here because of my cousin, but if you will really drain my patience like this, you better leave immediately,” banta niya na nagpaawang ng aking mga labi.

Wala pa rin talaga siyang planong aminin?!

“Nananakot ka ba? Pwes, hindi mo ako matatakot. You need me, Sir,” pagmamalaki ko bago ako ngumisi at dumipa sa hangin at um-acting na tila isang superhero.

Tinaasan niya lang naman ako ng kilay habang ang kaniyang mga mata naman ay nagtatanong kung ano ang aking ginagawa. Sa pagkapahiya ay napailing na lang ako at inayos ang aking tindig.

“I am not gay,” he exclaimed after a long period of silence. Hindi naman ako naniwala dahil alam ko na itong mga linyahan na 'to.

“Sir, huwag na tayong maglokohan. May nakakita sa inyo ng lalaki mo,” pagbabalita ko kaya mabilis na nagbago ang kaniyang ekspresiyon sa mukha.

“Who told you about that? Sana pala nakinig ako kay Ate Zemira na tapalan ang bibig at tainga mo dahil tsismosa ka,” umiiling niyang komento bago siya napahawak sa kaniyang batok. Napailing din naman ako dahil nalaman kong nilaglag pala ako ng sarili kong kaibigan.

Pero hindi ang pagiging tsismosa ko ang issue namin dito. Nililihis niya sa tunay problema, e!

“Hindi tayo matatapos dito kung hindi mo sasabihin. Ano ba naman 'yong aminin mo sa akin ang totoo?” I crossed my arms in front of my chest, before I caught his confused gaze.

“Kakampi mo ako, hindi lang dahil sekretarya mo ako kundi dahil pareho tayo ng nararanasan. Maraming judgemental sa paligid, pero ako, hindi kita i-ja-judge,” pagiging positibo ko bago gumuhit ang isang mapait na ngiti sa aking mga labi.

Ramdam ko siya. Natakot din naman akong magladlad noong una.

“What the hell are you saying, woman? Pwede bang makinig ka muna sa'kin bago ka dumaldal?” he argued before he loosened his necktie. Sinuklay niya rin ang kaniyang buhok saka siya tumalikod para huminga nang malalim.

“Sige, sige. Kung hindi ka bakla, bakit magkayakapan kayo ng lalaki mo kagabi?” He quickly whirled around like I caught him off-guard. Nagkibit-balikat lang naman ako.

“Saka ano 'yong Babe, I love you,” dugtong ko pa na ginaya ang pagkakasabi ng lalaki niya. Napanganga tuloy siya at mahinang napamura.

“Did you eavesdrop on us? Ano pa'ng narinig mo?” sunod-sunod niyang tanong saka niya binawasan ang natitirang distansiya sa pagitan naming dalawa. Dahil hanggang balikat niya lamang ako ay hindi ko naiwasang mapatingala.

“Hindi na mahalaga kung ano ang narinig ko. Ang kailangan natin ay magandang plano dahil may nakakaalam na ng relasyon niyo ng Hero na iyon,” payo ko pagkatapos ay hinaplos ko ang aking baba at umaktong mayroong invisible na balbas habang nag-iisip.

“You’re just mistaken. Magkaibigan lang kami ng gagong iyon,” he argued defensively. Umiwas din siya ng tingin at lumayo sa akin nang kaunti.

“Hindi ako bakla,” he seriously muttered again. Napabuntonghininga naman ako at napakamot sa aking ulo.

Hanggang ngayon ba naman ay may oras pa rin siyang makipaglokohan?!

Napailing ako. “Sa susunod mag-ingat kayo. Kahit gustong-gusto mo na ng banana, matuto kang magpigil, ha.”

Ipagtatanggol niya na naman sana ang kaniyang sarili pero bigla na lamang siyang napatigil.

“Bakit? Aamin ka na ba?” pag-uusisa ko kasunod ng paglawak ng ngiti sa aking mga labi.

“What is banana?” he inquired.

Bigla kong natampal ang aking noo. Heto na naman kami. Hindi ko alam kung nagpapa-virgin lang itong putragis na ito o sadyang inosente lang, e.

Bakit ba hindi siya marunong ng ganitong mga lenggwahe?!

Bumuga ako ng malakas na hangin saka ko itinaas ang aking dalawang kamay bago ako nagsimulang magpaliwanag.

“Maraming klase niyon. May mataba at mahaba pero mas maraming mapayat na maliit,” paglalarawan ko kasabay ng paggalaw ng aking mga kamay para sukatin ang mga iyon sa hangin.

Pero putragis! Nakatingin lang sa akin at hindi pa rin ako maintindihan.

“Sir, malambot iyon pero tumitigas kapag nahahawakan,” I muttered with frustration before my eyes traveled down to his pants.

“Mayroon kang isa niyon, pero may kilala akong dalawa ang banana,” dagdag ko nang sa tingin ko ay isa lang talaga ang banana na itinatago niya.

Unti-unti namang lumukot ang kaniyang mukha saka niya sinundan ang aking tingin. Kasunod niyon ay ang pagsumpa niya sa akin.

“F-fuck you, woman! I don't know what to do with you anymore!” he shouted after my words sank in his mind. His cheeks were burning red as he couldn't maintain an eye contact with me.

Putragis! Natawa ako nang malakas.

“Titi, Sir. Titi means banana. Iyon ang gusto mo, 'di ba po?” panunukso ko pa kaya lalong sumama ang kaniyang itsura.

“Bakit ko naman gugustuhin ng. . . b-banana?!” galit niya na namang sigaw kaya napahawak na ako sa wig ko at nagpapadyak.

Pauulit-ulit na lang kaming dalawa!

“Bakit ba hirap na hirap kang tanggapin na bakla ka? Ano ba'ng masama roon?” Huminga ako nang malalim saka ako mariing pumikit.

Ano naman kung hindi siya tunay na lalaki?! Hindi naman kasalanang maging bakla o tomboy.

“Kung sinabi mo lang sana agad na bakla ka at kailangan mo ng babae para hindi sila maghinala, e, 'di sana mas ginalingan ko sa pagpapanggap,” pamomroblema ko pa bago ko iminulat ang aking mga mata.

Nakamamatay niya lang naman na tingin ang bumungad sa akin kaya peke akong ngumiti at umirap sa hangin.

“I am straight, Maria,” he defended himself again. Kinagat ko naman ang aking labi pagkatapos ay umiling-iling ako.

“Tama na, pwede? Tanggap kita,” tugon ko bago ko siya nilapitan at tinapik-tapik ang kaniyang balikat.

“Then, what do you want me to do?” he questioned before he suddenly grabbed my wrist. Natigilan ako nang sandaling magtama ang aming mga paningin.

“Do you want a kiss to prove my masculinity?” he threatened while smirking. Mabilis niya akong hinila saka niya dahan-dahang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.

Nagkukumawala naman ako.

Putragis! Huwag niyang sabihing hahalikan niya ako?!

Tangina! Nanakawin niya ang unang halik ko na dapat ay sa mga chikababe ko ibigay!

“Sir, huwag!” sigaw ko na tinawanan niya lang nang mahina. “Tomboy ako!”

“So?” bulong niya kasunod nang unti-unting pagdadampi ng ilong namin sa isa't isa. Nahigit ko naman ang aking hininga at saka ako napapikit.

“O-oo na. Lalaki ka na,” impit kong pahayag bago ko idineklara ang aking pagkatalo. Wala namang sabi-sabing pinakawalan niya kaagad ako habang nagpipigil ng ngiti.

“Don't test me, Maria,” he warned again. Wala naman sa kaniya ang atensiyon ko kundi sa dibdib kong hindi mag-function nang mabuti.

Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng isang daang milya sa paghahabol ko ng hininga.

“Huwag ka ngang manakot ng ganoon! Muntik nang magunaw ang pangarap kong maka-first kiss sa chikababe!” galit na galit kong reklamo pagkatapos ay inambaan ko siya ng suntok na inilagan niya agad.

“Say that I'm a gay again and I'll kiss you hard and rough. Wala akong pakialam kung magunaw man iyang pangarap mo buhay,” he announced before he stepped out of the rooftop, leaving loud, heavy, and eerie sound in my heart.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Maligaya
Thank you so much po for reading, Ma'am! ...
goodnovel comment avatar
Maligaya
Alin nga po kaya, Ma'am? HAHAHAHHAA
goodnovel comment avatar
Mulan
alin ang mas mainam kimchi o banana hehehehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status