Share

Chapter 155

Author: Middle Child
last update Huling Na-update: 2025-07-10 22:11:08

Hanggang nasa loob sila ng ospital, alam ni Edward na hindi sila ligtas. Hindi mula sa mga doktor, hindi mula sa sakit—kundi mula sa mga taong walang puso, at mas mabangis pa sa kahit anong banta. Si Miraflor, si Caleb… at ang sistemang kayang baluktutin ang katotohanan sa ngalan ng "legalidad."

Habang tulog si Hannah at nakaupo si Renzelle sa tabi ng kama, lumabas si Edward ng silid para tawagan ang abogado niya.

“Boss?” sagot agad sa kabilang linya.

“May kailangan tayong ihanda. Nag-file ng custody evaluation si Caleb. May bitbit siyang medical records ni Hannah, at ginagamit nila ‘yon para kwestyunin ang kakayahan niyang maging ina.”

“Legal ‘yan, oo. Pero kung basehan ay mental state—kailangan nating ipakita na stable at functioning si Hannah bilang ina. Kailangang may therapist na pabor sa atin.”

“Hanapan mo ako agad,” mariing sagot ni Edward. “At habang andiyan ka na, gusto ko ring malaman kung paano nakakuha ng medical file si Caleb. Confidential dapat ‘yon. Kung may nilabag sil
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rubina Faustino
very good Eduard gawin m lahat para wag matagumpay ang mga walanghiyang yon
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 167

    “Anong ginagawa mo rito?” mariing tanong ni Renzelle, ramdam ang pamumuo ng tensyon sa paligid. “Paano mo nalaman kung nasaan kami? At anong totoo ang sinasabi mo?”Tila hirap magsalita si Leona, ngunit nagpursigi. “Hindi ako andito para manira. Hindi rin ako andito para magkunwari. May mga bagay kang hindi alam, Renzelle. Si Caleb… hindi lang basta gusto si Hope. Gagamitin niya ang bata para saktan si Hannah. Para makuha ang mga dokumentong iniwan ni Edward—yung mga ebidensya laban sa kompanyang hinawakan nila dati.”Kumunot ang noo ni Renzelle. “Anong konek ni Hope sa mga dokumento?”“Hindi si Hope ang habol nila, kundi si Hannah. Pero alam ni Caleb na hindi basta-basta lalabas si Hannah sa ospital o sa bahay niyo kung walang dahilan. Kaya’t ginagamit niyang dahilan ang ‘paternal rights’ kuno para makalapit. Ang totoo, may inutusan siyang tao na peke ang pagkatao—isang social worker—na magpepresenta ng court order para makuha si Hope.”Nanlamig ang batok ni Renzelle. “Imposible. Hin

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 166

    Hindi makapaniwala si Renzelle, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Edward."Totoo bang nagpadala ka ng mga bodyguard dito?" bungad niya sa lalaki."Oo, para na rin sa kaligtasan ng mag ina. May banta mula sa kampo nina Caleb na kukunin nila si Hope," tugon ni Edward. "Pero, wag mo na lang ipaalam kay Hannah, ayokong mag alala ang asawa ko. Makakasama sa kanya yun.""Hindi na talaga tumigil ang lalaking yun!" inis na sabi ni Renzelle, "ano pa bang habol niya!""Pinag uusapan pa namin ngayon ng mga lawywer ko.""Pinag-uusapan pa namin ngayon ng mga lawyer ko," seryosong dagdag ni Edward. "May posibilidad na maghain sila ng petition para sa custody. Gusto nilang palabasin na si Caleb ang ama ni Hope."Napasinghap si Renzelle, halos mabitawan ang cellphone sa narinig. "Anong—anong sinabi mo? Custody? Si Caleb? Pero... paano nila nagawang umabot sa ganito?""May hawak silang mga pekeng dokumento, Renzelle. Pinapakita raw na si Caleb ang ama, na si Hannah ay hindi fit

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 165

    Tahimik na tumango si Hannah, pero bago pumikit ay humawak muna siya sa kamay ni Renzelle. “Salamat talaga. Sa lahat. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi mo ako sinabayan ngayong mga panahong ‘to.”Ngumiti si Renzelle at dahan-dahang pinisil ang kamay ni Hannah. “Gano’n talaga ang magkaibigan. Walang iwanan. At kahit anong mangyari, hindi kita pababayaan.”Iniwan niya sa pagkakahiga si Hannah at marahang lumabas ng silid. Habang tinatahak ang maikling pasilyo patungo sa nursery room, dama niya ang kakaibang katahimikan—hindi malungkot, kundi mapayapa. Sa wakas, parang unti-unti na siyang nakakahinga. Unti-unti na ring gumagaan ang bigat sa dibdib na matagal na niyang kinikimkim.Pagdating niya sa silid, natanaw niya agad si Hope sa loob ng incubator—maliit, mahina pa ang katawan, pero may tibok na matatag, at may hiningang nagpapatuloy sa laban. Napangiti siya, sabay idikit ang palad sa salamin.“Hello, baby,” mahina niyang bulong. “Alam mo ba, ako ang ninang Renzelle mo.

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 164

    "Pero--" parang nag aalinlangan si Hannah, "yung totoo, ayaw mo na bang balikan ang asawa mo? I mean.. ano bang balak mo sa relasyon niyong dalawa?""Marami pa siyang kailangang iaccomplish sa buhay ng hindi ako kasama.. matuto siya sa mga bagay bagay at malaman niyang hindi lahat ng nais niya ay makukuha niya." nakangiting sagot ni Renzelle. "Ayokong sumabay sa kanya, nais kong tumahak siya ng landas na hindi ako kasama, baka sakaling matagpuan niya ang tunay kong halaga."“Ang totoo,” dagdag pa ni Renzelle habang bahagyang tinutok ang tingin sa kisame, “mahal ko pa rin siya… Hindi basta mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nag iisa siyang lalaki sa buhay ko.. pero hindi sapat ‘yung pagmamahal lang. Hindi na ako puwedeng bumalik sa cycle na ako lang ang laging sumusubok. Kailangang matutunan niya na ang tunay na pagmamahal, hindi inaasahan—pinaglalaban, pero hindi pinipilit. Naniniwala kasi ako na ang pagmamahal, kapag totoo, kahit ano pa ang dumating, kahit ano pa ang kaharapin, hi

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 163

    "Nagkabalikan na kayo?" gulat na tanong ni Hannah.“Hindi naman… pero nakapag-usap na kami tungkol sa lahat.”Napakunot-noo si Hannah, sabay upo ng mas maayos sa kama. “As in, lahat-lahat? Closure?”Tumango si Renzelle, sabay buntong-hininga. “Oo. Yung totoo, hindi ko alam kung closure ba talaga ‘yon o kung parte pa rin ng puso ko ang umaasang baka... alam mo na. Pero nung nakita ko siya, naramdaman ko rin na tapos na talaga kami. Wala nang hinanakit, wala nang tanong. Lahat ng sakit, parang nabura nang marinig ko ‘yung paghingi niya ng tawad. At higit sa lahat—napatawad ko na siya. Parang iyon na lang naman ang nakakapagpabigat ng aking damdamin, kaya ibinigay ko na lang sa kanya.”Tahimik si Hannah. Saglit itong nag-isip bago ngumiti. “Ang bigat nun, Renzelle. Pero ang tapang mo. Hindi lahat kaya ‘yan. Yung humarap sa taong minsang bumasag sa’yo, at piliin pa ring ipikit ang mata para sa kapayapaan. Naging matatag ka na sa paglipas ng panahon, nakakaproud ka..”“Hindi madaling pilii

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 162

    Sa loob ng sasakyan, habang binabaybay ni Renzelle ang kalsada papuntang ospital, marahang tumutugtog sa radyo ang isang pamilyar na awitin—isa sa mga paborito nilang pinakikinggan ni Hannah noong mga panahong parehong magulo ang kanilang mga mundo. Napangiti siya. Minsan pala, kahit gaano kagulo ang paligid, may musika pa ring nagbibigay ng kapayapaan.Pagdating sa ospital, agad siyang sinalubong ng isang nurse.“Ma’am Renzelle, nasa garden po si Ma'am Hannah. Nagpapahangin daw habang hinihintay kayo,” nakangiting sabi nito.Tumango si Renzelle. “Salamat po.”Sa likod ng ospital ay may maliit na hardin—simple, pero sapat na para makalanghap ng sariwang hangin ang mga pasyente. Doon niya nakita si Hannah, nakaupo sa isang bench, tangan ang maliit na stuffed toy na bigay ni Edward noong nakaraang buwan. Tahimik ito, pero mapayapa ang ekspresyon sa mukha.“Hannah,” tawag niya habang papalapit.Sabay na lumingon ang mag asawang Edward at Hannah. Nakangiti ang mga ito sa kanya."Ipapasok

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status