“Hey girls, girls, may chicka ako,” wika ni Soffy na ngayon ay kararating lang sa cafeteria.
“Oh ano na naman?” walang ganang tanong ni Klea sa kaniya.
“It’s about sir Sim.” Wala rin sana akong ganang makinig sa tsismis niyang dala ngunit nang banggitin niya si Simoun ay nagbigay ako ng atensyon.
“Oh ano namang nakalap mong impormasyon?” tanong ulit ni Klea. Sa aming magbabarkada, si Soffy itong malakas makakuha ng balita.
“Ano kasi, pumunta ako sa condo ni ate kahapon. Nandoon din pala sa building na ‘yon ‘yong unit ni sir Simoun,” panimula niya sa kuwento.
“Tapos?”
“Tapos, nakita ko siyang may kasamang babae papasok sa condo niya.” Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyan ni Soffy. Pumunta ako sa condo ni Simoun kahapon, nagkasabay kaming sumakay ng elevator kaya sabay kaming pumasok sa condo niya. “Iyong buhok parang… kay Bea.” Kinabahan ako agad nang banggitin niya ang aking pangalan. “Blonde na straight.”
“Normal lang naman sigurong magkaroon siya ng girlfriend è ‘no? Nasa tamang edad naman si sir Simoun. ‘Yong iba nga kasal na sa edad na ‘yan,” wika naman ni Klea.
“Hindi. Ganito kasi ‘yan. Nagtatrabaho ate ko sa companyang pagmamay-ari ng pamilya ni sir Sim at sabi niya, engage na daw ‘yan si sir at nasa New York ‘yong fiancè niya,” pagpapatuloy ni Soffy sa kaniyang kuwento.
“So you’re saying that sir Sim might have an affair? Gano’n?” tanong ni Klea.
“Correct.”
“Baka umuwi ‘yong fiancè niya.”
“Nope. That can’t be. Hindi daw blonde ‘yong buhok ng fiancè ni sir. At wala nga raw dito sa Pilipinas.”
“Baka umuwi tapos nagpakulay ng buhok.”
“Hindi nga. Hindi nga daw iyon ‘yong finacè ni sir sabi ni ate.”
Nagtatalo sina Soffy at Klea habang ako, natahimik dito sa gilid.
“Tsk. Impormasyon mo talaga Soffy, walang siguradong source.”
“Aba bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo maniwala.”
Tahimik ako dahil may iniisip ako. Sa totoo lang wala akong alam sa buhay ni Simoun. Hindi naman kasi siya nagkukuwento. Tatlong buwan na kaming ganito pero ni minsan, hindi man lang kami nag-uusap tungkol sa buhay ng isat isa.
“Ah sandali lang guys ah.” Nagpaalam ako bigla sa kanila.
Sa kasamaang palad, nakatagpo ko sa daan si Simoun. Nagkatinginan kami saglit ngunit dumiretso lang ako at hindi siya pinansin. Napunta ako sa dulong bahagi ng hallway. Dito wala masyadong estudyante dahil hindi na ginagamit ang mga silid malapit dito. May notification ang cellphone ko kaya tinignan ko ito. Si dad, nag text.
“Come home later.”
May text din si mom.
“Baby, uwi ka ng bahay mamaya. Magluluto ako ng paborito mo.”
Napangiti ako ng bahagya. Si mommy tagala, ginagawa pa rin akong bata kahit second year college na ako. Sa bagay, ako lang din naman nag-iisang anak nila kaya ganoon sila ka sweet sa akin.
Nag reply ako sa kanila bago ipinasok ulit ‘yong cellphone ko sa bulsa.
Nandito ako sa third floor kaya dumungaw ako sa ground. Nandoon naglalaro ang mga soccer players ng school. Isa na sa kanila si Khalil. Crush ko talaga siya dati kaya no’ng nanligaw siya, hindi ko na pinatagal at sinagot ko agad.
Pero nang malaman kong dalawa pala kaming babae niya, bumitaw ako agad at hindi na nagparamdam sa kaniya. Pumasok na rin sa buhay ko si Simoun. Limang buwan naging kami ni Khalil pero nang mag break kami, hindi ako nagluksa. Hindi ko lubos naramdaman ang sakit ng pagtataksil niya sa akin.
Wala rin naman sa kaniya ang atensyon ko, lahat ay napunta yata kay Simoun.
Pagkatapos ng klase dumiretso ako sa bahay. Hindi nag text si Simoun sa akin. Siguro hindi niya naman ako aasahang pumunta sa condo niya dahil pumunta ako kahapon. Nitong mga nakaraan din ay napadalas pagpunta ko sa kaniya.
“Mom, dad, nandito na po ako,” sigaw ko nang makapasok sa main door.
Nadatnan ko si dad sa sala nakaupo habang nagtitipa sa cellphone. “Hi dad.” Nagmano muna ako sa kaniya. “Nasaan po si mommy?”
“Nasa kusina nagluluto,” sagot no dad.
Inilagay ko muna sa couch ‘yong bag ko bago pumunta sa kusina. “Hi mom,” bati ko kay mommy. Lumingon siya sa akin bitbit ang sandok.
“Oh tamang-tama, luto na paborito mo.” Nagmano rin ako kay mommy bago ko tinignan ang niluluto niya.
“Woah adobo.” Bata palang ako, paboritong paborito ko na ang adobong manok.
“Oh siya baby, tawagin mo na dad mo, ihahanda ko na itong pagkain,” utos ni mommy.
“Mom, hindi na nga ako baby è,” complain ko.
Tumawa naman si mommy. “Ikaw pa rin baby ko, anak.” Nag pout ako. Tinawag ko nalang si dad.
Nagsimula na kaming kumain nang makita ko ang saging sa mesa. Kumuha ako ng tatlo. “Hindi pa ‘yan hinog, anak,” wika ni dad. Kinagat ko ‘yong isa dahil naghahanap ng saging ang sikmura ko.
“Hinog naman dad ah,” ani ko. Mabilis kong naubos iyong isa kaya binalatan ko na naman iyong isa pa.
“Talaga?” Kumuha rin si daddy ng isa at kinain iyon pero iniluwa niya agad. “Anong hinog? Ang pait.” Pinupunasan ni dad ng table napkin iyong dila niya pagkatapos ay uminom ng tubig.
Tumigil muna ako sa pagkagat ng saging at tumingin kay dad. Nakatingin sila ni mommy sa akin na parang nagtataka. Bumalik ulit ako sa pagkagat pero hindi ko naman nalasahan iyong pait. “Hindi naman po mapait ah.”
Nagpatuloy ako sa pagkain. Bumalik na lamang din sa pagkain sina mommy at daddy at hindi na ako pinansin. Pagkatapos kumain, tumambay kaming tatlo sa sala.
“Kamusta pag-aaral anak?” tanong ni dad habang nasa screen ng kaniyang cellphone ang kaniyang atensyon.
“Okay lang naman po.” Nakayakap ako ngayon kay mommy habang naglalaro siya sa kaniyang cellphone.
“You’re not dating right?” pahabol na tanong ni dad.
Hindi ako nakasagot agad. “Hindi na po dad.”
“Good.” Pagkatapos kasi ni Khalil, pinagbawalan nila akong mag boyfriend ulit. Alam naman kasi nila ang lahat tungkol sa amin ni Khalil. Sinabi ko dahil ayaw kong magkaroon ng sekreto. Kaya nga hindi ko alam kung kaninong espirito ang sumanib sa akin simula nang makilala ko si Simoun.
Sa totoo lang, sa tuwing tinatanong ako ni dad kung may boyfriend ba ako, na g-guilty ako kapag sumasagot ako ng wala. Wala nga akong boyfriend pero may nakakatalik akong lalaki. Ang masama ngayon ay naging professor ko pa. Plus that fiancè thing.
“Anyway nak, pupunta kaming Cebu ng mommy mo sa susunod na araw,” wika ni dad.
“Hmm? Ano pong gagawin niyo doon?”
“Inimbitahan daddy mo na mag seminar sa mga estudyante sa isang law school. Mga three days siguro.” Si mom naman ang sumagot.
Tumango lamang ako. “Pero bukas nandito pa rin kayo?”
“Nandito pa, bakit?” sagot at tanong ni mommy.
“Wala lang po. Uuwi din po ako bukas dito.” Yumakap pa ako ng mahigpit kay mommy. Simula bata, nakasanayan ko na yumakap palagi kay mommy. Gusto ko kasi iyong amoy niya.
_
“Remember ‘yong girl na sinabi ko sa inyong kasama ni sir Simoun?” biglang wika ni Soffy habang naglalakad kami sa hallway.
“Oh ano update?” tanong ni Klea.
“She’s not his fiancè talaga. Nasa New York nga ‘yong fiancè si sir,” dagdag niya pa. Huminto naman kami sa paglalakad. Itinuon namin ni Klea ang aming atensyon kay Soffy.
“So you’re really claiming that sir Simoun is having an affair?”
“Possible, Klea.”
“What if hindi niya talaga kabit ‘yong babae? Like pinsan, kaibigan or someone na close sa kaniya,” sabat ko sa usapan.
Lumingon naman si Soffy sa akin. “Pati ba naman ikaw Bea? Ayaw mo rin maniwala?”
“Pwede rin naman. Ikaw kasi Soffy, napaka maissue mo,” pag-sangayon ni Klea sa akin.
“Kung ayaw niyo maniwala, edi ‘wag.” Irap ni Soffy.
Sakto namang dumating si Christian. “Oh anong pinag-usapan niyo?”
“Huwag na. Hindi ka rin naman maniniwala.” At nag walk out si Soffy.
Nagtatanong na tumingin sa amin si Christian pero nagkibit-balikat lang kami ni Klea.
Bumabagabag na talaga sa aking isipan iyong impormasyon ni Soffy. Buong araw, iyan lamang ang aking iniisip. Minsan naisip ko na nga na itanong nalang kay Simoun kung ano ang totoo. Pero parang hindi ko naman siya magawang harapin. Parang naduduwag akong malaman ang totoo. Kung magkatotoo man na may fiancè na siya, nagmumukha akong tanga na nakikipagtalik sa kaniya. Iyan ang ayaw na ayaw kong harapin. Kaya hanggat kaya ko pang iwasan si Simoun, iiwasan ko muna.
Kinabukasan, gumising ako ng maaga upang maghanda para sa pagpasok. Naisip kong magluto lamang ng scrambled egg para agahan, ngunit nang maghiwa ako ng ahos, bigla akong dumuwal. Hindi ko na lamang iyon pinansin at tanging oatmeal lamang ang ginawang agahan.
Ngunit sa mga sumunod na araw, napadalas ang aking pagsduwal. Napansin ko din sa aking sarili na nananabik ako sa mga maaasim.
Nagduda ako sa kakaiba kong pakiramdam. Two months na rin kasi akong hindi dinadalawan. Kaya naman kahit kinakabahan, bumili ako ng pregnancy test.
Hindi ako nagkakamali. Buntis ako at iyan ang nagpaguho sa aking mundo.
Hot, sweet, and wild. That’s what comes up in my mind. Other than drinking, maybe we could use this wine into something else. Hinanda ko ang bote ng wine at nilagay ko ito sa bedside table. Katabi naman ng bote ang glass ni Simoun na may marami nang nakalagay. Ang glass ko naman ay bitbit ko habang nakaupo sa kama. Hinihintay ko nalang na lumabas siya sa banyo. Syempre, nakaposisyon na ako. Naka-angat ang ibabang bahagi ng suot ko upang makita ang aking hita. Hindi nagtagal, bumukas na ang pinto ng banyo at iniluwa si Simoun na naka bathrobe na kulay puti. Tinutuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya. Nang lingonin niya ako, agad akong ngumiti. “Cheers?” anyaya ko.Kumunot ang noo niya. “What are you doing?” Pinaglandas ng kaniyang titig ang aking katawan mula sa paa paangat sa aking ulo. “Umiinom.” Inangat ko ang aking baso na may lamang maraming wine at sumandal sa headboard ng kama. Uminom lang ako ng kaunti at ang ibang laman, dahan-dahan kong binuhos sa aking dibdib.
Natapos nang gamutin ni Simoun ang sugat ni Raphael. Nilalagyan na niya ito ngayon ng band aid.“It’s done,” saad niya nang matapos.“It doesn’t hurt tito,” matapang na wika ni Raphael.“Still next time, you have to be careful, okay?”Tumango ang bata. “Opo, tito.”“Very good.” Umayos ng tayo si Simoun.“’Yong parents niya, kailangan natin siyang ibalik,” ani ko.“Tumawag nalang tayo ng security at manatili muna rito,” suhestyon niya.I think, it’s way better. Kaysa maghanap rin kami, at maghanap rin ang kaniyang mga magulang. May chance na magkatagpo kami, ngunit may chance ring lalayo lang kami lalo.Tatawagan ko na sana ang security number ng place nang may babaeng biglang sumigaw.“Raphael, anak!” Tumatakbo ang babae papalapit sa aming gawi. Kasunod naman sa kaniya ang isang lalaki. “Mommy, daddy!” sigaw ni Raphael. Ang kaniyang tuta ay tumatahol ring sinalubong ang mag-asawa.“Anak, where have you been? Alalang-alala kami ng daddy mo sa’yo.” Nang makalapit, agad na yumakap ang
We went to church together, we pray, and light a candle for our son. We will visit him soon sa death anniversary na niya. Hindi pa pwede ngayong wala pang one year. Lumang paniniwala ‘yan ng mga nakakatanda na nasunod ko mula sa kanila ni lola. “Hindi ba tayo uuwi?” tanong ko nang mapansing ibang ruta ang tinahak ni Simoun. “Too early to go home. Saturday date muna tayo,” aniya. And he just made me draw a smile on my lips. The Simoun Hord that I know now is far away different from the Simoun I know four years ago. He was my professor, now he’s my boss. He was just my sex partner, now he’s my boyfriend. I only knew few of his life details before, now we’re fighting together in a battlefield. Time passes quickly. At hindi ko inasahang babalik pa rin ako sa piling niya ngayon.Pumunta kami sa isang highland park. Dito masarap maglakad-lakad dahil sa maganda ang view at malamig ang hangin. Naglalakad kaming magkahawak ang mga kamay. Maraming mga tao, kadalasan couple, may mga pamil
Yes, we’re now dating for real. And that’s what makes his fake father threaten him to be banned from the country again.I haven’t seen his father lately. Sabi rin naman ni Simoun, hindi niya ito madalas na nakikita. Marami raw itong pinagkaka-abalahan, maliban sa kompanya.He finally told me everything about his fake father and about his parents death. It wasn’t just an accident. It was planned.As for now, his fake father is building strong alliances with the criminal organizations and some powerful politicians. Nakuha na nga niya ang lahat na pag-aari ng kaniyang kapatid, gahaman pa rin siya sa kapangyarihan.Kaya nahihirapang gumalaw si Simoun upang kalabanin ang pekeng ama dahil sa malakas na koneksyon nito, both underground and in public. And as of now, he’s still under his fake father’s control.Good thing that his fake father not yet banned him, threat palang. Pero kung mangyari man, things will fuck up to the worst point.I’m not ready for that point, but it feels like Simoun
Perhaps it’s time to accept fate and move on from the past. He almost broke me, but it wasn’t his fault. Siya rin, he suffered a lot…more than what I have been.Perhaps it’s time to forgive him and start over again. I may not know what lies tomorrow ahead, but I wanna live today, and move on from yesterday. Nang magising ako, tulog pa si Simoun. Dahan-dahan akong bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto. Bumaba ako sa kusina upang maghanda ng agahan. I haven’t prepared breakfast for us simula nang tumira ako rito. Today will be my first day. Niluto ko lang ang kung anong pwedeng pang breakfast na nakita ko sa loob ng fridge. Pagkatapos kong magluto, hinanda ko na ang mga pagkain sa mesa. Nang matapos na akong maghanda. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “Perfect,” saad ko. Tumalikod ako upang lumabas ng kusina nang…“Ay langya!” gulat kong asal nang makita si Simoun na nakatayo sa may pintuan. “K-kailan kapa diyan?” Naka cross sa kaniyang dibdib ang kaniyang mga braso at nakahilig
“Simoun once become a university professor. She was his student,” wika ni Richmond na siyang sumurpresa kay Valeen. “W-what?” Pagtataka niya. She didn’t know such thing.“Nang tumigil siya sa pagdo-doctor, naging professor siya. That woman Beatrize happened to be his student,” kuwento ni Richmond. “I-ibig sabihin niyo po uncle, kilala niyo ang babaeng ‘yon?” Kilala lang ni Valeen si Beatrize bilang isa sa mga naging babae ni Simoun. Wala siyang alam sa ibang impormasyon tungkol sa dalawa. “Not that much. Her father is a lawyer and her mother is a small business owner. Just one of Simoun’s woman from before.” Iyan lamang ang alam ni Richmond na impormasyon tunglkol kay Beatrize.“And what is that professor and student thing, uncle?” pahabol na tanong ni Valeen.“He was her college professor, when we arranged Simoun’s marriage with the Lopez’s hier.” Valeen’s jaw dropped. “Nasa New York siguro ka nang mga panahong ‘yon,” dagdag ni Richmond. Valeen was once a nurse. Kasama niya sa