Share

Chapter 32

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-19 14:53:26

Napangiti si Caleb, ngunit halatang hindi niya inaasahan ang sagot ni Hannah. Nagdadalawang-isip siyang inumin ang tubig na iniaabot niya.

"Huwag ka namang ganyan," pilit na ngiti ng lalaki. "Tutulungan mo ako pero wala kang tiwala sa akin?"

Hindi sumagot si Hannah. Sa halip, mataman niyang tinitigan si Caleb, sinusuri ang bawat kilos nito. Alam niyang may binabalak ito, at hindi siya maaaring maging pabaya.

"Sige," sabi ni Caleb sa wakas, pilit na iniiwas ang tingin ni Hannah. Ininom niya ang kalahati ng tubig, ngunit kitang-kita ni Hannah kung paanong hindi nito nilulunok ang inumin at agad itong idinura sa kanyang panyo nang palihim.

Muntik nang mapangisi si Hannah. Kaya tama nga ang hinala niya. May inilagay si Caleb sa tubig. Sa kabilang linya, narinig niya si Carl na may kasamang paghanga sa boses.

'Matalino ka talaga, Miss Hannah.'

Mabilis niyang hinawi ang buhok niya, waring hindi nag-aalala. "Salamat sa tubig, Caleb. Pero aalis na ako."

"Hannah, sandali naman—"

Tumayo siya at
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
hala otorrr..wag mong ipapahamak c hannah lagot ka k Ninong Edward nya..haha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 211

    PAGKARATING NI Edward, agad niyang nalaman ang nangyari..Hindi siya makapaniwala, si Hannah, hindi na kinaya ang lahat, naipasok na itong muli sa ICU."Ilang oras na kaming tumatawag sayo.." sabi ni Renzelle. "Naitakas ni Leona si Hope.."Napakuyom ang mga kamao ni Edward habang nakatitig sa salamin ng ICU. Mula sa labas, tanaw niya si Hannah—pale, walang malay, at tila muling binabalikan ang impyerno na matagal na sana nilang nilisan.“Leona…” bulong niya sa sarili, nanginginig sa galit. “Bakit si Hope pa? Anong kasalanan ng anak ko sa’yo?”Nilapitan siya ni Josh. “Edward, kailangan nating kumilos. Hindi lang ito basta galit o selos—si Leona, delikado siya. At kung totoo ang mga recordings na pinadala ni Rico, may koneksyon pa rin siya kay Caleb. Ginagamit niya ang galit ni Caleb para sirain si Hannah.”Napailing si Edward, pigil ang pag-iyak. “Hindi ako makapaniwala… pinapasok natin siya sa buhay natin. Pinayagan ko pa siyang alagaan si Hope. Akala ko, talagang nagbabago siya.”"Ga

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 210

    "Si LeonaBermudez! siya ang Madam X na tumutulong kay Caleb! Nais niyang magpatayan sina Caleb at Hannah, para malinis ang kanyang kamay. Ngayon, pumalpak si Caleb, at hindi pa rin niya alam, na si Leona si Madam X na tumutulong sa kanya para makuha si Hannah. Nais ni Leonang patayin ang mag ina!"Napasinghap si Renzelle. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata niya habang hawak pa rin ang cellphone, nanginginig ang mga daliri."Ano?!" halos pasigaw niyang sabi. “Imposible. Si Leona? Siya ang... Madam X?”Tumango si Josh, na kitang-kita rin ang pagkagulat. “Renzelle, totoo ba 'yan? ‘Di ba nagkakaayos na sila ni Hannah?”"Oo nga! Araw-araw siyang nandoon, tinutulungan si Hannah, inaalagaan si Hope—paanong siya?!" Halos hindi makapaniwala si Renzelle. Ngunit sa puso niya, may biglang gumuhit na duda."May ipinadala akong file," sabi ni Rico sa kabilang linya. "Voice recording, screenshots ng chat nila ni Caleb—lahat. Si Leona ang utak ng lahat. Lahat ng kilos ni

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 209

    ..Nagkatinginan sina Edward at Hannah, sabay ngiti.“Ginusto na rin siguro ng Diyos na magkahiwa-hiwalay tayo noon,” sabi ni Hannah. “Para mahanap ko kung sino talaga ang dapat kong piliin—hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa anak ko.”Napayuko si Leona, ngunit may ngiting sumilay sa kanyang labi. “Siguro nga. At ngayon, gusto kong ayusin kahit konti man lang sa mga pagkukulang ko. Ayokong may mangyaring masama kay Hope… o sa inyo.”"Salamat sayo.."Nanatili doon si Leona ng matagal na oras, bago nito naalala si Renzelle."Nasaan si Renzelle?""Umuuwi siya kapag araw, sa gabi siya bumabalik. Nagkabalikan na kasi sila ni Josh."Oh, tingnan mo nga naman ang pagkakataon, buti naman at nagkabalikan na sila."Marami pa silang napagkwentuhan, hanggang naisipan ng magpaalam ni Leona."Aalis na ako.. babalik ako upang madalaw kayong muli.." nakangiting sabi nito.LUMIPAS ang araw, laging naroroon si Leona. Tumutulong ito pag aalaga kay Hope sa araw, habang sa gabi naman ay si Renzelle

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 208

    SA OSPITAL – LOOB NG KWARTO NINA HANNAH AT EDWARD..Katatapos lang suyuin ni Edward si baby Hope sa kanyang bisig, habang si Hannah naman ay maingat na inaayos ang kumot ng bata sa crib. Tahimik ang paligid, para bang isang sandaling pahinga sa gulo ng mga nakaraang araw.Naputol ang katahimikan nang bumukas ang pinto.“Leona?” gulat na gulat ang boses ni Hannah.Pumasok si Leona, may kasamang kaba at pagmamadali sa kilos. Agad siyang lumapit sa kanila at walang pag-aalinlangang niyakap si Hannah ng mahigpit.Hindi nakakilos si Hannah, labis ang kanyang pagkabigla. Ang alam niya, galit sa kanya ang babae, bakit siya niyakap nito ngayon?"Kumusta naman kayo dito?" tanong ni Leona, sabay tingin kay baby Hope. May ngiti sa kanyang mukha—pero saglit lang iyon bago ito napalitan ng galit. “Napakawalanghiya talaga ng Caleb na ‘yan!”Napatingin sina Edward at Hannah sa isa’t isa, bahagyang nabigla sa bigat ng sinabi."Nagtago rin ako dahil sa kanya," patuloy ni Leona habang iniikot ang panin

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 207

    “Tonta!! Walang utang na loob!!” sigaw ni Caleb habang sunod-sunod ang hampas ng sinturon sa nakaluhod na si Joel, duguan na ang labi, namamaga ang mata, at nanginginig ang buong katawan. Bawat palo ay may kasamang mura, bawat sipa ay may halong pagkabaliw—hindi lang sa pagkabigo, kundi sa pakiramdam ng pagkakanulo ng taong ilang taon niyang pinakain, tinuluyan, at pinagkatiwalaan.Malaki ang tiwala niya sa taong ito, iyon pala, isa ito sa susuwag sa kanya!“Dahil sa’yo! Dahil sa’yo kaya bigo ang plano ko! Nakahanda na ang lahat! Konting segundo na lang sana, Joel!” nanginginig sa galit si Caleb habang itinulak pa ng mas malakas ang lalaki.Si Berto at Elong, na kapwa nasa kulungan matapos mahuli, at ngayon ay hindi na makakalaya dahil sa kanilang pag amin. Mas nanaisin pa nilang makulong kaysa bumalik kay Caleb. Mas ligtas sila sa loob.“Boss... tama na...” mahinang sabi ni Bon, ang isa pa niyang tauhan.Napalingon si Caleb, nanlilisik ang mga mata. “Ano ‘yon?! Sinasabi mong dapat ko

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 206

    Sa ospital, habang nagpapahinga sina Hannah at Edward sa loob ng suite, biglang pumasok ang isa sa mga night nurse.“Ma’am, Sir… may bagong dalang team daw po mula sa emergency medical services. Galing daw sila sa central. Iche-check lang daw po ang mga bata sa nursery.”Napakunot ang noo ni Edward.“Hindi kami na-inform tungkol diyan. May scheduled rounds si Dr. Grace bukas pa ng umaga.”Napatingin din si Hannah. “Paki-verify nga po ulit. Ayokong may basta-basta lang papasok sa nursery lalo’t may mga bantang natatanggap kami kamakailan.”Tumango ang nurse at agad lumabas. Mabilis siyang lumapit sa head nurse at sinabi ang naging usapan. Agad nagka-alert level sa buong ospital. Tinawagan nila ang pulis na naka-assign sa night shift, at siniguradong may nakaabang sa bawat exit.Makalipas ang ilang minuto, dumating nga sina Berto at ang kasamahan niya, kapwa bihis na paramedic, may dalang stretcher at injection kit. Pasimpleng pinakita ang forged ID at sinabing may “emergency immunizati

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status