Halos sumakit ang aking batok dahil sa dami at tambak na papeles ang inayos namin ni Kim, yes nagpatulong ako sa kanya dahil hindi ko talaga kaya yung tapusin. May ilan pang natira at mas pinili ni Kim ang iuwi yun sa kanyang bahay at doon na rin niya ito tatapusin na ipinag pasalamat ko naman. Saktong alas-singko ng makauwi sa bahay. Naabutan ko ang kambal na nasa sala habang bukas ang TV ngunit silang dalawa ay may ginagawa sa kanilang papel.“What’s that?” Sabi ko ng makapasok ako sa ng salas. “A Family.” Sagot ni Lucia. “This me and Lucia, this is mommy and daddy.” Napangiti ako sa sinabi naman ni Lucas. Hinalikan ko sila sa kanilang noo at hinalikan din sa kanilang pisngi. “Ang ganda naman, gusto niyo ba na i pa-print ko yan ng mas malaki at lagyan ng frame?” Tanong ko sa kambal. Nagkatinginan ang mga ito at sabay na ngumiti.“That’s great.” Komento ni Lucia. “Doon natin siya i-pwesto mommy.” Turo ni Lucas sa ibabaw ng TV.“Good idea.” Sambit ko at ginulo ng bahagya ang kan
Masyado akong nagpadala at nagpadalos-dalos. Nauunawaan ko na si Luke. Mas lalong hinigpitan ni Luke ang pagkakahawak sa kamay ko at bahagya niya akong nilingon bago ngumiti. Naging kalmado na siya, kalmado dahil nailayo niya kami sa kapahamakan. Ang makita ang mga mata ni Lucas na may takot mula sa kinikilala kung ama ay masakit para sa akin. Dinala ko sila sa panganib. Hindi ko man lang napansin yun sa bawat ikinikilos ni Lucas at ako naman ay nagpatangay lamang sa agos ng pangungulila, pangungulila sa isang ama.Tahimik kaming nakarating sa bahay. Inasikaso muna namin ang kambal na nakatulog na at habang buhat ko si Lucia ay hindi maiwasan ang mangilid ang luha. Nasasaktan ako. Hindi ko maipaliwanag ang sakit pero deserve ko ito.Mas nasasaktan ako dahil naranasan ito ng kambal at hindi ko man lang inintindi ang nararamdaman ni Luke. Nang maibaba namin ang kambal sa kanilang kama ay napansin ko na wala pang balak umalis doon sa si Luke kaya nagpasya akong maglakad palabas ng kw
“How’s your feeling?” I asked. Kakagising lang niya at halata ang panghihina ng buo niyang katawan. Maputla ang kanyang mga labi at bahagyang ngangatal. “Tubig.” Mahina niyang sabi kaya agad naman ako kumuha ng tubig sa pitsel na nasa mesa malapit sa gilid ng kama. Inalalayan ko siya na maka upo bago pinainom ng tubig. Nilagyan ko ng unan ang kanyang likudan upang suporta sa kanyang pag upo.“Na-nasaan ang kambal?” Nagkatinginan kami ni Luke sa kanyang naging tanong. “Nasa salas, naglalaro sila.” Sagot ko sa kanya. “Sorry sa abala Elle.” Ngumiti ako ng bahagya at umiling. “Hindi ka nakakaabala, mabuti nga at dito mo naisipan pumunta.” Mahinahon ko na sagot. “Nag-schooling na sila di’ba?” Tumango ako sa kanya. “Huwag na muna. Take them Luke.” Ngayon ay nakatingin na si Sashalyn kay Luke. “Sa malayo, malayong-malayo.” Nahihirapan na sabi niya at bahagya na inubo. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang likod. “Magpahinga kana muna, kapag malakas kana tsaka mo na lang sabihin
Isang linggo ang lumipas, hindi umalis si Trina sa tabi ng kanyang kapatid at siya na ang nagasikaso dito.Nakakaupo at nakakalakad pa naman si Sashalyn ngunit kailangan na niya ng suporta. Nakaupo siya ngayon sa wheel chair at nagpapa-araw dito sa may hardin.“Kailan niyo planong umalis?” Tanong niya. “Bukas, aalis tayo.” Nakangiti ko na sabi at hinawakan siya sa kanyang kamay. “Hahanapin ako ni Salve.” Mahina nabulong niya.“Hindi ka niya makukuha sa amin.” Napalingon ako kay Trina. May dala itong plato na naglalaman ng prutas. “Kainin mo ito, umaasa ako na lalakas ka pa din at gagaling.” Ngumiti ng bahagya si Sashalyn. “Salamat.”Pinagmasdan ko ang kambal na nakadapa sa damuhan habang hawak ang kanilang mga laruan. Noong araw na mangyari ang pinaka-ayaw ko ay wala akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon kay Luke.Iniisip ko, masaba ba kaming magulang para hayaan ang mga bata na matuto ng ganong bagay sa mura na edad?Iniisip ko rin naman na para lang sa kanila upang kaya nilang de
LUKE’S POINT OF VIEW“Mukang malala na ang sakit ni Salve, sa katandaan niya ay hindi pa rin niya maisipan ang tumigil sa mga masasama na gawain at gusto talaga na masira ang buhay ng kapatid niya.” Napaangat ako ng tingin kay Marie.Kararating lang niya at ang walang preno niyang bibig ang sumalubong sa akin. “Any news?” I asked her. “Alam niya na balak niyong umalis mamaya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman but I think mayroong spy sa loob ng iyong bahay.” Natigilan ako sa kanyang sinabi.Inisip kung mabuti kung sino angmga kaharap ng mga panahon na sinabi ko ang pag-alis namin. Elle, Trina, Sashalyn.“Wala akong maisip na may pwede pang gumawa noon.” Sagot ko. “How about Harold, Sashalyn, Trina? Alam mo naman na sila ay connected kay Salve.” Napapikit ako ng mariin. “How about the Island in Cebu? Alam rin ba ni Salve?” Tanong ko at tumango naman siya ng bahagya. Ilang minuto pa ay nag ring ang aking cellphone, ng sagutin ko yun ay ang humahangos na si Angela ang umimik sa k
Isang araw.Isang araw ang lumipas, nakakatayo na ako at bahagya na nakakalakad. Si Sashalyn ay nasa kanya na ulit silid, nagpapagaling.“Kamusta ka?” Nilingon ko si Trina.“Medyo ayos na.” Sagot ko at humigop ng kape. “Siya kamusta?” pagtukoy ko kay Sashalyn.“Mas ayos na rin at nakakatayo na rin siya. How I wish na sana wala siyang cancer at magpatuloy ang kanyang paglakas.” Napangiti ako sa kanyang sinabi. “Ngunit nakakaawa lang kasi hindi na nakakakita ang isa niyang ma.” Mapait akong napangiti sa sunod niyang sinabi. Sa dami ng nangyari minsan naiisipan ko ang sumuko pero sa kabila noon napapagtanto na hindi dapat sumuko dahil hindi lang ako mas nahihirapan sa pag subok na aming kinakahirap, kasi anong karapatan ko ang basta na lang sumuko kung merong tao na mas mahirap ang pinagdadaanan kesa akin.Isa na halimbawa doon ay si Sashalyn. Naalala ko pa yung mga araw na, masama ang tingin ko sa kanya. Hindi man ang panlabas niya ngunit ang ugali niya. Ang panlalait at pagiisip ko ng
KINABUKASAN ay maaga akong nagising, tulog pa rin si Luke kaya bumangon na ako at naghilamos sa banyo. Nagpalit na rin ako ng damit pambahay at bumaba. Naabutan ko si Nanny Josefa na nagluluto sa kusina. “Ang aga mo naman ata magising.” Sabi ng matanda sa akin.“Hindi na po kasi ako makatulog kaya bumangon na ako.” Saad ko pa. Napatingin ako sa kamay ni Nanny Josefa habang nakalawit doon ang susi. “Sabi ni Luke ay gusto mo buksan ang bodega kaya iyan ang susi.” Napangiti ako sa sinabi ni Nanny Josefa. “Pero bago moo buksan ang bodega, kumain ka muna para may laman ang tiyan mo at hindi kana maabala sa gagawin mo.” Tumango ako sa muli niyang sinabi. Ikinuha niya ako ng plato at kutsara bago sinandukan ng kanin at pang ulam. Magana akong kumain at ng matapos ako ay nagtungo muna ako sa kwarto ng kambal.Mahimbing pa rin silang natutulog, nakakumot ang mga ito dahil sa lamig ng aircon kaya hininaan ko yun bago nagpasya na lumabas ng kwarto nila. Naabutan ko naman sa may salas si Trin
I wipe the dust at hinipan pa ang iba na nakadikit sa mamahalin na bag na mga pinadala ni Tita Elizabeth noong mga panahon na kakasimula pa lang ng buhay mag-asawa namin ni Luke. Ilang araw na rin akong walang balita dito at kahit si Anna ay hindi na din masyadong pumupunta sa bahay. Hindi ko naman maiwasan ang mag-alala that’s why I took my phone from the side table and dialed her number. After two rang she answered it ngunit maingay ang naririnig ko sa kabilang linya hanggang sa mamatay ang tawag at hindi ko man lang narinig ang kahit kaunti na boses ni Anna. I also texted her kung nasaan siya ngunit halos kalahating oras na ang dumaan ay wala naman akong natanggap na reply sa kanya. “Hi mom.” Bati sa akin ni Lucas, may hawak siyang iPad at ang mga mata nito ay nakatuon sa akin. “Hello baby.” Balik na bati ko sa kanya and he smiled softly. Naupo ako ng bahagya at pinantayan si Lucas. “Where’s your sister?” I asked him. “She’s in Nanny Josefa’s room.” He answered kaya tumango