Share

Chapter Four

Oh my ghad. Bakit ba kasi ako pumayag na pumunta roon? Nagchi-chat pa sa akin si Jake na ako na lang daw kasama niya sa party dahil wala naman siyang kasama. Um-oo na lang ako at nakakahiya naman ang tumanggi. Kalaunan, naghanda na ako sa pag-alis.

Buong oras nang paghahanda ko, si Hector lamang at ang girlfriend niya ang nasa isip ko. Hindi ko maitanggi na may nararamdaman akong pagkairita. Hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling.

"Bakit naman hapit na hapit sa katawan itong suot ko?" Pagkausap ko sa aking sarili.

"Wala naman akong pinagagandahan," tuloy ko pang pagkausap. Wala namang masama kung magpaganda ako, para sa sarili ko, hindi ba?

Tonight, I chose to become the lady in red. I feel like I am on fire as I took a look at myself in the mirror. Simple black heels paired with my red fitted tube dress. My long brown hair flowing freely as I let my face rest wearing it's no make-up look. May dala akong isang maliit na handbag na bumagay sa kabuuang looks ko.

"Fair enough," I commented to myself.

Hindi nagtagal, nakita ko na ang ilaw ng kotse ni Jena mula sa gilid ng kalsada. Tinanggal ko ang heels na aking suot at saka nag-tsinelas. Pagkatapos ay binitbit ang heels bago umalis ng bahay.

"Wala bang rules ngayon ang Nanay mo?" Taas-kilay na tanong sa akin ni Jena.

Nalilito ko siyang tiningnan, "Huh?".

"Hapit ang damit mo, pula pa! Mabuti at hindi nahimatay ang Nanay mo riyan?" At saka siya napatawa habang umiiling-iling.

"Jena! Tinakas ko lang na isuot ito!" Pagsaway ko sa kanya.

"Well, I am happy you are making time to give yourself proper grooming."

Nang makasakay sa kotse ay agad na kaming umalis. Medyo may kalayuan ang byahe, inabot ng halos

isang oras kahit pa maganda naman ang kalsada.

Natatakot ako. This is the second time around na dadalhin ako ni Jena sa ganitong klase nang party. Kung dati, may mga nakikita ako sa labas na mga tao galing sa bar, masama ang tingin ko sa kanila. Para silang mga hindi seryoso sa buhay. Parang mga manloloko, mga cheater na naghahanap ng maipapalit, ganoon ang naging tingin ko sa mga taong ganito ang pamamalakad sa kanilang sariling buhay.

Hindi ko alam, pero ngayon, hindi ko maitanggi kung ano man itong nararamdaman ko na excitement, at kung para saan ito.

"Hector and his girlfriend are already there. I am still waiting for Jake and Brent's reply." Si Jena nang papasok na kami sa gate ng bahay na pupuntahan namin.

"Good for him," tanging komento ko.

Maintrigang napatingin sa akin si Jena, "Wow ha, did I just taste the bitterness in your words?"

"I am just stating what I feel for him!" I defended myself.

"What you feel for him, as the way I see it, is purely disappointment."

I went in silence as I cannot argue with her anymore.

From the outside of this huge house, I can hear the loud banging of something, and the people cheering for someone. Doon pa lang, halos bumaliktad na ang sikmura ko sa pressure at intimidation na nararamdaman ko.

"Chillax, you're here to have fun. Don't feel bothered." Jena then assured me.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Strobe lights began to irritate my ear as the loud music started to irritate my head too.

"Balik na lang ako sa kotse," sabi ko kay Jena.

"Don't you even dare," she said glaring at me.

I did not have a choice. Afterall, I said I'd like to come in here.

In the end, I just followed her to wherever she's heading at. Ramdam ko ang tingin ng ibang lalaki. Samantalang hindi ko alam kung nilalait ba ako ng iba o ano dahil bigla silang napapatawa sa akin. Bitches be actin' like that, I guess.

Palapit sa hagdan papuntang ikalawang palapag, naaninag ko mula sa makukulay na ilaw sa itaas ang pagbaba nila Hector at ng isang babaeng matangkad at morena sa hagdan. Maiksi ang buhok at singkit ang mga mata. Maganda. Yun ang una kong impresyon sa babaeng iyon. May kung anong pitik na naramdaman ang aking puso nang makita silang magkasama.

Nakahawak ang kamay ng babae sa braso ni Hector, habang si Hector ay nakangiti sa babae.

"Shiela!" Jena shouted, making the girl look in our direction. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng babae, habang ako ay naiwang speechless nang bumaling ang tingin niya sa akin.

"Wow, akala ko hindi ka party goer," isang kamay ang lumingkis sa aking baywang. Napaigtad ako ngunit nang makitang si Jake iyon ay agad akong nakalma.

"Ikaw pala 'yan, Jake!" Gulat kong sambit.

Out of my instinct, he kissed me on the cheeks.

"Girlfriend mo?" Tanong ni Shiela habang nakangiting tumingin sa akin. Napatingin ako kay Hector na walang ekspresyon ang mukha at tanging tango ang ginawad sa akin.

"No...not yet!" Saad naman ni Jake. Nanlaki ang mata ko roon.

Hindi kalaunan dumating si Brent. Naging wild ang party at hindi ko alam kung paanong kinakaya ko ang makisabay sa wild na ganap nila sa buhay.

Natamaan ng alak si Jake matapos ang ilang oras. Mabilis ang ikot ng alak ngunit di 'yon pansin dahil sa mahaba-habang kwentuhan.

"Jena, cr lang ako." Paalam ko nang makaramdam ng pagkahilo.

"Samahan na kita," alok niya ngunit tumanggi na ako at dumiretso sa kung nasaan ang cr.

Pawis na ako at ramdam ko ang init sa katawan dahil sa tama ng alak. Hindi rin ito alam ni Nanay. Kinuha ko ang tissue paper sa loob ng aking bag at saka humarap sa salamin at nag-ayos.

Suddenly, the smile from Hector's girlfriend replayed onmy mind She's clueless. I know she is fucking clueless of what happened in between me and her boyfriend. Hindi ko lang alam kung magahalit ba siya sa akin o hindi kapag nalaman niya ang katotohanan na....na....na...tinira ako ng jowa niya habang nililigawan o di kaya ay girlfriend na niya siya.

I did not know about it.

Nilabas ko ang pulang lipstick mula sa bag upang mag-retouch.

Ramdam ko ang titig ni Hector. Ramdam ko na may kung ano sa isip niya tungkol sa aming dalawa. Kung ano man iyon, desedido akong malaman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status