Mag-log inDEVI POV "Hindi ko naman po isinasara. Siguro, hindi pa po talaga siguro dumating ang taong para sa akin." "Sigurado ka?" "Opo." nakangiting sagot ko “Mom, tao lang din po ako, Kahit na nakikita niyong matatag ako, may takot pa rin po ako. Takot na magmahal lalo na naging saksi ako sa maraming relasyon na halos lumuha ng dugo bago naging maayos ang pagsasama nila. At ayaw ko po iyung maranasan.” pag-amin ko. "Walang relasyong siguradong walang sakit, anak. Pero mayroon ding mga taong sulit ipaglaban." seryoso niyang wika. Muli akong napangiti. OO naman, alam ko naman iyun. May mga taong worth it na ipaglaban. Pero, hindi naman lahat. Kadalasan, nauuwi din sa kasawian kaya kung pwede lang, mas gusto ko na lang na maging single forever. Iwas sakit sa ulo, malaya pa ako. "Si Mommy talaga, kung anu-ano na ang sinasabi. Gusto niyo lang yata na magkaapo na kaya ganiyan kayo sa akin eh.." pabiro kong bigkas. "Haysst salamat, na gets din ng anak ko." sagot niya. At ilang
DEVI POV "SIGE na best, I have to go na! Dumating na si Zakari and you know what, niyaya niya ako ng date." excited na bigkas ni Vanilla maya-maya lang na kaagad ko din namang sinang-ayunan "Ingat kayo and enjoy! Kumusta nalang din sa mga inaanak ko.'" nakangiting sagot ko "I will! Bye...take good care at tawagan mo ako lalo na kung may kailangan ka." bilin pa nito sa akin. Kaagad din naman akong nagpasalamat at ilang saglit lang, kaagad na din namang nawala sa kabilang linya si Vanilla ************* Pagkatapos kong makausap si Vanilla, nakangiti kong hinarap si Mommy na noon nakikita ko sa mukha niya ang pagiging seryoso. At bago pa ako nakapagsalita, nauna na siya. "Anak, totoo ba iyung narinig ko kanina?" seryoso niyang tanong "Mom----" alanganin ang ngiti sa labi na bigkas ko "Alam kong marami akong pagkukulang sa iyo pero, Ina pa rin ako at wala akong ibang hangad kundi ang maging maayos ka, anak.'" seryosong muli niyang wika. Kaagad ko din naman siyang hinawakan
DEVI POV Tinulungan namin ni Devi si Mommy na magtanggal ng mga tuyong dahon sa kanyang mga halaman habang nagkukuwentuhan kami tungkol sa buhay nila rito sa probinsya. Habang pinagmamasdan ko si Mommy masasabi kong nasa mabuti na talaga siyang kalagayan. Itinuturing na siya ngayong kapamilya ng matatandang Imperial, bagay na labis kong ipinagpapasalamat. Sa isip ko, kahit masakit ang naging desisyon kong umalis noon, may naidulot din naman pala iyong mabuti. Mas naging maayos ang buhay ni Mommy. At least, iyon na lang ang iisipin ko, na may magandang bunga rin ang lahat ng naging sakripisyo ko. Halos tanghalian na nang dumating ang kasambahay nina Lolo at Lola ni Febe. Lumapit ito sa amin at ibinalitang niyayaya raw kami ng matatandang Imperial na magsalo sa tanghalian sa Mansion Imperial. Noong una, ayaw kong sumama. Pakiramdam ko kasi ay isa lamang akong outsider at wala akong lugar sa hapag ng pamilya nila. Ngunit nang ipaliwanag ng kasambahay na partikular akong ipinapa
DEVI POV "MAG-INGAT ka doon, anak." narinig kong wika ni Mommy kay Winston. Tapos nang kumain si Winston at nagpaalam na ito sa lahat na aalis na daw. Ako naman, tahimik lang na nakaupo dito sa pwesto ko habang nakatutok ang paningin ko sa mga pagkain na nasa harapan ko "Thanks, Mom." narinig ko namang sagot ni Winston kay Mommy. Ngayun ko lang din tuluyang napatunayan na super closed nga pala talaga nila Imagine, Mommy na talaga ang tawag ni Winston sa Mommy ko? Hmm, kahit papaano, nakakagaan pa rin naman ng kalooban at the same time, masaya na din akog para kay Mommy At least, itinuring na siyang ina ng sarili niyang stepson "Kuya, pasalubong ha?" narinig kong wika naman ni Febe. Kaagad akong nag-angat ng tingin at huling huli ko na nakatitig pala si Winston sa akin "Sure...how about you, Devi. Ano ang gusto mong pasalubong ko pag-uwi ko?" tanong niya naman sa akin Pigil ko naman ang sarili kong mapataas kilay sa naging tanong nyang iyun. "Huhh, ah, wala! Mag-
DEVI POV Mas magaan ang pakiramdam ko nang lumabas ako ng kwarto. Para bang kahit paano ay nabawasan ang bigat na ilang araw ko ring pasan. Tahimik ang buong bahay. Huminga ako nang malalim bago tuluyang naglakad patungo sa hagdan. Balak ko nang bumaba at maghanap ng makakain. Hindi ko kasi alam kung nasaan na ang iba pang miyembro ng pamilya pero sure ako na baka busy na sila sa sandaling ito. Nang tingnan ko kasi ang sarili kong orasan,halos alas nueve na kasi ng umaga. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa unang baitang ng hagdan ay narinig ko ang marahang yabag mula sa aking likuran. Napalingon ako at hindi ko maiwasang mapataas ang kilay nang makita si Winston. Naka-formal siyang kasuotan, plantsadong puting polo, itim na slacks, at coat na nakasabit sa isang braso. Mukha siyang handa para sa isang mahalagang lakad. Nang magtama ang aming mga mata ay agad siyang ngumiti. "Hi. Good morning," magaan niyang bati. "Hi. Good morning," kaswal ko ring tugon. Sandali
DEVI POV Nang ako na lang ang naiwan dito sa loob ng kwarto, wala na akong nagawa pa kundi ang humiga na lang muna ng kama. Mamaya ko na kakainin ang sabaw na ipinadala ni Mommy sa akin. Siguro, magpapahinga na muna ako ng kaunti para mahimasmasan. Kaya lang ang planong sandaling pagpapahinga kong iyun ay hindi ko namalayan na nauwi na pala sa mahimbing na pagtulog. Dahil nang idilat kong muli ang aking mga mata ay ang una kong nasilayan ay ang sikat ng araw na bahagyang tumagos sa salamin na bintana. Kaagad akong napabangon pero napahawak din sa aking ulo nang makaramdam ako ng pagkirot sa bahaging iyun. At alam ko ang dahilan kung bakit. "Nasobrahan ako sa alak kagabi kaya ganito. Wala sa sariling napatingin ako sa maliit na mesa at nang makita ko ang pagkain na nakalagay sa bowl, hindi ko mapigilan ang mapangiwi. Sayang ang pagkain. At ilang minuto akong nagmumuni-muni bago ako nagpasyang pumasok sa loob ng banyo para maligo Saktong kakatapos kong lang maligo nang
VENUS POV “Salamat Kiko, Wendy. Naku, pati tuloy kayo naisturbo pa.” nakangiti kong wika sa dalawa kong pinsan. Marami kaming magpipnsan pero sadyang sila Kiko at Wendy lang ang masasabi kong medyo mabait. Ah meron din pala, si Gary, salesman sa nagta-trabaho sa isa sa pinakamalaking mall dito sa
VENUS POV KINABUKASAN, maaga na akong gumayak para sa day-off ko. Alam na nila Madam Laura at Sir Lemuel ang tungkol sa day-off ko kaya naman wala nang problema Bago ako umalis, nagpasya akong daanan na muna si Darren sa kwarto nito. Baka kasi may iuutos pa eh. Isa pa, kailangan ko ding magpaala
VENUS pov Pagkatapos naming mag-usap ni Darren, kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito. Hindi ko na lang pinansin pa bagkos, pagkatapos kong gawin ang duty as a personal nurse nito, nagpasya na kong puntahan si Madam Laura sa garden. Gusto daw kasi ako nitong makausap at baka hinihintay na ako
VENUS Medyo matagal din si Darren nakipag-usap sa kung sino sa cellphone nito at nang natapos ito, mukhang nasa magandang mood na. May bahid ng ngiti na kasi sa labi na hinarap siya nito eh. “Sorry for that. By the way…tapos ka na bang kumain?” malumanay ang boses na tanong nito sa kanya. Well,







