Share

`Chapter 3

Penulis: Diena
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-01 16:20:05

Only to survive, she need a work to earn money. Mauubos lang ang pera niya sa pagbabayad ng bills kada buwan hindi pa kasama ang budget niya sa pagkain at iba pang expenses.

Payapa na ang gabi. Tahimik na ang buong aligid ngunit ang kwarto ni Aliyah maliwag pa. Dilat pa ang mga mata ni Aliyah. Hindi dahil sa hindi siya makatulog, kundi ito ang oras ng kaniyang trabaho. Ito ang dahilan bakit may computer siyang dala sa kaniyang bagahi habang naghahanap ng bahay na matutuluyan.

More client, more money to recieve. Iyan ang goal ni Aliyah nang pasukin niya ang mundo ng pagiging virtual assistant. Mahirap, nakakapagod at minsan hindi na healthy ang araw-araw na walang maayos na tulog pero dahil kagustuhan niya ito kailangan niyang panindigan ang trabahong pinasok.

Tumilaok na ang manok. Oras na para gumising ang mga kapit-bahay niya ngunit si Aliyah ito palang ang oras ng kaniyang pagtulog. Ang biscuit na baon niya noong araw na napadpad siya rito sa Buenavista iyon muna ang ginawa niyang pantawid gutom dahil hindi pa siya nakabili ng groceries.

Marahan niyang inunant ang katawan nang mahiga siya sa kama. Hindi na siya nagbukas ng aircon dahil malamig naman ang silid galing sa sariwang hangin mula sa labas. Nakabukas kasi ang bintana. Bukod sa makalanghap siya ng sariwang hangin makakatipid rin siya sa kuryente.

Alas-onse ng umaga nagising si Aliyah sa tunog ng kaniyang alarm clock. Sinadya niyang i set ito dahil mag grocery siya ngayong araw at bibili na rin ng importanteng gamit.

Mabilis siyang naligo dahil nagugutom na rin siya. Si Kisses lang ang alam niyang nagtitida rito sa subdivission. Hindi niya alam kung may karenderya ba dito o resto na pwedeng mabilhan ng ready to eat na makakain.

Napakamot si Aliyah sa sariling ulo nang makita ang damitan niya. Halos kasi ng mga damit niyang panlakad ay bistida. Ang pangit namang tingnan kung lalakad siya sa pamilihan na naka pantulog o kaya ay pambahay.

She peaked a floral summer dress na hanggang tuhod niya ang haba at white doll shoes. Hinayaan niyang nakalugay ang curly niyang buhok na hanggang baywang niya ang haba. Naglagay lang siya ng powder sa mukha at liptint at nag spray ng cologne.

Wallet at cellphone lang ang kaniyang dala na umalis ng bahay. Lalakad na sana siya nang marinig ang boses ni Kisses, tinatawag siya.

Kumakaway ang babae sa kaniya para kuhanin ang kaniyang atensyon. "May pupuntahan ka?"

"Oo. Sa bayan ang punta ko. Bibili ng grocery!" sigaw pabalik ni Aliyah upang marinig siya si Kisses.

"Sabay na tayo!" aniya at patakbo na lumapit kay Aliyah. "Bibili rin ako ng stocks sa negosyo ko," natatawang usal niya, hinihingal na huminto sa tabi ni Aliyah. "Medyo lumakas na ang paninda ko. Hindi pa umabot ng alas-sais kagabi ubos na. May suwerte ka talagang dala."

"Natutuwa akong marinig 'yan," aniya at humakbang. "Pero hindi iyon dahil sa akin. Masarap talaga ang paninda mo kaya binabalik-balalikan ka ng mga bumibili."

"Naku, salamat naman sa papuri mo," Kisses giggly said. "Nakatataba ng puso. Sana ganun palagi para naman may pambili ako ng gatas ng anak ko at iba pang pangangailangan niya."

"Trust the process. Walang imposible sa isang tao na nagsusumikap. Malay mo isang araw hindi mo mamalayan umasenso ka na dahil sa sipag at tiyaga na meron ka."

Nagpahid ng pisngi si Kisses.Bigla siyang naluha sa sinabi ni Aliyah. Ngayon lang siya nakarinig ng magandang advice at papuri galing sa tao. Ang madalas kasi niyang naririnig puro panlalait, pangungutya, mga salitang nakakasakit sa damdamin dahil maaga siyang nabuntis at hindi man lang nakatapos ng high school. Palagi siyang tinutukso na isa siyang disgrasyada at minsan nadadamay pa ang anak niya.

"Thank you," naiiyak na wika ni Kisses. "Ito ang pinakamagandang salita na narinig ko. Kaya todo ang pagsusumikap ko para lang may sarili akong pera kahit man lang doon walang masabi sa akin ang mga tao... Palagi ko lang kasing naririnig sa kanila ang salitang disgrasyada," natatawang dugtong niya.

"Iba ang disgrasyada sa hindi nakatagpo ng matinong lalaki," nilingon niya si Kisses. "Nasa maling lalaki ka lang napunta kaya ka humantong sa pagiging single mom. At saka huwag mong tawagin na disgrasyada ang sarili mo, nagkamali ka lang ng desisyon sa buhay at iyon ang dapat mong baguhin," dagdag pa ni Aliyah.

"Ganoon parin 'yon, isa parin akong disgrasyada," puno ng hinanakit na wika ni Kisses. "Pero ang pagkakamali ko hindi ko hahayaan na maranasan iyon ng anak ko. Gagawin ko ang lahat mabigyan lang siya ng maayos na buhay. Tuturuan at gagabayan ko siya habang lumalaki siya."

Marahan na tinapik ni Aliyah ang balikat ni Kisses. "Yes, ganyan nga. Hayaan mo ang sasabihin ng mga tao sa paligid mo as long as hindi ka humihingi ng pera at pagkain sa kanila para ipalamon mo sa anak mo. Fucoss ka sa paglago ng inumpisahan mong negosyo. Patunayan mo sa kanila na kaya mo. Proved them that you are strong and impowered woman."

Sakto paglabas nila ng subdivision may paparating na trycle. Pinara iyon ni Kisses at pinaunang sumakay si Aliyah. "Pasin ko lang, hindi ka lang maganda, maputi, mabait" Kisses looked at Aliyah with an amusement in her eyes. "Magaling ka rin mag english."

"Hindi naman. Sakto lang."

"Pero ang ganda mo talaga. Kutis labanos pa. Anak mayaman ka 'no?"

Natawa si Aliyah. "HIndi naman lahat ng maputi at maganda anak mayaman. Tingnan mo ikaw, maganda ka rin naman. Makinis rin ang balat mo. At saka gusto ko ang pagiging kayumanggi mo. Kaya ka siguro nabuntis ng maaga, e, dahil sa exotic beauty na mayroon ka," panunudyo ni Aliyah.

"Exotic beauty? Ano ibig sabihin no'n?" curios na tanong ni Kisses.

"Kakaibang gannda. Alam mo kasi, hindi lahat ng maputi maganda. Hindi lang kasi na appreciate ng iba ang ganda ng isang taong kayumanggi, ng mga morena. Madalas ginawaga nila itong dahilan para kutyain ang isang tao. Ito ang masakit na katotohanan, maputi ang pamantayan ng isang maganda o gwapo sa isang tao. Kaya ikaw, dapat taas-noo ka dahil sa mundong ito hindi batayan ang panlabas na anyo para masabihan na maganda. Kadalasan nasa loob makikita ang tunay na maganda lalo na kung ikaw ay may mabuting kalooban."

Natawa siya nang malingunan niyang nakatulala si Kisses na nakatingin sa kaniya. Mukha itong nalilito at naguguluhan sa mga salitang binitawan niya. Gusto niya tuloy turuan ang dalaga dahil nakikita niyang handa itong matuto. Pero hindi muna sa ngayon. Busy pa ang schedule niya sa buong buwan.

"Nandito na yata tayo," untag ni Aliyah para mahimasmasan si Kisses.

Dali-dali naman bumaba si Kisses at nag abot ng bayad sa driver. "Sagot ko na pamasahe natin," aniya. "Ano ang bibilhin mo? Malaki kasi ang bayan baka maligaw ka. Tulog naman ang anak ko ng iwanan ko pwede kitang samahan habang bumibili rin ako ng akin."

"May malaking tindahan ba dito? Iyong kompleto na doon ang bibilhin. Iyong parang grocery sa mall."

"Oo, may mini mart dito."

Doon sila unang pumunta. Pwede namang lakarin kaya naglakad na lang sila para kahit papaano maging pamilyar si Aliyah sa lugar. Sinasabi rin ni Kisses ang pangalan ng bawat kanto na kanilang madaanan at kung ano ang mga pamilihin doon.

"May signedge naman bilang palatandaan kaya hindi ka malilito," usal ni Kisses. "Nandito na tayo."

Si Kisses ang nagtulak ng push cart dahil wala naman siyang bibilhin dito. Ang budget kasi na dala niya ay para lang sa pambili niya ng lulutuin.

Lahat ng pangangailangan ni Aliyah binili niya. Sinigurado niya ang pagkain at mga kailanganin sa loob ng kusina. Hindi na siya bumili ng gamit dahil kompleto naman ng gamit ang bahay.

Napansin niyang panay ang tingin ni Kisses sa mg biscuits. Nangingislap pa ang mga mata nito ngunit kalakip no'n ay paghihinayang at pagdalawang-isip. Naintindihan iyon ni Aliyah dahil mas may mahalaga pang dapat na unahin si Kisses.

"Kuha ka ng biscuit para sa anak mo," aniya na ikinagulat ni Kisses.

"Oy! Hindi na. Next time na ako bibili. Hindi kasi kasali sa budget dito ang perang dala ko."

"Sagot ko ang bayad. Sige na. Dali na."

"Oy, teka lang. Seryoso?" tulala paring paniniguro ni Kisses. Hindi siya makapaniwala.

"Minsan lang ako maging generous lubusin mo na."

Nang makitang hindi parin gumagalaw si Kisses sa kinatayuan, si Aliyah na ang kumuha ng mga biscuits. "Anong gatas ang iniinom ng anak mo?"

"A-ano bearbrand lang," nautal mula sa pagkatulala na sagot ni Kisses. Lalong nanlaki ang mata ni Kisses nang kumuha si Aliyah ng dalawang pack ng tig dalawang kilo ng gatas. "Tama na yung isa. Ang laki ng mababayaran mo niyan," awat niya. Puno na kasi ang dalawang basket sa push cart at nasisiguro ni Kisses na malaking halaga ang mabayaran ni Aliyah kung idadagdag pa nito ang dalawang kilo ng gatas at mga biscuit na si Aliyah rin mismo ang pumili.

Hindi na naka awat si Kisses dahil balewala lang ang pagpigil niya sa dalaga kung ano ang dadamputin nito. Pati ang sabon at shampoo ng anak niya kumuha rin si Aliyah para dito. Nang makontento si Aliyah sa pinapili kusa rin itong tumigil. Hindi niya lang ma attempt na makitang uuwi si Kisses na wala man lang itong pasalubong sa anak. At saka ngayon lang naman ito kaya nilubos na ni Aliyah. Sadyang naawa lang siya sa sitwasyon ng dalaga na nagtitipid at handang isakripisyo ang maliit na bagay dahil mas may malaki itong paglalaanan.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko," untag ni Kisses matapos magbayad ni Aliyah. "Kulang ang salitang salamat dito, Aliyah," naiiyak na wika niya habang nakatingin sa bitbit nito.

"Sabihin na lang natin na may blessings na pinadala sayo ang panginoon," nakangiting wika niya sa babae.

Sunod silang nagtungo sa palengke upang mamili pa ng ibang pangangailangan. Marunog naman magluto si Aliyah kaya dinamihan siya ang pinamili nitong mga karne at isda para sa ilang linggo niyang stocks. Bumili rin siya ng mga gulay at prutas. Nang matapos sa pamimili saka pa lang nakaramdam ng gutom si Aliyah at doon niya lang naalala na hindi pa pala siya nag umagahan. Nalipasan na naman siya ng kain.

Kahit hindi pa niya lubusan na kilala si Kisses magaan ang loob niya rito. Na para bang may nag uudyok sa kaniya na tulungan ang dalaga. Hindi na nakahindi si Kisses nang ayain siyang kumain ni Aliyah. May resto sa tapat ng mini mart kung saan sila namili kanina at doon sila kumain. Nahihiya na si Kisses sa dami ng nilibre ni Aliyah ngunit hindi siya makahindi sa babae gayong kusang loob naman itong nagbigya sa kaniya.

Masaya si Kisses na marami siyang bitbit na pasalubong sa kaniyang pag uwi. Ito palang ang unang beses na marami siyang pasalubong sa anak pag-uwi niya galing bayan. Madalas kasi gatas at pandesal lang ang bitbit niya para sa anak dahil kailangan niyang magtipid, makaipon para sa emergency kung sakali.

"Salamat ng marami, Aliyah." wika ni Kisses nang unang bumaba si Aliyah sa tricycle. "Bilang pasasalamat, dadalhan kita mamayang hapunan ng ulam."

"Sige, hihintayin ko iyan mamaya."

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Aliyah habang nakatingin sa kaniyang mga binili. Namoroblema siya kung paano niya ito bubuhatin lahat papasok sa loob ng bahay dahil malaki ang mga karton at mabibigat. Una niyang binitbit ang mga pinamili niya sa palengke. Nakasupot iyon kaya niya iyon dalhin isa-isa sa loob ng bahay. Ipinatong niya iyon sa mesa bago binalikan ang karton sa labas.

Dahil hindi niya iyon mabuhat, inunti-unti niyang kunin ang laman ng karton at dalhin sa loob. Napagod siya sa kababalik-paroon niya pero wala siyang pagpipilian dahil hindi sapat ang lakas niya upang magbuhat ng malaki at mabigat na karton.

Pagod, hinihingal, masakit ang katawan ni Aliyah nang matapos niyang hakutin ang pinamili niya. Wala na siyang lakas para ayusin ang mga ito ngunit hindi naman pwede dahil ayaw niya sa bahay na makalat at baka masira ang mga gulay at karne na pinamili niya kung hahayaan niya lang ito.

Inilagay niya sa lababo ang mga pinamili na dapat hugasan. Ang mga karne inilagay niya iyon sa plactic containar na bibili niya bago isinalansang sa ref. Pati mga frozen goods hinugasan niya muna ang mga ito bago ilagay sa ref. Sunod naman niyang nilinisan ang mga gulay at prutas at lahat iyon sa ref niya inilgay.

Ang mga cangoods, noodles at iba pa sa cabinet na lang iyon inilagay ni Aliyah. Pagod na pagod siya nang matapos ang gawain. Parang nabigla ang katawan niya at pakiramdam niya lalagnatin siya. Naglinis muna siya ng katawan bago inihiga ang katawan sa kama. Kailangan niyang matulog para may lakas siya mamaya at hindi antukin sa oras ng kaniyang trabaho. Pipikit na sana siya nang may natanggap siyang email.

:were are you? everyone is looking for you!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love Thy Mistake   Chapter 40

    Hindi alam ni Aliyah kung iiwas ba siya, tatakbo palayo kay Dylan. Ngunit namanhid ang katawan niya. Hindi makagalaw ang mga paa. Tila nawala sa katinuan habang nakatingin sa lalaking papalapit sa kanya. "How are you?" Doon lang natauhan si Aliyah. Napatras siya ng mapansin na subrang lapit lang ni Dylan sa kanya. Nalilito siya kung ano ang isasagot sa lalaki. Alin ba sa lahat ang tinutukoy ni Dylan? "Bakit hindi ka nagsabi na aalis ka sa bahay?" sunod na tanong ni Dylan. Sinuri niya ang buong katawan ni Aliyah. Wala namang pinagbago bukod sa maliit na peklat sa ibabaw ng kanyang kilay. Umiwas ng tingin si Aliyah. Ibinalik niya ang atensyon sa pagliligpit ng mga pinaglagyan ng paninda niya. "Para saan pa? Hindi pa ba sapat ang sulat na iniwan ko?" patag niyang sabi sa kabila ng malakas na pintig ng kanyang puso. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin--" "Ayoko ng gulo, Dylan." kaswal niyang sabi. "Lumayo ako. Umalis ako para maging tahimik na ang buhay ko," salubong ang kilay na tinin

  • Love Thy Mistake   Chapter 39

    "Bilang kabayaran ng ginawa ko, tulungan mo ako," daad ni Aliyah kay Aldrich at pumasok sa loob ng bahay.Matapos ang aksidenteng nangyari sa kanya napagdesisyonan ni Aliyah na lisanin ang lugar na ito dahil wala siyang kapayapaan kung may koneksiyon pa siya kay Dylan. Si Dylan lang naman ang dahilan bakit magulo ang sitwasyon niya at napunta sa alanganin ang buhay niya.Ayaw na niya magsampa ng kaso. Bukod sa dumagdag iyon sa gulo gagastos pa siya sa abogado. Kapayapaan lang ang hinihingi niya pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya. Iyon lang at lubos iyon na pasalamatan ni Aliyah.Lahat ng gamit niya dinala niya at wala siyang itinira. Muntik pa iyon hindi magkasya sa sasakyan ni Aldrich. Napangiwi at napakamot na lang sa ulo ang lalaki habang pawisan na pabalik-balik sa pagkuha ng gamit sa loob ng bahay papunta sa kanyang sasakyan."Magtayo ka ba ng bake shop? Bakit ang dami mong kagamitan sa pagluto?" hingal-aso na usal ni Aldrich ng maipasok ang isang puno na malaking karton

  • Love Thy Mistake   Chapter 38

    Habang nandoon si Cianne kay Dylan inaabala naman ni Nyxia ang sarili sa paghahanap kung saan na ngayon nakatira si Aliyah. Hindi pa siya tapos sa babae. Gamit ang ibang sasakyan nagmamasid siya sa bawat lakad ni Kisses ngunit wala rin siya napala. Mauubos lang ang oras niya sa pag aabang. Bago magdilim kinuha na ni Nyxia si Cianne kay Dylan. Hindi na siya bumaba ng sasakyan. Nasasaktan parin siya sa nangyari sa kanila ni Dylan at hindi niya kayang humarap sa lalaki na maging casual kahit para na lang sa bata. Alam naman na ni Cianne kung ano ang sitwasyon nilang dalawa ni Dylan kaya hindi na kailangang magpanggap pa ni Nyxia sa harap ng bata.Masaya ang kanyang anak ng sunduin niya ito ngunit may kaakibat ng lungkot ngunit kahit ganoon man niyakap parin siya ni Cianne at madamdaming nagpasalamat sa kanya that made Nyxia emotional."Thank you so much, mommy." sabi nito na mahigpit na nakayakap sa ina."Para sayo, anak, lahat gagawin ko maging masaya ka lang," aniya na naninikip ang

  • Love Thy Mistake   Chapter 37

    "Iiwan mo kami ni mommy?" usal ni Cianne na nakatago ang kalahating katawan sa hamba ng pintuan. Galing siya sa kapitbahay nakipaglaro at nadatnan niyang nagtatalo ang kanyang mga magulang. "May iba ka ng pamilya? Iiwan mo na ako?" dugtong niya habang nag uunahan na lumandas ang mga luha sa mata.Natigilan naman ang mag- asawa. Tila hindi alam kung ano ang sasabihin. Ngunit hindi na nila kayang itago pa ang sitwasyon na mayroon sila dahil narinig iyon lahat ni Cianne. Pamilyar siya sa mga salita na binitawan ng mga magulang niya at alam nito kung ano ang ibig sabihin. Bumubuka ang bibig ni Dylan ngunit walang salita na gustong lumabas doon. Alam niya na darating ang araw na ito ngunit hindi niya napaghandaan ang makita si Cianne kung gaano ito nasasaktan at naguguluhan ngayon. Hilaw na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi ng itago ni Cianne ang katawan nito na para bang takot na takot ng akma siyang lalapitan ni Dylan. "Hindi mo na ba kami mahal ni mommy para iwanan mo kami?" inosenten

  • Love Thy Mistake   Chapter 36

    His eyes widen in shock. Hindi niya alam kung kaya niya bang gawin ang pakiusap ni Aliyah. Hindi niya alam kung kaya niya pa bang ibalik ang buhay niya noong hindi niya pa nakilala si Aliyah dahil sa ngayon si Aliyah na lang ang nagsilbing isa sa mga lakas niya para umusad. Bukod kay Cianne si Aliyah rin ang nagbibigay saya sa kanya. Ang dami niyang plano. Na kapag naging matagumpay ang annulment nila ni Nyxia he wanted to curt formally Aliyah. Mag date sila. Mag usap about the future. Building a plan kapag magplano na silang magkaroon ng pamilya. Naghahanap na rin siya ng trabaho na malaki ang kita dahil gusto niyang paghandaan ng engrandeng kasal si Aliyah at komportableng pamumuhay na hindi sila mahirapan financilly.Pero paano na iyon magagawa pa ni Dylan kung gusto ni Aliyah na layuan siya--na lumayo siya sa dalaga? Nasasaktan na napayuko ng ulo si Dylan. Gusto niyang magprotesta sa mga sinabi ni Aliyah ngunit alam niyang wala siyang karapatan para hindi respetuhin ang nais ni A

  • Love Thy Mistake   Chapter 35

    Hindi nakuha ni Dylan ang sagot sa kanyang katanungan dahil galit na itinaboy siya paalis ni Cianne sa kanilang tahanan. Hindi pa niya na kompirma kung totoo bang buntis si Nyxia, kung sino ang ama ng batang dinadala niya. Masama mang isipin ngunit masaya si Dylan dahil kung totoong buntis si Nyxia may malalim ng dahilan para tuluyan na silang legal na maghiwalay dalawa. Being pregnant is her weapon to get a revenge. Hindi na niya masaktan si Dylan kaya ang babaeng minamahal ni Dylan na lang ang sasaktan niya. May kasabihan nga na kung nasasaktan ang taong mahal mo triple ang sakit na maramdaman mo. Hindi na baleng masabihan siyang nababaliw, nakakahiya sa kanyang ginagawa basta maipadama niya lang ang sakit na deserve ring maramdaman ni Dylan at Aliyah lahat gagawin ni Nyxia. Nagpapasalamat siya kay Cianne dahil kahit daddy's girl ito sa kanya parin ito kumampi, siya parin ang pinili ng anak niya na protektahan laban sa kanyang ama. Si Cianne lang nag nagpapakita ng malasakit at pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status