Samantalang nagpapalit naman si West ng polo nitong nadumihan ng kape.
Kaba ang bumalot sa puso ni Amber. Agad siyang lumapit sa assistant, at madiing sinabi, “No. Sabihin mong umalis na siya.”
“Pero, hindi pa sumasagot si Mr. Lancaster.”
Naningkit naman ang mata ni Amber. “Hindi ba sapat ang sinabi ko?”
Sasagot pa sana ang assistant pero sinarado na niya ang pinto.
Nang tumalikod siya ay nakita niya ang nakangising si West habang nagbubutones ng bagong suot nitong polo. “Hindi ka pa aalis?”
Pakiramdam ni Amber ay parang sinampal siya sa mukha, mabilis, hindi inaasahan, at nakakagalit. Sinulyapan niya si West nang may inis. "Mas mabuti pang kumain ako ng tae."
Si West, gaya ng dati, ay kalmado lang at may bahagyang ngiti sa labi.
Kung makuha ni Adam ang karamihan ng mana, talaga namang maghahanda siya ng kutsilyo, huhukayin ang bangkay ng Daddy niya, at hihimayin ito ng pino.
Bahagyang umalog ang dibdib ni West, parang pinipigil ang tawa. Pagkatapos, seryoso siyang tumango. "If you like that, I can give you free samples.”
Halos masuka si Amber. "Kadiri ka."
Hindi siya pinansin nito at nagpalit ng paksa. "Pero... kailan ka pa naging may-ari ng law firm ko, Miss Harrington?"
Nagngingitngit si Amber. "Ngayon lang."
Isang mababang tawa ang lumabas mula kay West. "Heh."
Lalo lang itong nagpasiklab ng galit niya.
"Hindi na kita aabalahin, Atty. Lancaster. Ito ang number ko, tawagan mo ako kung nagbago ang isip mo."
Pagkasabi no’n, tumalikod na siya at umalis.
Matapos ang kalahating oras ay pumasok si West sa conference room at nadatnan niyang namimigay ng kape ang kanyang assistant.
“Galing ‘to sa mismong nobya ng boss natin!” anunsyo ng assistant na may nakangiting mukha. “Ang CEO nating si Atty. Lancaster ay may girlfriend at walang iba kung hindi ang sikat na artistang si Amber Harrington!”
Girlfriend niya si Amber? Sino na namang gago ang nagpakalat ng tsismis na iyon?
Samantala, sa kabilang bahagi ng siyudad, kumukulo sa galit si Amber.
"Nasaan si Nathan?" madiin niyang tanong.
"Nasa Amerika."
Nagmaliit ang mga mata ni Amber. "Bigyan mo ako ng address. Pupuntahan ko siya. Papatayin ko. At puputulin ang ari niya."
Niloko siya, ininis ang tatay niya hanggang sa maospital, tapos tatakasan lang siya? Ang kapal!
Nagkibit-balikat si Gideon. "Mas importante na makuha mo ang mana ng tatay mo kaysa makipagpatayan sa gagong ‘yon."
Sinulyapan siya nito. "Paano kung hindi mo makuha ang mana, tapos bigla siyang bumalik para ipamukha sa’yo ang kayamanan niya?"
Nanggalaiti naman siya sa galit nang makita ang sinabi nito sa imahinasyon niya.
"Ano na namang iniisip mo?" tanong ni Gideon nang hindi siya sumagot.
"Gusto kong uminom." Bumuntong-hininga si Amber.
Tumaas ang kilay ni Gideon. "Sige, uminom ka! Tapos ano? Malalasing ka na naman at hahantong sa kama ni West?"
"Kalimutan mo na. Uuwi na lang ako at magtsa-tsaa." Pagsuko ni Amber.
Umiling si Gideon. "Tama ‘yan. Magpakatino ka muna."
Kinagabihan…
Kakatapos lang maligo ni Amber nang tumawag si Mildred.
"Kumusta ang meeting?"
"Wala lang." Halatang pagod ang boses niya.
Natawa si Mildred. "Ano? Bumili ka na ba ng basag na mangkok? Ready ka na bang magpalimos kasama ang Mommy mo? Alam mo bang halos hindi na umaalis si Adam sa tabi ng tatay mo? Hindi kita pinipilit na dumiskarte, pero kailangan mong maghanda. Narinig ko rin na nakipagkita ang tusong iyon kay West kanina."
Napahilot si Amber ng sentido niya. "Hindi mo lang alam kung gaano kahirap kausap ang lalaking ‘yon."
"Kung hindi mo kaya, matuto kang manlamang."
"Diyos ko, masyado kang maraming binabasang romance novel, Mommy. Tumanda ka na. Sa tingin mo ba, matutulungan ako ng landi para makuha ang mana?"
Saglit na natahimik si Mildred. "Hmm. Tama ka. Hindi realistic ‘yan. Pero bakit hindi ka na lang magbantay? Kung magising si tatay mo at ikaw ang unang makita, baka lumambot ang puso niya at magbigay ng verbal will."
Napaisip si Amber. Mas madaling makipag-usap sa buhay kaysa magbantay ng mamamatay. Isip niya.
"Pupuntahan ko si West."
-
Suot ang isang baseball cap, dumating si Amber sa high-end golf course sa Milchester.
Habang naglalaro, walang kahirap-hirap na natamaan ni West ang bola, perpektong postura, malakas, walang bahid ng alinlangan.
Habang nanonood, sumimangot si Chito. "May bali-balitang may relasyon ka raw kay Amber?"
Naghandang tumira si West. "Ano’ng ibig mong sabihin sa ‘relasyon’?"
Tumingin ito nang makahulugan. "Ibig kong sabihin, ginawa mo na ang lahat ng dapat at hindi dapat gawin."
Sanay na sila sa ganitong usapan. Alam ni Chito na hindi magsasalita nang direkta si West.
"Bakit si Amber pa?" aniya. "Napakayabang ng babaeng ‘yan. Maghihirap ka lang."
Hindi natinag si West. Tumira ito ulit. "Walang nakakahiya sa pag-amin na may kakayahan ang isang babae."
Nagtaas ng kilay si Chito. "Oo nga, pero gamitin naman sana niya nang tama ang kakayahan niya—"
"Sabi ng isang sikat na magsasabi, ‘Ang mga taong naninira sa likuran ng iba, mabubulok ang ari nila.’"
Biglang may kung sinong nagsalita at sumali sa usapan nila.
Paglingon ni Chito, nakita niya si Amber, nakatayo sa likuran nila, nakapamulsa, at may nakakalokong ngiti.
"Sigurado ka bang totoo ‘yun? Sino naman may sabi?"
“Si Aristotle.” Tumaas ang kilay ni Amber. "Ayaw mong maniwala? Tanungin mo siya sa kabilang buhay."
Natawa si Chito habang si Amber naman ay lumapit kay West.
"Hindi ko akalaing kaya mong kilalanin ang talento ko, Mr. Lancaster."
Ngumiti si West. "Pareho lang ‘yan ng talento ng aso namin."
Nanlaki ang mata ni Amber. "Ano?!"
Tawang-tawa naman si Chito. "Si Bruno, aso ni West. HAHAHAHA!"
Pinagpag niya ang buhok at ngumisi. "Ang tigas ng bibig mo, Boss West. Mas matigas pa sa t*ti mo."
Chito: "Putang—!"
Nanlaki ang mata niya. Tama ba ang narinig niya?
Pinagmasdan niya si Amber. Isang sikat na artista, bihasa sa imahe at diskarte. Pero ngayon, diretsong bastos.
"Ayaw mo ba ng matigas na bibig, Miss Hua?"
Kumindat si Amber. "Mas gusto ko ang matigas na t*ti kaysa matigas na dila."
Bumagsak ang golf club ni West.
Sa isang iglap, hinila niya si Amber, pinasandal sa pader, at bumulong sa tenga niya. "Ulitin mo ‘yon."
Inosente naman siyang tinanong ni Amber. "Anong sinabi ko?"
“Amber…”
"Hmm?"
Dahan-dahang gumapang ang kamay niya pababa.
"Huwag mo akong subukan."
Pero ngumiti lang si Amber. "Bakit? Natatakot ka?"
Habang pinapakinggan ni Amber ang masasamang salita ni Chito, napairap siya. “Mr. Rossi, sa IQ mong ‘yan, kung kaya pa ng pamilya niyo, mas mabuti sigurong mag-anak ulit sila.”
“Put—”
“Lumayas ka.”
Bago pa matapos ni Chito ang pagmumura, isang sabi lang mula kay West at naputol siya.
Biglang lumipat ang kamay ni West sa baywang ni Amber, madiin ang kapit na para bang gusto siyang ipitin hanggang mamatay. “Sa tingin mo ba matutulungan pa kitang manalo sa kaso mo pagkatapos nito?”
Nagkibit-balikat si Amber. “Sinusubukan ko naman, ‘di ba? Kung hindi mo gusto ‘tong paraan na ‘to, Lawyer West, pwede akong maghanap ng iba.”
Bahagyang napasingkit si West. “Anong iba? Ano, gusto mong may mangyari ulit sa’tin, Miss Harrington? Ganyan ka na ba kasabik sa’kin?”
Sa marangyang katahimikan ng villa ni Amber, halos hindi gumagalaw ang oras. Madilim ang silid, tanging ilang malalamlam na ilaw sa sulok ang kumikislap sa mapuputing pader, parang mga alingawngaw na hindi matahimik. Nakaupo si Blake sa isang malambot na upuang nakaharap sa salamin, hawak ang kanyang telepono habang panaka-nakang sumisilip sa babaeng nakahilata sa sofa. Si Amber, na natatakpan ang mga mata ng malamig na eye mask, ay parang inubos ang lahat ng kanyang luha buong maghapon.Hindi pa rin humuhupa ang tensyon sa paligid. Ang init ng mga nangyari kanina ay nananatili sa hangin, kumakapit sa bawat sulok ng silid. Bukas pa rin ang comment section ng live broadcast ni Amber at walang tigil ang pagbulwak ng mga opinyon, paratang, at intriga mula sa mga manonood. Minsan ay hindi napigilan ni Blake ang mapangiti habang binabasa ang mga komento.Tuloy-tuloy sa pag-scroll si Blake, tila ba naghahanap ng kasagutan sa sariling tanong. Ano nga kaya ang nasa isip ni Nicolas habang nan
Pamilyar na pamilyar na ang presensya ni Amber Harrington sa presinto. Para bang bahagi na siya ng araw-araw na gulo, isang mukhang hindi na kinakailangang ipakilala. Sa dami ng beses na siya'y nasangkot sa mga eskandalong kinasasangkutan ng mga sikat at may pangalan, halos naging routine na sa mga opisyal ang pagtanggap sa kanya. Subalit sa likod ng kanyang matatag at magarang panlabas, alam ng lahat na hindi niya sinasadyang lumikha ng ingay. Sadyang ganito ang mundo kung saan siya kabilang, isang mundong puno ng kamera, tsismis, at kasinungalingan na binabalot ng ilaw at palakpakan.Ngunit ngayong gabi, hindi si Amber lamang ang sanhi ng kaguluhan.Nakatayo si Nathan sa gitna ng silid, basang-basa at halos hubad, parang bagong ligo sa ulan pero walang kahit anong kasariwaan sa kanyang hitsura. Sa tabi niya, si Amber ay waring bumangon mula sa isang trahedya, ang kanyang buhok ay nakalugay at basa, ang kanyang suot ay parang kinaladkad sa baha, at ang kanyang titig ay tila hindi angk
Punung-puno ng ingay ang loob ng ballroom, parang dagat na sumisigaw at umaalon. Pero sa gitna ng ingay, sa mismong sentro ng bulwagan, isang salita lang ang bumulusok na parang kidlat sa katahimikan ng mga tao.“Putangina.”Kasunod ang halakhakan. Tila ba isang kabataan ang sumigaw, nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa gitna ng kaguluhan.“Ang astig ni Amber!”“Walang awa kapag nagkakalmutan na. Walang habag.”“Sandali lang… 'Di ba si West 'yun?”Tumigil ang mundo ni Nathan. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha, parang piniga ng kapalaran at itinapon sa harap ng lahat. Nakapako siya sa kinatatayuan, parang estatwa ng kahihiyan, habang ang mga bulung-bulungan ay unti-unting lumalakas. Ramdam niya ang tibok ng puso sa kanyang tainga, bumibilis, parang tambol na nagpapahayag ng panganib. Hindi na niya kailangang lumingon. Alam na niyang pinagtatawanan siya. Nilulunod siya ng mga matang sabik sa iskandalo.Ginagawang palabas ni Amber ang kanyang pagkasira—at ginagawa niya ito nang may s
Ang hangin sa tabing-dagat ay malamig, ngunit hindi iyon sapat upang pawiin ang init ng tensyon na bumabalot sa paligid. Sa gitna ng umpukan, bumulwak ang isang tinig, malamig, matalim, at puno ng galit.“Charlene, saan ka na naman gumapang ngayon?” Malinaw at buo ang boses ng babae, tila kutsilyong dumadaplís sa balat. “Talagang wala kang hiya. At ngayon, nagpapaawa ka pa? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na kung paano mo ako dinuraan at tinapakan noon, literal. Ngayon, kunwari ka pang inosente. Noon, sobrang landi mo. Nakabuyangyang ka pa sa harap ng camera. Napanood ko ‘yon, buong-buo. ‘Yan ba ang balak mong ipamana sa anak mo?”Parang apoy na pinandiligan ng gasolina ang reaksyon ng mga tao. Mula sa mga bulong at ungol, naging lantaran ang mga reaksiyon. Napuno ng ingay ang paligid, bawat isa’y nag-aabang sa susunod na mangyayari.Ngunit hindi pa tapos ang babae. “At sasabihin mong ako ang masama? Ang tapang mong umakto, pero ngayon takot kang mapag-usapan? Kung sa sinaunang pana
“Hindi ko akalaing mahilig si Miss Harrington sa mga balita tungkol sa ekonomiya,” ani West, malamig ang tono nito habang panakaw na sinulyapan si Amber mula sa kanyang kinauupuan sa loob ng sasakyan.Ikinuyom ni Amber ang isang hibla ng buhok sa daliri at tumikhim, halos nakangisi. “Gusto ko lang namang mas maintindihan si Attorney Lancaster.”Kalmado ang ngiti sa kanyang labi ngunit malinaw ang intensyon sa kanyang salita. Hindi siya hangal. Hindi dapat nag-aaksaya ng panahon ang isang babae sa lalaking hindi niya pa lubusang kilala. Lalo na kung sakaling ang lalaking ito ay walang-wala pala. Nakakatawang trahedya iyon.Pero sa kaibuturan ng kanyang isipan, alam niyang hindi ganoon si West. Ang lalaking ito, kaya ang kahit anong uri ng buhay, maliban na lamang sa pagiging miserable.Hindi na sumagot si West. Bahagyang sumikip ang kanyang mga mata at may bahagyang kurbang nabuo sa kanyang labi, isang mapait na ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. Hindi siya naniwala sa palusot ni
Napatitig lamang si Amber kay West, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Parang may umalingawngaw na tanong sa kanyang isipan; seryoso ba talaga ito? Sa dami ng pwede niyang maramdaman sa sandaling iyon, hindi niya alam kung alin ang uunahin. Gusto niyang matawa dahil parang biro lang ang lahat. Ngunit may parte rin sa kanya na gustong manuntok dahil hindi niya maintindihan kung anong larong pinasok ni West, at kung bakit pakiramdam niya ay unti-unti siyang hinihigop nito sa isang mundong puno ng tukso.“Sigurado akong nasisiraan ka na ng bait,” mariing sambit ni Amber, kasabay ng pagyuko upang damputin ang kanyang bra. Hindi na siya tumingin pa kay West. Sa halip, buong determinasyon siyang nag-ayos ng sarili, handang umalis, handang limutin ang kakaibang tensyon na unti-unting namumuo sa pagitan nila.Ngunit bago pa siya makalakad palayo, mabilis na inabot ni West ang kanyang pulso. Mahigpit, ngunit hindi marahas. Parang sinasabi ng kanyang pagkakahawak na hindi pa tapos ang usapa