Share

Chapter 2

Jeizhiro

"Jeizhiro!"

Nilingon ko si Mayor Rodolfo ang mayor ng bayan ng San Agustin. Ang bagong employer ko. Nakangiti syang lumapit sa akin.

"Pauwi ka na ba?"

"Yes mayor, may kailangan pa ho kayo?" Magalang kong tanong.

"Wala naman. Magpapasalamat lang ako sa'yo  sa ginawa mo kanina. Salamat at tinulungan mo si Yñigo na masukol si Don Abel. Ligtas ang inaanak ko ng dahil sa tulong mo." Aniya at tinapik ang balikat ko.

Ngumisi naman ako. "Wala ho yun mayor, at isa pa kahit wala naman ho ang tulong ko ay makakaligtas pa rin ang inaanak nyo. Mahusay ding bumaril eh."

Tumawa naman sya. "Gayunpaman salamat pa rin. Malaki ang naitulong mo."

Tumango na lang ako at ngumiti.

"Teka, ayaw mo bang maghapunan muna bago umuwi?" Alok nya.

"Hindi na ho mayor, may dadaanan din ho kasi ako." Tanggi ko. Tiningnan ko ang oras sa silver wrist watch ko. Mag a-alas singko na ng hapon.

"O sige, mag iingat ka na lang. Kita na lang tayo sa Monday." Muli nya akong tinapik sa balikat.

Sumakay na ako sa itim na raptor ko at binuhay ang makina. Bumusina pa ako bilang pamamaalam sa butihing mayor. Kumaway naman sya. 

Inatras ko na ang raptor ko palabas ng bukas na malaking gate ng mansion. Sumaludo pa ang isang tauhan sa akin. Binusinahan ko na lang sya at pinausad na ang raptor ko.

Hindi naman ako nag aalalang iwan si mayor pansamantala. Patay na si Don Abel at nahuli na ang lahat ng tauhan nya. Kaya wala akong dapat alalahanin. Dalawang araw lang naman ang hiningi kong pahinga dahil gusto kong bisitahin ang cacao farm namin. Tatlong buwan ko na kasi itong hindi nadadalaw dahil naging abala ako sa loob ng tatlong buwan lalo na ng maging personal bodyguard ako ni Mayor Rodolfo.

Isa akong dating sundalo at 12 years din akong nanilbihan bago nagpasyang magretiro. Gusto ko kasing tutukan ang cacao farm ng mga magulang kong namayapa na iniwan sa akin. Sayang naman kasi kung mapapabayaan lang. Nangako pa naman ako sa kanila na palalaguin ko ito. Noong nabubuhay pa sila ay tutol sila sa pagsusundalo ko dahil buhay ko nga ang nakataya. Mas gusto nila na hawakan ko ang cacao farm namin at palaguin pa. Pero dahil desidido ako at buo ang loob ko ay wala na ring silang nagawa. Kaya ngayon ay  sila naman ang pagbibigyan ko.

Ngunit hindi pa ako nakaka isang taon sa taniman ay nababagot na ako. Namimiss ko ang dati kong trabaho. Yung thrill na nasa bundok ako at nakikipag habulan sa mga rebelde at nakikipag palitan ng putok. Pero hindi naman pwedeng basta basta na lang akong bumalik sa serbisyo. Kaya ng malaman ko na naghahanap ng personal bodyguard si Mayor Rodolfo De Ocampo ay hindi na ako nagdalawang isip na mag apply. Agad din naman nya akong tinanggap lalo na ng malaman nyang isa akong dating sundalo.

Napangiti ako ng makita ko na ang arko na may nakasulat na malaking letra na Santa Martina probinsya ng Kalinaw. Kumakalat na ang dilim sa kalangitan. 20 minutes pa bago ko marating ang baranggay Gitna kung nasaan ang bahay ko. Bumili na lang ako ng litchon manok sa nadaanan kong lechonan at limang incan na beer sa katabing convenient store.

Bumagal ang takbo ng raptor ko ng dumaan ako sa palengke dahil maraming tao ang namimili. Huminto ako sa bungad kung saan may malaking tindahan ng mga prutas. Marami rin ang namimili ng iba't ibang klase ng prutas.

Napangiti ako ng makita ko ang partikular na tao o babae na mag iisang taon ng nagpapangiti sa akin. Tatlong buwan ko din syang hindi nakita. Busy sya sa pag aasikaso ng mga mamimili. Pero kahit halata na ang pagod sa mukha nya ay hindi pa rin nawawala ang magandang ngiti nya. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit dinadagsa ang tindang prutas nila. Kahit nga ako na hindi naman talaga mahilig sa prutas ay napapabili na rin makita ko lang ang magandang mukha nya. Pero sa ilang beses ko ng bumibili dito ay isang beses pa lang nya ako pinagbentahan. Ang magdalas magbenta sa akin ay ang kasamahan nyang babae at yung binabae. Minsan yung matandang babae na mukhang may ari.

"Ano pa sa inyo ser?" Nakangiting tanong sa akin ng babaeng maiksi ang buhok na palaging nagbebenta sa akin.

"Dalawang malaking papayang hinog nga." Sabi ko.

"Ok po ser!"

Binalik ko naman ang tingin sa babaeng maganda na hindi na magkandaugaga sa pag estima kaya tinulungan na ng binabaeng kasama. Sa tantya ko ay nasa edad bente na ito. Nasa limang talampakan at tatlong pulgada ang taas sa tingin ko. Balingkinitan ang kanyang katawan pero mahubog naman. Medyo may kaputian din sya o talagang maputi sya at nabilad lang sa araw. Maamo ang kanyang magandang mukha na parang birheng Maria na binagayan pa ng mahabang alon alon na buhok.

"Ser eto na po! 120 po lahat." Anang babaeng tindera na bigla na lang sumulpot sa bintana ng sasakyan. Inabot nya sa akin ang supot na may lamang dalawang malaking hinog na papaya. Binigay ko naman sa kanya ang bayad at kinuha ang supot.

"Salamat po ser! Balik po kayo!"

Ngumiti lang ako sa kanya.

Binigyan ko pa ng huling sulyap ang babaeng maganda bago tinaas ang bintanang salamin at pinausad. Next time kukunin ko na ang pangalan nya.

Naiiling na lang ako at nangingisi. Sa edad kong to ngayon pa ako nagka-crush at sa bata pa. Baka mamaya matakot pa sya sa akin.

Ilang taon na ba ng huli akong nagkagirlfriend? 5 years na yata? Tumagal din kami ng halos dalawang taon. Naghiwalay lang kami dahil hindi nya kaya ang ldr. Taga Manila sya at ako naman ay laging nadedestino sa Mindanao. Ang huling balita ko sa kanya ay kinasal na sya. Masaya ako para sa kanya. Ako naman ay hindi pa pumapasok sa isip ko ang usaping kasal. Sa dami ng babaeng nakilala ko at nakasalo sa panandaliang kaligayahan ay wala ni isa sa kanila na masasabi kong handa kong iharap sa dambana. Hindi na rin naman ako bumabata. Sa edad kong trenta y kwatro ay dapat may asawa na ako at anak pero hindi naman ako nagmamadali. Darating din ang babaeng para sa akin.

Parang tukso namang lumitaw sa isip ko ang magandang babae sa prutasan. Nangingiti at naiiling na lang ako. Nah.. she's too young for me.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang dalawang palapag na bahay. Bahay to ng mga magulang ko na pinangalan na sa akin.  Bagama't may sarili na rin akong bahay na pinatayo sa kabilang baranggay ay mas gusto kong dito umuwi. Habang wala ako ay pinangangalagaan to ng katiwala namin at regular na pinapalinis. Nasa dulo pa ng baranggay ang cacao farm.

Bumaba ako ng raptor at binuksan ang gate. Lumapit sa akin ang aspin na si Wiper na kumakawag pa ang buntot at mukhang miss na miss ako. Aso sya ng kalapit na bahay at palaging nandito sa bahay ko kapag nandito ako.

"Hey buddy! Miss me?" Natatawang tanong ko sa aso at hinimas himas ang ulo nya.

Kumahol naman sya na tila naiintindihan ang sinabi ko. Tumawa na lang ako at binalikan ang sasakyan at pinasok na sa loob. Muli kong sinarado ang gate. Kinuha ko ang pinamili ko at pumasok na sa loob ng bahay. Sumunod naman sa akin si Wiper. Hinayaan ko lang sya para may kasama naman ako. Malinis ang bahay dahil sinabihan ko ang katiwala na uuwi ako ngayong araw.

Hinubad ko ang jacket at sinampay sa upuan sa komedor. Nagsaing ako sa rice cooker para mabilis. Sinalin ko na rin sa plato ang binili kong litchon manok at nilagay sa ref ang binili kong limang incan na beer na iinumin ko mamaya bago matulog. Binalatan ko na rin ang hinog na papaya at hiniwa hiwa. Nang maluto na ang sinaing ay kumain na ako. Mabait namang naghihintay lang si Wiper na nakaupo sa gilid ng upuan ko. Nang matapos ako ay binigay ko na sa kanya ang tira.

"Good boy." Ani ko sabay himas sa ulo nya.

Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan  ay umakyat na ako sa kwarto ko.

***

"Magandang umaga ho ser Jeiz!" Nakangiting bati sa akin ni Mang Teofilo na syang katiwala namin dito sa cacao farm.

Nagsilapitan din ang ibang mga tauhan at binati ako.

"Magandang umaga naman ho sa inyo. Pasensya na at ngayon ko lang kayo nabisita." Hinging paumanhin ko.

"Ayos lang ho ser, pinangangalagaan din naman namin itong farm habang wala kayo dahil kami rin naman ang makikinabang." Ani Teofilo.

Tumango tango naman ako at pinag usapan ang farm.

Sa halos isang libong hektarya ng cacao farm ay may mahigit dalawampung tao ang nagtatrabaho dito. Siniguro naman ng mga magulang ko na sumusuweldo sila ng nararapat at tama kasama na rin ang mga benepisyo.

Si Mang Teofilo ang katu-katulong ko sa pagpapatakbo ng farm bilang dito na rin sya tumanda at matagal ng pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko. Malakas umani ang cacao farm na ini-export pa namin sa karatig bayan at probinsya. Maganda kasi ang qualities nito at kilala na rin dito sa bayan ng Santa Martina.

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status