Share

Chapter 7

Ivy

Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nag inat ako sa higaan. Dinilat ko ang mata at bumungad sa akin ang malaking elesing umiikot at barnis na kahoy na kisame. Iba naman ito sa kisameng namulatan ko kahapon. Wala na ako sa impyernong bahay na yun na pugad ng mga demonyo. Nakatakas ako. Tinulungan ako ng isang gwapong mama.

Napangiti ako at bumangon. Suot ko pa rin ang t-shirt ni sir Jeiz na mukhang bestida ko na dahil sa laki. Pagkatapos nya akong pakainin kagabi ay dinala nya ako dito sa isang kwarto sa second floor. Ito daw muna ang pansamantalang tulugan ko habang nandito ako.

Sinuklay ko ng daliri ang buhok at niligpit na ang higaan. Naging komportable ang pagtulog ko kagabi. May kalakihan ang kwarto. Halos kasing laki na nga ng bahay ni tiyang Linda. Malaki ang kama at malambot. May sarili pang banyo. Kahoy ang dingding at sahig na may barnis. Halatang hindi basta bastang kahoy lang ang mga ginamit dito. Malamig din dahil may aircon bukod sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status