“Braaaaaag!” Sa kalagitnaan ng daan ay bumangga ang isang magarang sasakyan sa poste ng Meralco. Sa lakas ng impak ay nagkayupi yupi ang harapan ng sasakyan, Mabuti na lamang at personalized ang looban nito kung kayat napalibutan ang loob nito ng airbag. Ang mga nakasakay dito na apat na babae ay wala namang natamong mga injuries maliban lamang sa ilang bukol sa ulo dahil sa lakas ng impact. Galing ang mga ito sa night out kung kayat nakainom ang mga ito ng alak, si Danielle na siyang may hawak ng manibela ay konti lang naman ang ininom niyang wine ngunit tila bigla siyang nahilo sa daan kung kayat nawalan siya ng control. Sa bilis niyang magpatakbo ng sasakyan ay halos matumba ang poste ng Meralco sa pagkakabangga ng kanyang sasakyan.
“Danielle, what is that?”, isa isang reklamo ng kanyang mga kaibigan ng mahimasmasan sa nangyari.
“Sorry guys, we met an accident.”, saad niya sa mga ito na tila ordinary lamang sa dalaga ang nangyari. Hindi kasi naramdaman ang malakas na impact sapagkat agad lumobo ang airbag na nilagay niya sa kanyang sasakyan.
“Are we still alive?”, tanong ni Jenny na kinapakapa ang mukha at napatawa ng wala sa oras ang mga kasama.
“Multo na tayo sis, grave ka!’, turan naman ni Kiana na nooy biglang nawala ang pagkalasing dahil sa pagkauntog.
“Here they come, baba na mga sis.” Si Thea na kasama ni Danielle sa harap. May pumarada na kasing police car sa kanilang harapan.
“Haist! Hindi na ako mapapatawad ni daddy nito.” Nguyngoy ni Kiana at napailing si Danielle sa kaartehan ng kaibigan. Galing din si Kiana sa mayamang angkan, pagmamay ari ng kanyang pamilya ang mga mamahaling hotels sa buong bansa.
Maya maya ay kumatok ang enforcer sa bintana ni Danielle kung kayat wala siyang choice kundi ibaba ito.
“Ma’am, okey lang po kayo?” tanong ng enforcer ngunit napakunot noo iyon na tila may inaalala ng makita ang kanyang mukha. Napahawak naman si Danielle sa kanyang sentido sapagkat wala pang isang buwan ng masira niya ang mga barriers sa gilid ng kalsada.
“Sandoval! Ikaw na naman?”, turan nito at napakagat siya ng kuko.
“Alam mo ba kung ano ang violation mo?”, saad ng enforcer at napatango tango siya.
“Driving with the influence of alcohol resulting to damage of public property!” halos magkuros sila ng enforcer ng sabihin nito ang kanyang violation. Kabisado na niya, sa dinami ng kanyang nagawa ay yun palagi ang violation niya.
‘Sorry chief”, napakamot niyang pahayag dito.
“Lisensiya!”, turan ng enforcer at napakagat labi siya. Mabuti na lamang at may dumating na sasakyan at dali daling bumaba ang lulan dito.
“Chief, I’m Reymund! Whatever damages incurred by these kids, ako na lamang po ang bahala.” saad nito kung kayat napakamot sa ulo ang enforcer. Ang mga mayayamang kabataan talaga hindi natuto dahil may taga ayos ng kanilang mga kinasasangkutang problema.
Habang nag uusap si Reymund at ang enforcer ay may mga sasakyang nagsidatingan. Isa isang lumabas ang mga lulan at kaniya kaniyang kuha sa mga babae na nasa loob pa rin ng bumanggang sasakyan. Pagkatapos ay agad ding umalis sa pinangyarihan ng aksidente.
“Daniela! Wake up, Daniela!”, mula sa malalim na pagtulog ay nagising si Danielle dahil sa yugyog sa kanyang balikat. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata ngunit agad ding napapikit dahil sa sobrang liwanang ng paligid.
“For goodness’s sake, get up! Ang daddy mo naghihintay sa baba!”, saad ng ng kanyang ina kung kayat biglang nagmulat ng malaki ang kanyang mata. Humarap siya sa ina upang iconfirm ang sinambit nito ngunit pinanlakiha niya ito ng mata.
“What happen again?”, galit na tanong ng ina at napahilamos siya ng mukha. Hindi lang iisa o dadalawang beses na nasisiraan siya ng sasakyan dahil sa aksidenteng kinasasangkutan, ngunit parang ngayon lang ata hindi nakapagtiis ang ina at ginising pa siya upang pagalitan.
“It’s just a small accident mom, nawalan ako ng control sa manibela.’ simpleng pahayag niya kung kayat mas lalong umasim ang mukha ng ina.
“Small accident? Kailan ka magtatanda? Kung mamatay ka?”, mulagat ng ina at napapikit ang dalaga. Although nag aalala ang kanyang nanay sa mga kinasasagkutan niya ngunit sa pagkakataon lamang ito sumobra.
“Mom, you’re too morbid. Relax, I’m still alive.” Saad niya dito at nagulat siya ng hilahin ng ina ang kanyang kumot.
“Bumangon ka diyan! Maglinis ka ng katawan at kanina pa naghihintay ang iyong ama”, turan ng ina at napataas siya ng kilay. Kailan pa nagkaroon ng amor ang kanyang ama na hintayin ang kanyang pagbaba?
“Bilisan mo!”, untag ng kanyang ina kung kayat walang choice kundi bumangon at tumungo sa kanyang banyo. Napasimangot pa siya ng marinig ang pagkatok ng ina habang siya ay naliligo.
“Can’t she wait?”, bubulong bulong niyang saad sa sarili. Medyo masakit kasi ang kanyang katawan dahil siguro sa impact ng disgrasiya nila kagabi. Paglabas niya ay naroon pa rin ang kanyang ina, mukhang seryoso nga sa sinasabi nito dahil binantayan pa siya. Naglagay siya ng moisturizer sa mukha at sinuklay ang buhok at pagkatapos ay okey na siya sa kanyang jeans at maluwang na t-shirt kinuha pa niya ang kanyang favorite cap na nakasabit sa rack at ipinatong sa ulo. Mas lalong nainis ang kanyang ina ng makita ang kanyang get up.
“Palitan mo nga yang damit mo, mukha kang siga. Daig mo pa ang lalaki”, reklamo ng kanyang ina at pinag ikutan lang niya ito ng mata.
“Daniella!”, untag pa nito ngunit pinagkibitan niya ito ng balikat.
“Mom, I met an accident! Concern ka sa pananamit ko pero di mo pa tinanong kung may sugat ako o wala.”, hindi niya napigilang maktol sa ina. Natahimik naman ang matanda at pagkaraan ng ilang sandali ay tila frustrated ang mukhang napailing. Maya maya lamang ay lumapit ito sa kanya at tila ininspection ang kanyang buong katawan.
“You’re alright otherwise hindi ka nagmamaktol ng ganyan kung merong masakit. Let’s go downstairs bago tuluyang magalit ang daddy mo saiyo.” Pahaya ng ginang at napatawa siya ng mapakla.
“May bago ba? Dati naming mainit ang dugo ni daddy saakin.”, halos pabulong niyang pahayag.
“Ano bang sinasabi mo? Hindi ka kasi umaayos kaya ka napapagalitan ng iyong ama.”, saway naman ng kanyang ina. Hindi umaayos? Wala naman siyang ginagawang mali, yun lang paglabas nila ng kaibigan niya at hindi naman niya sinasadyang madisgrasiya. Napakamot na lamang siya sa ulo tanda ng pagtanggap ng pagkatalo sa ina, kung hindi katakot takot na sermon lamang ang aabutin niya dito.
Mayamaya lamang ay magkasabay silang bumaba sa hagdan at tinungo ang komedor. Nagtaka siya ng makita ang ama habang nakaupo na sa may hapag. Nabibilang lang kasi sa kanyang daliri na magkatagpo sila ng ama sa loob ng bahay. Kung hindi nasa upisina ay out of town o di naman kaya ay nasa loob lamang ito ng kanyang study room. Hindi man lamang ito nag angat ng mukha ng hilahin niya ang upuan para maupo sa hapag kaharap nito. Siya naman ay hindi na nag atubiling batiin pa ito sapagkat alam niyang hindi ito tutugon kung kayat tahimik siya habang nakaupo. Maya maya ay narinig niya ang kanyang ina na sinasabi nitong sila ay kakain na.
“What did you do last night?” patapos na ang walang imikang agahan ng magsalita ang kanyang ama. Nagulat pa siya dahil kauna unahang pagsita nito sa kanya. Di niya tuloy alam kung paano ito sasagutin.
“Naout of control siya sa manibela kung kayat di niya naiwasang bumangga”, saad ng kanyang ina. Hindi niya alam kung totoong nagagalit ang ina kanina dahil sa pagdepensa sa kanya.
“I’m not talking to you, hayaan mo ang anak mong mag explain sa mga pinagagawa niya”, kalmado ngunit malaman ang pagsasalita ng kanyang ama.
“Sorry dad, hindi na po mauulit.’ Sa wakas ay turan niya dito.
“Really, parang wala pang isang buwan noong sinabi mo ang katagang yan ah”, sarkastikonng pahayag ng ama at napalunok siya. Wala siyang masabi kundi iyuko ang ulo dito.
“Your life is too lax, maybe it’s time for you learned some lesson”, suwestiyon ng ama kung kayat halos magkasabay silang mag ina na tumingin dito.
“What do you mean Eduardo?”, halos mababanaag ang takot sa boses ng ina.
“Simula sa araw na ito, mafrefreeze ang bank account ng anak mo!”, deklara ng kanyang ama at tila bombing sumabog iyon sa kanyang pandinig.
‘Eduardo!”, pagmamaktol ng kanyang ina ngunit tila desidido ang kanyang ama na icut na ang kanyang sustento.
“Matanda na ang anak mo Victoria, dapat matuto na siyang magtrabaho para sa kanyang sarili.”, saad ng kanyang ama at napahawak ang kanyang ina sa sariling noo.
“Kung yan ang plano mo, bigyan mo siya ng posisyon sa kompanya”, maya maya ay saad ng kanyang ina ngunit ngumiti ng nakakaloko ang kanyang ama.
‘I don’t think she can do it, Victoria. Hindi niya maayos ayos ang kanyang sarili how much more sa pagtatarabaho sa kompanya?”, turan ng ama.
“What do you mean? Graduate ang anak mo, I know she can perform whatever task na ibigay mo sa kanya”, pagtatanggol ng kanyang ina.
“I’m not confident. Ayaw kong malaman ng mga partners ko na may anak akong palpak at walang silbi.” Turan ng ama at lihim siyang nakaramdam ng tadyak sa dibdib sa sinabi nito.
“Bakit hindi mo subukan ang anak mo, Eduardo”, giit ng kanyang ina.
“It’s okey mom. Ayaw ko ring mapahiya si daddy kung magkataon.” mahinahon niyang pahayag habang hanggang leeg ang nararamdaman niyang sakit galing sa dibdib. Tumawa ng mapakla ag kanyang ama.
“At saan ka magtatrabaho?”, baling sa kanya ng kanyang ina.
“They need extra janitor in Wolverine’s, pwede siya doon”, sambit ng ama at hindi makapaniwala ang kanyang ina sa sinabi nito.
“Whaat? Gagawin mong janitor ang anak mo, Eduardo? Are your out of your mind?”, saad ng kanyang ina at tumango tango iyon. Nagulat din si Danielle sa sinabi ng ama ngunit hindi siya nagpakita ng kahit na anong emosyon. Alam niyang wala siyang halaga dito kung kayat useless lamang kung magrereact siya katulad ng kanyang ina. Ang wolverine tower ang pinakamain office ng distributor ng ginagawang sasakyan ng kompanya ng kanyang ama.
“My decision is final Victoria at nakausap ko na rin ang aking kumpadre”, pahayag ng kanyang ama at hindi napigilan ng kanyang ina ang mapaluha.
“Why are you doing this to our child, Eduardo?”, naiiyak na pahayag ng kanyang ina.
‘It’s alright mom, don’t be upset. Hindi naman yun mahirap na gawain, I can do it”, pag aalo niya sa kanyang ina.
“Good! Get ready, bukas na bukas ay maari ka nang magsimula”, saad ng kanyang ama na tila nasiyahan sa pagtanggap niya sa desisyon nito. Itinaas niya ang kanyang mukha upang ipabatid dito na hindi siya mahina at haharapin niya kung ano man ang gusto nitong mangyari.
“Oh My God! I can’t believe this!”, ang kanyang ina sa kanyang pagpayag ngunit desidido rin siyang gawin kung ano ang kagustuhan ng ama. She needs to prove herself, kahit alam niyang degrading ang paglalagay nito sa kanya bilang janitor ay taos puso niya itong tatanggapin sapagkat naroon pa rin sa kasuluksulakan ng kanyang puso ang kagustuhang isang araw ay mapapalapit din siya dito o di naman kaya ay bigyan siya nito ng chance na tanggapin siya ng buo bilang isang anak.
Halos hindi maipinta ang mukha ni Wolverine De Villa nang sabihin ng ama na may napipintuho itong babae para sa kanya. Sa edad niyang bente ocho ay ngayon lang nagsuggest ng babae ang kanyang ama.
“What the hell, dad?”, hindi niya mapigilang turan sa ama.
‘Why don’t you try first iho, besides he is my kumpadre’s daughter nang hindi kung sino sino ang dumidikit saiyong dalaga?”, pahayag ng ama at sarkastikong napatawa ang binata.
“Dad? Pati ba naman ang personal affairs ko pakikialaman niyo pa?”, hindi makapaniwalang pahayag niya sa ama.
“Bakit hindi? kung yun ang nakakabuti saiyo?”, turan ng ama at naitaas niya ang kanyang kamay.
“This is absurd! I’m going, marami akong trabaho sa upisina”, pahayag niya habang tuluyang tumayo mula sa kinauupuan.
“Woleverine!”, saad ng ama ngunit iwinagayway lang niya ang kamay at tuloy tuloy nang lumabas sa komedor.
“Honey, hayaan mo na ang anak mo”, saway ni Patricia De Villa sa asawa. Sobrang allergy ng anak ang pinakikialaman lalong lalo na ang personal affairs nito. Isa pa Wolverine is almost perfect lalo na sa pagmamanage ng kanilang negosyo at maging sa relasyon nilang mag-anak. Nag iisang anak nila ito ngunit disiplinado at responsible.
‘I just want the best for him, honey.”, napabuntunginingang pahayag ni Walter De Villa sa asawa. Wala naman siyang reklamo sa anak, ngunit kung pipili lang naman ito para dito ay gugustuhin niyang ang kilala na ng kanilang pamilya. Isa pa hindi lang basta basta ang pamilya ng kanyang kumpadre dahil ito ang nagmamay-ari ng pinakasikat na pagawaan ng sasakyan sa buong Pilipinas.
“O ano, alam mo na ang gagagwin? Basta dito ka lang sa lobby sa baba, bilis bilisan ang kilos. Kailangan bago mag alas ocho ay malinis ang lobby sa baba, naiintindihan?”, pag iinstruct ng team leader ng mga utility sa Wolverine’s.Panay naman ang tango ni Danielle sapagkat para sa kanya ay madali lang ang kanyang gagawin. Mop mop lang at walis walis, although hindi niya iyon ginagawa sa kanilang mansiyon ay sigurado naman siyang hindi iyon mahirap gawin.“Kung ganon, kumuha ka na ng timba sa loob, ganun din ang mop at walis. Pati detergent diyan sa cabinet, alagaan mo ang mga iyan dahil matatagalan ka pa ulit bigyan ng bagong gamit”, turan ng team leader at tumango na naman siya ulit bago sumunod sa instruction nito.Kumuha nga siya ng timba at nilagyan ng tubig, binuhusan din ng detergent at binitbit iyon patungo sa lobby. Maraming palapag ang wolverine tower ngunit sa baba siya nakaasign. Ibinuro niya ang mop sa timbang may sabon at pagkatapos ay nagsimula na siyang mag mop. Ngunit
Dahil sa pagod sa unang araw ni Danielle sa kanyang trabaho ay hindiniya namalayan ang kanyang alarm clock kung kayat late siyag nagising. Pumasok agad siya sa banyo at kumaripas ng takbo papunta sa Wolverine Tower. Hindi na siya kumain ng agahan, basta na lamang niya binitbit ang inihanda ni yaya na baon niya at daig pa niya ang nakipagkarera sa daan. Pagdating niya sa tower ay halos patakbo niyang pinuntahan ang mga kasama na nooy nakapila na para sa morning exercise bago magsimula sa trabaho.“Marasigan! Pangalawang araw mo palang dito, late kana agad!”, pansin ng kanilang team leader ng mapansin ang pasimple niyang pagpila sa likod. Marasigan pala ang nilagay niyang surname, baka magtaka ang mga ito kung totoong apilyido niya ang ipakilala sa mga ito, sikat pa naman ang apilyidong Sandoval.‘Sorry, chief! Hindi na po mauulit”, nahihiyang turan niya habang nakayuko. Pinagtinginan din kasi sya ng kanyang mga kasamahan.“Talagang hindi na mauulit, last warning mo na ito!”, saad ng te
“Marasigan!”, mula sa pagkakatayo sa likod ay tinawag ng team leader ang kanyang pangalan.“Sir, present!”, tugon naman ng Danielle dahil sa pakiwari niya nagchechecked ng attendance ito.“Oo, palagi kang present ngunit hindi ka pumupunta sa iyong assignment!”, tila galit na pahayag ng kanilang team leader.“Sir, nagpalit po kami ng post ni Marasigan!”, agad naming pagtatama ni Marion at napatingin siya dito.“Sinong may sabing nagpalit? Walang palit palit hanggat hindi ko sinasabi”, maktol ng kanilang team leader kung kayat parehong napakagat labi ang dalawa.Maya maya ay lumapit ang tam leader sa kanya.“At dahil matigas ang ulo mo, iaasign kita sa 25th floor. Doon ka sa office ng CEO”, mahina ngunit madiing pahayag nito sa kanya. Bigla naman siyang natakot, bakit naman sa CEO agad eh halos isang lingo palang siyang trainee?“Sigurado po kayo sir, doon ako maasign?”, pag ulit pa niya at minulagatan siya nito.“Bingi ka Marasigan? O nagbibingihan lang?”, turan ng team leader nila kun
Almost one-month na si Danielle mula ng lumipat siya sa tinutuluyang apartment atbmaging janitor sa Wolverine. Natuto na rin siya sa tamang technique ng paglilinis at nagiging normal na sa kanya ang ganoong gawain. Halos kaibigan na rin niya ang lahat ng mga kasama maging ang mga guard sa tower. Napagkakamalan siyang tibo kung kayat pare, pre, bro at boss ang tawag naman ng mga ito sa kanya na hinayaan na lang din niya upang hindi na magkaroon pa kalituhan sa iba. Hidi lang naman kasi ang kanyang pananamit ang parang lalaki, pati galaw ay kuhang kuha din niya.Pasakay na siya sa kanyang sasakyan ng tumunog ang gamit na cellphone. Iniiwan lang niya ito sa kanyang sasakyan dahil ang kanyang mommy lang naman ang tumatawag dito.“Mom!”, bati niya sa ina ng pindutin ang received button.“Are you not coming home? Baka makalimutan mo, it’s my birthday today!”, turan ng ina at napangiti siya.“Of course, I remember mom! makakalimutan ko ba yun? Paalis na nga ako dito sa trabaho”, pahayag niy
Pagkatapos maglinis ni Danielle sa 25th floor ay bumaba siya upang magmiryenda. Hindi siya nakakain ng agahan kanina sapagkat gaya ng dati ay late na naman siyang nagising kung kayat nagmamadali siyang umalis para mahabol ang maaga nilang formation. Halos kalalabas niya lang sa elevator ng salubungin siya ng kanilang chief. “Marasigan! Balik ka sa taas, pinapatawag ka ng CEO”, saad nito habang di maipinta ang mukha. Sa tabas ng mukha nito ay parang may nagawa siyang hindi maganda. “Ha? Bakit daw chief?”, nagaalalang tanong niya dito. “Anong malay ko? Baka may palpak kang ginawa sa taas!”, turan ng kanilang chief at napaisip siya upang alalahanin kung may nagawa siya mali. “Wala naman akong ginawang mali chief”, saad niya dito. “Que meron o wala, bumalik ka sa taas para malaman mo kung anong atraso mo”, turan nito kung kayat tumango na lamang siya dito. “Sige chief, kain lang ako saglit! baka himatayin ako kapag pinagalitan ako ng CEO”, turan niya at pasupladong tumango iyon.
“Give me your cellphone number”, turan ni Wolverine kay Danielle pagkatapos niang kumain sa rooftop. Balik na sila sa office nito at naibigay na rin sa kanya ang mga instructions nito.Bigla niyang kinapa ang bulsa, ngunit wala doon ang de keypad niyang cellphone.“Diyahe sir, hindi ko nadala yung aking cellphone. Hindi ko kabisado yung number”, pakamot sa ulo niyang pahayag kay Wolverine.“It’s okey, here’s my calling card. Nandiyan na rin yung address kung saan ako nakatira. Kunin mo na yung mga gamit mo then pumunta ka sa address na nandiyan after. Tawagan mo nalang ako kapag nandoon ka na.”, saad nito kasabay ng pag abot ng card na dinukot mula sa wallet nito.Inabot naman iyon ng dalaga at tumango tango habang binabasa ang laman ng calling card. Hindi na siya nagtaka kung sa isang mamahaling village ito nakatira.“Okey sir, see you!”, turan ni Danielle at sumaludo dito bago tinungo ang pinto. Pangiti ngiti pa siya habang maingat na isinasara ang upisina ng CEO, ngunit halos mapa
“Oops! Saan ka pupunta at pinaglalagay mo sa maleta ang mga gamit mo?”, si Yaya Ninay ng mapasukan siya sa kanyang kuwarto habang nag-iimpake ng gamit. Tinignan lang niya ito kung kayat pinamaywangan siya ng kanyang yaya.“Daniella, hindi ka pwedeng maglakwatsa mas lalong magagalit ang daddy mo. Ibalik mo ang mga iyan!”, patuloy nito.“Ya, napromote na po ako”, saad niya pagkatapos maisira ang kanyang maleta.“Napromote? Talaga ba? Naku, mabuti naman kung ganon anak. Masayang masaya ako para saiyo.”, biglang naging excited si Yaya Ninay dahil sa kanyang sinabi. Niyakap pa siya nito at nakangiting tinapik tapik niya ang balikat ng matanda.‘Thank you, Ya!’, turan niya dito.“Manager kana ba ngayon anak? Naku, tiyak matutuwa ang daddy mo saiyo ngayon”, tuwang tuwa ang kanyang yaya at nahang sa ere ang kanyang pagkakangiti.“Hehehe, hindi po Ya. Pero sa CEO na po ako magtatrabaho ngayon”, saad niya. Unti unting nawala ang excitement sa mukha ni Yaya Ninay ngunit agad ding ngumiti ng mare
Kahit napuyat si Danielle dahil hindi nakatulog kagabi ay nagising pa rin siya ng tumunog ang kanyang alarm clock. Hindi siya sanay na natutulog sa ibang bahay kung kayat mag uumaga na ng dalawin siya ng antok. Nag inat inat siya ng ilang minuto bago kinuha ang towel at pumasok sa banyo. Mga ilang minuteo rin ang ginugol niya sa banyo pagkatapos ay naglagay ng moisturizer sa kanyang katawan. Pinasadahan din niya ng kaunting blower ang buhok upang mas madaling matuyo, naiirita kasi siya kapag nababasa ng buhok ang suot na damit. Isinuot naman niya ang puting shirt na sakto lng ang hapit sa katawan na tinuck-in sa kanyang jeans at ipinaris ang biniling leather boots. Pagtingin niya sa salamin ay nag iba ang kanyang aura, nagmukha siyang Lara Croft ng Tomb Raider movie. Napathumbs up siya sa salamin, pang driver talaga ang kanyang get-up.Sakto alasais ay lumabas na siya sa kanyang kuwarto, papainitin pa niya ng kaunti ang gagamitin nilang sasakyan kaya tamang tama kapag bumaba na ang ka