Share

Chapter 27: Possessive (Part 2)

Pumungay ang mga mata ko nang makita ko siya. Hinintay ko siyang makarating saaming dalawa ni David at pinagmasdan ng mabuti.

"You really don't know your limits, huh?" he said while smirking.

Gumalaw ang panga ni David at napatawa ng mahina. "Nagsisimula pa lang ako, Fernandez. Marami pa akong alas, marami pa akong baon. Hindi pa ako tapos sa'yo!"

Muli akong nagtaka sa kilos at pagsasalita ni David. Malalim at buo ang boses niya habang nagtatagalog. Kita rin sa mga mata niya ang sukdulang galit.

Umigting ang panga ni Deon. Nahuli ng mata ko ang kamay niyang dadapo sana kay David pero mabilis ko iyong nakuha at napigilan siya.

"You are drunk, let's just go to our room."

Bumaling ang tingin niya saakin. "Perlm, I'm not drunk. I've been trying to keep myself from hurting this jerk. Hindi na ako makapagpigil pa," bulong niya.

Mariin akong pumikit at marahang umiling.

"Let's talk, Deon. About this. About us..." I murmured.

David burst out laughing. "Do it, Perlm! Sabihin mo sa asawa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status