Share

Chapter 4: The Perfect Girl

Perlm Marie Olavin

Isang linggo ang lumipas. Rosie and I were both busy. Palagi siyang wala, same to me. Paano ba naman ay kailangan ko ng magseryoso at magfocus sa pag-aaral. Sa nakikita kong performance ko sa school, mukhang hindi ako ga-graduate. Wala naman akong pakealam doon, si dad at mom lang ang inaalala ko kaya sinisikap ko pa ring pumasok.

Kailangan ko ng maghanap ng trabaho. Ugh!

"Look! Si Andy and Rachell!"

"Hindi ba PDA na 'yan? Masyado na silang bulgar!" basag ni Amy sa aming katahimikan.

"Oh, god! Ang haharot!"

"Mildred! Tigil niyo na 'yan," nakita kong nginuso ako ni Rosie kaya tumahimik ang dalawa.

Napatingin ako sa dalawa. Nakaakbay si Andy kay Rachell at hinalik-halikan niya pa ito sa pisngi. Namilog ang mata ko. It's either Andy's too in love with Rachell or sinasadya niyang ipakita ito sa'kin. Para magselos ako, para ipikita niya saakin na mayroon na siyang iba.

Tumayo ako.

"Hey, Perlm. Where are you—"

Hindi ko na pinagsalita pa ang mga kaibigan ko. Bumaba ako upang mapuntahan ang seat nila. Bakit ba kasi kaklase ko pa ang mga ito sa ibang subjects?

Napalingon agad si Andy, sumunod si Rachell. I smiled. Pinahalata ko talagang peke.

"Hi Perlm, where are you going? Magsisimula na ang klase," banayad na saad si Andy.

"Hmmm. May bibilhin lang sana." Lalakad na sana ako ngunit tumigil ako at sinabing, "By the way, may motel na malapit rito."

Rachell glared at me. "So?"

Ang akala niya siguro'y natatakot ako sa kaniya, cheater pa rin naman ang tawag sakaniya, she's flirting with Andy kahit no'ng kami pa. Ang akala ko noong una'y magkaibigan lang talaga sila...

"Check-in kayo," my tone is cold. Umalis na rin ako pagkatapos kong sabihin iyon. Mga cheap, bagay sainyo ang motel!

I decided to cut class. Balaha na. Kaysa nakikita ko pa silang naglalampungan, nasa taas pa naman kami at kitang-kita kung paano halikan ni Andy ang haliparot na 'yon! Sarap iuntog!

Yes. Nagseselos ako, because i still love him! Kahit anong gawin ko, mahal ko pa rin siya!

Lintik na puso ito, pinaghintay na at niloko tumitibok pa rin. Habang naglalakad sa corridor naisipan kong bumili ng coffee roon sa first building. Mahaba naman ang oras ko kaya ro'n na lang. Pagkababa ko pa lang sa building namin may nakita akong matandang naglalakad sa covered court. Hirap na hirap ito sa dala niyang bag. Napailing ako. Bakit wala man lang tumulong kay Lola? Nakakadissapoint.

"Lola, tulungan na kita!" alok ko rito nang makalapit ako.

Nanginginig naman ang mga mata ni Lola nang makita niya ako. She's so beautiful. Alam na alam mo talagang maganda ang isang matanda kapag maganda ang kutis at matatamis ang mga ngiti.

"Naku, apo! Salamat! Kanina pa ako naglalakad dito ngunit wala man lang tumulong saakin, ikaw pa lang!"

Ngumiti ako kay Lola at pinagmasdan siya. I miss my grandparents, bata lang ako ay namatay na sila. Kaunti lang ang memories na nagawa namin kaya naman nakakamiss.

"Saan ba ang punta mo, La?"

"Sa main office sana, balak kong dalawin ang apo ko!"

Tumango ako at kumaliwa. Inalalayan ko si Lola kahit na hawak-hawak ko ang dala niya.

"Naku, ayos lang ako!"

"No, Lola. I insist. Hali na po kayo." Ilang minuto ang tinagal dahil mabagal na maglakad si Lola.

"What's your name, Lola?" tanong ko nang makarating na kami sa harap ng main office.

Ngumiti ito. "Alexandra, apo!"

Lumungkot ako bigla. Mas maganda pa ang pangalan ni Lola saakin. My gosh. Alexandra is one of my dream name. Perlm Marie is nothing compared to her name. Kinahihiya ko ang pangalan ko.

Marie? Marya? Pag sa ibang tao ko naririnig ayos naman, pero pag saakin na, no comment.

"Napakaganda naman ng pangalan mo, La," natutuwang saad ko rito

"Salamat apo. Siya nga pala, ikaw ano ang pangalan mo?"

Napaisip ako bigla sa tanong ni Lola. Sasabihin ko ba? Pero nawala ang pagi-isip ko nang lumabas ang isang mala-diyos na lalaki sa pintuan ng main office.

Oh, he's here.

"Miss Meghan?"

Napunta ang tingin nito kay Lola. "La, what are you doing here?"

Umasim ang sikmura ko. Shit? Ang tinutukoy ba ni Lola Alexandra'ng bibisitahin niya ay si Elriz? What a small world. Dito pala nagtatrabaho ang isang 'to. Siguro'y assistant siya ng may ari ng university. Tsk.

"Oo, apo! Ang bait nga niya dahil tinulungan niya akong dalhin ang mga pasalubong ko para sa'yo, pero... Meghan?"

Lumungkot ang mata ni Lola. "Meghan ang pangalan mo?"

Fuck! This is it. I am good at lying pero pagdating sa mga matatanda hindi ko magawa, nanghihina ako dahil they're too innocent to be fooled!

"Uh-ah..."

"Yes, La. Her name's Meghan," ani Elriz.

"Apo..." tawag naman ni Lola kay Elriz.

Umiling lang siya. "Please, do not mention it. I'm okay... now."

Hindi ko sila maintindihan ngunit binigay ko na ang mga bags na may lamang pasalubong kay Elriz.

"Thanks," malamig nitong sambit. Mukhang lumungkot.

Tsk. Nagpasalamat pa malungkot naman ang mga mata niya. Nakakabawas ng kaguwapuhan 'yon, ngunit guwapo pa rin siya.

Damn! Ano na naman ba ang ginawa ko sa lalaking ito?

Makaalis na nga. Mukhang nasisira lang ang araw niya kapag nakikita niya ako. Kumaway ako saglit kay lola bago tumalikod sa kanila ngunit bigla itong nagsalita.

"Sandali! Bibigyan ko pa ng pasalubong itong si M-meghan," napaos ang boses ni Lola nang banggitin niya ang pangalang iyon.

What's wrong with Meghan? Maganda naman, ah? Kung pwede nga lang palitan ang pangalan ko ng pangalang iyon ay gagawin ko.

Hindi naman ako tumanggi pa. Binuka ni Elriz ang bag at pinapili si Lola. He looks innocent with his eyeglasses on. Pero umaapaw pa rin ang kaguwapuhan at ang katawan niyang matured.

He's perfect.

But his name is Andy.

And he is a jerk, cold, asshole man.

"Ito, apo. Masarap yan, galing sa Hawaii." Na-touch naman ako dahil halos binigay niya saakin ang isang plastic bag. Nagagalak ko itong tinaggap.

"Maraming salamat, Lola Alexandra. For sure, masarap nga ito."

Lumapit si lola saakin at hinalikan ako pisngi. "Ingat."

Natulala ako sa ginawa niya. Somehow, i feel overwhelmed, ngayon lang nangyari iyon sa loob ng 15 years. Ngayon lang ako nakatanggap ng masasayang halik galing sa isang matanda.

Mas lalo ko tuloy namiss ang grandparents ko.

Bago ako umalis ay nagkatinginan kaming dalawa ni Elriz. Umiwas ito agad ng tingin at inalalayan si lola papasok ng office.

Pagkatapos nang nangyari no'ng nakaraang linggo ganoon na lang? Walang utang na loob.

"Bigyan mo rin ang mga kasama mo riyan, apo."

Rinig ko pa ang huling sinabi ni lola bago ako nakalayo. Tiyak na isa nga siyang assistant. He looks likes the CEO for me, but it's impossible. Hindi namin kilala ang may-ari ng university na ito. Nanatiling palaisipan kung sino nga ba namamahala rito. Sobrang sikat at mabango ang pangalan ng university na ito sa Pilipinas.

Walang nakapagbago sa isip ko na magkape kahit na marami na akong dalang pagkain rito.

When I'm sad, iinom ako ng kape. When I'm jealous or naiinggit, coffee is my comfort.

But wait? Masaya ako. Dahil kay Lola Alexandra. Pinaramdam niya ulit saakin ang pagmamahal na gustung-gusto kong makuha sa grandparents ko.

Alright. Mamaya na ang coffee.

Tumalikod na ako para bumalik sana sa building nang masilayan ko si Elriz na buhat-buhat ang kaniyang Lola, wala itong malay.

"L-lola? What happened, Elriz?" naga-alala kong tanong at lumapit ako.

Tumigil siya sa harap ko. "Nahimatay. Napagod siguro," kalmado ngunit bakas ang pagkaranta sa boses niya.

"Sasama ako," i said, full of sincerity.

But he stared at me. Para bang kinu-kwestyon niya ako sa aking sinabi. "What?" Umiling ito. "Let's go."

Ilang sandali pa ay mabilis naming naisugod sa hospital si lola. Tinanong ko siya kung bakit hindi na lang sa clinic ngunit sinabi niyang he doesn't trust the nurses in the university.

Mapili ang lalaking ito.

Pinagmamasdan ko lang si lola na ini-examine ng mga doctor. Si Elriz naman ay hindi mapakali at lakad nang lakad sa labas ng room. Hindi ko na lang siya pinansin. Mukha pa rin siyang guwapo kahit na namomroblema na. God! Why so unfair?

Hindi pa rin gising si lola ngunit lumabas na ang mga doctor. Kagaad na lumapit ang natatarantang si Elriz at hinintay na magsalita ang doctor.

"Can we talk for a sec, Mr. Fernandez?" Tumango lang si Elriz. Naiwan lang ako rito.

Andy Elriz Fernandez ang pangalan niya? Tsk. Dapat tinaggal na 'yung Andy. Hindi bagay.

Nakatitig lang din ako sa dingding habang hinihintay na magising si Lola. I remember this. Mga panahong naospital ang mga grandparents ko at madalas na ako ang pinagbabantay.

"Meghan?"

Lumingon ako kay Lola. "It's Perlm Marie, La. Ang totoo kong pangalan ay Perlm Marie."

That's it! It's the first time I introduced myself with my real name. Lola's a stranger at hindi ko gawain na ibigay ang totoo kong pangalan pero ngayon hindi na. Bakit ako sasama rito kung stranger pa rin siya para saakin?

"Mas maganda ang Perlm Marie, apo. Maganda ang pangalan mo."

Ngumiti ako sa compliment ni lola. Dahil nga nabuking na ako, kinwento ko na ang nangyari, nagtanong siya kung paano kami nagkakilala ni Elriz.

Natatawang hinawakan ni Lola ang mga kamay ko. " Pagpasensiyahan mo na ang apo ko, Perlm. Talagang masungit ang isang 'yan, hindi rin palangiti simula nang mamatay—"

May lalaking tumikhim mula sa pintuan. Nilingon ko ito at nakita si Elriz na nakasandal.

Ano kaya ang sinabi ng doctor? Mukhang mas lalo siyang nalungkot. Pero mas lalo akong nabahala sa hindi natuloy na salita ni lola. Mamatay?

"La... stop it," he said, softly.

Seeing Elriz, para bang nababasa ko ang mukha niya. Hindi naman ako ganito sa ibang tao. Hindi ko nababasa ang mukha ni Andy kahit na noong may sakit pa siya. Pero ang isang 'to. Iba... May kung anong hinanakit at kalungkutan sa loob niya. I can sese and feel it.

"Lola, you need to rest."

"I'm doing it right now. Perlm may pasok—" Natigil bigla si Lola. Tumawa ito.

Shit. Muntik na niyang sabihin ang totoo kong pangalan. Natawa na lang rin ako.

"Hmm?" malambing na himig ni Elriz.

"Meghan is a good girl. Natutuwa ako dahil sa kaniya."

I smirked. Kung alam mo lang lola. I'm not a good girl...

"What do you mean? She's stubborn. Lagi niyang pinapasakit ang ulo ko that's why I don't like her," nakangisi ring sagot nitong ni Elriz na bahagyang nawala ang lungkot sa mata.

Maka-stubborn naman ang isang 'to, tsk. Aaminin ko, stubborn at hindi ko sineseryoso ang buhay pero what can I do? This is me. This is what I do in life.

"I don't like you too," bulong ko pero hindi niya narinig.

Lumipas ang ilang minuto. Hindi nakasagot si Lola. Nanatiling tahimik ang bawat kasulok-sulukan ng kwartong ito.

"Apo..."

"Yes?" sabay naming sagot ni Elriz.

Nagkatinginan kami. Napakurap ako nang ilang beses bago sumulyap kay lola.

"Elriz, alam kong kaunti na lang panahon ko sa mundong ito. Nagpatingin ako sa doctor doon sa Hawaii at sinabing malubha na ang sakit ko," sa sinabi niyang iyon, alam kong kailangan kong lumayo at humakbang upang hayaan silang mag-usap. Well, hindi naman ako tsismosa. Minsan lang. Kapag trip ko.

Elriz was shocked. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ni lola. Siguro'y sinabi na rin kanina ng doctor ang kalagayan niya. "I told you, La. Tigilan mo na ang pagtravel..."

Umiling si Lola. Ayaw ko nga makisali pero naririnig ko pa rin. Useless lang. I feel sad for lola. Bakit ba kasi kailangan pa nilang mamatay? Hindi ba p'wedeng manatili na lang sila rito sa mundong ibabaw habang buhay? I want to treasure every grandparents here in the world.

"Pinangako ko kay Anselmo na magbabyahe ako sa lahat ng gusto niyang puntahan. I can't break my promises, apo," mahina na ang boses ni Lola. Tumutulo na rin ang luha nito.

Tumagos sa puso ko ang sinabi niya. That's true. She can't break her promises. One day, if my mom and dad would wish anything before they die, i will do it. Para kahit wala na sila'y may pinanghahawakan pa rin ako. May mga pangarap pa rin ako.

Iyon ang ginagawa ngayon ni lola.

"I want to see you married. Gusto kong maikasal ka na, apo ko," nakangiting sabi ni lola sa kay Elriz na malungkot.

"The question is... who? With who, Lola? She's gone. She left us." Elriz licked his lower lip, napatawa ng mahina.

Nagkatitigan sila at napunta saakin ang mata ni lola. Sinubukan niya akong palapitin. Hindi naman ako nagdalawang isip na lumapit.

"Yes, La?"

"Marry my apo." Natameme ako.

He then chuckled. "Pardon?"

Sinubukang umupo ni lola mula sa pagkakahiga. Huminga siya ng malalim.

"Perlm is the perfect girl for you, Elriz. Gusto kong siya ang mapangasawa mo habang nabubuhay ako. Mababago ka niya, apo. Mababago ka ni Perlm kaya huwag mo na siyang bitawan pa."

Rumagasa ang malalakas na agos ng pagkagulat sa buong sistema ko sa litanya ni Lola. Parang natanggal ang mga tinik na nakabaon sa buo kong katawan.

To live a life worth living means to takes risks and chances. Lagi itong sinasabi ng magulang ko noong bata pa ako. I think I get it now.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vin Cent
i like it <33!!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status