Share

LAB— 4

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2024-02-02 17:53:59

Nagpa-wax na lang ako at body scrub, para hindi masayang ang paglabas ko. Pagkatapos ay naisipan kong tumingin ng mga magandang night gown sa mall.

May mga nanghuhusgang tingin ang ilan sa mga sales staff, pero pinili ko na lang na huwag pansinin.

Kailangan ko ng night gown. Sanay na ako sa tshirt at short kapag natutulog pero ngayon dapat masanay na ako sa mga proper night dress dahil magkakaroon na ako ng asawa.

Dalawa lang ang nabili ko dahil nahirapan akong pumili. Siguro o-order na lang ako online. Mas madaming choices doon para sa isang plus size na kagaya ko. Before the wedding ay made-deliver na din siguro iyon.

Nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang naramdaman pagkirot ng aking pang-ibaba dahil sa wax, kaya pinili kong umuwi na.

Wala pa din si Cora pagdating ko. Nakakapanibago na hindi siya umuwi kagabi. May boyfriend na kaya siya? O baka may lalake na siyang natitipuhan. Hindi naman niya gawain iyong hindi uuwi. Alam niyang mag-aalala ang kaniyang Nanay sa kaniya.

Nag-cold compress ako upang mabawasan ang discomfort na nararamdaman ko. Nag-text din ulit ako kay Jacob but still he didn't replied.

Sana magkita-kita din kami bago ang kasal namin, upang makapag-usap at makapagkilanlan. Gusto kong malaman ang ilan sa mga gusto niya, paborito niya lalo na sa pagkain at sa kulay ng mga damit. I stopped stalking him since I graduated. Naging busy na ako at bukod doon, natanggap ko ng hindi niya ako kailangan magugustuhan. That time he's in a serious relationship. Hindi basta-basta ang babae. Kaso nabalitaan ko na lang na nagkahiwalay na sila. His ex went abroad and soon after napabalita na kinasal na ito sa isang sikat na businessman.

Hindi mo talaga masasabi ang takbo ng buhay. Hindi man ako kagandahan, pero pinapangako ko na magiging mabuti akong asawa. Aalagaan ko siya ng mabuti at pagsisilbihan.

After two days umuwi din si Cora.

"Sorry na." Niyayakap-yakap ako nito dahil nagtatampo ako sa kaniya. Hindi siya nag-reply sa mga text ko, kaya nagtatampo ako.

"Saan ka ba galing? May boyfriend ka na ba?"

"Wala akong boyfriend." Ngumisi ito ngunit napaiwas ng tingin nang mariin ko siyang tingnan. Dahil mababa ang kaniyang suot na blouse nasisilip ko ang pulang marka sa kaniyang dibdib.

Ako na lang ang napaiwas ng tingin dahil sa biglang naisip ko. Wala naman siguro siyang boyfriend. Kasi sasabihin niya iyon sa akin kung mayroon man. Normal lang naman sa kaniya ang mamula ang balat dahil maputi siya.

"Magpapahinga na muna ako, ha. Napagod ako sa biyahe." Hinayaan ko na lang din siya. Lumabas din muna ako dahil magkikita kami ngayon ng Mommy ni Jacob.

May text na si Jacob sabi niya ay bukas pa daw siya makakabalik. Magkita daw kami bukas ng gabi.

"Okay, hubby." Gusto ko pa sanang dagdagan ng I miss you ang sasabihin ko pero hindi na lang. Nahiya ako bigla. Fiance ko siya pero naiilang ako dahil hindi naman kami dumaan sa pagiging boyfriend-girlfriend.

Pumili kami ng design ng cake ng aking magiging byenan. This time ay iyong design na gusto ko ang nasunod. Hinayaan ako ni Mommy.

"Mag-tea muna tayo, hija," aya niya nang matapos na kami. May lakad pa sana ako pero c-in-ancel ko na lang dahil may mga gusto akong malaman sa mommy ng magiging asawa ko.

"Huwag kang maiilang sa akin, okay? Ituring mo na akong isang ina." Wala akong ina na kinalakihan. Lahat ng maids namin ay tinuring ko ng ina, sila ang tumayong parang Nanay ko, kaya masaya ako na mabait sa akin at anak na din ang turing sa akin ng Mommy ni Jacob.

______

"Papunta na ako sa restaurant." Nag-send ako ng message kay Jacob around four thirty pm.

"Nandito na ako." Message ko mga quarter to six. Wala pa ding reply si Jacob.

Lumapit ako sa receptionist. Sa loob na ako maghihintay. May reservation naman si Jacob.

"Ma'am, o-order na po kayo?" Pangatlong balik na ng waiter dito, pero wala pa din si Jacob.

Sinilip ko ang phone ko bago ako um-order sa waiter. Salad at wine. Iyon lang muna. Hindi ko naman ito kakainin o iinumin. Hihintayin ko si Jacob. Masakit na ang puwet ko at nangangalay na ang liked at mga paa ko sa pagkakaupo. Dalawang oras na ako dito.

Alas-otso nang sa wakas ay dumating din siya.

"I'm sorry, galing ako ng Manila."

Ngumiti siya sa akin at ang pagod at pagkainip ko kanina ay agad nawala.

"Ayos lang," nakangiti kong sabi.

Lumapit ang waiter at binigay sa amin ang menu. Um-order ulit ako. Hindi heavy meal kahit na nagutom na ako sa paghihintay. Kailangan kong mag-diet at hindi puwedeng makita ni Jacob na masiba ako, baka ma-turn off pa.

Halos ako lang ang nagsasalita. Si Jacob ay sumasagot lang sa tanong ko. Tinatanong ko ang mga gusto niyang pagkain. Ano ang ayaw niya at kung ano-ano pa.

"Black and white," sagot niyang sa paborito niyang kulay.

"Ako red... At black din," sagot ko. Black kasi nakakapayat daw iyon. Hindi siya sumagot. Nakatingin siya sa kaniyang phone. May nag-text.

"Favorite dessert?"

"Ayaw ko ng sweets." Nahiya tuloy ako. Body and health conscious talaga siya. Kitang-kita naman sa kaniyang katawan, na alagang-alaga.

Okay, hindi na din ako magsi-sweets. Dark chocolate na lang kapag nag-crave ng chocolate.

Natapos ang aming dinner. Umuwi siya sa kaniyang bahay at ako ay umuwi na din sa bahay. May dala siyang kotse tapos ako naman ay may kasamang driver. Dapat pala sana hindi na lang ako nagpa-drive para nag-offer siya na ihatid ako.

Nang makauwi ako ay naka-recieve ako ng text mula kay Jacob.

"Just got home, love."

Namula ang pisngi ko sa kilig. Love? Iyon na ba ang magiging tawagan namin? Hindi na hubby at wifey?

Agad akong nag-reply.

"Okay, Love. Goodnight po."

Hindi na siya nag-reply, kaya tinabi ko na ang aking celphone.

Dahil masaya ako, maaga akong gumising upang mag-jogging. Jogging na naging walking dahil masyadong mabigat ang aking katawan. Hingal na hingal ako pero kailangang kayanin ko 'to.

Pawis na pawis ako, pero I feel good.

Umakyat ako sa aking silid upang mag-hot bath. Tapos bumaba din ako upang saluhan sa breakfast ang daddy.

"Maagang umalis, Ma'am."

Gano'n?

"Sige po, hindi na lang po ako kakain. Sayang ang na-burn kong fats kanina."

Lumabas ako at hinanap si Cora. Nakita ko siya sa may garden. May kausap siya sa celphone.

"Ikaw talaga, Love. I miss you."

Nang makita niya ako ay kinawayan niya ako at nagpaalam na sa kaniyang kausap.

"May boyfriend ka na?"

"Loka, wala. Si Lovelyn iyon. Iyong kaklase natin nang elementary."

"Iyong mataba din?"

"Yes. Siya nga!"

"Akala ko naman may boyfriend ka na hindi mo lang sinasabi sa akin."

"Kapag meron, ikaw ang unang makakaalam."

"Promise mo iyan, huh?"

"Oo."

"Sige. Mag-boyfriend ka na para hindi ka malungkot kapag kinasal na ako. Hindi na tayo oras-oras magkikita."

"Kaya nga, e. Naiinggit tuloy ako." Nangalumbaba siya.

Tumawa naman ako. "Sino'ng mag-aakala na ako pala ang unang ikakasal sa atin."

Tipid siyang ngumiti. "Kaya nga, e."

"Akala ko nga ikaw ang mauunang mag-aasawa sa atin dahil ikaw ang maganda sa atin."

Umangat ang dulo ng kabilang labi niya. "Mas mayaman ka, e."

"Huh? Ano'ng connect?" Tumawa siya. "Wala. Sabi ko, we never know what lies ahead."

Matamis siyang ngumiti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
ang traydor nmn ni Corss betrayal nga
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love and Betrayal    SPECIAL CHAPTER.

    One year later..."Kumusta ang mga babies ko?" Nadatnan ko sina Zion, Pearl at Saphire na naglalaro sa garden. Dito sila naglalakad-lakad kapag ganitong oras. Paggising nila, gusto na nilang lumabas agad. Sobrang kulit at likot na nilang tatlo. Tumatalbog ang mamula-mulang pisngi ng tatlong babies na nag-uunahan na lumapit sa akin. Miss na miss ako ng mga anak ko. Natatawa naman akong naghintay sa kanila na makalapit. Gustong-gusto ko na silang mayakap pero hinayaan ko silang lumapit sa akin. Nauna si Zion na makalapit sa akin. Si Pearl naman ay ilang hakbang pa ang layo sa akin. Samantalang si Sapphire naman ay sinadyang dumapa at umiyak. Siya ang artista sa mga triplets. Masyado siyang madrama. Natatawa namang lumapit sa kaniya si Ziyad. Kauuwi lang din niya galing trabaho. "Don't cry, Daddy is here." Syempre, Daddy to the rescue na naman. Hindi niya matiis na umiiyak ang kaniyang anak. Hinalikan niya ito pero umiiyak pa din si Saphire. Gusto niyang siya ang mauna sa akin. Bin

  • Love and Betrayal    SPECIAL CHAPTER

    Nagkatitigan kami ni Ziyad. Alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa din kami natutulog. Pinagtutulungan naming alagaan ang triplets. Masama ang pakiramdam ni Mommy kaya pinatulog na muna namin siya. Kailangan niya ng pahinga.Kahit walang maayos na tulog gabi-gabi, masaya kaming mag-asawa. Ang tatlong munting anghel namin na mga iyakin ang nagiging source ng lakas at kaligayahan namin sa araw-araw. Tulog na si Zion. Siya ang pinakamabait sa kanilang tatlo. At siya din ang kamukhang-kamukha ng kaniyang Daddy. Ang dalawang babae naman ay hati sa mukha namin. Kamukha sila ng aming mga ina. Hati ang mukha nila. Gising pa sila. Nagpapakarga habang nakatitig sa aming mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Pearl at agad naman niyang hinawakan ang aking daliri. "Hindi ka pa inaantok?" malambing kong tanong sa kaniya. Kinakausap ko kahit na hindi pa naman siya nakakaintindi at hindi pa nakakapagsalita. She's just two months old. "Inaantok ka na?" masuyo naman na tanong ni Ziyad sa aking tab

  • Love and Betrayal    EPILOGUE

    ZIYAD Wala naman akong ibang intensiyon sa pagkupkop sa kaniya sa resthouse namin noon sa Romblon, pero nang magising siya at malaman ko na wala siyang maalala, doon pumasok sa utak ko ang idea na magpanggap na asawa niya. Kahit ngayon lang, kahit sandali lang at kahit kunwari lang. Sinamantala ko ang pagkakataon. Nakakaramdam ako ng guilt pero mas lamang iyong saya na kasama ko siya. Nalalapitan at nahahawakan ko siya. Nasasabi ko sa kaniya na mahal ko siya at kahit alam kong kunwari lang, masaya ako kapag naririnig ko ang paglalambing niya sa akin. Alam ko namang sandali lang lahat ng ito. May nagmamay-ari sa kaniya, may asawa siya at lalong may iba ng laman ang puso niya pero naging selfish ako. Hindi ko siya kayang ibalik, lalo pa at kakaiba ang nararamdaman ko sa pagsabog ng yacht few weeks after her Dad's death. Paano kung hindi natural ang cause of death niya, kung hindi pinatay din siya. Wala man lang naghanap sa kaniya. After few weeks nag-assume na agad sila na patay na

  • Love and Betrayal    LAB— 66

    "Mataba! Pangit! Walang Mommy!" Binu-bully na naman nila si Precious Real. Tiningnan ko ang pinsan ko at nakuha naman niya agad ang gusto ko. Inutusan niya ang mga kaibigan niya na sawayin ang mga babae na nanlalait at nanunukso kay Precious. "Balyena!""Elepante!""Hoy, ano'ng ginagawa niyo? Huh?! Makalait kayo, ah." Lumapit na ang mga kaibigan ng pinsan ko. "Bakit, totoo naman na mataba siya, ah.""Oh, ano ngayon? Madami silang pambili ng pagkain, e! Mayaman sila! Eh, kayo ba mayaman ba kayo? Eh, nagtatrabaho lang naman ang mama mo sa factory ng mga Smirnova, ah! Ah, poor!"Ngayon nabaliktad na ang sitwasyon. Sila naman ang na-bully. Walang kasama si Precious ngayon. Hindi niya kasama ang kaibigan niya na si Cora. Anak ng kanilang maid. How did I know this? I did some research. Grade two pa lang kami nang napapansin ko na siya. Hindi pa siya ganoon kataba noon, pero ngayon na grade five na kami, tumaba siya lalo. Pero wala naman akong makita na masama kung mataba man siya. She'

  • Love and Betrayal    LAB— 65

    Simpleng kasal lang naman ang plano namin, pero hindi simpleng kasalan ang nangyari. Our wedding was held in Chateau de Chantilly. This venue holds only few weddings a year and I feel so lucky and thankful that my first wedding was held here. Mayayakap ko talaga ng mahigpit ang Mommy ni Ziyad mamaya. Nagsimula na akong magmartsa. At hindi ako mag-isa na maglalakad sa aisle na mayroong nagkalat na mga pale pink at puting mg flower petals. Ihahatid ako ng Daddy ni Ziyad sa altar. Siya mismo ang nag-offer sa akin kagabi. Emosyonal ako ngayon, dahil bukod sa wala na akong mga magulang at kamag-anak na saksi sa pagpapakasal ko, sobrang saya din ng puso ko. Dahil pagkatapos ng pinagdaanan ko at pagkatapos ng sakripisyo na ginawa ni Ziyad, here we are today, ready to commit to each other until death do us part. "My dearest, Ziyad. We've come a long way until we found our way back in each others arms. As I set foot here at the City of Love, I already made a promise to love you and serve y

  • Love and Betrayal    LAB— 64

    "Why are you looking at me like that?" nagtataka ngunit may ngiti sa labi na tanong ni Ziyad. I giggled. "Nagkuwentuhan kami ng Mommy mo kanina. Pinakita niya sa akin iyong mga photo album mo. Pati iyong mga pictures ko mula elementary." Ngumuso ako. Nag-iinit pa ang pisngi ko dahil sa kilig. Mahina naman siyang tumawa. Binitawan niya saglit ang kaniyang celphone upang ituon ang buong atensyon sa akin. "Did you hire a private investigator? Kahit nang umalis ka na ng bansa, may mga kuha ka pa din kasi na mga pictures ko.""Yeah. Iyong scholar namin."Sumimangot ako. "Kawawa naman. Ginawa mo pang stalker ko.""Bayad naman siya. I'm sending him money monthly, in exchange for the pictures."Iiling-iling kong hinaplos ang guwapo niyang mukha. "Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Napapatanong ako kung bakit ako? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit ako?""Kasi naniniwala ako na nakatadhana talaga tayo sa isa't isa. Kaya hindi ako tumigil na mahalin ka kahit sa mga panahon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status