Share

Love Me, Hector
Love Me, Hector
Author: Miss Lei

PROLOGUE

Sobrang masama ang loob ko at mukhang mapapa-oo ako nang wala sa oras.

"Sige na, worth it 'to. You'll have so much fun!" Pangungumbinsi ni Jena.

"Baka magalit si Nanay, Jena." Pagtanggi ko sa alok niya.

Umirap siya, kitang-kita ang iristasyon sa kanyang mukha.

"Kailan ka ba titigil dyan sa kakaisip kung magagalit ang nanay mo? I mean, stop doing it. Parang ang boring ng life mo." Umupo siya sa sidewalk bench at saka sinipa ang bato.

Narito kami sa Municipal Park. Napagdesisyonan naming dumiretso rito matapos ang klase nang hapon.

"Ayaw kong baliin ang pangako kay Nanay na aalagaan ko siya ngayon na namatay na si Tatay." Pagpapaintindi ko.

Ilang segundo siyang tumitig sa akin, tila ba nag-iisip kung makukumbinsi ba ako o wala nang pag-asa.

"Respetado ko iyong pangako mo kay Tita Ana. Pero Azuki, dalaga ka at kailangan mo rin minsan namnamin ang pagiging dalaga mo." May punto rin siya.

Napalunok ako, nag-iisip kung papayag ba ako o sa susunod na lang mag-bar.

"Nakita mo ang boyfriend mo na si Calix, nakikipaglampungan sa pinsan mong si Mayette. Enough reason naman na siguro iyon para i-spoil mo ang sarili mo tonight?"

Nakatingala siya sa akin dahil habang siya ay nakaupo sa bench, ako naman ay nakatayo sa harap niya. Marahan akong umupo.

Habang iniisip ang sinabi niya ay nangatog ako. Damang-dama ang panghihina ng tuhod at ang mabilis na pagkabog ng dibdib.

"Magpapakain lang ako ng mga manok at tapusin ko lamang ang gawaing bahay."

Iyon ang huli naming pag-uusap bago kami naghiwalay ng daan pauwi.

Alas sais na ng hapon, madilim na at naglalakad pa rin ako sa bukid makarating lamang sa aming bahay. Kitang-kita ko na ang batang kambing na alaga ko.

"Rainbow..." Hagikhik ko nang masilayan ko siyang kumakain na ng damo sa may patag.

Ilang segundo ay umabot na ako sa bahay. Ang unang palapag ay gawa sa semento habang ang pangalawang palapag naman ay gawa sa kahoy na Narra.

"Nay, nakauwi na po ako." Suot ang isang mahabang bestida ay lumabas siya sa banyo. Agad akong lumapit at nagmano.

"Ayusin mo na ang gamit mo, magbihis ka na at kakain na tayo."

Mabilis akong sumunod. Iniisip pa lamang ang usapan namin ni Jena ay parang gusto ko nang umatras. Pero hindi ko pwedeng biguin si Jena. Hindi ko rin pwedeng payagan ang sarili ko na magmukmok magdamag dahil sa ginawa ni Calix.

Huminga ako nang malalim bago nagbihis at bumaba.

"May lakad ka? Bakit ganyan ang suot mo?" Si Nanay.

Tumingin ako sa aking suot. Simpleng sleeveless na yellow sunflower dress.

"Nag-aya po si Jena. May pupuntahan raw kaming birthday ng kanyang pinsan." Pagsisinungaling ko.

Kalaunan, pinayagan ako ni Nanay. Hawak ang flashlight ay tinahak ko ang bundok palabas sa kung nasaan ang kalsada at naghihintay ang kotse ni Jena.

"Buti walang g********a sa iyo riyan? Nakakatakot!" Komento niya. Mukhang kinikilabutan habang nakatingin sa kapatagan na dinaanan ko. Madilim at tanging ang ilaw mula sa aming bahay ang siyang nagbibigay liwanag sa parteng iyon.

"Natatakot ang mga manyakis na pumunta riyan. Ano namang pagnanasahan sa akin?" Nakangiwi kong sabi.

Umupo ako sa passenger's seat ng kotse. Tumingin sa akin si Jena mula sa rear view mirror.

"Sabagay, sino ba namang hindi takot riyan? Ikaw lang! Mangkukulam ka ba?" Pang-aakusa pa niya.

"Maraming nagsasabi, pero kung mangkukulam ako, ngayon pa lang nasa albularyo na si Calix at si Mayette. Sa tingin mo?"

Tumango si Jena. "Tama ka naman riyan, Azuki."

Medyo may kalayuan ang ni-drive niya. Kaya naman sa daan ay nakatulog pa ako. Nagising lamang nang maramdamang tumigil ang sasakyan.

"Welcome, your first time sa bar."

"Ang ingay, ah."

Sa labas pa lamang ng nakakarinding lugar na iyon ay halos ayaw ko nang lumabas ng kotse at piliin na manatili na lamang sa loob. Kitang-kita ang maraming tao na mukhang mga ligaw at pakawala. Nakakahiya lang sa kultura na ang mga babae sa lugar na ito ay halos ilantad naang buong pagkatao dahil sa kinulang sa telang mga suot nila.

Nakangiwi ako, habang si Jena ay weird na nakatingin sa akin.

"Anong hitsura 'yan? Nagpunta tayo rito para makalimot ka kaya tigil-tigilan mo 'yang plano mo." Sabi niya, habang inihahagis sa akin ang isang damit na kulay asul.

Napalunok ako nang masuri ko ang damit. Longsleeve, tamang-tama sa mga tipo ko. Hanggang itaas ng tuhod ko ang haba, kagaya ng sabi ni Nanay na tamang pagdadamit ko. Pero ang naging problema ko ay ang kaliitan nito na sigurado akong hahapit nang husto sa katawan ko.

"Jena-" tinampal niya ang kamay ko, hindi ko pa man naaabot pabalik sa kanya ang damit.

"Wala tayo sa simbahan at hindi linggo ngayon, okay? Yan na ang pinakadisente na damit para maibagay ka dito sa Future." Ang pangalan ng club ang tinutukoy niya.

"Hindi ako nagsusuot ng ganitong damit, eh." Mahina kong sambit habang nakatingin sa damit. Maganda oo, pero hindi dapat ganito.

"Azuki, alam mo isa 'yan sa mga factor kung bakit pinagpalit ka sa pinsan mo'ng si Mayette. Masyado kang pa-virgin!"

I got offended. Hindi sa kanya, kung hindi ay dahil sa mga salitang binitawan niya at natamaan ako nang husto.

"Virgin pa ako," pambawi kong banggit.

"Halata naman." Sabay irap niya pataas-baba. "Isusuot mo 'yan, at ihahanapan kita ng ka-date mo ngayong gabi." Hagikhik niya, at wala akong naging choice kung hindi ang sumunod.

Papasok pa lamang ay halos bumaliktad na ang sikmura ko sa mga nakikita. May mga suka sa sahig, hindi pa pumapatak ang oras sa madaling araw.

Hawak ni Jena ang kamay ko habang naghahanap kami ng mapagpwestuhan.

Lumiko siya sa isang banda at lumapit sa lamesa kung saan may mga nakaupo. Lumapit siya at nakipagbeso sa mga naroon, mapababae man o lalaki.

"And you are with?" Tanong ng isang babaeng mahaba ang buhok.

"Azuki. My college frenny. She needs to loosen up a bit." Tatlo ang nasa lamesa na iyon. Isang babae at dalawang lalaki.

Mariing nakatingin sa akin ang isang lalaki, habang ang isa naman ay naka-focus lamang sa phone at nagta-type.

Tumayo ang isang lalaki at lumapit sa akin. "Call me Brent. I see you sometimes sa school. Engineering department."

Nahihiya kong inabot ang nakalahad niyang kamay at saka ako nakipagmano.

"Are we in some business here? Really? Handshake?" Pag-epal ni Jena.

"I see, she really needs to loosen up." Halakhak ni Brent bago umupo at inaya akong tumabi sa kanya.

Ang sabi ng nanay, hindi ako pwedeng basta-basta kung kanino sumasama. Mas lalo na itong ganito, makipagtabi sa isang estranghero. At baka manyakin ako.

"Stop thinking of bad things. You are not fvckable."

Marahas na sambit ng lalaking kanina ay nagdudutdot lamang sa kanyang cellphone.

Namula ako sa kahihiyan nang marinig ko ang kasama nilang babae na malakas na tumawa.

"Ahm..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, pero sigurado akong nag-init ang aking ulo sa parteng iyon.

"Hector! Be gentle on her!" Naiinis na sambit ni Jena sa lalaki.

Hirap akong makisabay. Sa oras na iyon, pakiramdam ko ay nilamon ako ng lupa. At gusto ko na lamang umuwi dahil sa kahihiyan na dulot ni Hector.

Tumingin sa akin ang lalaki. The way his dark eyes look at me feels like my soul's privacy has been invaded. I felt overpowered.

Suplado, hmp!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status